watch now

Author Topic: What vitamins/supplements do you give your dogs?  (Read 380782 times)

kid09do

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #80 on: September 12, 2012, 09:07:05 pm »
hello mga sisses!! :D im newbie here in female network..i have super picky toy poodle,,i did apply yung sinasabi nilang 20 min. rule during feeding,i had her dewormed,dae ko na din na try na dry dogfood(with proper transition)pero picky pa din sya..she weigh2.8kg,and i think shes thin pa din kc prominent pa din yun pelvic bone and ribs nya,,gusto ko lang hingi ng help regarding mosegor vita..may nakagamit na ba nito sa mga dogs nyo?ask ko lang kung ilan ml ang ibibigay ko para maboost yung appetite nya thanks:)

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #81 on: September 13, 2012, 03:09:02 am »
^hi sis! welcome to gt and to the pets' section!

ilan mos. na sya? natry mo na lagyan ng meat ang dogfood nya? ano-ano na yung natry mong brands?  kung prominent ang pelvic bone and ribs payat nga sya. nakita na ba ng vet? sinearch ko yung mosegor vita, pizotifen maleate din pala sya? Kung yan nga yung pizotifen, binigyan na rin kami nyan ng vet kasi di rin palakain shih tzu ko nung maliit pa sya. Last month binigyan ulit sya kasi nagkasakit at ayaw kumain. Nakalimutan ko na yung dosage nung puppy pa sya pero yung latest is 5ml/day for two weeks or until maubos yung bottle. ask mo nalang sa vet yung proper dosage for your dog.

Try mo rin sis ang Raffavit, natural ingredients naman sya. yan lang binibigay kong supplement sa mga alaga ko and fish oil. sobrang picky at payat din ng shih tzu ko nung maliit pa pero lumakas appetite nya nung binigyan ko ng Raffavit. almost 2 years na namin yan gamit pero okay pa rin results sa kanya.

kid09do

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #82 on: September 13, 2012, 09:10:15 am »
hi sis @abuanddiego...thanks for the reply..i tried go natural,acana,science diet,eukanuba,i have her checked by the vet..pero she doesnt see any problem naman since masigla and playful yung dog namin,the breeder kasi she used to feed her before some table food kaya naging picky sya pero right now strict na ko sa diet nya..i dont even add meats sa kibbles nya kasi panigurado pipiliin nya yung meat at ititira yung kibbles..the i feed her beef pro ayun lumakas [textspeak!] kumain for 2 months...tas napansin ko lately nagiskip na naman sya ng meals..i gave her 1/4 c per meal 2x/day,she's 2 y/o na and weighs 2.8 kg..palpable kasi yung pelvic nya and it made me think na kailngan nya mag-gain ng weight :'( :'(...anung weight ng tzu mo ngaun sis?

yes sis!yung mosegor vita pizotifen din yun..anung weight ang shitzu mo nun bnigyan sya nun?btw, liquid form ba yung raffavit?saka magkano sis?thanks
« Last Edit: September 13, 2012, 09:17:09 am by kid09do »

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #83 on: September 13, 2012, 04:13:05 pm »
baka psychological yung problem nya. ganyan din yung shih tzu ko dati kaya binigyan ng pizotifen. alam ko sa mga recovering dogs or pag sobrang picky lang at nangangayayat lang sya binibigay. okay lang sis bigyan mo ng meat kasi kailangan ng dogs ang protein, essential ang protein sa body nila at dapat fresh and human grade. yan ang hindi kayang ibigay ng dogfood kahit premium brand pa sya kaya dapat haluan talaga ng meat ang dogfood. premium and grain-free dogfood are not really nutritionally complete, claim lang yun ng dogfood companies para sa kanila umasa mga dog owners. mas maganda kung balik mo sis sa Acana since sila na lang ng Orijen ang wala pang recall. Halos lahat kasi ng premium brands satin narecall na eh.

