watch now

Author Topic: hinanakit kay hubby, meron ka ba?  (Read 70342 times)

k_heart

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #140 on: September 11, 2012, 01:51:22 am »
wala naman.

girl24

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #141 on: September 11, 2012, 09:21:04 am »
^^ sis jenie0519, iisa lang ba asawa natin? si mr. perfect din kasi hubby ko. lahat ng tao mali, siya lang tama kahit mali na siya talaga, siya pa rin tama... labo noh?! lagi pa galit, nakamura at singhal...

hay... ang tagal mapuno ng salop... nakakainip...

jenie0519

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #142 on: September 11, 2012, 01:43:29 pm »
sis girl24, di kaya kambal sila sis? or magkapatid sa labas?

Yep, si hubby although hindi pasinghal, alam mo yung tone niya parang engot yung kausap? Minsan ang sentences niyan laging nageend with "naiintindihan mo?"  And madalas nakikita ko na tingin niya sa kin is di ako matalino.  Kagaya pag sa baby namin, pag napapagusapan na matalino ang anak namin, lagi niya sinasabi sa side nila nagmana, magkukwento siya na kesyo yung mga pamangkin niya at yung mga kapatid niya, and siya lahat matatalino. At talagang nagrereact siya ha? Pag sinabi ko na mana sa kin ang anak ko? Umaapela yan, minsan napapahiya ako sa ibang tao, kaya sinasabi ko na lang, mana sa ming 2. 

Di ako matalinong matalino, pero i can say naman na may utak din ako.  I mean nakaramdam din naman ako ng awards at naging honor nung bata ako.
Ewan ba kay hubby, parang dapat sa ming 2 kailangan siya lagi yung mas angat. 
Oh, pati sa looks ng baby ko, kamukhang kamukha niya kasi, proud na proud siya, buti na lang daw kamukha niya.  Sabi ko sa sarili ko, pano na lang kung yung next baby namin kamukha ko, baka mamaya sabihin niya kawawa naman kasi di niya kasing guapo...  :'(

slovy

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #143 on: September 12, 2012, 03:55:52 pm »
meron... Pa vent out lang ng dinaramdam. Sobrang nakakaasar kasi si hubby. Honestly, ayaw ko talaga magiging issue ang pera sa aming dalawa. Kaya lang I found out this morning nagparepair sya ng ref na naman. we have 2 refs isa sa 2nd floor, and isa sa baba. Nagkadeprencia ang isa actually kagabi lang nag start, twice ng pinarepair yun mga sis, at ang mahal talaga ng bayad 3 months ago he paid 8k tapos ngayon naman 7k, kung binili nya yun ng bago diba? yun ang point ko kasi parepair sya ng parepair ibili na lang ng bago at least tatagal, hindi katulad nun papaayos nya tas magkakaproblema na naman ulit. Nag away kami. Hindi ginamit ang utak. Para kasing nagpapaloko sya dun sa repairman. Tapos ito pa ang pinagtatampo ko kasi binyag ng baby namin next month. At dahil sabay sa birthday ng sil ko hindi kami gagastos ng food and venue, malaking tipid yun on his part. I asked him to give pambili ng cake, candy buffet and photog, souvenirs for the godparents ayaw nya kasi baka daw ibili din ng mga kapatid nya, ayaw ko naman ng ganun mga sis, ano na lang iisipin diba nakalibre na nga foods pati yung ganun iniasa pa pala sa kanila, so pinilit ko sya. ayaw talaga, so ako na lang nagsolo sa gastos nung cake and cupcakes, choco fountain & candy bar, souvenirs & photog. nakiusap pa ako 2 days ago na baka pwedeng kahit 1500 na lang i-add nya para maavail din namin ang video, hindi nya ako binigyan. kasi hihintayin nga daw ang kapatid nya kasi baka gusto rin sila na lang magbigay kaya nagalit ako. Hindi naman ako palahingi sa kanya eh. sinolo ko na nga yung mga yun, malaki din yun, tapos yun lang 1500 hindi ako mapagbigyan. buti pa kung para sa akin eh para sa anak din naman nya. tas kanina nga nalaman ko tulog kasi ako nung nagising ako nakita ko na yung mga repairman and when I asked them how much charge 7k daw, at meron kaming kasama ditong tenant sa 1st floor, alam ko sya ang culprit kasi palagi naglalagay ng food sa ref kahit mainit pa at sinabi na nya sa tenant yun kahapon so ibig sabihin aware ang tenant na maaring sya ang dahilan pero sinolo nya yung bayarin hindi nya siningil ang tenant. naiiyak na lang ako sa inis.

