watch now

Author Topic: naniniwala ka ba sa MULTO?  (Read 44869 times)

chicafabulosa

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #120 on: September 27, 2015, 04:41:38 pm »
Yes I do. Because I can see, hear and talk to them. It runs in our family, my grandparents (maternal and paternal), then some of my aunts, cousins, then my parents, my brother, three children of my brother, then my husband and our son. My sister can hear and feel them but she rarely sees them.

Yes it may sound weird but having an opened third eye is very common to our family. At first when we were young, it was scary but eventually you will get used to it.


@iannewn

You want to see them? Lots of them can be seen at hospitals, cemeteries, abandoned houses, buildings, churches, places where a gruesome crime happened. UP has lots  of them. I saw one at the last step of the cement stairs at the church near Mang Larry's. Maybe because it has a huge Manga tree there. Then my son last time we went to have Isaw, he was waiving at someone and when we ask him to whom he was waiving, he said someone was waiving at him on the other side of the road (there's no cars nor people at that side and saw grasses only.) Baguio is also aplace to go if you want to see them. Go to Coreegidor, the entire island is hunted.
« Last Edit: September 27, 2015, 06:33:51 pm by chicafabulosa »

three8one

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #121 on: October 05, 2015, 02:18:24 pm »
naniniwala pero di pa ko nakakita.. meron siguro talagang mga tao na madalas pakitaan..

luliluli

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #122 on: October 07, 2015, 12:59:49 pm »
mga sis if ever mayroon kayong alam na place where we cqn see one baka pwede pa share.

red_yesha

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #123 on: October 08, 2015, 10:15:55 am »
Oo sobra! nung bata pa ako madalas talaga ako makakita  at naniniwala akong hindi ko lang guni guni yun ;D
buti nalang ngayon hindi na, pero sa panaginip ko naranasan ko ng may mag introduce sakin sa mga multo sa bahay. weirdo!
Puro paramdam nalang ngayon. Mas ok na to kesa makita sila. awoooooh :P

cruxito

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #124 on: October 08, 2015, 10:44:36 am »
scary hahaha

chicafabulosa

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #125 on: October 08, 2015, 04:15:55 pm »
@sis luliluli read my comment below if san ang places na marami. Im just surprised why there are some who wanted to see ghosts. Di sya fun trust me

khaleesiCersei

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #126 on: October 08, 2015, 05:19:02 pm »
Yes, back in college yun dorm ko pang heritage site sa kalumaan hehe. And the beds were ancient hospital beds too. Ginamit pa sya nun world war 2. So common ang ghost sightings sa dorm namin. We got used to it na rin and harmless naman sila. Kaya lang every 3 am eh nangigigising sila like kahit you're deep in slumber or nananaginip ka bigla na lang mumulat yun mata mo at gising na gising ang diwa mo haha. But the ghosts were kind enough to be my alarm clock hehe, before ako mag nap between classes or matulog sa gabi sabihin ko lang please wake me up at this time and walang mintis yun gising ka talaga saktong sakto sa oras na gusto mo hehe. Then when i need to use the bathroom pag madaling araw sabihin ko lang oh, wag ka magpapakita ha wala ako sa mood. Nakikinig naman sila. Pero madalas may doppelganger or may maririnig ka tumatawag syo kahit wala naman tao. Usually it happens during the day so parang hindi masyado nakakatakot.

deiz

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #127 on: October 14, 2015, 03:26:21 pm »
Hindi, pero gusto kong maniwala at makakita. Para naman at least alam ko na may life after death.

mysterioza_me

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #128 on: October 24, 2015, 10:49:18 pm »
Yup, though i haven't seen one and i never wanna see a ghost ever

crzysxycl

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #129 on: October 25, 2015, 10:33:57 am »
Naniniwala ako.

When I was 5, pinatawas ako ng parents ko kasi may nakikita akong matandang babae sa room namin. Sumisigaw daw ako lagi ng "Ayan sya nakatingin sa akin!". I don't remember screaming these words pero tanda ko pa rin itsura nung old lady. May babae rin akong nakita sa same room, she has long hair at naka white dress. Based sa nabasa ko dito, white lady daw is parang silhouette, pero yung nakita ko parang tao talaga. Hindi naman nakakatakot face nya pero her hair was dry na buhaghag. I was beside my dad sa bed nung nakita ko sya, ito talagang clear pa rin sa mind ko hanggang ngayon. Tumayo dad ko tapos biglang nawala yung girl.

