watch now

Author Topic: What vitamins/supplements do you give your dogs?  (Read 380965 times)

minnie99

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #180 on: March 12, 2013, 01:17:42 pm »
Nakabili na ko ng Papi sa vet. 180 din sa vet namin. Nakakatawa kasi nasa Pet Express ako kahapon (BTW, sale ang ilang items nila for March) tapos naghahanap ako ng PAPI.

Ako: "Miss meron ba kayong Papi?"
Saleslady: "*Pangalan ng gamot*?"
Ako: "Hindi, PAPI."
Saleslady: "Pang-puppy po?"
Ako: "Hindi, yung pangalan ng gamot, 'Papi'"
tapos kumuha siya ng gamot... Nutripet. :| Kaloka! hahaha ang hirap pala nito hanapin no?

Kaya nung gabi pinabili ko kasambahay namin... "Papi ha, PAAAPIII. Papi yung pangalan ng gamot."

"Yung tabletas??"

 ??? Anyway nakabili na ko so sana maganda results! :)

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #181 on: March 12, 2013, 11:24:28 pm »
^naku yung ibang staffs mukhang walang alam sa products nila, last time nagask yung cousin ko ng Acana Chicken and potato, wala daw silang ganun, wala daw ganung variant ang Acana lol!

Medyo mahirap ata hanapin yung Papi, yung dealers kasi mostly sa vets lang nagsusupply. Pero I'm sure sisikat din sila onting hintay at inquire lang sa petshops, magiging easily available din yan. Update mo ako sis sa results.

^^hindi rin ako nagbibigay kung hindi kailangan. Kung healthy at maganda naman ang food, hindi na nila kailangan ng supplements, parang sa tao din, okay ang health as long as healthy living. Tsaka hindi rin magandang maging dependent sila sa supplements, pag ganun baka maging weak/sickly sila. Sis, biogesic is not good for dogs pala, replace na lang with their vitamins, vitamin c or dextrose powder ;)

mloveg

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #182 on: March 14, 2013, 10:20:56 am »
sakin ayaw ng baby ko ng raffavit..as in naghahabulan kami pa yu yung ibibigay ko sakanya..so balik LC vit kami

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #183 on: March 14, 2013, 10:28:27 am »
^amin na lang lol! samin naman di effective yung LC vit, naka 2bottles na kami pero walang nangyare, Raffavit yung nagpaganda ng appetite nya. Practice calling him tapos hayaan mo lang na sniff nya, minsan naninibago lang sila sa amoy pero once malasahan at masanay kusa ng lalapit. Make it a daily habit na lang para masanay. Yung shih tzu ko nung nagkasakit, sa araw-araw na papapainom ng gamot, nasanay na sa lasa, kusa na nyang nililick yung mga meds na sinusuka nya nung una ;D

Pink_Sugar

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #184 on: March 16, 2013, 10:47:03 pm »
Ok ba yung vit b complex for dogs? Pero yung iron bawal sa dogs noh? Kaya vit b complex na lang

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #185 on: March 16, 2013, 11:44:55 pm »
^I think mas binibigay ang vit b complex kung may sakit or recovering ang isang dog. Same with iron, binibigay sya lalo na kung may problem sa liver, pero masama kung masobrahan. Kung healthy naman, hanap ka ng overall supplement para di maoverdose. Yung iron, pwede din maging source ang liver, you can give small pieces of boiled chicken or pork liver

cassidy02

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #186 on: March 16, 2013, 11:50:25 pm »
pwede bang maoverdose ang dogs sa vitamins? What to do if ever? Nasobrahan yata painom namin ng raffavit.  =(

rinapie

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #187 on: March 17, 2013, 01:27:07 am »
^hmm... parang wala naman yata talaga nao-overdose sa vitamins? baka pwede upset stomach. hindi ba parang sa tao e inilalabas lang yung hindi nagagamit nang katawan? yun lang, baka internal organs nanaman ang tamaan kasi may mga hindi nailalabas nang katawan nila pero kung raffavit, pang dog naman, i believe friendly naman sa aso yan.

vitamin b complex, hindi ko alam pero iron, gaya nang nasabi, kapag kailangan lang. alam ko kahit sa tao, hindi basta-basta pwede mag take ng iron supplements. naalala ko sa alaga ko, one week lang na nag iron nung kailangan.

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #188 on: March 17, 2013, 10:56:50 am »
^what do you mean nasobrahan sis? anong nangyare sa kanya? May nagbago ba sa behavior, poo?

yes pwede din silang maoverdose kahit sa vitamins and supplements, ganun din sa humans, pwedeng tamaan ang organs usually the kidney and liver pag nasobrahan. I've found out na mas prone sa overdose ang mga to: Vitamin a, b-6, c, and d. pero kung nasa reco dosage kayo, safe naman yun. the reason why I choose the natural ones over synthetic ones, is bec. I've read some articles saying na better quality daw pag galing sa natural sources, pag synthetic kasi nagundergo ng kung ano-anong process, in short man-made lang sila.

mloveg

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #189 on: March 18, 2013, 06:33:12 pm »
sis abuanddiego, thanks! will do that nga :)

pearls0929

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #190 on: March 19, 2013, 06:52:23 pm »
i use PAPI. lumakas kumain shih tzu ko. hihi, i give her 1ml a day.