EmvTaMi

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #144 on: September 20, 2012, 01:43:04 pm »
Yes meron!
Yung kaunting sweldo nya pinambabayad nya pa ng kuryente/tubig sa bahay nila. Nanghihingi pa allowance MIL ko! Ano yon?! Hindi sa pagdadamot, wala naman ipagdadamot dahil minimum lang sweldo nya. Hindi naman sya/kami nakatira don, hindi kami ang gumagamit ng kuryente/tubig don! Sa gatas na lang ng anak namin napupunta yung matitira. Hello!? Wag kasi nya itolerate yung kapatid nya na nasa abroad, hindi man lang magpadala samantalang nandun yung anak nya sa MIL ko.  Samantalang kami asa na nga lang kami sa parents ko, sana man lang yung pangangailangan ng anak namin sya na ang gumastos.  >:(

yown

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #145 on: September 22, 2012, 12:06:26 am »
Madame!! Hahaha! Masungit, bilis uminit ang ulo, feeling ko t**** ko. Kakasabi nya na ang t**** ko, puro basketball hindi man lang ako tulungan mag alaga ng baby namin cs pa naman ako.

gnrn_026

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #146 on: October 27, 2012, 12:13:30 pm »
napakadame! WORST HUSBAND EVER! Swerte ko lang good provider sha financially. (or should i say yung parebns nya) BUM lang naman sha eh. Palamon lang din. Iginaya pa ako sa kanya, im an nurse pero walang ngyayare sa buhay because of him. He wouldn't let me work! Hanggang ngayon umaasa pa din kami! My only hope is canada.

Girltalker2

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #147 on: October 27, 2012, 05:20:57 pm »
Yes meron!
Yung kaunting sweldo nya pinambabayad nya pa ng kuryente/tubig sa bahay nila. Nanghihingi pa allowance MIL ko! Ano yon?! Hindi sa pagdadamot, wala naman ipagdadamot dahil minimum lang sweldo nya. Hindi naman sya/kami nakatira don, hindi kami ang gumagamit ng kuryente/tubig don! Sa gatas na lang ng anak namin napupunta yung matitira. Hello!? Wag kasi nya itolerate yung kapatid nya na nasa abroad, hindi man lang magpadala samantalang nandun yung anak nya sa MIL ko.  Samantalang kami asa na nga lang kami sa parents ko, sana man lang yung pangangailangan ng anak namin sya na ang gumastos.  >:(

sis, supposedly, maliit lang dapat ang tubig/kuryente. pero kung hindi nagtitipid ang mga tao sa bahay kasi hindi sila ang nagbabayad, it can go up to as high as 15k/month. suggest ko lang eh baka naman puede kausapin ni hubby mo mom nya na magbibigay sya monthly, pero fixed na.  so bahala na mom nya how to  budget it, kasi kamo kapos din naman kayo. 

mahirap kasi sabihin kay hubby na totally hwag magbigay, at im sure away yun.  so agree with him nalang na magbigay pero sana matauhan din sya na may hangganan din dapat. kasi ang priority nya dapat ang family na nya.

kjshoot2ill

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #148 on: October 30, 2012, 06:08:13 pm »
im not a girl pero pansin ko sa asawa ko dami syang hinanakit sa akin.
im into techie kasi, kalikot ng PC if walang trabaho
so napabayaan ko sya at ang anak ko
boring kasi buhay ko pgdi ako nakaharap sa PC :-[

imeego

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #149 on: November 03, 2012, 11:13:03 am »
WALA  :) pero feeling ko siya meron, ang sungit ko daw kasi ;D

