watch now

Author Topic: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?  (Read 458066 times)

lakwatsa

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #400 on: February 17, 2015, 03:17:29 pm »
mga sis kelan bumalik ang period nyo? ilang weeks ba bago magkaroon ulit?

after 1 month sis.

chantale10

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #401 on: February 18, 2015, 05:21:45 pm »
^^thanks sa lahat, nagkaperiod na rin ako kahapon.

sana maging okay at maging maayos na ang next pregnancy natin lahat. god bless.

airwaterfire

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #402 on: February 19, 2015, 07:27:53 pm »
bumalik na rin kahapon dugo ko. back to normal na.
matagal pa kami magkita ni husband so wala din. next year na ulit target ko.

chantale10

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #403 on: February 20, 2015, 01:07:39 pm »
^ good for you sis, halos sabay din yata tayo nakunan.

kami naman by next year na rin balak kaya ingat muna kami ngayon. hindi madali mga pinagdaanan natin kaya pahinga muna.

kim28

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #404 on: February 20, 2015, 02:50:15 pm »
na d & c ako last week may pinapainom lang sa akin for 7 days na ciproted 2x a day.  until now may konti pang blood na tipong pahabol na mens.  btw, hindi ako uminom ng mefenamic acid kasi kaya ko naman yung kirot .

after ilang days sobrang sakit ng ulo ko as in.  na experience nyo din ba yun ang next check up ko is on monday.  kunin ko na din result ng laboratory.

wala naman pala nafeel during raspa kasi papatulugin ka.  paggising ko nasa recovery room na ako.  ang pain lang talaga na nararamdaman ko sa ngayon yung emotional.  ang sakit sakit na alam mo nawala yung baby mo.  nagsimba ako kasi ash wednesday so magisa lang ako dahil gusto ko din mag pray. natural maraming family at babies ako nakita di ko mapigilan umiyak.  unang baby sana namin to.





preggygielian

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #405 on: February 20, 2015, 05:55:50 pm »
^ hugs sis! Hirap makunan :-( nung nabuntis ako sabi namin try try lang kaya akala ko di super sakit nung nakunan. Pero after ng d&c tapos actively trying after...everytime may bagong buntis sa fb...or makakita ka ng babies with their parents...madalas napapaiyak ako nun. ang hirap maging happy for friends na nabuntis tapos ikaw nakunan at nagttry pero wala padin. Prepare yourself din for these. I hope mga sis di naman kayo mahirapan mabuntis ulit. I just gave birth yesterday at napakasakit ng labour process ko pero seeing him looking at me during skin to skin (within 10mins of delivery), worth it ang sakit at luha at lalo na ang pag-aantay.

chantale10

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #406 on: February 20, 2015, 10:08:03 pm »
^congrats sis!

ganyan din naramdaman ko, iniiyakan ko pa rin ang baby ko hanggang ngayon. naramdaman siguro nya na hindi pa ako handa nung dumating siya pero mahal na mahal ko ang baby ko.

kami ng partner ko nag decide na wag na muna ngayon taon. marami pa kami pinagdadaanan ngayon. gusto ko rin makasal na kami.

airwaterfire

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #407 on: February 21, 2015, 03:07:51 pm »
@preggy, congratulations..

===================
isipin nalang natin if nabubuhay ang baby natin, kawawa din sila. may dahilan kaya nawala.
if nakunan, ibig sabihin kaya pa nating magbuntis ulit.

last tuesday, napa bless ko na rin ang fetus(nilagay ko sa bote with formalin) sa kaibigan kong Pari after ng misa niya sa Cathedral kasama ang ang eldest ko na 4y.o.

sabi nga nila, pag may nawala may dadating na panibagong blessings. di nga lang baby kasi wala naman husband ko pero masaya rin ako.

kim28

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #408 on: February 23, 2015, 01:41:53 am »
@airwaterfire

nakikita kita sa kabilang thread yung 3rd qtr babies. 

yun na lang din iniisip ko na malaki posibility na magkababy kami ulit kasi nakabuo na kami.  Hindi nga lang time pa at may dahilan nga siguro.

kaya waiting kami mag 2 cycle ng mens and take ng vitamins para sa next na magiging baby namin.