Yung shih tzu ko bago magkasakit nasa 5.5kg, then naging 5.25kg, yan yung weight nya nung binigyan ng pizotifen. di ko lang sure kung ano na ngayon, pero naglalaro lang siguro sa ganyang bigat. Yes sis liquid yung raffavit, nasa 170-250 sya depende sa store kasi. sa dogs and the city 200 sa pet express 250. 3ml binibigay ko sa shih tzu daily.

kid09do

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #84 on: September 13, 2012, 05:12:16 pm »
sis abu thanks sa info about premium dogfoods..parang ayaw nya kasi nun acana nun inaamoy nya lang tas tatalikuran na sa lahat ng dog food na nasubukan ko beef pro lang yung knain nya talaga ,gusto nya dinudurog yung kibbles tas lalagyan ng konting water..i know mas better pagdry kasi it helps them na maclean yung teeth nila kaso pagdry kasi para syang mabubulunan hehe. im planning to switch her na sa acana ulit o orijen pagnaubos yung stock ng beefpro sa bahay :D sis okay lang ba kung magswitch ako sa ibang dogfood kahit na 2months pa lang sya sa beef pro hindi ba sya lalong magiging picky?
ilang cup yung nauubos ng tzu mo every meal?

i guess ttry ko yung pizotifen then after nya maubos magswitch ako sa rafavit.. ;D tas magadd ako ng konting meat sa food nya sana lang wag piliin..hehe..eager talaga kasi ako mataba sya at maging healthy ..para mas matagal pa kami magsama :D

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #85 on: September 14, 2012, 12:29:43 am »
^walang anuman sis, masaya ako pag shinashare yung mga info sa fellow pet owners para magtagal ang buhay ng mga alaga.alam natin na marami pa rin ang hindi fully aware when it comes to dog ownership kaya maganda kung maspread natin ang mga info. sa totoo lang, mas concern pa ako sa dogs kesa humans haha!

anong variant ng acana natry nya? alam mo yung ibang dogfood, may iniispray daw na pampalasa at nilalagyan ng oil para magustuhan ng mga dogs. beef pro has low quality ingredients, at pwedeng isa sya sa mga brands na nagundergo ng "dogfood coating" so yung pagkagusto nya sa beefpro, hindi sya totally maganda for her since wala syang nakukuhang nutrients, pwedeng naaddict lang sya sa amoy at lasa. yung mas maganda pag dry, sinabi na rin sakin ng vet yan pero based on my research and my experience, hindi sya totoo. yung shih tzu ko noon ilang months nakadry kibbles pero grabe pa rin ang tartar. At dahil moisture ang kailangan ng dogs, mahihirapan sila magdigest kung walang water ang food. Ano ang result in the end, tartar build up and stress sa organs. yan yung mga important infos na di sinasabi ng vet kasi in vet school daw onting-onti ang background on doggie nutrition. Most of their sponsors din daw are dogfood companies so halos lahat ng info galing din sa companies. In other words, most vets rely only on dogfood. Tell them that you're giving homecooked meals and raw feeding, papagalitan ka pa ;D

Yung shih tzu ko siguro 1/2-3/4cup lang per day,minsan 1cup pero may halong meat yung kibbles nya. Ako kasi mas gusto ko magbigay ng real food kaya wala sakin kung mas piliin nila ang meat than kibbles. Nagluluto kasi talaga ako for them at raw feeder din ako sis ;) Actually bumalik lang ako sa kibbles kasi nagkasakit yung shih tzu, elimination trial lang kami ngayon. pero before the year ends plan ko sya ibalik sa homecooked or raw.

I highly suggest na palitan mo ang beefpro kasi hindi maganda ang ingredients. And I assure you na pag hinaluan mo ng meat ang dog food nya magiging mas healthy at tatagal ang pagsasama nyo. You will find out why if you will visit the best dry dogfood thread. Madaming links dun about doggie nutrition. Mas mabuti kung read and study it yourself para matuto ka rin pumili ng right dog food. After reading you will never look at dog food the same way again. Update mo lang kami dito sa progress nyo and goodluck ;)


Huntress Krystle

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #86 on: September 14, 2012, 12:58:42 am »
I have 5 dogs. Dun sa 4, wala akong binibigay na kahit anong supplements kasi perfectly healthy naman sila dun sa premium dog food na kinakain nila. Pero yung isa, since may history sya ng UTI and struvite crystals, she's under homemade diet. And since hindi ako kuntento sa nutrients na nakukuha nya sa pagkain nya, I give her multivitamins lang (Lc-vit) and cranberry capsules for her urinary tract maintenance.

