watch now

Author Topic: Choosing the god parents  (Read 67930 times)

periwinkle617

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #20 on: October 27, 2009, 02:55:17 pm »
i remember umattend kami ng binyag nung baby ng tito ko. nagulat ako nandun yung mayor namin at yung brgy. capt. namin. tinanong ko kung bakit nandun. yun pala ninong nung baby. nasabi ko tuloy kay hubby pano kung mangailangan yung anak nila malalapitan pa kaya nila yun kahit wala na sa puwesto? 

kettlekorn28

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #21 on: October 27, 2009, 03:40:31 pm »
Mga dapat i-consider:
- dapat malapit sa inyo ni hubby like family and friends
= yung maaasahan ng baby mo in times of need, hindi yung mga politician na kapag nilapitan eh di ka na matandaan dahil sa dami ng mga inaanak nila. Baka sabihin pa ng mga yan eh pumila ka muna para makakuha ng appointment.
- dapat nakakasama at nakikita ng anak mo habang lumalaki siya. Kasi yung iba, dumating lang from abroad eh kinuha ng godparent. After that, wala na, di na ulit umuwi ng Pinas. So thru picture na lang sya makikita ng anak mo.

periwinkle617

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #22 on: October 27, 2009, 03:44:32 pm »
^yun nga din sis. baka nga di pa maalala nung politician na inaanak pala nila yun. kawawa tuloy yung baby.

sweet_tooth

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #23 on: October 28, 2009, 12:59:41 am »
thanks for answering my queries sis bluekaren!

yung mga kukunin kong godparents friends and family.. yun lang di ko alam kung makakasama madalas ng baby ko habang lumalaki sya at bihira lang kami nagkikita-kita. except sa sister ko at yun ang lagi nya kasama kasi sya nag-aalaga pag may work ako at wala akong yaya.

mikaela325

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #24 on: May 13, 2010, 09:22:20 pm »
eh mga sis, paano naman tumanggi na pag sinabihan ka na maging godparent?

may kumukuha kasi kay hubby eh ngayon pa lang panay na ang hingi ng pabor samin hiram ng sasakyan, hiram ng ganyan. kaya feeling namin gusto syang kunin na ninong ng baby nila. eh sila pa naman yung tipong hindi marunong mahiya.

di namin alam ni hubby paano tatanggihan.

medyo na stress tuloy ako buntis pa naman ako ngayon.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #25 on: May 13, 2010, 10:39:56 pm »
^^are you close with them ba? kaya naman pala gusto kunin na ninong hubby mo kase instant hiraman nila kayo.


The godparents that we're choosing for our baby are our closest friends. Sila din yung naka-witness ng relationship namin ni hubby from the start pa lang.
« Last Edit: May 13, 2010, 10:49:07 pm by twelvth_goddess »

kreez

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #26 on: May 13, 2010, 10:52:16 pm »
Our baby is about to baptized in a couple of months and even before she was born hubby and I already started creating the list of ninongs and ninangs.  Very particular talaga kami sa pagpili.  Our criteria are as follows:

1) Good example to our child
2) Someone we know would take care of our child if something would happen to us.
3) Someone who would treat our child as their own.

so far kulang pa ako ng 2 ninong hehe (1 year in the making na ang list na to ha hehe)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #27 on: May 13, 2010, 11:07:29 pm »
^^kame ni hubby mejo mahaba na nga yung list. yung ibang nag-volunteer hinde namin kinuha hehe

mikaela325

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #28 on: May 14, 2010, 01:59:53 pm »
^hindi namin sila ka close. sila madalas tumambay sa tindahan namin. and feeling close.

kami din sa binyag ng baby namin, syempre ang gusto naming kuning godparents yung talagang ka close namin, hindi yung dahil we are expecting nice gifts and granted favors from them.

delisyus

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #29 on: June 22, 2010, 04:48:09 pm »
we were sorta strict about choosing godparents... aside from our sisters (who legally may get our kid naman talaga if we die), we chose close friends/family who are married and/or parents na we want the child to look up to... and 3 pairs lang...

we also didn't go all out with all our close friends and family kasi we know we'd have more kids... plus, kukumpilan pa sila, so we didn't want to run out of candidates :D

whiteflower

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #30 on: August 10, 2010, 07:46:13 pm »
na-weweirdohan ako pag kinuha ka na ninong/ninang pero di naman kayo close. mapapaisip ka talaga na merong hidden agenda to..hehe..like yung sa hubby ko, kinuha nilang ninong pero hindi naman sila close kay hubby or saken, sa mama lang ni hubby sila close kase tenants sila ng mama ni hubby, haha, tapos yung mama nya yung nagrerelay samen about kung kelan yung binyag that time, tapos last month nagbirthday yung bata, ayun di nga namen alam na birthday na pla nung bata tapos mama lang din nya nagsabi at kung magbibigay daw kame eh perahin na lang daw namen.. :o :o

anyway, sa upcoming baby namen now, im planning to get my sister and friends lang na sobrang pili, siguro mga 3-4 pairs lang...yung isang sister ko baka di ko na kunin kase iba ang ugali, hahaha, siya kase yung madalas kong maka-away, napapaisip tuloy ako kung kukunin ko siya kase puro stress ang binibigay niya saken during my pregnancy!  ??? pero sa ngaun bati na kame..what do you think sisses? hehe  ::)
by the way, okay lang ba kunin yung friend mo na maging ninang kahit na ninang ka na sa anak nya?  :-\