Years passed at nalimutan ko mga ganitong kwento at feeling. Tapos nung high school my best friend died. Napapanaginipan ko sya, she was crying (ito yung time na nakaburol palang sya). her mom even asked me kung nagpakita na sa akin kasi sa ibang friends daw nagpakita na sya. I kept on praying, I talked to her sa isip ko lang na wag sya magpakita kasi takot ako talaga. I first felt her presence when I went to her wake. As in pagpasok ko palang ng bahay nila, namatay mga ilaw kasama yung mga ilaw sa gilid ng coffin nya. Feeling ko it was her way of saying "Hi, thanks for coming". Before she died, bilin daw nya sa mom nya gusto nya makita all her friends. :(

Since then lagi syang nagpapaalala pag birthday, death anniversary at all souls' day. Either panaginip, name nya nasa jeep, a song she liked.. Basta may something lagi that reminds me of her pag malapit na mga araw na yan. I know she's my angel. Nakasanayan ko ng ipagsindi sya ng kandila at mag offer ng prayer on those days. Siguro dahil bata sya namatay, dami nya pang gustong gawin and she wants me to remember her always. Nung college, nakapag skip ako magsindi ng kandila for her death anniversary dahil sa thesis ko. Nung next death anniversary nya, at exactly 12am, narinig ko tinawag nya ako. Nung una hindi ko pinansin, pero umulit, shocks!!! Nasa sala ako noon, may kausap ako sa phone. Nagpaalam ako agad at umakyat sa kwarto sa takot! She wanted to say siguro na don't forget to say a prayer and light a candle for me coz you weren't able to last year. Akala ko mag stop na yung reminders nya dito, pero nung death anniversary nya nung 2010, may kumatok sa room ko early morning. I was prepping for office na nun. When I opened the door, walang tao so I asked my mom, "Ma, bakit?" sagot nya "Ha?" Sabi ko "Bakit ka kumatok?" Hala hindi raw sya kumakatok, sabi ko "Ang lakas pa nga tatlong beses". Haaay, nagsindi ako agad ng kandila. Kahit ngayon na married na ako I still do this pagsisindi ng candle for her. Pag pumatak ng wala akong pasok sa days na yon, sa church ako nagsisindi ng candle otherwise sa bahay.

May iba pa akong kwento pero next time nalang, haba na nito. :)

khaleesiCersei

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #130 on: October 25, 2015, 12:19:11 pm »
Regarding sa white lady, ewan ko din kung white lady yun nakita ko nun college ako. Lumipat ako ng dorm nun, tapos may isang gabi na mag isa lang ako natulog kasi wala pang dumadating na roomates ko, pero sunday yun eh so expected ko na may dadating ng madaling araw ng monday. Nagising ako kasi may maingay na nagkakalabog ng gamit, pagtingin ko may babae nakaputing shirt, pero naka pants tapos medyo maiksi hair nya hangang leeg ganon. Nakatalikod sya sakin tapos binubuksan nya lahat ng cabinet sa room. Nainis pa nga ako kasi ang ingay nya halungkat ng halungkat don. I checked the time 3am. Tapos dedma ko lang kasi akala ko dormate ko na dumating. Pagkagising ko sa umaga, mag isa pa rin ako sa room, walang mga bags na nag indicate na may dumating. Nagtext ako sa mga dormates ko at lahat sila nagsabi na parating pa lang sila. Tapos inisip ko baka magnanakaw yun nakita ko, pero nakalock naman yun room namin. Wala naman nawala. Tsaka lang ako natakot nun narealize ko na baka multo yun nakita ko hehe

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #131 on: October 29, 2015, 05:45:16 pm »
^hala ang scary naman nun sis :o

mysterioza_me

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #132 on: October 30, 2015, 06:25:20 am »
Kwento ito ng prof ko, sabi niya may third eye siya and para sa kanya sumpa yun at hindi gift.

They went to Baguio for a retreat and rented a big house with attic. Around 8 or 9pm they started their activity na. So they formed a circle and shared their stories (can't remember kung tungkol saan). Nagpaalam siya na magre-restroom. Natatakot man pero di na daw niya kasi kaya pigilan and gusto niya sana magpasama sa friend pero baka biruin siya na duwag ng group. So he went upstairs alone (ang regulation kasi kung saan floor ang room assigment dun dapat gagamit ng restroom). Pagpasok niya ng restroom he saw a guy standing sa dulo ng cubicle amd he said "Hi" thinking that it was the caretaker. So pumasok siya sa isa sa mga cubicle and peed. Paglabas niya andun pa din yung guy and masama tingin sa kanya, di niya na lang pinansin. Naghilamos siya sa sink pagtingin niya sa mirror nandun yung reflection nung guy na nasa likod niya and napansin niya na walang paa thinking namalikmata lang siya he then washed his face again, pagtingin niya sa mirror nasa tabi niya na yung guy. So alam niya na may kakaiba na talaga and this time alam niya na hindi tao. Nagpray daw siya ng malakas na hail mary, ginaya daw ng multo yung dasal niya. Nagpray daw siya ng Our Father, hinawakan daw ng multo yung ear niya at inulit yung prayee niya. Ang lamig daw ng pakiramdam ng part na hinawakan. Then nun niya naalala ang Apostles Creed, nung dinasal niya yun bigla daw nawala yung multo. Hindi daw niya alam kung paano siya nakababa from 4th flr pababa ng 1st flr. Basta namalayan na lang niya nasa 1st flr siya at kinukwento dun sa kasama nilang priest kung ano ang nangyari. Inakyat nila yung restroom and binendisyunan ng priest. The following day magkwento yung caretaker na dun napatay ang amo nila nung pinasok ng magnanakaw ang bahay.