Shadow Angel

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #150 on: November 04, 2012, 07:01:53 pm »
Kahit bf pa nga lang meron na...

akosiinay

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #151 on: November 19, 2012, 11:02:16 pm »
madami,, pagod na ako sayo  gusto ko ng peace of mind, kung madali nga lang ba na hiwalayan ka matagal ko na sana ginawa, basta hindi na ako masaya

yown

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #152 on: November 20, 2012, 05:08:49 am »
Gusto ko sumigaw ng malakas para mabawasan ang nag uumapaw na galit ko kung pwede lang hiwalayan na e hay sana. Mag karoon na ko ng peace of mind

zidane

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #153 on: November 20, 2012, 06:56:58 am »
sis pa share, wala na kc ako masabihan talaga..

lumayas kami sa bahay namin last saturday, dun muna ako tumutuloy sa bahay ng mama ko.. ng away kami ni hubby, actually inaway ko siya..feeling ko kc wala siyang pakelam sa akin eh.. btw im preggy now going 4mos..

last sat night inaantay ko cy 10pm kc uwi niya from work, inantay ko siya para samahan niya ako kumain sa fav. restaurant ko, medyo malayo sa amin kc yun... hindi ako nakapag hapunan dat day actually pati nga tanghalian basta kc wala akong gana..
nung 10:30pm na ng tataka ako bakit wala pa siya, so tinawagan ko siya sa facetime, wala ako load eh, pero me hint nako na me inuman session nanaman sila ng mga ka opisina niya..

so ayun nga inom lang daw siya saglit, sabi ko uwi muna siya kc gutom nako tapos balik na lang siya dun.. ending ayaw niya umuwi antayin nya na lang daw ako sandali lang daw siya...

Ako naman nagalit nako, hindi naman kc to first time na ginawa niya sa akin yon... nung mga sobrang lihi moment ko 4am na siya nakakauwi from inom, so 4 am pako nakakakain ng hapunan..dati ok lang sa akin kc mas matakaw ako sa tulog nun eh kaso ngayon di ako makatulog na pag gutom.. syempre inaaway ko din siya nun pero not to the point na layasan ko siya..

sa galit ko umalis kami sa bahay kasama 2 sons ko, first time to..

up to now hindi pa kami ng uusap, di niya ako tinetxt o col hindi niya din kami sinusundo.. kahit ano wala...

sabi ng mom and sis ko babaw daw ng ping awayan namin para maghiwalay, pero kc feeling ko kc now balewala lang din naman yun sa kanya..

hubby is not bad naman in general, mas maldita nga ako, pero mas madalas pag nag aaway kami tahimik lang siya, hindi niya din ako pinapatulan sa mga kaartehan ko...pero good provider naman siya wala din naman babae(o hindi ko pa alam)... pero basta pag nag aaway kami feeling ko wala lang sa kanya... pag nag aaway kami, ok nga lang sa kanya kahit hindi kami mag usap o pag usapan yung issue, mtutulog na lang siya, madalas ako yung unang gumagawa ng move para mag usap kami ng maayos at para mag open up siya...

parang ngayon sobrang feeling ko balewala lang kami sa kanya, na ok lang siguro sa kanya na masira pamilya namin.. lumayas din ako para at least maturuan ko siya ng leksyon na hindi niya ako dapat binabalewala, saka db dapat inaalagaan niya ako ngayon at mas iniintindi kc nga im pregnant..

mga sis pls advise naman ano ba dapat ko gawin? sori haba ng story ko..

Priceless

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #154 on: November 20, 2012, 09:06:01 am »
^Hi sis, tama nga si mama mo. Medyo mababaw nga naman ang dahilan ng pag alsa balutan mo.

