mahirap talaga pag hindi nakabukod. ever since we moved back in with my parents, feeling ko talaga, my husband resents all the changes. ganito kasi. when we were bf-gf pa lang, he used to work abroad. so he went home, we got married, moved into our own house (gift ng parents ko sa amin). dahil malaki ang ipon nya, hindi sya nagwork dito. instead, nag-try lang mag-business business. unfortunately, hindi successful so eventually, naubos ang pera. ako naman, may work ako pero hindi kaya ng income ko na ma-support lahat ng needs namin. nagka-baby pa kami. so no choice, we moved in with my parents. at least, walang bills na binabayaran kasi ayaw ng parents ko na magbayad kami. dahil nandun kami sa parents ko, nag-iba na talaga ang buhay namin. my parents, especially my dad, does not like that he does not work. actually, ayoko na rin na nasa bahay sya kasi nakakahiya na ako nasa office buong araw habang sya walang work. kahit naghahanap sya ng mga raket at business, dahil hindi sya umaalis, it creates the impression that he is a bum. medyo totoo naman din kasi tamad din talaga sya. ayaw ng office. I had to pressure him to get a job. ang tagal na ganun kami. ako ang middleman. lagi sinisita ng parents ko ang katamaran nya, so nagaaway kami pag sinasabi ko sa kanya ang mga sinabi sa akin ng parents ko. anyway, naghanap na sya ng work at ngayon naman, medyo ok kami. ang problema, syempre lumalaki ang needs namin at hindi ko talaga gusto na forever kami nasa parents ko. gusto ko talaga makapag-sarili kami ulit. I encourage my husband to find work abroad ulit. sabi ko sa kanya, magwork sya ulit para makaipon at makapag-try ulit sya ng business. sabi nya sige daw, pero naka ilang paguusap na kami, wala pa rin sya ginagawa. lagi na lang may excuse sya to delay sending his application. nakaka-frustrate. kung ayaw na nya umalis, ok lang din naman. pero sa totoo lang, lagi din sya late at absent sa trabaho nya kaya hindi sya umaangat. ang tamad tamad nya. hindi namin kaya magpaaral ng bata sa income namin ngayon. gusto ko na sya palayasin baka sakali matauhan at magpakatanda. pero hindi ko alam kung valid reason yan. mabait naman sya, ang tamad lang talaga. hiyang hiya na ako sa parents ko na mula nung bumalik kami, wala pa rin improvement ang buhay ko.