kid09do

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #87 on: September 14, 2012, 10:22:28 am »

sis abu she tried acana paciica back when she's still a puppy..kaso pahirapan din ang pagkain nya..siguro nga naadik sya sa beefpro dhil sa mga preservatives na nkaadd sa kibbles.so ok lang pala kahit isoak ko yung kibbles sa water para mas makain nyang mabuti?ang dami ko natutunan sayo i guess magpapalit na ko sa premium maybe acana kaso di ko alam kung anung variant that suits for her..huhu.. try ko din magadd ng solid gold green tripe..ttry ko dn imonitor yung intake nya baka naooverfeed ko [textspeak!]..medyo dae prob yung dog ko ngaun right now nangangati pa sya...thanks sa knowledge na shinare mo ha..very welcoming ang pagpasok ko dito sa GT...

Post modified. Please refrain from quoting long posts, instead use the ^ or @ sign. And please edit your text speak.
« Last Edit: September 14, 2012, 11:39:21 am by mama squeak! »

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #88 on: September 15, 2012, 01:37:04 am »
walang anuman sis. it's my pleasure to help ;) try mo ulit ibalik sa Acana, tapos lagyan mo kahit chicken or pork stock baka sakaling kainin. ako sis eversince sinosoak ko talaga ang kibbles sa water or stock, masyado kasing dry ang kibbles, mahihirapan sila magdigest. importante lang alam natin kung san sila allergic like for ex. allergic sa chicken or beef, pili ka ng ibang variant. kasi halos pare-parehas lang naman nutritional analysis nila, sa protein source lang nagkakaiba. yung solid gold green tripe, tinigil ko na pala kasi may ingredient sya na di maganda, carrageenan. check mo na lang sa advice for a first time dog owner andun yung usapan namin. siguro yung normal tuwalya na lang sa supermarket ang bigay mo sa kanya, pampalasa lang naman para kumain. baka food lang dahilan nyan, check mo kung mawawala pag nagpalit ka ng food.

kid09do

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #89 on: September 15, 2012, 01:45:05 pm »
sige ichecheck ko,thanks sis abu :) ibinili ko na sya ng acana lamb and apple today since hypo allergenic sya sana maminimize nya yung pangangati at paglalagas ng balahibo ng dog ko dahil siguro yun sa beefpro..maguupdate na lang ako din kung anung improvement nya...thank you sa mga tips  :) :)

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #90 on: September 15, 2012, 02:47:54 pm »
wala yun sis. give mo lang yung acana for 1 month then see kung may changes. pero gradual lang ang transition para di magdiarrhea. update mo lang kami dito.

jhenpretty

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #91 on: September 17, 2012, 04:46:38 pm »
We usually give Papi OB for my pregnant toy poodle and sometimes and additional malunggay capsule and vitamin E.. ^_^

Truimph

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #92 on: September 26, 2012, 07:48:59 pm »
Hi,
Some good fruits and veggies you can give your dog are baby carrots, cherry tomatoes, sliced cucumber, pieces of apple (no seeds or core- those are bad), green beans, small amounts of non spiced canned pumpkin. Small pieces of banana are ok, but only give in small amounts because they are very rich. I would not give your dog milk- they can’t digest it well and it will only cause diarrhea and stomach upset. Water is all they need to drink- you can add some ice cubes for a treat. If you want to give your dog something good for a treat- freeze some apple sauce in ice cube trays or small Dixie cups. Your dog will love it!

ekaht

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #93 on: September 27, 2012, 08:00:54 am »
Meron po ako na shih spitz 3 1/2 months palang. Wala naman akong problema sa pagpapakain sa kanya kasi magana. Eto po tanong ko:

1. Pwede ba human vitamins sa kanya like Tiki-tiki or Ceelin?
2. How many drops or ml and everyday po ba?
3. Mas lalo ba syang lalaki?

