watch now

Author Topic: Lee Min Ho  (Read 130165 times)

esor

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #380 on: July 05, 2013, 07:14:16 am »
Nandito na sya mga sisses!!!!

Excited na sa concert!!! :)

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #381 on: July 05, 2013, 11:14:49 am »
bakit ba ang gwapo niya?  :D

gusto ko sumali sa meet and greet promo pero hindi kaya ng powers ko mag-share sa twitter and fb ng super dami. inggit na naman sa lucky girls who'll be sharing the stage with him.  :-\

mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #382 on: July 05, 2013, 04:54:19 pm »
Nandito na sya mga sisses!!!!

Excited na sa concert!!! :)

sis esor! long time no see sa GT...hehe! now ko lang uli kita nakita mag post..ano tix mo sa concert... mas pogi siya sa malaysia concert nya...kesa ngayon...nakita nyo yung suot nya kagabi, ayos sa airport fashion ah, parang tutulog na lang pagdating sa hotel, sobrang at home...haha!

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #383 on: July 05, 2013, 10:04:25 pm »
^ siguro sis depende rin yung suot niya sa weather ng pinupuntahan niya na place. yung 1st na punta niya, naka jacket pa siya ng city hunter, nainitan siguro kaya he learned his lesson kaya parang pangtulog na yung suot niya kagabi  :P

i agree ang gwapo niya sa malaysia concert niya pero feeling ko paghahandaan niya rin yung dito sa atin aybe wearing bench clothes. yung sa japan na concert, ang pangit ng wardrobe at hair niya.

pero sabi nung isang fanpage niya sa FB, LMH seems more relaxed on the way here compared to his other trips. tapos yung interview niya kanina sa tv patrol with gretchen fullido, ganon din relaxed lang siya.


mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #384 on: July 06, 2013, 03:08:31 am »
mas mag eenjoy siya dito sa pinas. i watched his concert in Malaysia, gosh, dissapointing, worst concert i've ever watched, worst lighting, worst sound system. kahit si lee min ho seems hindi nag enjoy sa concert nya sa malaysia. i remember he said to the interviewer that it was his first time to do a concert outdoor (kasi yung concert place nya sa malaysia, open space sa likod, sus, maganda pa fan meeting nya dito sa pinas.basta worst...to think yung place na pinagdadausan ng mga fan meeting nya at concert sa ibang bansa like korea and japan ang gaganda tas sa malaysiya open hall lang) so feeling ko naman eh mas bigay na bigay siya dito sa concert dito sa atin, sa pinas.

esor

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #385 on: July 06, 2013, 09:20:12 am »
hi sis mozilla, medyo busy busyhan din ang peg ko :D kaya ngayon lang ulit nakapag GT!

Grabe ka ha talagang sinundan mo sya sa Malaysia, watch ka ba tonight? sa vip area kami ng sis ko.

Iba yung haircut nya ngayon, mas gusto ko yung hair nya nung unang punta nya! Hayyyyy mukhang di na naman maalis yung SMILE ko later pag nakita ko sya.... NGANGA na naman :D tee hee!

see u later mga sisses!!!

mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #386 on: July 06, 2013, 10:42:28 am »
sis esor, naku sis nagkataon lang yung sa malaysia, nung nakabook na kami ng airfare at hotel saka ng announce yung wilbros na may concert siya dito sa pinas. kainis diba. kaya doble doble gastos ko. haha! san ka sa vip, ano row mo? hehe! row 7 ako vip 1. hehe! :)

oo nga mas gwapo siya nun last year na nagpunta siya. ok na rin ngayon kesa nung nag conert siya sa korea at japan (re: the hair, and the photograph nya sa photobook ng concert...hehe..mukhang ano lang...hehe! oooppps) :)

cyber_princess

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #387 on: July 06, 2013, 06:06:34 pm »
ang gwapo ni Lee Min Ho. Sayang, wala ako sa Pinas, hehe!