HeartHeart

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #31 on: July 04, 2011, 12:56:04 pm »
close friends ko.  kasi if yung relative, ayoko kasing dalawa ang tawag sa kanya... auntie and ninang.

a_y_e_n

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #32 on: July 10, 2011, 04:13:20 pm »
initially, balak namin 3 pairs lang, puro close friend namin ni hubby. ayoko talaga ng madaming pairs ng godparent. pero yung mga magulang namin, inisist na kunin din yung mga kapatid naming mag-asawa as godparents. buti sakin, 1 lang kapatid ko, yung asawa ko 6 sila at gusto kunin lahat! buti nalang nakapansin si hubby na ayoko ng sobrang daming godparents. i know wala namang masama na kunin yung mga kapatid nya, ewan ko ba, ayaw ko lang talaga ng pinapangunahan ako.

fatgirlslim

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #33 on: August 25, 2011, 03:47:57 pm »
ako rin gusto ko kunin yun mga close friends, kapatid ko or yung asawa nila and mga pinsan kaso since ako yung huling nagkababy eh nauna na silang kunin ako. pwede ko ba kunin yun mga better half nila? may alam kase ako ganun eh.

kalaiyaan

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #34 on: August 25, 2011, 04:16:14 pm »
closest friend namin ni hubby.

4 ang godparents ng baby ko.
lahat ng kasarian present. (male,female, bakla at tibo) nagkataon lang ito.
kapag naiisip nila yun napapatawa nalang kaming lahat.


Happy ako sila ang godparents ni baby :)
 

HeartHeart

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #35 on: August 31, 2011, 07:10:29 am »
ito prob ko ngayon.  hindi makaka-attend yung kinuha kong ninang.  wala na akong ibang maisip na ipapalit sa kanya.   :P

mamagwyn

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #36 on: August 31, 2011, 07:38:01 am »
ang godparents ng baby ko 7 pairs.  ::)

puro friends ko lahat, tapos yun 2 common friend namin ni hubby. yun 1 kapatid niya.

kaya pag nagkaron kami ng 2nd baby. sa kanya naman yun mga godparents.

nun binyag ni baby hindi rin lahat nakapunta sa binyag pero may communication naman kami ng mga ninong/ninang niya, minsan kinakamusta.

HeartHeart

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #37 on: August 31, 2011, 08:08:54 am »
@mamagwyn
sa akin kasi halata kung wala yung ninang kasi 2 pairs lang godparents ni baby.  tapos yung isa ding ninang, parang hindi rin makaka-attend kasi di daw sya sure.  2 ninong na lang ang andun kapag wala na yung 2 ninang.

may hint na ako kung bakit parang ayaw nila umaattend, 1st time kasi nila mag-ninang and parang ayaw nila.  they also said na panira daw ako sa barkada because i'm the only one who's married among friends.  i really like them both to be my daughter's ninang because they are very close to me.  ayoko naman gawing ninang yung hindi close sa akin.  haaay, this is so sad talaga and nakakatampo din.

mamagwyn

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #38 on: August 31, 2011, 08:21:33 am »
awts naman sa sinabi nila na panira ka sa barkada.  :(

try to convince them one more time sis and if it fails, naku nakakatampo nga talaga.

pag may mga lakad ang barkada namin, minsan nasabi sa akin ng ninang ni baby na dati raw eh nag aalangan sila na ayain ako since may anak na nga, pero sabi ko naman sabihin na lang din nila sa akin baka pwede ako. my point is hindi kailangan magkatampuhan ang isang barkada sa isang bagay lalo na sa anak mo, pwede naman mapag usapan yan di ba?

in my case kasi, dec 25 yun binyag so understand ko kung bakit hindi sila maka attend, pero may naka attend naman. 5 ang hindi naka attend sa binyag ni baby out of 14 godparents. gusto kasi ng father ko mabinyagan agad. eh dec 6 ako nanganak  ::)

na appreciate ko nga yun mga pumunta kasi akala ko na hindi sila makapunta dahil nga pasko, but still they made time and effort talaga para pumunta.

sana nakatulong ako sis. nakatulong nga ba?  :o  ::)

HeartHeart

  • Guest
Re: Choosing the god parents
« Reply #39 on: August 31, 2011, 08:58:23 am »
@mamagwyn
thanks.  i will try again to convince them.  kahit no gifts from them, basta punta lang sila.  ma-aappreciate ko talaga yun ng bonggang-bongga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close