Hi po mga ate... bago lang po ako dto sa forum, kwento ko lang po yung experiences ko, bale 6 months na po kami kasal ni hubby (27 yrs old po siya,at 26 yrs old po ako), then b4 po kmi ikasal nabuntis po ako tapos na D&C po ako (4 weeks preggy), that was last Feb 2012, ang sakit po nung pangyayari, kasi ikakasal po kmi ng April nun, after po nun sumunod po ako sa kanya sa ibang bansa kasi OFW po siya, that was June 2012 sumunod ako sa kanya, then na-preggy po ako nun, tapos ganun na naman po, hindi po siya nagtuloy (3 weeks preggy po ako nun), so advice ng OB, i-plan daw kung gusto uli magtry magka baby, so wait kmi ng 1 month then nagtry kmi uli, tapos sa pangatlong pagkakataon, ganun na naman po, sabi ng OB may mga tissues na naiwan sa loob na kapag di na D&C ay maaring ma-impeksyon, so wala naman kmi nagawa ni hubby kundi sundin yung OB, kasi natatakot kmi na mas lalo po lumala kung maiimpeksyon pa, so last Saturday (Oct 20, 2012) ginawa ulit yung D&C sakin, ang hirap po at ang sakit, pero wala naman po kmi magawa, ang nasa isip po naming mag asawa ay kagustuhan po ito ng Diyos, at naniniwala kaming magasawa na God won't give us something which we cannot handle... ang tanong ko po ay eto, kasi uuwi po kmi ni hubby for vacation this dec1-16, 2012, posible po ba na okey lang ako na hilutin kahit 1 month pa lang ang nakakalipas after ko mad d&C ng pangatlong beses? balak din po kasi namin na magpahinga muna ng 6 months then magtry uli. Isa n nga po sa plan namin ang magpahilot, kasi naniniwala po kmi ni hubby dun, and then check up pa din sa OB para maadvice po kmi kung ano yung mga dapt gawin...salamat po, at sana po magka baby na tayong lahat....