watch now

Author Topic: Lee Min Ho  (Read 130049 times)

esor

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #400 on: July 08, 2013, 09:32:58 am »
sis  mozilla, sa VIP 2 U2 ang seat ko hehe, isa kami sa makukulit na pumunta sa harap ng stage, kalurkey nga, kaya madami akong super lapit na shots :D Pasensya na po dun sa mga naharangan namin, I know asar samin yung nasa front row, pati yung sa mga sumunod na rows, di lang talaga namin napigilan, alam nyo yan mga sisterette! ^^

ang hirap maging fan girl, masyadong magastos!!! :D

share ulit ako ng video "Say Yes" (encore perf)
http://www.youtube.com/watch?v=LcPJ3y3XPIU&feature=youtu.be

hayyyyy LMH  :-*

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #401 on: July 08, 2013, 09:44:57 am »
@ sis mozilla: pano niyo nalaman san sila kakain after the concert? malayo pa kasi pinagparkan namin, tapos kapagod makipagtulakan kasi we waited na lumabas yung convoy nila sa arena. batok lang niya yung nakita ko, super tinted ng windows tapos gabi pa.

ang mahal nga ng album niya! i just downloaded his songs sa ipod ko pero willing ako bumili if may dvd nung concert. watching yung videos nung concert, para kasing lutang ako the whole night eh.

@sis esor: hirap naman magpigil lalo na kung may chance ka to go near him. buti na nga lang hindi sila naghigpit na bawal pumunta sa harap. grabe super lapit mo! kung pwede lang tumalon sa stage noh?  ;D

esor

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #402 on: July 08, 2013, 09:52:21 am »
natatawa na nga lang kami ng sister ko, kasi soldier lang ang peg namin habang pumunta sa harap ng stage  ;D

^sis mozilla, ang bongga nyo ha, galing nyo mag stalk  ;)

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #403 on: July 08, 2013, 10:32:02 am »
^ sis after watching your videos (ganda talaga ng pwesto niyo), i noticed 2 things:

1. compared to his concerts prior here, i dont know if its just me pero parang mas mataas energy level ng performance niya dito and he really connected with his fans. aside from smiling, he also laughed in between during the concert. he did things na dito niya lang ginawa like his butt dance, impromptu singing, magbigay ng damit na sinuot niya, nakikipagkulitan (like yung nagbubunot siya ng winners, nagmamake sound pa siya and yung standing oblation with flying kiss na super fave moment ko.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=400745810036416&set=a.400741906703473.1073741876.191047974339535&type=3&theater

2. wagas kung wagas pala talaga makasigaw ang mga pinoy. yung sa japan ang tahimik, sa korea maingay rin pero hindi tuloy-tuloy. yung dito, basta bawat galaw niya, may katapat na hiyaw  ;D

hala! ganito pala maging fan girl!  :o kung kelan ako tumanda... hehe
« Last Edit: July 08, 2013, 10:49:41 am by Party Sparklers »

mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #404 on: July 08, 2013, 10:40:53 am »
nagloloko GT, bagal ng connection bat ba quote ang na click ko...hehe! sorry :)

may mga kumalat ding info regarding kung saan siya pupunta next, di na nga ako nakasama sa mga friends ko na nagpunta sa Bench Tower during the ribbon cutting...galing kasi akong work nun, ayoko ng magbuwis buhay para lang sa kanila tulad last year.

@sis esor, nakow mag bad experience ako jan sa pagpunta sa unahan, pinabouncer pa ako...hay....tsk tsk...parepareho lang naman tayong fan ni lee min ho...tsk tsk...


nakakatuwa talaga si lmh noh, pag may nabunot siya, may sinasabi siyang "cha" something like that...hehe! makikita mo talaga na nagenjoy siya sa concert nya dito...unlike sa iba esp sa malaysia...saka iba yung crowd natin compare sa ibang bansa, lalo sa japan, parang library lang ang peg...haha! dito sa atin sa pinas, magsalita pa lang siya ng "o" sigawan na kagad..haha!



