watch now

Author Topic: Siquijor-Dumaguete  (Read 127726 times)

gulaysk

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #520 on: May 17, 2013, 07:22:25 pm »
^^sis mrscolunga pareho din ba rate ni Irvin kay Joam? 1k din ba?

Naisip ko lang, hindi ko pa pala napaplano nang mabuti ang trip namin at sa May 30 na ang ali namin.

mrscolunga

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #521 on: May 18, 2013, 09:41:19 pm »
Yup 1k din. Mukhang uniform rate na nila yan.
Oo nga, sa mga seniors pala mahirap umakyat after cambughay falls. Tayong mga bata pa, kayang-kaya pa!  ;D

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #522 on: May 18, 2013, 11:06:23 pm »
^yes sabi ni kuya tata uniform na rate nila. para sa akin makatarungan na rin naman yang 1k sis kasi sobrang layo nong salagdoong. hehe nakakaidlip na nga ako sa byahe plus mahal na rin gasolina lalo pa sa island na iisa lang ang gasoline station. saka mababait mga tao don kaya tulong na rin natin sa mga locals kasi hindi naman everyday may guest sila na tino-tour ;)

gulaysk

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #523 on: May 22, 2013, 05:16:55 pm »
^nabasa ko nga rin na malalayo raw ang tourist spots sa Siquijor kaya sulit na rin sa 1k for the tour.

Btw, meron na bang nakasubok sa inyo magstay sa JJ's Cafe and Backpackers Village sa Siquijor? Seems to be a favorite among the foreigner backpackers. Nafeature din siya sa Lonely Planet. Malayo ba ito from Coco Grove? For the Siquijor accommodation, pinagpipilian namin ang JJ's or Coco Grove. Of course, totally different ang inooffer na amenities but that's ok.

Para sa Dumaguete naman we're choosing between GoHotel or Hotel Nicanor. Hotel Nicanor is smack right in the center (near Rizal Blvd, etc) pero mas tipid sa GoHotel. Para sa inyo which do you prefer between the two?

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #524 on: May 22, 2013, 06:03:00 pm »
^mas maganda location ng hotel nicanor, lakad2x lang sa ibang tourist spot & resto. maganda din naman sa gohotel since katabi mismo robinsons, pag nagutom or may bibilhin isang kembot lang. pero kung makakakuha kayo ng promo sa gohotels mas ok para tipid & trike na lang kayo papunta sa port or rizal blvd. ;)

tinanong ko yang jj's cafe sa friend ko na naka-based sa siquijor. hehe! di nya type ugali ng owner :-\ kaya hindi na ako nag-try mag-aya kumain don. halos lahat kasi ng mga resort owner kakilala ng friend ko dahil member sila ng rotary international :)

gulaysk

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #525 on: May 22, 2013, 06:10:24 pm »
^ay ganon! Haha. Nabasa ko lokal na may asawang foreigner na nagsettle sa Siquijor ang owners. Pero sa mga exchanges na nabasa ko (nagrereply kasi sila sa reviews sa kanila sa tripadvisor), medyo may attitude nga. Lol.

Ok sige, pag-isipan din namin kung alin sa Hotel Nicanor at GoHotel ang piliin namin. Maganda rin kasi yung tutumbling ka nalang, Rizal Blvd na e, no? : )

Yung mga trike ba sa Dumaguete hanggang anong oras bumibyahe? Kung sakali lang na mag GoHotel kami at gabihin sa pamamasyal.

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #526 on: May 22, 2013, 06:35:52 pm »
^oz yong friend ko & yong owner nyang jj oz rin pero hindi nya feel. super bait nong friend ko kaya sabi ko may something talaga don sa owner. :-\

kahit late na sis madami pa ring trike don kasi madaming bar & resto along rizal blvd. yong papunta pwede kayong sumakay ng trike sa harap ng robinson tapos pag pabalik kami ng gohotel ini-special na namin 50 :)

gulaysk

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #527 on: May 22, 2013, 08:27:27 pm »
Baka nga ais. Kasi parang arogante yung owner kung sumagot sa negative feedback sa kanila. Kung ganon, aba'y nakakaturn off naman magstay pa doon.