Yung retriever kasi namin vitamin for dogs kasi iniinom dati kaso naisip ko baka pwede naman yung pangtao saka kasi mas mura. Thanks! :)

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #94 on: September 30, 2012, 02:25:51 pm »
Ano yung vitamin nya ngayon? gamit namin is raffavit, tipid naman kasi 3-5ml lang per day. umaabot ng 1-2months ang isang bottle.

natry ko ang tiki-tiki 4 years ago, pero di ko masabi kung effective talaga kasi yung dog ko magana talaga kumain at malaking bulas. observe mo na lang kung lalakas ang appetite, mas magiging active pag nabigyan kasi yan usually yung signs na okay yung vitamins. Yung ceelin naman, kahit hindi everyday ang pagbigay, kasi kaya ng mga dogs magproduce ng vitamin c, so during stressful conditions or kung may sakit lang talaga nila kailangan yan.

Pero kung healthy naman ang dog mo, parang sa tao kung healthy sya pati ang food, no need for vitamins. makikita mo naman sa istura niya, like healthy appetite, clear skin, shiny coat, active, firm poop. yung eldest ko hindi kailangan ng vitamins kasi malakas sya talaga kumain, so minsan ko lang bigyan ng raffavit. pero yung shih tzu sya ang may kailangan kasi mahina ang appetite, kung walang raffavit hihina sya kumain. so case to case basis din ang pagbigay ng vitamins.

ekaht

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #95 on: October 11, 2012, 09:46:11 pm »
^ Magkano sis yung Raffavit? Ngayon tiki-tiki lang pinapainom ko sa kanya kahit super gana naman niya kumain bago ko pa siya bigyan ng vitamins. Pansin ko lang kasi sa kanya super liit niya for his age or baka dahil sa maliit yung parents niya kaso pansin ko kahit na ang dami kong pinapakain pin-poop niya lang din kaya di lumalaki katawan niya. Every night ko siya pinapainom ng vitamin, 1 hr after his last meal. 2ml daw sabi ng vet. Pag healthy ba yung dog saka maayos kumain hindi na kailangan ng vitamin?

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #96 on: October 11, 2012, 11:19:50 pm »
^depende sa store sis. nakukuha ko from 180-250. sa dogs and the city 200, sa pet express 250, pero minsan may 10% discount.

yes sis pag healthy naman at malakas ang appetite kahit hindi everyday ibigay. kahit during stressful situations lang like matamlay, may sakit, bagong bakuna, may trip kayo. mas maganda rin kung morning ibigay, pagkagising nyo para magamit nya the whole day. pag gabi kasi di na magagamit since matutulog na kayo, baka maging makulit pa at di matulog hehe.

baka genetics ang dahilan bakit sya maliit. may ganyang mga dogs kahit anong pakain di lalaki kasi mana sa parents. ano ba ang food nya? make sure na quality, at walang grains and by-products. pag maraming grains madalas madami rin ang poop, walang gaano napupunta sa katawan kasi hindi naman nila naaabsorb ang plant matters.

xoxojoy

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #97 on: October 12, 2012, 04:52:24 pm »
Sis ano po pwede vitamins para kumapal uli buhok ng dog ko. Sobra kasi kung mag shef cia ng fur.  :(

abuanddiego

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #98 on: October 14, 2012, 01:25:26 am »
^may mga dogs na malakas talaga magshed. ano ang dog mo? ilang mos/year na? pero pwedeng shedding season kaya numipis ang balahibo nya, shampoo--baka matapang, pwede rin food or may lacking na supplements. make sure din na walang skin problem. aside from giving a healthy diet, ano pala ang food nya? bigay ka ng fish oil na human grade, mataas sya sa omega 3, at yan ang magpapaganda sa coat and skin nya, pwede rin virgin coconut oil ipainom at ipahid sa coat.

xoxojoy

  • Guest
Re: What vitamins/supplements do you give your dogs?
« Reply #99 on: October 16, 2012, 10:31:49 pm »
I have a 3 month old chowspitz.. beefpro puppy [textspeak!] ftood nia. Ano ba maganda dogfood? TIA

 

Latest Stories

Load More Stories
Close