crzysxycl

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #133 on: October 30, 2015, 09:11:35 am »
^kinilabutan ako sis mula ulo hanggang paa sa kwento mo. ;D grabe yung inulit ng multo yung dasal.. hay, kinikilabutan ako.

red_yesha

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #134 on: October 30, 2015, 09:32:47 am »
^^grabe nakakakilabot. brrrrrr

chelgeneroso

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #135 on: October 30, 2015, 11:54:47 am »
I'm a believer. Minsan nakikita ko sila, minsan nararamdaman.
Naging messenger na rn ako ng namayapa ko na auntie. Alam kasi ng Auntie ko na takot anak nya kaya sa akin nalang nagpapa-dala ng message thru panaginip tapos sasabihin ko nalang sa cousin ko. Mga 2 or 3 times na ata.
Nasakit ang center ng forehead ko kapag nandyan sila.
Kapag nadalaw ako sa wake, i don't look sa coffin kasi meron akong photographic memory. yung image na makikita ko will haunt me till i go to sleep. lalo na kapag i feel heavy and having headaches. once i stepped out of the wake venue, mawawala na ang headache ko.
hindi ako takot kapag marami akong kasama, like nung wake ng Tito ko, my cousins and i are playing cards, kami lang naman ang tao kaya kulitan at tawanan. i remember, nakita ko ang tito ko kasama namin sa group, nakikitawa. naka- barong sya na suot nya sa coffin nya at tama rin ang isang Sis dito, mukha syang Casper :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #136 on: October 30, 2015, 07:37:10 pm »
Dami kwentong nakakatakot ng prof ko na yun. Ayaw daw niya sa sumpa na yun kasi natatakot siya. May instance pa na nagbar sila somewhere in Manila and may nakausap siya na girl, hiningi niya ang phone number ni girl (di pa uso cellphone ) sabi ni girl ibigay ni prof ang phone number niya at si girl na ang tatawag sa kanya. So binigay ni prof ang phone number niya at dun natapos ang usapan then bumalik siya sa table nila magkakaibigan. Pagbalik niya nagtanong mga kaibigan niya kung saan siya galing kasi 2hrs na daw siyang nawawala. Sabi nandun lang siya sa kabilang table at sandaling-sandali lang siya nawala, dinismiss na niya ang usapan thinking na baka lasing lang ang friends niya. A few days after nakareceive siya ng call and nagmeet sila after. Sa hotel sila nagmeet and nagcheckin, wala naman daw nangyari kwentuhan lang tapos hinatid niya na ang girl sa bahay nila sa New Manila. . The following day binisita niya si girl kasama friends niya. Guard ang nagbukas ng gate, sabi niya dadalawin lang nila si girl, nagulat daw yung guard tapos pinaulit name ni girl. Sabi ng guard matagal na daw patay yung girl na hinahanap nila. Di makapaniwala prof ko ipinipilit niya na hinatid pa lang niya si girl sa bahay nung nakaraan gabi. Sabi ng guard namatay sa sunog yung girl ilang years na nakalipas, after nung sunog nag-abroad na family ni girl. Sabi ng prof ko ayaw niya maniwala sa kwento ng guard pero kung titingnan daw mula sa kinatatayuan nila ang bahay totally ruined daw talaga. Hinimatay daw siya at nagising nasa clinic na. Di siya makapaniwala na multo naka-date niya kaya daw pala wala na sa uso yung damit ng girl at medyo kakaiba ang salita, di lang daw niya pansin kasi tinamaan daw siya.

Ingat sa mga nakaka-date baka mumu na pala.

vanitygirl

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #137 on: October 30, 2015, 09:29:04 pm »
 I haven't seen ghost. Puro doppel lang, but YES! naniniwala ako sa ghosts.  ::)

crzysxycl

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #138 on: October 30, 2015, 10:21:12 pm »
^^waaaah! grabe!
« Last Edit: November 10, 2015, 11:01:25 am by crzysxycl »

donya_dyosa

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #139 on: November 07, 2015, 08:00:34 pm »
I used to make taas ng kilay sa mga nagkukwento  Na nakakita na sila ng multo..
Pero nung nakakita nako.. Grabe nakakapanigas pala talaga.
But thats a long story... At yun na ang first and last ko.

Pero nung 2005 nakacapture ako sa cellphone,  Papasok nako sa school, nagselfie muna ako sa car kasi ang ganda ng make up ko,, pag check ko photo.may braso ng i would assume babae sa back seat. Na nakagown or pantulog siguro,, na white.. Nagsisigaw ako palabas.. Pinakuha ko nalang sa nanay ko mga gamit ko at nagcommute nalang ako.

After ko maipakita sa mga classmates ko yung photo.. Nasira bigla memory card ko.. Di ko man lang naipist sa friendster ko,  :'(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close