hi mga sis, share ko lang ang miscarriage ko..nung May pa ako nagbleeding at nagbabasa basa ng mga thread tungkol sa pregnancy at miscarriage dito pero now ko lang nakita tong thread na ito.
March 23 2014 nang ng PT ako at positive ang result pero nagpacheck up ako april 2 or 4 sa PGH kasi malapit lang sa work ko . 7w3d by LMP. then inischedule ako for some laboratory pero hindi ako sinabihan na magpaultrasound..ang laboratory ko ay april 24 at ang ang result un ay May 2 na babasahin kasabay na din ng 2nd monthly check up.
May 02 2014 2nd check uo ko 8am nasa PGH na ko at natawag ako ng doctor around 12 or 1 pm na sa dami ng pila , okey naman daw ang lahat ng result sa lab, normal lahat. Niresetahan na ko ng mga vitamins at sinabihan na magpaultrasound para malaman kung ilang weeks na talaga ang baby. Pumila pa din ako sa ultrasound ng PGH ng hapon na un kahit sinabihan na ako na baka abutin ng 7pm dahil sa dami na din n nagpapaultrasound. Here comes may turn para sa transvaginal ultrasound mga 6pm na un. Nagtataka ako bakit ang tagal magsalita ng doctora at parang hindi okey yung mukha nya.. tapos nagtawag pa sya ng co-doctors nya sa loob ng room na yun para ipakita yung monitor, mga 4 na doctor na yng tumingin at saka pa lang ako nagtanong kung may problema ba, at yun nga wala daw heartbeat ang baby ko. hindi na daw nagtuloy ang progress ng heart nya at 7weeks . Nashock ako talaga, sapo ko noo ko habang nakahiga pa sa bed at nagiisip bakit nangyari yun.. may mali ba akong nagawa.. sabi ng doc hindi naman daw un sa dahil may nagawa ako.. normal naman daw na minsan hindi talaga nagtutuloy ang progress ng heart marami na rin daw ganoong kaso. Minsan daw sa make-up ng genes (hindi ko na matandaan ang tamang term na sinabi nya). Sabi nya irerefer nya na daw ako sa OB ER para macheck up ako at maresetahan ng gamot o kung kelangan na iraspa . Nung nakaupo na ko at naghihintay nung resulta sumakto pa na bumuhos yung malakas na malakas na ulan di ko tuloy mapaigilan na umiiyak kahit na may nakakakita sakin na mga doctor.. sa isip isip apra ba namang nananadya yung langit sinabayan pa yung iyak ko. Buti nalang yung doktora kinausap muna ako,nakisimpatya sa nararanasan ko nung mga oras na yun. Hindi ko alam pano ko sasabihin yun sa hubby ko. Nagpasundo ako sa kanya, dun na nya ko pinuntahan sa OBAS ER mga 7 pm at doon ko na din sinabi sa kanya yung result ng ultra.Nung nasa ER ako ni IE pa ako ng doctor para tignan kung open na cervix ko pero hindi pa daw open. Dun na ko nahimasmasan at tanong na ako ng tanong doctor kung anong mangyayari sa akin at sa baby ko.. Sigurado ba talga na tama ang nakikita sa ultrasound?Iraraspa na ba ko?Kelangan na ba talaga o baka pwede pa namang maghintay ng ilang weeks o months kasi baka may himala pa at magkaheartbeat pa ulit.. kaso ang sagot saken eh hindi naman daw maglalabas ang doctor ng ultrasound result kung hindi talga sila sigurado kaya yun sumunod nalang ako. Kinuhanan ako ng dugo for lab ulit para check kung infected na yung dugo ko or hindi. 12mn na lumabas ang result sa dami ng pasyenteng nila. Normal ang result kaya niresetahan na ko ng evening primrose oil at isang pang gamot (nakalimutan ko na name) good for 3 days para magopen daw cervix. pinababalik din ako after 3 days ff up check up pero pag may naramdaman daw na pananakit ng puson o hilab o may pagdudugo o pag nilagnat ng wala pang 3 days balik na ko agad sa kanila.
May 3 2014 nagpasecond opinion pa kami sa healthway at nagpaultrasound ulit pero same result pa din. No heartbeat. May 5 balik ako ulit sa PGH, ni- IE ulit at tanong about sa mga symptoms pero normal lahat.
May 8 ff check ulit at laboratory , normal result pa din sa dugo ko.
May 11 dapat ang ff up check ko pero hindi ako ako nakapunta kasi mas pinili namin ng hubby ko na umatend sa church anniversary ng tita at tito nya (christian kasi sila pati si hubby) pinagpray over din nila ako.