airwaterfire

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #409 on: February 23, 2015, 10:49:01 pm »
share lang,

pinsan ni husband almost 10years married(that time, 2008) nabuntis then nakunan. tsaka pa nalaman na may something sa uterus niya, nag chemo meds si cousin.
then pag 2009 ayon nabuntis ulit, magkasunod sila ng daughter ko. tapos last 2013 yata nanganak ng kambal.


kim28

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #410 on: February 24, 2015, 12:21:00 am »
nakavisit na ako sa ob ko and ok naman daw result ng lab. mag take na daw agad ng folic acid and rogin e (hubby).

after 6 months need magpa papsmear if hindi na preggy.  pero claim ko na na mabubuntis kaagad ako :) kayo ba after d & c ilang weeks bago nag bd? until now may blood pa rin konting konti na lang.

after ng 2 cycle pwede na ulit mabuntis para sure na nakarecover na physically. 

preggygielian

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #411 on: February 24, 2015, 12:48:27 am »
^good luck sis! Sana mabilis kang mabuntis! :-)

Ako after d&c ko nag BD kami mga 6 weeks after kaso dinugo ako. tapos madalas na ako dinudugo pag nagBD...yun pala may cervical erosion ako...sus ang tagal pa bago nalaman yun (April pa eh nagBD kami Nov! Pag sinasabi ko sa ate ko sabi niya baka daw masyado rough haha sabi ko nye!).

Basta sis observe palagi pag may nagdudugo or may masakit...at ipacheck agad :-) good luck ulit!!!

bitam13

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #412 on: February 24, 2015, 12:58:12 pm »
hello mga sis. I'm pregnant.. PCOS ako and under treatment ako ng metformin kaya ako nabuntis 6 months under medication.. pinatigil ako ng ob ko ng metformin after malaman namen na 5 weeks na ako.. ngayon nagulat ako at 6 weeks, nagbleed ako prang period  na light bleeding.. 10 days na sometimes with clots. miscarriage na ba to? may nakanas na ba nito?

Galing ako kay ob.. observe daw namen kung magstop [textspeak!] bleeding.. closed daw ang cervix ko which is a good thing.. pero [textspeak!] bleeding with clots un ang delikado..
« Last Edit: February 24, 2015, 01:05:09 pm by bitam13 »

preggygielian

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #413 on: February 24, 2015, 01:08:49 pm »
^sis galing ka sa OB mo..inultrasound ka ba to check kung may heartbeat pa si baby?

bitam13

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #414 on: February 24, 2015, 01:26:55 pm »
papunta palang this friday sa next appointment ko ng TVU. itong 10days na bleeding as in no pain no cramping sometimes may sharp pain sa stomach but thats all no pain na.. sabi ni ob wait daw ako na mawala ang blood.. pero 10 days na may super light lang na bleeding.. sometimes brown, minsan bright red, minsan halos black na..

Ang sakit sakit pala sa pakiramdam. parang nakalutang ako sa hangin.. umiiyak ako gabi gabi kasi hindi ko alam ano mangyayare.. pray [textspeak!] ako ng pray.. 1st baby ko to if ever.. napakatagal nman na bleeding nito.... hindi na ako umaasa pero sa puso ko meron pa ding hope :(

airwaterfire

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #415 on: February 24, 2015, 07:27:47 pm »
^bakit friday pa ang TVU?

dapat kasi pag ganyang matagal na ang bleeding/spotting mo, ultrasound ka agad.
ano bang klaseng o.b yan 10 days na?

kim28

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #416 on: February 24, 2015, 08:40:05 pm »
oo kahit anong bleeding mapapatak lang yan o bahid takbo kaagad sa ob for check up. mahirap yun paghihintayin ka pa sis.

anything na kakaiba punta kagad sa ob

bitam13

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #417 on: February 25, 2015, 02:32:23 pm »
Update mga sis....

ito na nga nakunan nako... first 7 days mga sis light bleeding lang... tapos nung mula 8-10 days na grabe mga sis dinugo na ako heavy clotting...hindi ako nagpunta agad sa ob kasi lola ko at mommy ko monthly may period noon kahit pregnant kaya kahit papano naghope ako... and then nung ika 10 days na nga ayon na sinugod nako hospital hindi na ako makatayo, masakit, hindi ko maipaliwanag ang pain... pero nung nasa car na ako parang may malaki na lumabas sakin size of a big lemon at ayun na nga ang 6 weeks na baby ko...... nung nakalabas na, wala na sakit... as in no pain... no bleeding.... no dizziness na...