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #388 on: July 07, 2013, 08:43:10 pm »
@ sis mozilla, napansin ko nga sa pics niya sa malaysia na he was smiling naman sa ibang portions pero parang he never laughed, joked the way he did kagabi, saw some pics na sa concert kagabi kaya parang na-compare ko. pero yung sa malaysia ba puno ng tao yung venue? were the tickets cheap?

kinda disappointed with Wilbros and Bench na rin. parang kulang sila sa efforts na i-advertise ng todo about the concert kaya hindi tuloy napuno yung MOA. medyo halata lalo na siguro when your on stage, ang daming empty seats lalo na sa lower box. for sure LMH noticed it, buti na lang ok pa rin performance niya. tapos Wilbros announced kung pano manalo ng meet&greet kaya nag-effort mga tao kasama na ako pero ending, si bench lang ang nagdeclare ng winners.

ang dami niya tawa kagabi. tapos when he was picking don sa box for the winners, he even made sounds, parang bata lang.

parang there were some instances na dito niya lang ginawa like yung butt dance niya (sa ibang countries, he would shake his butt pero nakaharap siya sa crowd. yung kagabi, kahit parang hesistant and shy siya gawin he still did, tapos natawa pa siya after). then yung sa last segment na he said i love you manila, thank you philippines, he did na parang oblation stand with his eyes closed, parang i felt na he was indeed happy and he felt na at home siya dito.  :)

i hope bumalik ulit (pwede soon?) siya despite of the not sold out concert kagabi, baka kasi ma-compare niya yung meet & greet sa araneta last year na puno talaga. i hope Bench would still retain him para mas may chances of him to go back here.

sorry ang haba mga sis, may hang-over pa rin kasi ako until now at mukhang magtatagal pa to. :)
« Last Edit: July 07, 2013, 10:54:31 pm by Party Sparklers »

MisCalculus

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #389 on: July 07, 2013, 09:38:20 pm »
Nabitin naman ako last night, but i agree pinakagusto ko yung encore nya, ang saya lang wala na ko makita kasi nagpuntahan na near the stage yung mga tao. sakit ng kilikili ko sobrang taas na ng kamay ko just to get a good photo.lol! but it was fun.
I am not a fan pero LMH addict yung friend ko, last minute nakakuha kami ng vip tickets at a very affordable price.hehe
Nag enjoy din naman ako, nakakaaliw lang yung mga tilian especially pag nakakabeso/hug yung mga nakakuha ng gifts. Pati ako parang gusto ko din himatayin sa kilig :)

mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #390 on: July 07, 2013, 10:10:32 pm »
@party sparklers, may mga vacant seats din sa Malaysia, pero hindi katulad dito sa atin na parang milky way. yung patron sa gitna halos vacant di ba? yung sa malaysia kasi maliit lang ang venue tas almost 2 mos nila inanounce yung concert kaya mejo maraming nakabili, plus ang galing ng strategy ng promoter sa Malaysia. 150 people who availed the VIP seats can have photo session with lee min ho if they'll buy another ticket... any ticket... either zone A or B (aprang sa atin gen ad at upper box) kaya panalo sales ng promoter ng concert ni Lee Min Ho sa Malaysia. na sana ganun na lang ginawa. ng wilbros.

(yung mga friends ko nag VIP sa Malaysia, nagkaron sila ng photo session with Lee Min Ho, ako kasi gen ad ticket lang sa akin eh), yung ticket sa malaysia parang 2.5k/ 4k/6k/9.5k sa peso ang prices ng tickets.

Sobrang short notice kasi ginawa ng wilbros, 44 days lang...tas nauna pa yung CN blue concert (almost sold out ticket nila kaya nag open pa sila ng gen ad). kaya walang na pera mga tao. tas enrollment pa. kaya ganun, hindi napuno venue, at saka sobrang laki lang ng venue.

feeling ko babalik yun dito soon...haha!

btw, i saw him gumimik sa the hyve, sa the fort ay grabe napagmasdan ko siya..haha! nakita ko yung other side nya...gimik kung gimik..haha! sayaw kung sayaw...haha! parang bata lang..hehe!

i can tell na he really enjoyed and performed well last night. kitang kita sa kanya na natutuwa siya sa atin. unlike sa Malaysia talaga, sa Malaysia the concert lasted for only 1 hour. dito sa atin 2 hours. saka yung give away sa Malaysia 5 persons lang nabigyan dito 11 persons. o di ba bongga...mas sulit concert nya dito sa pinas. saka natuwa siya sa fans na kinantahan siya kahit hindi nya naintindihan, kasi all smile siya...haha! si ate nag moment, concert din nya...haha! :)

ops haba na rin ng post ko...haha!

baby michael

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #391 on: July 07, 2013, 11:04:29 pm »
^ ok lang..hehe.. post ka pa ng updates about LMH..im abroad kaya i cant watch but am a LMH fan as well.

