oo naman sis. don't let your desire of having a baby turned off. Ika nga nila, wag ka mawalan ng pag-asa.
Marami sa atin maliban sayo na mas madaming beses ng nakunan at nasaktan, mas masakit, may iba kasi nung nagpupunta pa ako nun UDMC nuon para magcontract or para mailabas ko yun baby ko na dead na eh, may mga mas malala na condition, i was at 23 weeks nun time na yun, and nasa isang room ako nuon nung umiiyak, my hubby and my Inlaw is outside of the room. sa kwarto na yun may 4 pang mga babae na preggy and mas malalaki ang tyan sa akin- all the while i though manganganak na sila.. pero i heard one lady crying over her cellphone when i was waiting for a nurse pa nuon to have my bed ready.
sabi nun babae over her cp, "dad, bat ganun? one week na lang lalabas na siya pero bakit ganto? ok naman siya nun una, pero bkit wala na ngayon?" at that time iyak ako ng iyak, pero nun narinig ko uyn, kahit papanu tumigil ako sa pagiyak, di ko sinasabing mas kawawa siya sa akin dahil one week due na niya pero wala na and ako na 23 weeks mas maaga ko nalaman na wala na... medyo gumaan loob ko nuon, nasa isip ko is mas masakit yun sa knya na isang linggo n alng di pa nahintay... at lalu yun isang nakasabayan ko na mas masakit, dahil all the while they were expecting for a safe delivery, dahil naideliver naman yun baby ng maayos and yun mom maayos din, pero after 6 hours or so, we didnt knew what had happened.. nagwawala na yun mother na nanganak non, wala na din daw buhay yung baby, sabi dahil mahina daw baby and my complications... i dont know, pero they heard the baby cried nun lumabas...
i kept silent all the time when i was at the hospital, minsan mapapaiyak na lang without any reason at all.... i even asked my mother in law na bakit ganun, ang tagal ko hiningi then ibinigay pero kinuha na naman, my inlaw told me na bka sinusubukan ako nun nasa Itaas, feeling ko pa nuon napakasama kong anak kaya non ayaw ako gawing ina... i said sorry to my mom, to my inlaws to everbody.. they didnt reply sa text ko nuon, alam nila siguro nun time na yun na gulong gulo isip ko...
i asked my husband to go with me at the church , sa Sto. Domingo church pa yun, i attended mass and asked for a confession. hinintay ko pa uyn priest nun dun sa may gilid, and asked for His forgiveness, kasi nga nasa isip ko nun was pinagbabayad ako ng Diyos sa lahat ng kasalanan ko... the priest that i have talked to was nice and good to explain to me everything na "Hindi mapaghiganti ang Diyos, higit sa lahat Hindi magbibigay ang Diyos ng hindi natin kakayanin... Ang Diyos ay mabuti, may mga dahilan kung bakit nangyayari ito..." Until now, nasa utak ko pa din yan, nauunawaan ko na yun sinasabi niya, tama, may dahilan ang lahat- una naging mas malapit ako sa pamilya ko, pangalawa, mas pinahalgahan ko ang aking ina, at higit sa lahat ngayon Siya na ang aming katuwang...
Basta tandaan mo, hindi ka nag-iisa. Habang may matres and my semilya ang asawa mo, may pag asa pa... Walang magagawa ang takot kundi ang ilayo ka/tayo sa mga hangarin nating magpasaya at gumawa ng mabuti.
I'd like to share this to you, totoo to, kasi lage ko na to binabasa and inaalala sa tuwing nakakaramdam ako ng takot...
"Pray, Hope and Don't Worry
Worry is useless,
God is merciful and will hear our prayers."
From St. Padre Pio
Effective siya sa akin, basta dont loose hope, iasa mo lang sa Kanya. Believe, miracles do happen in this situation, you wont know when and where- but surely it will happen.