watch now

Author Topic: Mamaso (impetigo)/ Talipaso  (Read 182059 times)

zen1820

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #60 on: May 14, 2014, 07:51:27 am »
Yung daughter kong 15 years old tingin ko mamaso rin ang nangyari sa tenga niya. Akala  nga namin allergy sa fake earrings ( matagal na siyang nagsusuot ng fake earrings ngayon lang nangyari ito )  pero ng magkaroon din siya sa lips at cheeks  last week na sugat na unti unti lumalaki ( nagstart lang na parang pimples) parang sure na nga akong mamaso . Dalawang derma na pinuntahan ko mag 2 months na  rin yung sugat nya sa tenga na di gumagaling pero sabi nila allergy at iwasan lang daw yung allergy causes. Hindi man lang nacheck na baka nga impetigo/mamaso.

As of now dinala ko yung anak ko sa isang natural medicine doctor kay Dr. gallestre sa san juan (siya yung nagpaggaling ng diabetes ng mother in law ko). Ang sabi niya pag nilagyan daw ng ointment yung mga sugat sa mukha baka mangitim at magpeklat ( yung tenga ng anak ko nangitim na rin dahil sa gentamycin ointment) May steroids kasi daw ang mga ibang ointments kaya pinatake nya lang yung anak ko ng selenium, derm solution spray at papaya soap with VCO. kaso parang lumalaki parin yung sugat sa mukha ( though nakaka 2 days palang naman ang gamutan ) balak kong lagyang ng bactroban yung sugat .

ano ang nangyari sa mga mamaso ng anak niyo noong nilagyan niyo ng bactroban nangitim at nagpeklat ba?

« Last Edit: May 16, 2014, 10:59:51 am by zen1820 »

angellouise06

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #61 on: May 15, 2014, 11:29:27 pm »
sis zen1820, naku kagagaling lang ng anak ko sa mamaso na yan. akala ko din nung una rashes lang. may niresetang gamot yung derma, mupirocin generic name ng bactroban. and nangitim nga yung mga sugat at nag peklat pero medyo pumupusaw na din naman. nilalagayan ko kasi ng contractubex, buti sa may pwet at likod ng tuhod nagkaroon medyo tago.

zen1820

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #62 on: May 16, 2014, 10:55:18 am »
Sis thank u. Lagot ako hindi ko kasi sinunod yung naturapathic doctor ko. Lumalaki pa rin kasi yung mga sugat kaya nilagyan ko na ng bactroban ( 2 days na ) pero ganun pa rin lumalaki pa rin. Maari hindi gumagaling dahil sa init at dust. Nagrereview center kasi yung anak ko e ayaw namang umabsent. Mukhang kailangan ko istop muna ang bactroban. Mahirap kasi sis nasa mukha yung mamaso ng anak ko kawawa naman kung mangitim at magpeklat lalo na dalaga na siya. Perong awang awa ako sa kanya   kumakalat na sa dalawang cheeks at yung isa ang laki na kasing laki na ng 5 centavo coin bukod sa di pa gumagaling yung sa tenga niya.

Gaano ba katagal bago magheal? Sana magstop na yung paglaki at pagkalat nito.
« Last Edit: May 16, 2014, 11:04:53 am by zen1820 »

angellouise06

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #63 on: May 16, 2014, 08:27:51 pm »
hi sis zen1820, yung anak ko tues ko pinacheckup pagdating ng thurs tuyo na. niresetahan din kasi sya ng antibiotic kaya ang bilis mag heal although yung nga nangitim pero medyo nag lighten na din kasi nga may contractubex saka bata pa kasi yung anak ko.

zen1820

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #64 on: May 17, 2014, 07:18:57 am »
Uminom na ng antibiotic yung anak ko para sa una niyang mamaso sa tenga plus ointment . mag2 months na ganun pa rin parang sunog na nga ang hitsura ng tenga niya . Sa mukha naman,  since bago pa lang yun lumalaki pa rin. Yung pangalawang derma hindi na niya pinainom ng antibiotic,  antihistamine lang at oint ment lang. Nang nilagyan ko ng bactroban for 2 days parang nagdadry up na siya. Sana tuloy tuloy na paggaling. Hopefully di mangitim ng sobra. Thank you so much sis

angellouise06

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #65 on: May 17, 2014, 08:24:56 pm »
pag nag dry na tuluyan sis try mo lagyan ng contractubex although medyo mahal nga lang.