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #392 on: July 07, 2013, 11:09:49 pm »
@ sis MisCalculus, ako rin sis bitin na bitin, ang konti kasi ng songs (as if naman naintindihan ko, =p) yung isang friend ko, nahatak din namin, pero parang hindi pa na-convert to be Minoz fan after watching. ewan ko ron!  ;D

@ sis mozilla yung VIP medyo napuno, iilan lang yung rows na vacant at magkakalayo kaya hindi masyado halata unlike yung sa lower box na OA sa laki yng space. pero dapat ginawan ng wilbros ng paraan para marami nabenta nila despite of the short notice kasi forte nila yung ganyang events eh. isa pa, ang liit ng screens sa gilid!

may nabasa ko na tweet nung isa sa mga nanalo na nakachika sa Ben Chan. he'll bring LMH back daw, sana soon. =) adik! ;D

when siya gumimik sa hyve? sino mga kasayaw niya? i thought he hates dancing? =p did he tried na maki-mingle sa iba na hindi niya kilala? sana nilapitan mo sis! sayang yung moment  ;) yon nga lang parang dadaan sa butas ng karayom sa higpit ng bodyguards niya.  :P

grabe 1 hour lang concert niya sa malaysia? so parang tinapos lang niya talaga yung songs niya. bilib nga ako kay ate na kumanta eh. tapos si LMH, he was blushing kahit hindi niya naiintindihan.

isa pa napansin ko with him, he is trying na makibagay dito like the food kung ano-ano sinusubukan niya. tapos sa meet&greet daw, ang unang line niya, "ako si lee min ho, masaya ka ba?"

ang haba ulit ng post ko. couldn't help it  :)



MisCalculus

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #393 on: July 07, 2013, 11:29:24 pm »
Mukang nag enjoy din sya, imagine bigla syang napakanta during the bunutan for the give aways. Sumakit ata ulo ko kasi nakitili din ako.lol!
Aliw lang din nung pinakanta yung isang fan, kumanta ng "ngiti", hindi sya ready hehe...

mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #394 on: July 07, 2013, 11:38:02 pm »
@ sis party sparklers, sis talagang knti lang ang songs nya kahit naman sa japan at korea ganun din, parepareho lang din. ako sis tapos na ang pagiging fan girl kay lee min ho. hehe! ang gastos kasi sobra. jusko....haha!

yung mga nanalo naman sa meet and greet parang may hokus pokus dun eh...tsk tsk...quiet na lang ako...iling iling na lang...iba talaga pag may connections....haha! hay...okay na rin ako sa nasaksihan ko kagabi, nakita ko yung other side nya. haha! mas malupet pa sa meet and greet yun, yung mapagmasdan mo siay ng lampas 1 hr...sobra sobra na yun.

dun lang siya vip room eh, nag yoyosi, inom ng alak. pero lumabas din siya ng vip room para makaipagsayaw sa mga kasama nyang mga dancers. nagpunta sya dun after nya mag dinner sa chicken and beer.

ang galing lang nya sumayaw, haha! guardiyado siya ni uncle bodyguard eh, edi sana isa na ako sa nakipagsayaw sa kanya..haha!

as per set up ng stage, iisa lang set up ng stage galing sa production ng concert ni lee min ho...kaya ganun na talaga...worst yung sa malaysia talaga...grabe inantok na kami sa concert nya eh...hehe! di hamak pa ring maganda set up ng stage natin compare sa Malaysia. sabi nga ng isang indonesian na nanood din ng concert, tinuturo kami sa kasama namin,,sabi sa amin we're sleeping daw..hehe! kasi nga ang sakit sa mata ng lightings, tas ang screen ang liit, pangit pa quality, actually wala akong maganda shots nya sa malaysia.....nakinood na [textspeak!] ako ng concert nya dun sa unahan ko who's taking video .

@sis MisCalculus, ano nga yung kinanta nya habang nagbibigay siya ng giveaway sa fans? nakabigla siya eh...unexpected ko yun..haha! (pag gusto talaga ni lee min ho gagawin nya, hindi mo sya mapipilit kung ayaw nya, yun lang napansin ko sa kanya...)