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #191 on: March 19, 2013, 10:21:55 pm »
^lol ganyan din effect sa shih tzu ko! para syang naging patay-gutom, ang bilis kumain tapos nag-grogrowl pag gutom na ;D

cassidy02

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #192 on: March 20, 2013, 12:25:28 am »
^what do you mean nasobrahan sis? anong nangyare sa kanya? May nagbago ba sa behavior, poo?

yes pwede din silang maoverdose kahit sa vitamins and supplements, ganun din sa humans, pwedeng tamaan ang organs usually the kidney and liver pag nasobrahan. I've found out na mas prone sa overdose ang mga to: Vitamin a, b-6, c, and d. pero kung nasa reco dosage kayo, safe naman yun. the reason why I choose the natural ones over synthetic ones, is bec. I've read some articles saying na better quality daw pag galing sa natural sources, pag synthetic kasi nagundergo ng kung ano-anong process, in short man-made lang sila.

Parang naging antukin sya sis. Kasi we used yung tiki tiki dropper tapos 3 full dose nung dropper per day feeling ok nasobra or nalito Lang ako. Huhu.

jhenpretty

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #193 on: March 20, 2013, 04:32:54 am »
@ sis abu. Ngayon ko lang nabasa reply mo sakin. Buti na lang tinigil na namin pagbigay ng biogesic after immunization sa panganay ko. Yun kasi payo ng first vet niya. Buti na lang pinalitan na namin vet niya. Eukanuba pa inaalok niya na dog food.  Kaya naman pala may commission siya.

On topic. We bought nasty habits tablet for our baby boy. Poop eater kasi. Sana lang effective.

twelve5

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #194 on: March 20, 2013, 05:39:27 am »
mga sis, are your pets getting enough sunshine/vitamin D?

daily ba sunbathing ng pets nyo and for how long?

recently kasi yung youngest ko di nakaka pasyal gano. di naman sya maputla  ;D, pero malay ko ba. hehe

cassidy02

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #195 on: March 20, 2013, 06:34:07 am »
@ sis abu. Ngayon ko lang nabasa reply mo sakin. Buti na lang tinigil na namin pagbigay ng biogesic after immunization sa panganay ko. Yun kasi payo ng first vet niya. Buti na lang pinalitan na namin vet niya. Eukanuba pa inaalok niya na dog food.  Kaya naman pala may commission siya.

On topic. We bought nasty habits tablet for our baby boy. Poop eater kasi. Sana lang effective.

^where did you buy this sis and for how much?

jhenpretty

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #196 on: March 20, 2013, 08:54:36 am »
^ sa vet clinic ng mga fur kids ko pero available naman siya usually sa mga vet clinic. Nasty habit for dogs by nutri-vet. Sana lang effective siya...

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #197 on: March 20, 2013, 11:08:47 pm »
cassidy, normal lang na maging antukin sila lalo pag puppies or nagiba ang panahon. Try mo gawin 2-2.5ml muna yung tiki-tiki then see kung may changes.

jhen, meron din ang Solid Gold for that, Stop Eating Poop (SEP) yung name, minimix sya sa food.

twelve, lololol! sa totoo lang, takot kaming mag-iina kay haring araw (allergic ako sa pawis haha sila naman bawal mainitan) kaya madalang ko sila paarawan. Ginagawa ko tumatambay kami sa garden na may bubong lol tapos bonding kami for 30mins to 1 hour. Alam ko dapat nilalabas talaga sila kasi pag walang enough sunlight, hihina ang vision and pwede magkaron ng cataract.

jhenpretty

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #198 on: March 20, 2013, 11:39:26 pm »
^ thanks sis abu. Nakita ko din yung SEP sa pet express. May good reviews naman sa nasty habit baka sakaling effective.  Pero kung hindi talaga umeffect baka itry din namin yung sa solid gold.

Grabe nga ang init ngayon. Konting habulan lang hingal na sila. Diretso kagad sa drinker nila. Hindi pwedeng walang nakatutok na electric fan. Makikipag unahan pa pumwesto sa harap ng fan. Ang lakas sa water ng mga fur babies ko. Wala na naman supplements for my fur kids sa ngayon. Bukod sa poop eater kong baby boy... Maganda naman weight nila.. Nahiyang sila sa dog food nila.. ^_^

twelve5

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #199 on: March 21, 2013, 01:16:47 am »
abuanddiego, haha! so naaarawan pa rin kayo maski paano?

naku ayoko magka caract sya.  :'( di kasi sya daily nagsa sunbathing. di ko rin alam if daily requirement din ito. pero pag nasa mood, ayun mejo matagal naman syang naka tihaya sa labas. hehe...

i read kasi na 227IU kelangan ng dogs. yung pet-tabs may 100IU. i havent checked canidae's label... pero sana oks naman sya at wag magka deficiency.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close