watch now

Author Topic: Siquijor-Dumaguete  (Read 128062 times)

lakwatsa

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #240 on: May 16, 2011, 02:11:05 pm »
nag inquire ako kay vincent kung ano kasama dun sa city tour nya, di naman nya nasagot ng specific. sabi lang nya "lahat ng itinerary ng city tour including valencia. start sa dumaguete cathedral turn around dumaguete landmarks"

tapos tinanong ko kung ilang hrs aabutin at kung kasama ba casaroro, pulang bato at balinsasayao. sabi nya 5hrs daw at hindi daw kasama yun mga yun. ngeks e di ba asa valencia yun mga yun? :o

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #241 on: May 17, 2011, 06:32:31 am »
^sis, nasa valencia nga pero malayo pa rin malaki kasi ang valencia. nong galing akong casaroro kala ko malapit lang since nasa valencia na ako, pero mali pala. hehe!!! 45 minutes yong travel from casaroro to pulang bato. :)


lakwatsa

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #242 on: May 17, 2011, 10:57:06 am »
^ahhh i see. in that case, ano kaya yun kasama sa sinabi nyang valencia? hmmm... :o

mga sis, eto yun nasa listahan ko ng mga pupuntahan within dumaguete:

1. sidlakang negros showroom - dito ba ok bumili ng pasalubong? ano bang pasalubong ang pwede bilhin? hehe. ref magnet lang naiisip ko at saka yun sylvannas/sansrival sa sans rival sana.
2. Silliman University - pwede bang pumasok dito kahit hindi alumni? baka bawal ang tourist sa loob ng campus? if pwede pumasok, ano mga must-see sa loob? parang nabasa ko may museum daw?
3. rizal boulevard
4. st catherine of alexandria cathedral
5. dumaguete city belfry

ano pa ba namiss ko na pwedeng puntahan within dumaguete?

saka isa pang tanong, ano mas ok - Hotel Nicanor o C&L Bayview Inn (nabasa ko kakaopen lang nito nun Feb/Mar)?

jaded1025

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #243 on: May 17, 2011, 02:05:25 pm »
^ sis pwedeng pumasok ng siliman..maling campus pa nga napasukan namin at parang up na madami ang exit points.

sardonyx

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #244 on: May 17, 2011, 03:02:12 pm »
some pasalubongs that i miss:  sylvannas/sans rival, chicharon from valencia, budbod from tanjay (you can buy at the airport), baye2x from bayawan...
« Last Edit: May 17, 2011, 04:13:04 pm by sardonyx »

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #245 on: May 17, 2011, 03:29:02 pm »
1. sidlakang negros showroom - dito ba ok bumili ng pasalubong? ano bang pasalubong ang pwede bilhin? hehe. ref magnet lang naiisip ko at saka yun sylvannas/sansrival sa sans rival sana.

ref magnet din collection ko sis pero panget yong design, sayang lang punta ko don kasi sasadyain mo pa sya. wala din naman gaanong tinda yong sidlakan. :-\

2. Silliman University - pwede bang pumasok dito kahit hindi alumni? baka bawal ang tourist sa loob ng campus? if pwede pumasok, ano mga must-see sa loob? parang nabasa ko may museum daw?

maganda campus nila para kang nasa UP, iwan ka lang ng ID sa guard.
.

jaded1025

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #246 on: May 17, 2011, 03:39:55 pm »
^ kami sis di na nag-iwan dahil akala yata estudyante kami at maling gate napasukan namin at sa ibang gate kami lumabas.

lakwatsa

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #247 on: May 17, 2011, 05:05:34 pm »
ayos! hehe salamat mga sis. pwede naman pala pumasok. nag worry pa ko baka di kami papasukin hehe.

rocky, ganun ba sige di ko na isasama sa itinerary ko yun sidlakan. try ko na lang mag Robinson's baka may magnets din dun.

natanong ko na ulit si kuya vincent kung magkano pag kasama yun mga falls. 4k daw. aray ko po! :'(

ivyn

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #248 on: May 17, 2011, 05:33:52 pm »
try to go sa downtown nila yung parang palengke walking distance lang from siliman university, madami mga pasalubong dun, pati mga bags na yari sa materials na parang dahon, ang gaganda at super mura pa. the best ang joe's chicken inato ang sarap.

sardonyx

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #249 on: May 17, 2011, 09:33:26 pm »
^ handumanan sis along perdices street.  this is a souvenir shop.  lahat ay mga native products.

maganda sa sidlakang negros tourism village kasi dito nakadisplay ang mga local harvests and delicacies from their towns.  maganda for picture taking kasi may mga native booths for all towns and cities in the province. 

There's a stonecraft factory in Bacong called NOAH (Negros Oriental Arts and Heritage).  It is a great shopping place in Dumaguete for any stonecrafts.  it has also been exporting its products to other countries.