« Last Edit: July 08, 2013, 10:58:05 am by mozilla »

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #405 on: July 08, 2013, 11:27:43 am »
^oo nga biglang bumagal yung GT kanina.

grabe radar nung iba, alam where he goes talaga. sila na! ;) next time sasali na rin kami... hehe

talaga pina-bouncer ka? hindi lang naman ikaw yung nasa harap. ah.

natawa ko sa sinabi mo na library peg sa japan.  ;D akala ko nga nung una sira yung audio eh.

pumunta ka ba sa araneta non? nalaman ko lang about it a few days yata before the event, hindi pa ko naka-like sa fb pages ng bench, yung ibang fangroups kaya huli ako sa balita. before the concert wala ako twitter kaya hindi ko alam na mali-mali info ng wilbros about sa m&g promo. kaya magtwitter na rin ako  :D

kahit nga sis hindi siya magsalita, konting kembot lang or mag tongue out or licking his lips, hiyawan na agad eh.

mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #406 on: July 08, 2013, 12:10:12 pm »
yes sis, kung alam mo lang yung buhay namin sa araneta at sa airport nun... buwis buhay ang peg...ayoko ng mangyari ang ganun, ayoko ng isakripisyo ang buhay ko para lang sa kanya noh....haha! at the end of the day hindi ka rin naman kilala ni lmh eh...haha! kaya buti na lang may moments na rin ako nakita siya closely nitong last visit nya, so ok na ako dun, mababaw lang naman kaligayahan ko eh, makita ko lang siya ng malapitan, ok na ako dun eh kaso halos isang oras ko rin siyang napagmasdan so sobrang ok na ako dun...that's it. marunong naman ako makuntento...haha! this must be stop. ayokong mapunta sa obsession, it's not healthy lalo na sa bulsa...haha!

yes sis pinabouncer ako, nung ako lang ang tao sa gitna...merong nagpatawag ng bouncer hay...kaloka...tsk tsk...gusto ko lang naman makuhanan ng picture ng malapitan si lee min ho...saka pare pareho lang naman tayong fan....hehe!

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #407 on: July 08, 2013, 12:42:08 pm »
^ siyempre unang punta niya non kaya lahat ng fans mega-sabik sa kanya, buwis buhay. pero tama ka nga sis, mahirap i-risk yung safety mo kaya dapat pipiliin mo rin yung pupuntahan mo. like yung lumabas yung convoy nila LMH after nung concert, eh medyo nandon kami sa harap, grabe mambalya at mantulak yung mga tao, scary if you'll fall kasi pwede ka maapakan. super swerte mo talaga na for an hour eh napagmasdan mo siya ng bongga. hindi ka nagka-stiff neck?  :D

ayoko rin na maging obsessed fan pero i can see naman na hindi ako magiging ganon. maybe just like you, gusto ko lang din na magkamoment sa kanya like makita ng super malapitan. pero sana may kasamang handshake at hug, super solved na siguro ako non.

thanks din to LMH kasi i'm meeting other people like you.  :)

mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #408 on: July 08, 2013, 01:03:27 pm »
@sis Party Sparklers, nako, handshake? and hug ..malabo sis, yung ngang sa the hyve eh di man lang ako nakahand shake eh, yung iba kong kasama nahawakan kamay nya. naisip ko na rin hindi naman pwedeng makuha lahat...hehe! at hindi naman lahat ng tao eh meron pagkakataon na makita siya ng malapitan at makita yung other side nya...hehe! so thankful na rin ako, kasi sobrang pray ko kay Lord na sana man lang meron encounter with lmh, so ito nga binigay sa akin, kahit walang meet and greet ok na rin na makita ko siya. kasi ako makta ko lang siya in person as in ok na.


hindi naman ako nagka stiff neck habang sumasayaw nakatingin pa rin sa kanya...jusko kalokang moment...haha! yung ibang socialite dun na may date, hala ayun nakabantay na rin sa vip room nya...open kasi, iniwan yung mga date nila...haha!

thank you sis, so happy na maka meet ng fans katulad mo, kasi tayo tayo lang naman nagkakaintindihan yung iba, tingin nila sa akin obsess na raw, eh may kilala kaya ako na mas obsess pa sa akin noh. so feeling ko naman tama pa rin timpla ko...haha! eto nga tapos na ako sa pagiging fan girl nya. haha! lie low na. :)
« Last Edit: July 08, 2013, 01:11:56 pm by mozilla »

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #409 on: July 08, 2013, 02:05:56 pm »
yung handshake medyo kaya pa siguro, yon nga lang dapat nandon ka sa dadaanan niya at malayo ng konti si uncle bodyguard  ;D yung hug dapat manalo ka sa meet & greet.