I'm also very much pregnant although I don't really believe in "lihi". I mean, there are some cravings sa food, kadalasan nga wala akong gana, pero it's never come to the point na di ako kakain dahil iniintay ko si hubby. Uh hello? Bakit mo sya kailangang hintayin? Eh ano naman kung di ka makakain nung specific na dish na yun sa favorite mong restaurant? Bakit di ka pwedeng maghapunan kung ano ang available sa bahay nyo?

Hindi naman sa kinakampihan ko si mister mo, dahil hindi din naman ako pabor sa pag-inom inom at hang out sa barkada hanggang madaling araw, pero hindi naman ibig sabihin na porket buntis ka eh maging sunodsunuran nalang sya sa bawat gusto mo diba. Tapos dinamay mo pa yung dalawa mong anak sa emotional at mood swing mo. Parang hindi tama.

Andyan na yan at siguro kailangan mo nalang kainin ang pride mo, pero yang pagwalkout walk out na yan, parang "boy who cried wolf" yan eh. Baka balang araw pag nag walkout ka nang may valid reason, wala nang maging effect sa asawa mo kasi iisipin nyang standard routine mo na yan kahit wala namang magandang dahilan.

zidane

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #155 on: November 20, 2012, 09:32:27 am »
sis thanks sa reply ha, so tingin mo ako pa mg sosorry? parang hindi ko naman keri to, to think na hindi naman isang beses niya to ginawa..saka dami ko din pinalampas na pambabalewala niya eh kumbaga that night sumabog nako...

medyo ayaw ko nga yung ulam namin that night

sa totoo lang inaantay ko lang na mg sorry siya at sunduin niya kami, sasama naman ako eh..kaso ni ha ni ho wala.. kaya lalo sumasama loob ko, kahit kamustahin mga anak ko wala eh...

iniisip ko nga pano niya kami natitiis ng ganito.. tama bang kahit isang text wala?

isang sorry lang sana tapos nato..kaso wala eh..

hindi ko naman din hobby mg layas sis, sabi ko nga ngayon lang to..

sistah!

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #156 on: November 20, 2012, 10:03:34 am »
hay.

si hubby ayaw mag-work. allergic yata sa mga office. i work naman and kahit maliit sweldo ko, i manage. i can afford groceries, my baby's doctors'fees and vaccinations, sweldo ng yaya, konting luho. wala nga lang akong ipon talaga kasi nauubos din. wala kaming binabayaran na bills kasi nakatira kami sa parents ko and they pay for all the household bills (electricity, water, internet). take note ha, before we had a kid, solo kami ng asawa ko. we lived in our own house. we had to give it up kasi ayoko maiwan ang baby ko mag-isa sa yaya pag nasa work ako. at least sa ganito, andun ang parents ko kasama ang baby and yaya. mabuti na lang din lumipat kami sa parents ko kasi yung ginagastos ko dati sa maintenance ng bahay namin, ginagamit ko na lang ngayon sa needs ni baby.

anyway, eto na nga. ayaw mag-work ng asawa ko. nakakainis kasi parang ewan lang na ako ng ako ang gumagastos. gusto ko na sya paalisin sa bahay. baka matauhan na hindi pwede sa akin ang ganyan. in fairness, dati naman kasi nagbu-business sya pero nalugi kaya ngayon wala talaga syang pera. when i brought it up na dapat mag-work na sya. sabi ba naman sa akin, "tingnan mo nga sarili mo. wala ka naman naiipon kahit nagtatrabaho ka. kaya mas maganda mag-negosyo" FINE DIBA. pero at least ako hindi ako nawawalan ng pera. every 15 and 30, may sweldo ako. sya wala talaga minsan kung hindi maka-raket. ang point ko naman, pano magne-negosyo ng walang pang-puhunan diba?! eh di magwork sya, tapos mag-ipon. tapos mag-negosyo ulit. nakakainis lang kasi magpapasko na at magbi-birthday pa ang baby ko at mukhang ako lahat ang gagastos. gusto ko na talaga sya iwan.

