watch now

Author Topic: *street food*  (Read 75747 times)

$ale... seeker!

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #20 on: September 06, 2009, 01:17:23 pm »
^ thanks for reminding me, super fave ko yung scramble  ;) kaya lang wala akong ambilhan dito sa paranaque... ???

***isa pa palang nakalimutan ko yung pancakes na color yellow  ;D

silveronfire

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #21 on: September 06, 2009, 01:53:28 pm »
^i know sis, hirap nga makakita ng scramble nowadays, yung huling kain ko nyan, 2 months ago ata, hubby and i were driving around fairview tapos may nakita kme sa isang street na scramble vendor pinagkakaguluhan ng mga bata, what we did, hubby parked the car and bumili sha scramble para sa min! memories of childhood! katuwa  :D

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #22 on: September 06, 2009, 02:34:11 pm »
^ cholesterol chips talaga ha ;D natawa ako sa term mo sis

pwahaha! goodluck sa masakit na batok after eating cholesterol chips haha!

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #23 on: September 06, 2009, 02:35:15 pm »
ayy oo nga, kakamiss yung scramble! the last time na nakatikim ako nun siguro more than 5 years ago na.. :( sarap sarap pa naman!

jhez

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #24 on: September 06, 2009, 02:51:18 pm »
^waah... dating dati pa ko naghahanap nyan. nagpost pa nga ako dati kung pano gumawa ng scramble eh...

faves are:
-kwek kwek / tukneneng
-fishball/ squidball
-mangga with bagoong
-taho
-isaw

kaloka, ang sarap talaga ng street food kesa sa mga lumalabas sa mall... yumyum... kahit alam ko na magkakasakit ako sa dumi...  ::)

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #25 on: September 06, 2009, 02:56:19 pm »
^another street food item i forgot to add sa list ko! TAHO! love it! :)

its easy kasi to tell whether taho is clean or not, pag di formed yung curd, dirty yon, if its formed na parang gelatin, its clean, kaya safer than other street food, sa syrup and sago nalang nagkakatalo kung malinis ang preparation. :P who cares, everything has bacteria naman haha!
« Last Edit: September 06, 2009, 02:58:10 pm by babyjapnurse01 »

marssie

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #26 on: September 06, 2009, 03:20:35 pm »
^ay ako din.. bakit nga ba nakalimutan ko.. i super love TAHO :D  Tsaka pala binatog!

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #27 on: September 06, 2009, 03:25:31 pm »
^whats binatog sis? havent heard of it pero mukhang daming naglist na fave nila yan.

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #28 on: September 06, 2009, 03:44:20 pm »
^ I haven't tried binatog too.. pero alam ko corn na may coconut milk sya.. something like this :) basta nagtitinda nun naka-bike tapos may bell. LOL :)

I also like boiled corn, ice candy & yung ice buko na may mongo on top. Nakalimutan ko lagay sa list ko!

Pero basta street food, pinipili ko rin kung san ako bibili.. yung mukha namang clean. Nakakatakot din kasi magkasakit :)

$ale... seeker!

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #29 on: September 06, 2009, 10:06:59 pm »
^i know sis, hirap nga makakita ng scramble nowadays, yung huling kain ko nyan, 2 months ago ata, hubby and i were driving around fairview tapos may nakita kme sa isang street na scramble vendor pinagkakaguluhan ng mga bata, what we did, hubby parked the car and bumili sha scramble para sa min! memories of childhood! katuwa  :D

sis, sa fairview lang din ako huli nakakain ng scramble... nakabili kami ni hubby sa may school naman :)

Ail18

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #30 on: September 06, 2009, 10:51:35 pm »
thanks for reminding sis marssie yung binatog... sarap nun... inaabangan ko yun dati... ang dating sa amin nun eh bandang 3pm to 4:30pm...  ;)

purpleish

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #31 on: September 06, 2009, 11:06:47 pm »
wow hataw ang street food ah...madame den pala saten mga sis ang may gusto nito ;D


sis $ale... seeker! ...ako den sis favorite ko den yan Manga with Bagoong lalo na pag maanghang na matamis :D alala ko nun nung Grade School ako may naglalako nito sa labas ng school namen, sobrang hit samen yan nuon...minsan pag ayaw ko ng Manga, Singkamas naman ang nilalagyan ko ng bagoong

nung college naman ako may naglalako samen sa tambayan namen ng mais...parati kong binibili yung pinakamalaking baso na tig P20.00 gusto ko madame cheese and sugar sympre yung masabaw den para hindi dry pag kain ;)


sis babyjapnurse01 ...hehe..kaya ko ito naisipan para mawala muna saten ang kaartihan sa pagkain, mag pakatotoo muna tayo hehe ;D madame den pala saten ang love ang street food...

sis saan banda yung sinasabi mo sa Zapote-Cavite?intriga ako diyan ah...yung Chicken Skin naman na experience ko yan kainin sa Verdant sa LP, minsan inuulam pa namen yan ni hubby nun nung mag BF/GF pa lang kame...