MisCalculus

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #395 on: July 07, 2013, 11:49:15 pm »
^hehe sorry sis, no idea about the song pero parang ang sarap ireplay eh, ang cute nya kasi kumanta daw ba bigla :)
Yung 11th na nakakuha ng give aways parang wala lang sa sarili. I wonder kung alam ng nanay nya kung nasan sya at that moment, mukang estudyante lang.
Anyways, kahit naman ako mawiwindang, imagine makuha mo yung jacket na suot nya lang daw the other day..oops parang nacoconvert na din ako na lmh fan  ;D ;D

baby michael

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #396 on: July 07, 2013, 11:59:34 pm »
^^ ang swerte mo naman sis napagmasdan mo sya gumugimik.. but is it really true, nag yoyosi pa din sya? i thought he said nag quit na daw sya..ok lang i still <3 him!!

esor

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #397 on: July 08, 2013, 08:09:31 am »
sober pa din! Grabe ang gwapo gwapo nya talaga! Super nag enjoy ako sa concert!!! Sana bumalik sya agad  (agad agad) :D

sharing mga sisses

Love Motion
http://www.youtube.com/watch?v=y4GiNPUZnCA

Photos
https://www.facebook.com/rose.camus/media_set?set=a.656565644355574.1073741833.100000064338972&type=1

Party Sparklers

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #398 on: July 08, 2013, 08:37:03 am »
@ sis mozilla so pagpunta niya ulit dito sis, hindi ka na pupunta? hmmm  :D

ano yon sis, nagkataon lang na pumunta kayo sa hyve or sinundan niyo siya? hehe ok nga nasaksihan mo na other side niya (wala ba video?) pero iba pa rin yung one-on-one ka with him, yung mahawakan mo hand at ma-hug mo. ayieee!  :-* si uncle bodyguard talaga oh, super protective.  ;D

yung ibang winners sa meet&greet, yung iba 2nd time na winners at yung answers nung iba parang super plain lang. sana naman next time wala ng connections/lutuan.

sana pag gagawa siya ng 2nd album, dagdagan niya yung songs para mas matagal yung concert  ;)

napansin ko rin na if he's enjoying, out of the blue kung ano-ano ginagawa niya. like yung sinigaw na sayawin niya yung gwiyomi, game siya, naka-pose na, yon nga lang hindi naman tayo kumanta.  :P

@ sis miscalculus welcome to the club, mukhang malapit ka na rin ;) yung binigay niya na damit hindi siya jacket, yon talaga yung sinuot niya nung friday para sa ribbon cutting for bench towers. swerte nung bata! nilabhan kaya yon before ibigay? sana hindi.

@sis esor thanks for sharing yung pics! dami maganda shots. oo nga sana bumalik siya agad-agad.

before he left last night, he had dinner with ben chan and family. super game, nakiki-pose ng kung ano-ano. mukhang we'll still a see a lot of him in the future, alagang-alaga siya ng bench eh

http://www.vingle.net/posts/156699-LMH-selcas-Bench-family-dinner

would you know mga sis if they would release a DVD nung concert? sana!  ;)

sorry haba na naman ng post ko. gudam!

eto yung part na kumanta siya impromptu. i couldn't remember which part nung concert, tapos may nagshare nito sa isang forum

http://www.vingle.net/posts/156758-Filipino-Minoz-sing-Happy-Bday-in-Korean-to-Minho
« Last Edit: July 08, 2013, 09:03:48 am by Party Sparklers »

mozilla

  • Guest
Re: Lee Min Ho
« Reply #399 on: July 08, 2013, 09:20:54 am »
@sis party sparklers, yeah tama na ang pagiging fan girl nya...haha! actually, mejo sinisimulan ko na, like sa twitter, tinatanggal ko na yung related sa kanya, like yung mga naguupdates. di kasi normal habang nandito sya. saka nakakaloka makakuha ng meet and greet, pahirapan talaga eh lutuan lang naman yung iba jan. lalo na yung last batch o winners??? nako sila na naman...palibahasa may conncetions lang, well anyway tapos na yun...haha! moving one... :)

regarding po sa the hyve, sinundan po namin siya after nya sa chicken and beer.
sana magbenta sila ng DVD. yun bibili ako. (kahit fan girl ako, hindi ako bumili ng mamahalin nyang DVD album, yung totoo, mahal pa sa ibang artist. P2300???...grabe lang..haha!)

btw, thanks for sharing the video, eto yung hinahanap ko. thanks din sis esor for sharing the pics...i wonder kung saan ka nakapwesto..hehe! :)


 

Latest Stories

Load More Stories
Close