na curious tuloy ako sa other side niya. kagaya ba to ng commercial niya ng CASS (yung last one na kasama niya yung pretty girl)?

kahit siguro ako na may date pero nandon si LMH, for sure yung attention ko nasa kanya.

don't worry sis malayo pa naman tayo sa obsession. tama ka nga tayo-tayo rin naman nagkakainitindihan kaya nakakagaan ng feeling knowing na hindi ka nag-iisa.  ;)

mawala lang tong hang-over ko from the concert magiging back to normal na rin ako :)

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #410 on: July 09, 2013, 01:26:00 pm »
hi fellow MINOZ!  :D

starhaus just released a statement na a whopping 15k went to the concert pala nung saturday kaya na-amazed sila.  ;)

naku, mas marami pa siguro pupunta if they'll lower the prices a bit and sana next time mas may ample time sila to advertise.

mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #411 on: July 09, 2013, 02:32:04 pm »
^^ talaga sis 15k yun? wow...dami rin pala...hindi rin naman siguro lugi yung investor. gujab!!!

well sana marami pang magpunta ditong Kdrama actor like Lee Seung Gi, Park Yoo Chun and sana bumalik uli ang CN Blue!!! hihi! oooppps Off tpoic na.... :)

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #412 on: July 09, 2013, 10:55:08 pm »
^hi sis! nagulat ka rin noh?

16k pala capacity ng Arena for concerts since yung ibang portion are unusable. diba may vacants pero mostly sa lower box.

saw some pics ni LMH sa the hyve. now i understand yung sinasabi mo na other side.  ;D ang kumuha yata eh pinoy na minoz, parang nasa loob din ng room kasi ang lapit ng pics eh.

feeling ko marami pa na kukunin si bench na Kdrama actor. gastos na naman  :o

mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #413 on: July 10, 2013, 11:22:53 am »
^^ talaga sis, san mo nakita pics...link naman please :) ...kami kasi hindi namin makuhanan kasi si uncle bodyguard ang higpit....makita lang na nakataas ang cp at nakabukas sinisita na kagad...

well sana kunin ng bench yung mga kdrama actors na yun! kaso si LSG ang hina kasi ng fan base dito sa pinas eh., buti pa sa SG pabalik balik siya, babalik siya uli dun for a fan meet this sept, kahit gustuhin ko magpunta wala na inubos na ni lmh...hehe!. kunin na lang nila model ang CN Blue as bench endorser...hehe! ooooopppps sorry po off topic na uli :)

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #414 on: July 10, 2013, 02:36:08 pm »
hi sis. pls add me on facebook, PM ko sayo, para don na lang tayo usap =)

hanapin ko san ko nakita yung pics sa the hyve

kutingpie

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #415 on: July 11, 2013, 11:21:21 pm »
i think he really loves his pinoy fans, pinost pa niya sa LINE account niya yung kare-kare and mango juice. nagtagalog din yata siya ;)

sweety_paige

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #416 on: July 12, 2013, 10:58:02 am »
Malapit na ba yung The heirs?

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #417 on: July 12, 2013, 10:33:27 pm »
hi sis kutingpie! kita naman sa concert and sa ibang mga lakad niya na he really enjoyed it here. makita mo sa pics na iba talaga ngiti niya and bigay todo siya nung concert dito if i-compare mo sa iba.  yes he did said tagalog words nung concert, sa interviews.  =)

hi sis sweety_paige, sa october yata start ng airing ng the heirs. after ng global tour niya, don pa lang start ng shooting

holli_may

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #418 on: July 17, 2013, 10:35:12 am »
naku naku! bumabalik na naman pagiging fangirl ko kay Lee Min Ho. Nag marathon na naman ako ng Faith dahil sa recent visit nya...<3

naiinggit naman ako sa inyo mga sis na naka-attend sa concert nya. buti pa kayo nakita nyo na siya in person...ako never pa talaga. naka-dalawang balik na [textspeak!] pero ni anino ng sasakyan nya di ko pa hehe :)

sana pagbalik nya soon makita ko na siya and kasama ko kayo on that day para me kasama akong magwala...hahaha! :)

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #419 on: July 18, 2013, 10:25:55 am »
hi sis holli_may! may next time pa naman kaya pwede mo pa siya makita in person. Bench is planning to renew his contract, sabi its a first daw for an international endorser nila.

sige sis, sama ka sa amin para mas marami, mas masaya! i'll PM you sis.  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close