watch now

Author Topic: naniniwala ka ba sa MULTO?  (Read 44802 times)

milkeeway

  • Guest
naniniwala ka ba sa MULTO?
« on: August 30, 2009, 10:08:22 pm »
kahapon habang naglelecture kami sa school, yung classmate ko na may third eye daw lumabas para magcr, pagbalik nya bigla na lang siya hinimatay at bumagsak talaga siya sa floor.. kinabukasan sabi nya nakita daw nya yung may-ari ng school namin kaya siya hinimatay, eh namatay yun 3months ago.. hehe

ikaw naniniwala ka ba sa multo? ako kasi ayoko maniwala and im trying to convince myself that it's not true, hehe, but somehow natatakot pa din ako, pero discreet lang.. haha

bigbang

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #1 on: September 02, 2009, 03:46:59 pm »
Yep, naniniwala ako sa mga ghost lalo na sa white lady. Pinsan ko kasi nakakita na ng white lady. Scarrry!

Check this video.. it's a singing white lady. Katakoot!    :-X
http://www.youtube.com/watch?v=JOHKdDCKrZs
« Last Edit: September 02, 2009, 03:52:48 pm by bigbang »

yaris

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #2 on: September 02, 2009, 08:43:44 pm »
kind of. ugh ! buti nalang umaga pa lang dito. but anyway, yah siguro nga totoo.

pero sa totoo lang, mas gusto ko yung mga nagpaparamdam kesa sa mga nagpapakita.

akthung

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #3 on: September 02, 2009, 09:41:11 pm »
dati hindi ako naniniwala...kasi may to see is to believe attitude ako noon. hanggang naging self evident na sa akin na may multo nga. up to the point naghuhunt na kami ng multo tuwing halloween...then i grew up and focused on more important things in life.


bigbang

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #4 on: September 03, 2009, 10:51:58 am »
kind of. ugh ! buti nalang umaga pa lang dito. but anyway, yah siguro nga totoo.

pero sa totoo lang, mas gusto ko yung mga nagpaparamdam kesa sa mga nagpapakita.

Oonga mas okey na magparamdam kaysa sa makita mo talaga diba?  Mas nakakatakot yun ;)

althiana

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #5 on: September 03, 2009, 11:07:28 pm »
hindi ako naniniwala nuon tapos inaaway ko pa [textspeak!] mom ko kasi ang kulit eh multo.. multo multo...

tapos one day nagising ako... ako na yung minulto. grabe!!! hay di ko kinaya. naniniwala na ako..

bigbang

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #6 on: September 04, 2009, 09:48:20 am »
Ano nakita mo, Sis?  ;D

prish

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #7 on: September 04, 2009, 10:21:19 am »
kwento naman jan :)

quennna

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #8 on: September 04, 2009, 11:25:03 am »
di pa ako nakakakita sa totoong buhay.. (lol..may ganon.. =) )
pero sa panaginip, yes, may nakausap ako
nagpaalam pa nga sa akin eh.. lol

trixiesaulo

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #9 on: September 05, 2009, 07:22:49 am »
i believe in ghosts..nakakita na kasi ako twice na so..oo, naniniwala ako.

althiana

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #10 on: September 05, 2009, 11:29:30 pm »
mga sis, bigbang and prish.. actually walaa akong nakita... i just felt a presence.

kaasi natutulog ako sa bed na naka dettach dun sa bed ni brother ko. i insisted in sleeping there kasi masikip eh gusto ko same room kasi naka bukas [textspeak!] aircon.

tapos [textspeak!] i woke up ng madaling araw. kasi may humahawak ng paa ko. tapos ang lamig lamig. [textspeak!] chilling na lamig... nag curl ako ng paa ko... then [textspeak!] malamig na paarang humahawak sa akin eh parang hinagod [textspeak!]  buong katawan ko starting na sa ulo ko!!! my God.. nagtalukbong ako ng kumot kasi natakot ako baka mamatay ako sa takot pag nakita ko tapos inextend ko [textspeak!] kamay ko para gisingin mom ko. tulog na tulog as in niyugyog ko na at lahat di magising... (eh sobrang babaw matulog ng mom ko)... weird talga. sumisigaw pa ako ng  mommy!!!! mommy!! ayun nawala after what seemed like minutes of torture. para kasi akong hinagod ng ice literally!!!

the next day sabi mom ko dun na ako ulit s abed na un matulog para maluwag. grabe nag hysterical ako at parang na trauma... umiyak bigla tapos sabi ko di na ko matutulog sa bed na un ever dahil sa nangyari. until now never ko pa na limutan [textspeak!] trauma na un.

earl223

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #11 on: September 07, 2009, 12:45:05 pm »
Ye... i've had my share of experiences though i haven't really seen one... well, except for the one my sister caught on camera.