May 12 ako nagpunta sa PGH para ff up check up. Akala ko hindi mapapansin na the past day talaga ang original na check up day at yun medyo pinagalitan ako habang ni-ie ako ng doctor feeling ko tuloy ang sakit sakit that time ng IE. after few minutes sinabihan ako na dahil one week na kong nagtatake ng gamot at close pa din ang cervix ko kelangan ko na magundergo ng D&C pero dahil sa sobra dami nilang pasyente na buntis at mga nanganganak nung araw na un eh kelangan na nila ako irefer sa ibang ospital. binigyan lang nila ako ng referal form at yung records ng check up ko. tapos the next day May 13 nagpunta na akong mother & child hospital (Jose abad santos hospital na sya ngayon) . nung kinausap ako ng ob at ni-ie close pa din nga daw ang cervix ko , binigyan nya ako ng dalawang option;
OPTION 1 may ilalagay daw sila sa loob ko na maliit na parang kahoy daw na once nailagay sa loob kusang nageexpand at magoopen ang cervix at iraraspa na ako.
OPTION 2 yung tinetake ko na evening primrose oil imbis na inumin eh ilalagay sa loob ng puerta ko every night (dapat 2 times a day pero dahil nagwowork ako once na lang every night nalang kasi pag nakatayo ka daw may tendency na umagos palabas yung oil, masasayang lang) wait daw ako within the week na ginagawa ko yun dapat magbleeding na daw ako pero kapag wala pa din saka na ako magisip kung gagawin ko na ba talaga yung OPTION 1. Pinili ko kasi yung Option 2 dahil ayoko talaga magparaspa dahil sa mga naririnig kong kwento tungkol sa raspa at ang gastos na din plus sinabi din sa akin ng ob na kapag ni raspa ka hindi naman sure na sa isang procedure lang nila eh matatanggal nila lahat kasi hindi daw nila nakikita yung kinakayud nila kumbaga naghuhula lang daw sila, so kapag nagpaultrasound ako ulit at may nakita pang tira iraraspa daw ulit ako..ang masama lang daw nun yung effect na nagkakascar (plus another gastos ulit)
Then came May 18, pero wait may side story lang muna ko kasi May 17 was my bday and nagpromise si hubby na may date kami ng gabi na yun pero dahil naaya sya ng isang kaopisina na bday din ng anak na pumunta dun sa kanila kasi naghanda daw at saka matagal na syang inaaya nun, yun di kami natuloy at ako iyak ng iyak magdamag pero nagsorry naman sya at sabi nya babawi sya the next day May 18. at ito nga the next day dapat mga 5pm kami aalis. pero mga 4 pm palang may spotting na ko at parang may pananakit ng puson , yung feeling na magkakaroon ka ng period tapos un na paunti unti dumadami na ang paglabas ng dugo (dahil ata sa stress ko sa kakaiyak nung nakaraang gabi kaya lumabas na din sya). the next day pa ko bumalik sa ospital May 19 yun. Nung una sinabi pa na iraraspa pa din ako, nashock ako , sabi ko tuloy "doc talaga po bang kelangan iraspa kahit na may lumabas na po?Nasapo ko naman po yung isa sa lumabas." Tas chineck nya yung dala ko na nakalagay sa container tapos inadvise nya ako na magpa ultrasound ulit para makita kung may natira pa at ang result sa ultrasound maliit na maliit na lang na kayang kaya na daw ng gamot na palabasin un. (deep in side na pa Thank you talaga ako kay GOd kasi nakaraos na ko kahit papano). May nireseta ulit na gamot sakin tatlong klase. mga 1 week din ang bleeding pero patagal ng patagal pakonti ng pakonti sya.two weeks na pahinga ang sinabi sakin pero hindi ko sya nasunod. Mga 9 days palang pumasok na ko agad sa office tinapos ko lang yung pag file ko sa sss (self employed kasi ako)
Tapos month of June meron na ko agad period pero nung july hindi ako dinatnan at kahapon lang saktong 12noon nakaramdam ako ng konting hilo at feeling na nasusuka. May pakiramdam ako na meron na ulit kaming nabuo pero kinakabahan ako kasi parang masyado pang maaga since nagmiscarriage ako last may lang. ang mga nababasa ko kasi atleast 2 cycle ng menstration bago magpabuntis ulit. pero si hubby nung sinabi ko sa kanya kagabi yung nangyari saakin nung tanghali eh tuwang tuwa sya buntis na daw ako ulit

.. pero ako medyo kinakabahan pa din.. iniisip ko sana wag naman mangyari ulit yung katulad sa 1st pregnancy ko. iiwas na din ako na matagtag na gawain . noong una kasi 1st month ng pregnancy ko lagi kami nasa byahe. baka may factor din yun kaya nawalan ng heatbeat unang baby ko..
Please bare with the super long post po.