Priceless

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #157 on: November 20, 2012, 10:40:12 am »
sis thanks sa reply ha, so tingin mo ako pa mg sosorry? parang hindi ko naman keri to, to think na hindi naman isang beses niya to ginawa..saka dami ko din pinalampas na pambabalewala niya eh kumbaga that night sumabog nako...

medyo ayaw ko nga yung ulam namin that night

sa totoo lang inaantay ko lang na mg sorry siya at sunduin niya kami, sasama naman ako eh..kaso ni ha ni ho wala.. kaya lalo sumasama loob ko, kahit kamustahin mga anak ko wala eh...

iniisip ko nga pano niya kami natitiis ng ganito.. tama bang kahit isang text wala?

isang sorry lang sana tapos nato..kaso wala eh..

hindi ko naman din hobby mg layas sis, sabi ko nga ngayon lang to..

Sis, kung di mo kayang mag sorry, ikaw nalang mag reach out for a discussion. I explain mo kung bakit hindi mo gusto yung parati syang umuuwi nang late and inuuna nya ang barkada nya....

I bet he feels that you're being unreasonable, and if he reaches out to you and says sorry to you, it's as if he's encouraging that. Do you really think na binabalewala ka o baka naman feeling nya over the top ka din?

I know kasi minsan ganyan din ako - like, sa isip ko naiinis ako dahil ang asawa ko parating wala (work commitments and traveling for work), akyat baba ako sa bahay namin kasi nag-aayos ako ng gamit or nagliligpit - pero naisip ko naman na dati na naman syang nagttravel for work, at naintindihan ko naman yung klase ng work nya, na ako din naman ang may gustong magligpit at maglinis ng bahay kahit ilang beses pa nya ako sabihan na ipagpaubaya ko nalang sa maid... So in the end, ako na rin ang nagrarationalize ng issue at nawawala na ang inis ko.

Don't use your pregnancy to be a disability - physical or emotional or mental. It's not as if we should stop looking after yourself just because we are pregnant. And the world does not revolve around us lang and we become super dependent, helpless women just because we're pregnant. If he can't be there to be with you for dinner - edi magdinner ka mag-isa or kasama ng mga kids mo.

Kung naiinis ka na nagiinom sya at nagpapalate nang di nagsasabi or nagpapaalam, then tell him na hindi naman tama/respectful sayo yun as a wife and dapat may time din sya to help you out with kids. Mga ganung reasoning mahirap kalabanin. Yung gamitin ang pagiging buntis so that he drops everything else and focuses on you - is probably a less convincing reason.

Priceless

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #158 on: November 20, 2012, 10:43:53 am »
Sis Sistah! = Did you talk to hubby and tell him that you would like it na share kayo sa gastos at expenses sa bahay, sa baby, etc? And to be able to contribute he needs a steady income? Baka naman kasi nakikita nya every month you cover everything din naman so no need for him to contribute?

Natanong mo na ba sya - "parati na lang ba tayo ganito na naka-asa sa mga magulang ko?" "Pano pag napagod na sila at pina alis tayo" "Dapat siguro magcontribute tayo kahit papano"?

sistah!

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #159 on: November 20, 2012, 12:57:26 pm »
i told him that na. ilang beses na. ngayon pinagkakaabalahan nya yung aso nya kasi nanganak so ibebenta nya daw yung puppies. yung value ng 2 puppies, pambayad na nya sa mga utang nya yun. so basically, ang kikitain nya is yung makukuha nya sa benta ng ibang puppies.

nakaka-frustrate lang. sinasabi ko sa kanya na kaya ko bayaran ngayon yung mga gastos namin, pero may mga iba akong kailangan i-sacrifice to make it work. ang sa akin kasi, magwork na lang sya. on the side, whatever he earns, eh di ipon na yan. parang wala pa yata syang long term plan. baby pa lang ang anak ko pero hindi ko alam kung pano ko sya papaaralin pag ganyan ang asawa ko. nakakainis parang hindi nahihiya sa magulang ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close