I believe in ghosts, and well, aswangs if you will.  My wrists have been held on to by a ghost (an old person i believe), i felt someone or something lay beside me in bed, we had some unexplainable experiences when there was a baby in the house... babies crying, tree branches rattling, a gate being "slammed."  So we always had to put garlic by the windows.  Yung sister ko actually, pinaglaruan ng dwende raw dun sa garden namin, then after siya nagpagamot sa albularyo, dun nag-open ang third eye nya.  Maraming weird experiences sila sa house, like lights being switched on and off, footprints, sightings, etc.

iggypop

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #12 on: September 07, 2009, 01:05:14 pm »
yup i believe in ghosts...

i've felt their presence many many times. we used to live in the family's ancestral home and sari-saring ghost ang naramdaman namin doon. para ngang kasambahay na namin. some of them were harmless, while others, kahit hindi namin nakikita, feel talaga yung negative vibes.

meron mga footsteps, light switches na nag-on and off, door knobs na umiikot, voices calling out your name, sometimes naman makikita mo sila sa corner ng eyes mo pero pag lingon mo wala naman.... haaaayyy nakakatakot!

one time i even saw the laylayan of a black/gray skirt above the floor. i don't know kung laylayan ng skirt yun or some tela na nagflo-flow sa sahig. creepy!

but the scariest of them all, palabas ako ng house noon, when i closed the door after me, hindi ko maisara coz parang merong humihila on the other side. i thought meron lang na-stuck na doormat sa floor. so i looked down, wala naman. i pulled the door again, and may humila na naman on the other side. i swear wala naman tao sa kabilang side!

parang may presence na nakikipag-hilahan sa akin! trying to play a trick on me. mga 2 or 3 times kami naghilahan before ako tumakbo palabas ng house!!! waaaahhhhh!!! katakot!

chikkamama

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #13 on: September 09, 2009, 06:53:38 am »
yes!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #14 on: September 09, 2009, 08:53:07 am »
Yup but never pa ko nakakita. I'm third eye blind and I dont wish to ever see one  ;D

twelve5

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #15 on: September 09, 2009, 09:09:48 am »
i believe in ghosts too... i've never seen one and i hope i wont ever!

but i've felt their presence in two occasions... heavy footsteps. grabe. feeling ko i'll pass out sa sobrang takot. buti di naman nagpakita... pero ayoko ng maulit.

kutingpie

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #16 on: September 09, 2009, 09:32:23 am »
yes..wag lang manggugulat ;D

bigbang

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #17 on: September 09, 2009, 11:36:34 am »
haaha! Oo wag lang katulad nung white lady sa video. Scarry eh!  :o

rebelheart

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #18 on: September 09, 2009, 03:28:59 pm »
yup kasi nakakita na ako. share ko lang yung story ko. my dad passed away year 2000. i was only 17 back then. one night, hindi pa malalim yung tulog ko noon at mag isa lang ako sa room ko. naramdaman kong may pumasok sa room ko and at first akala ko yung mommy ko. tanong ko pa "ma, bakit po?". then nagsalita yung akala ko na mom ko at sabi, hindi ako si mama mo. namimiss ko lang kayo. so i turned around kasi nakaharap ako sa wall. then nakita ko yung korte ng katawan ng daddy ko. i'm 100% sure na daddy ko yun. hindi ko sya makita ng malinaw. parang mala-casper kasi behind sa korte ng katawan ng dad ko, kita ko yung mga figurines display sa room ko. natakot ako syempre kahit dad ko yun kasi i know na wala na sya. sa sobrang takot hindi ako makagalaw at hindi din ako makasigaw. then umupo sya sa gilid ng bed ko then yinakap nya ako. ramdam na ramdam ko sya then sabi ko sa kanya "papa, natatakot ako". after nun, bigla na lang nawala. ayun napatakbo ako sa room ng mom ko.

yung brother ko din nakita dad namin. he was only 7 naman nung kakamatay lang. my brother was playing video games (PS1 pa lang nun). Meron syang game na CASINO which is ayaw palaro ng dad ko noon sa kanya kasi hindi daw magandang game yun. then nung nasa sala sya mag isa, sinubukan nyang laruin yung casino. while playing, nagulat sya kasi biglang may nagsalita na "anak, yung basketball na lang laruin mo". nung tumingin yung little brother ko sa may sofa, he saw dad. suot daw yung damit nung namatay sya (sa house kasi namatay si dad due to cardiac arrest). ayun nag iiyak yung kapatid ko papunta sa mom ko nung nakita nya si papa.

btw, on sept 13, 9th year death anniv ni papa. so ready na kami sa pagpaparamdam na gagawin nya this time. hehe...

sorry sis, napahaba ata kwento ko. lol.
« Last Edit: September 09, 2009, 03:31:23 pm by rebelheart »

Amity

  • Guest
Re: naniniwala ka ba sa MULTO?
« Reply #19 on: September 09, 2009, 03:38:47 pm »
yes i do believe in them.

charge to experience rin.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close