Nhetskii

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #66 on: May 19, 2014, 08:55:41 am »
yung sa baby ko mabilis nag heal. Buti na lang nadala agad sa doctor at nabigyan agad ng antibiotic. Di nga niresetahan ng ointment. pero since meron naman akong bactroban sa bahay, ginamitan ko na din. May napansin akong isang maliit na pasimula pa lang, nilagyan ko agad.. ayun di na sya lumaki. Natuyo na din.. pero di maitim ang peklat nya, kulay puti.... papahiran ko na lang ng VCO.. buti na lang sa ilalim ng braso nagkaroon...

zen1820

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #67 on: June 19, 2014, 10:45:18 am »
After 2 dermas lumala pa rin yung sugat sa mukha ng anak ko na akala ko mamaso kaya nagpacheck up kami sa pedia derma sa medical city kay Dr. paguio. kahit mahal o( P1000 consultation fee ) ok lang gumaling na yung sugat sa face ng daughter ko. and i found out its not mamaso. its a skin allergy called eczema. hay naku nakakainis . kaya di dapat nagpapacehck up kung kanikaninong doctor. buti nalang nabasa ko yung blog ng isang mommy na napagaling yung anak niya ni dr. paguio na merong dermatatis. He is very good doctor at mabait pwede mo pang kausapin sa phone. but sad to say ang peklat sa face nya  ay matatagalan pa bago mawala. Nakakaiyak :( kaya maraming ritwal na dapat gawin. VCO oil really help a lot sa sugat ni daughter . Pinapamasage sa akin ng 20 minutes tapos wash ng oilatrum soap then apply altargo and elicon ointment yung ang nagpagaling. pero ang peklat we still have to wait. as of now elicon cream cetaphil lotion and cream ang pang maintenance nya.

mushroomkite

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #68 on: June 23, 2014, 10:30:06 am »
Yay! This thread is so helpful no need to bring my 4 year old to his pedia. My son got his mamaso exactly June 16th, his first day in preschool! Buti na lang when I read some of your comments I immediately ran to the drugstore. I bought Bactroban Cream (if basa daw yung sugat, ointment naman if dry) It first started under his nose. Buti na lang nawala talaga after 3 days. Yung iba sa legs nawala na din after a week kasi na scratch na kaya medyo malaki yung wounds. Thank you all ladies! xxxxx :D

shawliin

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #69 on: March 04, 2015, 08:35:52 am »
Hi sisses! Yung baby ko nagsugat tenga niya. Pinaalis ko muna hikaw. I'm not sure kung mamaso yun. Sa pedia or derma ba dapat siya dalhin?

alih

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #70 on: June 23, 2016, 04:58:48 pm »
Hi Mga sis !! pa help out po kc yung anak ko he is turning 6yrs old this coming july and until now hindi pa din po naghi heal yung mamaso nya sa mga ulo. 2times na po sya nag anti biotic and soap safeguard.

Nhetskii

  • Guest
Re: Mamaso (impetigo)/ Talipaso
« Reply #71 on: June 30, 2016, 12:00:37 pm »
sis nadala mo na ba sya sa doctor? mamaso ba talaga? if its nag uumpisa pa lang, mabilis gumaling basta nakainom na sya ng antibiotic... pero kung medyo malaki na at marami... matagal effect pero para sure, pa check up mo na sya sa doctor.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close