ako den gusto ko den Taho :) nung bata pa ako pag narinig kuna yan sa umaga "TAHHHOOOO" ayun lalabas na ako at may dala2x na akong mug...gusto ko maraming arnibal na asukal at less sago...tingin ko namana ata saken ito ng daughter ko ngayon, ganyan den siya pag naririnig na namen si suki....


sis silveronfire ...oo nga scramble den...naging uso namen ito samen nung H.S. ako may ng titinda niyan sa tapat lang ng school namen, talagang kaabang abang pag uwian hehe...masarap den pag may powdered milk on top


sis marssie ...natikman kuna den binatog...once lang, pinatry saken ni hubby meron kasi sakanila ng iikot niyan...nakasakay sa bike tapos may lata sa likod ng bike niya...mais na may gata at niyog...ok den naman ang lasa

silverlilac

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #32 on: September 06, 2009, 11:30:05 pm »
gusto ko din pala yung adobong mani...somehow iba lasa ng tinitinda sa streets compared sa stalls inside malls (maybe the taste of pollution makes the street version so yummy? haha!). sarap ng street food, though karamihan ma-cholesterol nga. sabi nga ng isang friend ko - "cardiac delight"   ;D

purpleish

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #33 on: September 06, 2009, 11:51:34 pm »
^ sinabi mo pa sis :D dati nun minimum ko sa kainan sa isaw at least 15 sticks hehe...lalo na dito samen sa Cavite, dinarayo namen sa nuon sa Dasma yung street food sa gabi...as in lahat dun kinakainan namen dati ni hub...meron pa nga dun yung parang itim na maliit na nkatuhog sa stick, sinasawsaw sa toyo na matamis (kalimot kuna) ...sarap den dun yung lugaw nila na may itlog at mami :D

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #34 on: September 06, 2009, 11:52:26 pm »
^ you familiar with zapote kalinisan sis? yung intersection with Jollibee, Chowking, 7 11 and Mercury? facing the road to Molino, nasa left side yung stall, corner na corner mismo sa left side, andun na sila from 3pm onwards everyday, the best ang inihaw stuff! i swear by it, di nauubusan ng customers yun, pero mabilis sila, ang pagkakaalam ko 30-40 years na sila sa pwesto na yun, ayaw nila umalis kasi they believe swerte sa kanila yung lugar.

yung chicken skin, mas panalo yung nasa loob ng Times, malapit nalang sa Verdant, yellow kariton sha, promise, youll keep coming back for more pag natry mo yung chicken skin nila! :P

micci

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #35 on: September 07, 2009, 12:00:32 am »
haha..sali ako! :D

-banana q
-chi-bit
-kwek-kwek(question:same lang ba sila ng tokneneng? ???)
-isaw
-footlong sandwich

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #36 on: September 07, 2009, 12:02:26 am »
^ang alam ko may difference sa klase ng egg yung kwekkwek ang tokneneng, naexplain na sa tv minsan kaso wasnt paying that much attention then hehe! :P

babyjapnurse01

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #37 on: September 07, 2009, 12:05:27 am »
here na: hehe

Tokneneng - Quail Eggs
KwekKwek - Chicken Egg

Trivia: a quail egg has 3x more cholesterol than a chicken egg. choose kwekkwek then, healthier. hehe! :P
« Last Edit: September 07, 2009, 12:06:58 am by babyjapnurse01 »

Heatherette

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #38 on: September 07, 2009, 12:11:24 am »
May SCRAMBLE na store sa SM Annex! haha Di pa namin natatry pero yung binebenta nila yung binebenta sa street na scramble, malinis lang sila :)

Here are my favorites:
Isaw ng manok
Corn with cheese and margarine
Dirty ice cream
Binatog
Palitaw
Kamoteq and bananaq
Taho
Cotton candy with powdered milk

purpleish

  • Guest
Re: *street food*
« Reply #39 on: September 07, 2009, 12:15:31 am »
sis babyjapnurse01 ...okies sis mukhang na pipicture out kuna yung sinasabi mo...as in 3pm pa sila sis ng bebenta?mukhang gusto kong dayuhin yan ah hehe...kasi matagal na pala sila ng bebenta niyan..

yung chicken sa Times, ano yun sis hilera ppunta sa perpz?

tanong ko den yan eh buti nasagot mo sis :D so yung malaking itlog Kwek 2x pala yun...akala ko naman yung pugo yung kwek 2x, tokneneng pala...oo nga daw sabi ng ate ko mas mataas ang cholesterol ng pugo...nako yan pa naman ang trip na trip kong kainin nung college ako lalo na pag nasa bus (nagkakalat ako minsan hehe...bad!)...ang sarap kasi lalo na pag sinawsaw sa asin isang subuan lang hehe...

kaya nga siguro ito na nangyari saken boarder line ako sa cholesterol ang hirap, kasi naranasan ko mag palpitate ako ang bilis nakakatakot, tapos nag na-numb yung right arms ko...di pa nga ako nakakapag pa check up siguro nabawasan na den kasi wala na akong na eexperience na ganun at hindi na den ako ng tatake ng meds...

ok lang naman kumain niyan wag lang sosobra..eh ako kasi matigas ang ulo kaya ayun hehe...pag bumaba na, hirit lang ako kahit paisa 2x sa mga yan hehe....

 

Latest Stories

Load More Stories
Close