« Last Edit: May 18, 2011, 11:26:26 am by sardonyx »

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #250 on: May 17, 2011, 11:04:22 pm »
^^sis lakwatsa, bakit 4k? eh nakausap ko yan dati si kuya vincent ang sabi nya sa akin 2,500 valencia tour tapos tinawaran ko kasi nga ako lang mag-isa then naging 2k kotse gamit. ang mahal naman bigla ::)

lakwatsa

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #251 on: May 18, 2011, 08:56:13 am »
thank you sis ivyn and sardonyx. take note ko yun mga souvenir shops na nimention nyo :)

sis rocky, ewan ko nga e. nagulat nga ako. kasi sabi rin ni sis yikee 2k nga daw although di nila narent si kuya. e nun tinanong ko nung unang beses para maconfirm ko nga kung kasama ba yun casaroro, etc sa "including valencia" na binanggit nya e sagot nya di daw kasama casaroro at balinsasayao dun. at 5hrs daw yun city tour. tapos eto nga tinanong ko magkano kapag kasama casaroro, pulang bato at twin lakes. eto ang reply:

"2500 po ang city tour namin, 3500 po rate ng twin lake, 2500 po ang casaroro. pero ibigay ko sa yo lahat yan mam ng 4thou 1day tour. including tour guide. ty"

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #252 on: May 18, 2011, 09:02:43 am »
^kung may kasama ka di naman kelangan ng tourguide sis sa casaroro kasi may hagdan naman kaya di ka maliligaw. nagpasama lang ako sa driver ko kasi nga wala akong pix & pagdating ko don sa falls kami lang dalawa. hehe! ;D

lakwatsa

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #253 on: May 18, 2011, 01:06:14 pm »
^di ko nga alam sis bat ganun reply nya. di naman ako nagtanong ng tour guide hehe. di ko tuloy alam kung sya din yun o kung ibang tao pa ang papasamahin nya.

nahihiya na kong tanungin sya kung bakit 4k e 2k lang yun rate nya sa inyo dati. try ko muna hanap ng iba pang option. baka may jeep/multicab din na pwedeng i-hire. =(

sis ivyn and sis sardonyx, tiga dumaguete ba kayo? san ba pwede makita yun latest schedule ng ferry to/from Siquijor? nakita ko kasi sa cebuboattrips na site meron 4:30pm pabalik sa dumaguete pero sabi nila 3pm na daw yun last ferry ngayon. kakalito na.  :-\

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #254 on: May 18, 2011, 01:45:11 pm »
^sis, alam ko siquijor-dumaguete 3pm last trip ng delta fastcraft while montenegro 3:45pm. ;D

sardonyx

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #255 on: May 18, 2011, 03:43:01 pm »
^^  yes sis although i'm not based there now.

may Dumaguete Forum sis. baka makatulong. :) or try istorya and pinoyexchange forums baka may makita kang cheaper rate for a tour guide.

lakwatsa

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #256 on: May 18, 2011, 05:15:51 pm »
^^haha 45 mins lang diff.

^sis, nakita ko na rin yun mga yun maliban sa istorya. luma na rin mga info dun sa isa tapos sa pex naman wala na rin masyado nagrereply :(

iniisip ko kung feasible bang i-day tour na lang ang siquijor e. pero sabi ni joam may 6am daw na car ferry. dunno kung ano yun. RORO? pero sabi nya mabilis din daw parang fast ferry e. yun first trip ng fast ferry e 9am naman. may nakatry na bang sis dito na sumakay nun 6am na car ferry na yun?

sardonyx

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #257 on: May 18, 2011, 05:22:13 pm »
baka may makakareply sa iyo sa Istorya sis.

lakwatsa

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #258 on: May 18, 2011, 06:16:40 pm »
^sige sis try ko rin magbasa sa binigay mo. sana maraming english or tagalog kasi pagkakaalala ko parang bisaya ang usapan dun :D

ivyn

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #259 on: May 19, 2011, 11:43:19 am »
^di ko nga alam sis bat ganun reply nya. di naman ako nagtanong ng tour guide hehe. di ko tuloy alam kung sya din yun o kung ibang tao pa ang papasamahin nya.

nahihiya na kong tanungin sya kung bakit 4k e 2k lang yun rate nya sa inyo dati. try ko muna hanap ng iba pang option. baka may jeep/multicab din na pwedeng i-hire. =(

sis ivyn and sis sardonyx, tiga dumaguete ba kayo? san ba pwede makita yun latest schedule ng ferry to/from Siquijor? nakita ko kasi sa cebuboattrips na site meron 4:30pm pabalik sa dumaguete pero sabi nila 3pm na daw yun last ferry ngayon. kakalito na.  :-\

hi sis, hindi ako taga dumaguete, ngpunta lang ako last year dun para sa audit, kaya napuntahan ko din yung mga malalapit na pasyalan sa hotel na ngpagstayan ko din. coco grande hotel malapit sya lang sya sa sakayan ng ferry dun kami ng stay. alam ko day tour lang sa siquijor kasi [textspeak!] yata kuryente dun pag gabi kaya nakgenerator lang ang hotel dun sa siquijor, pero maganda daw dun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close