Good to know na marami pa ring trike kahit late na sa gabi. Super thanks sis rocky! :)

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #528 on: May 23, 2013, 09:34:19 am »
^try mo sis coral cay mas budget-friendly, don kami nag-celebrate ng new year's eve. mabait naman owner, yon nga lang hindi ko nakita beachfront since gabi kami lagi pumupunta don :)

mrscolunga

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #529 on: May 24, 2013, 05:12:07 pm »
maganda ang beach sa cocogrove. yung nga lang, pag low tide, may areas na puno ng sea grass kaya takot ako kasi baka may sea urchin. pero grabe, makakakita ka rin ng iba't -ibang klase ng star fish sa sea grass! yung blue, yung orange parang may chocolate kisses on top at mga parang may balahibo.

advice ko kung cocogrove kayo at gusto nyo makatipid for lunch, merienda  and dinner, lumabas kayo. tabi-tabi dun ang mga carinderia at sari-sari stores na may murang ulam. wag lang masyadong mag-expect. ordinary fried chicken, a cup of dinuguan, a cup of ginisang munggo...P20 per serving nung lunch.
Pero nung dinner , same place (i forgot the name pero a few steps away lang from cocogrove) a 1/4 barbecued/inasal chicken with rice=P65. Masarap! Di ko lang ma-gets kung bakit di ito offered pag lunch

tinapay

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #530 on: May 24, 2013, 07:05:59 pm »
may specific month ba na maalon ng bongga pag byahe from dumaguete to siquijor? is 3d2n enough for this trip? based sa initial readings ko, parang apo island, siquijor beach bumming and cliff diving lang gusto kong puntahan. hehe.  yung mga falls ba san yun? dapat 4 days?

gulaysk

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #531 on: May 24, 2013, 09:12:35 pm »
^^rocky, magkalapit lang ba ang Coral Cay at Coco Grove? Pwede kaya lakarin?

^mrscolunga thanks sa suggestion. Good thing you shared other food options sa Coco Grove. Nabasa ko nga sa blogs na medyo mahal sa resto nila. Sigurado, susubok talaga kami sa mga kainan sa gilid gilid ng mga resort. Laking tipid!


rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #532 on: May 24, 2013, 10:31:48 pm »
^sis hindi, saka parang madalang ang mga dumadaang trike sa siquijor. :-\

tina, pag hapon sis maalon ng bongga. hehe! mukhang kahit anong month maalon talaga don. kung sa siquijor lang pwede ng 3d2n pero kung gusto mo pang mamasyal sa dumaguete add ka ng 1 day, nandon yong mga falls pero bet ko lang pulang bato falls hindi ako nagandahan sa casaroro bukod sa more than 300 steps yong binaba ko, mas mahirap lalo nong paakyat na. :-\ sa siquijor uber ganda ng cambugahay falls ;)

mrscolunga

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #533 on: May 24, 2013, 11:54:59 pm »
swerte pala namin nung april, hindi maalon yung trip namin via ocean jet (10 am and 2pm) nasayang nga pagbili ko ng anti-byahilo tablets, di namin nagamit.
 baka pag summer hindi masyadong maalon. yung pinsan ko din, holy week (march 28) nagpunta, hindi naman daw maalon. or does it help na mas malaki ang ocean jet kesa dun sa ibang ferry?

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #534 on: May 25, 2013, 09:46:09 am »
^yes sis malaki kasi oceanjet kaya hindi nyo ramdam.;D unlike delta and jaylan express mas maliit kaya feel na feel mo alon :-\

gulaysk

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #535 on: May 25, 2013, 10:35:53 am »
Better pala to take OceanJet, kung ganon. Same price din ba ang fare?

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #536 on: May 25, 2013, 10:55:01 am »
^konti lang difference sis, delta 160 while oceanjet 200 :) di ko lang alam sched ng oceanjet and kung gaano katagal byahe. sa delta kasi almost 1 hour lang :)

gulaysk

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #537 on: May 29, 2013, 09:15:12 am »
^baka mag oceanjet nalang kami sis. Natatakot ako sa biyahilo! Hehe.

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #538 on: May 29, 2013, 09:21:27 am »
^check mo lang sched sis kasi mukhang super aga ;D

gulaysk

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #539 on: May 29, 2013, 09:23:15 am »
^ok, will do. Bukas na biyahe namin pa-Dumaguete! Balitaan ko kayo pagbalik. Super thanks sa lahat ng tips, girls!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close