PCOS kasi ako mga sis... nag doubt talaga ako nung una na itigil ang medication ko which is metformin kasi alam ko yun ang nag papababa ng risk ng miscarriage sa mga pcos na pregnant.. metformin cured my overweight na katawan, heavy acne, abnormal hair growth & irregular mens under 6 months lang nabuntis na ako sa metformin....

Ang sakit sakit mga sis ng puso ko parang sasabog sa lungkot...  :'( :-[ :'(

Gusto ko magpalit ng obgyne, pls sino may marerecommend na nag specialize sa case ng PCOS?
« Last Edit: February 25, 2015, 02:40:58 pm by bitam13 »

preggygielian

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #418 on: February 25, 2015, 04:25:51 pm »
^sis, *tight hugs*! ako din nun buntis na at nakalimutan ko tanong sa doctor ko kung istop ko ba ang metformin, DHEA saka may 2 pa ako na gamot eh. Nainom ko siya ng 1 week tapos saka ko lang naalala na tumawag sa OB ko and ask kung isstop ko na ba yun kasi buntis na ako. Di naman ako nakunan.

May PCOS din ako sis and Clomid helped me get pregnant the second time around. Nag metformin din ako to help pero mababa lang dosage ko. Napansin ko sa Pinas ang taas nila magprescribe ng metformin! OB ko sa pinas wanted me to take Humamet na 850g 2x a day tapos OB ko dito sa hk 500g lang bigay sakin 1x a day. Yan din mahirap pag madami OB haha...pero yung OB ko dito he stood firm na hindi ko daw kelangan ng mas mataas na dosage kasi maliit lang akong babae (5 flat).

Nung nabuntis ako ng 2013 pero di ko pa alam na buntis ako ah...nag humamet ako...grabeeee worst feeling ever! Dun ko naranasan ang parang diarrhea na ang sakit sakit tapos papawisan ka ng malamig! naka 1.5days lang ako na gamot nun at tinigil ko na kasi ang sama talaga ng tyan ko. When we got back sa HK nun nadelay ako at off sa LMP ko ang size. Pero nung pinabalik ako na supposedly 8weeks na, di na naggrow masyado...age niya 6weeks lang ata nun and nagbleed out na.

I don't think metformin caused our miscarriages...i think it was because of chromosomal abnormalities. Miscarriages ending so soon is never our fault (unless magpaka drunk at addict sa deugs even after knowing you're pregnant diba). Always remember that sis. That's what my OBs told me. Hate na hate ko ang saying na "it's not meant to be" or "Hindi pa talaga time" or "God has better plans for you" or "In God's time"...hay! Sarap nila sapakin lahat nun nung sinasabi nila sakin yan. Pero ang masasabi ko sayo sis, you were able to get pregnant...kaya kayang kaya na makabuo ulit :-) dun ka maniwala and take care of yourself and prepare for that next pregnancy. Nagbago ako konti ng lifestyle hehe at mas nag exercise ako at kumain ng healthier food. After 7 months of trying pagtapos nung miscarriage na yun, 4 cycles of Clomid...nabuntis ako at ngayon may 7 day old baby boy :-)

You could try my OB sa Pinas, Dra. Minnou Tapia sa San Juan De Dios. Naghahandle siya talaga ng mga PCOS patients...including her daughter. :-) OB Sonologist siya :-)
« Last Edit: February 25, 2015, 04:33:19 pm by preggygielian »

bitam13

  • Guest
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #419 on: February 25, 2015, 04:47:41 pm »
Wow congrats sis may baby kana.. Nakakainggit hehe soon ako sna din.. Sis ganto kasi nangyari, pinatigil ako ng ob ng 5 weeks sa pag inom ng metformin Namiscarried sya ng 6 weeks... Kaya alam ko na baka metformin andame ko nabasa lalo na sa US na mga forum halos 45% ang decrease sa risk ng miscarriage pag nagmetformin.. Next pregnancy ko talaga mag take ako metformin like yung isang sis dito dia17 ang username.. Nagtetake din ng metformin sa pregnancy nya..

Ayoko na sis maranasan yung dati, napakasakit.. Sobra.. Congrats on your baby..
« Last Edit: February 25, 2015, 04:50:11 pm by bitam13 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close