watch now

Author Topic: Working in Government Agencies?  (Read 234412 times)

shegothim

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #80 on: April 07, 2011, 09:28:22 am »
sa mga sises na gustong kumuha ng civil service examination eto po ang schedule nila:

http://excell.csc.gov.ph/cscweb/anncsexam_ppt.html

nakakainis lang di ko ito nakita nung mga nakaraang araw na bumibisita ako sa site ng csc. puno na pala ang slot at next sched na lang ulit pwedeng kumuha.

babymom20

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #81 on: April 07, 2011, 09:45:25 am »
Ito totoo talaga. Hindi porque you passed the CSC Exam or are qualified since CPA or Engineer ka eh makakapasok na agad sa isang goverment agency.

Per Backer ang sa government. Yung iba nga fresh grads & hindi naman CSC pasado eh nakakapasok... Kase ang mga backers nila malalakas talaga & minsan magugulat ka nalang na may new employee na pero hindi naman hiring season... Then maririnig mo sa mga tao sa paligid na "Pinasok ni Engr. Ganyan", "Backer niyan si Mr./Mrs. ni Ganito"

One thing to share pa, pag may backer ka na naipasok ka sa government, at malakas siya ha, maaari ka rin niyang patanggal.


May new employee (Inday), pinasok ng isang Ka-Close ng isang Influential Head. Gulat ang lahat kase may new employee. Tahimik siya... Di pala kibo... Simple at parang di makabasag pinggan...

Months ang lumipas... Okay lang siya...
Tapos biglang may umikot na issue... Pero chismis lang... nagkaroon ng isyu tungkol kay Inday at sa isang katrabaho niya (Mr. Permanent Married Man na Chickboy).

Nalaman ni Ka-Close yung issue na kumalat at nagka-affair daw itong si Inday kay Mr. Permanent Married Man na Chickboy.

Kinausap ni Ka-Close si Influential Head at inutos niya na tanggalin na yung ipinasok niya.

Ayun, hindi na pinapasok si Inday. Akala ng lahat nagresign siya... But no... natanggal si Inday. Nagmamakaawa si Inday kay Influential Head pero sabi ni Influential Head na na hindi niya kayang desisyunan iyon & need munang kausapin ni Inday si Ka-Close ito ang nagpasok sa kanya at nag-utos na tanggalin siya.

Well, hindi na siya nakabalik.
hindi rin naman lahat nakapasok dahil sa backer. merong dahil sa qualifications din like topnotchers ng board exams. oath taking ceremony pa lang, announced ng hinihintay na sa office ang mga topnotchers. bihira nga lang mangyari ito at depende sa nakaupong commissioners. struggle ng mga topnotchers na to e yung promotion which is very madumi talaga. politics.

ano ba item ni inday? kasi kung talagang naipasok sya at employed na, hindi sya pwedeng basta-basta na lang hindi papasukin. may security of tenure sa government at kelangan ng due process sa termination. ang pwede lang magawa siguro ni backer e ipatapon sa mindanao. bigyan ng assignment sa liblib na pook. pero kung basta-basta lang na fired, parang wala pa akong alam na ganun (well, dito samin yan).

michi247

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #82 on: April 07, 2011, 10:05:00 am »
san ba maganda magwork na gov't agencies? punta lang ba sa site nila para makahanap ng work or nagpost din sila sa ibang site like jobstreet or jobsdb. meron din ba sa newspaper?

lam ko maliit ang salary sa gov't pero bawi ka naman sa benefits kasi kahit di ka regular, makakakuha ka ng benefits.

wala age limit sa gov't?

purpledheaven

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #83 on: April 07, 2011, 10:14:43 am »
dito din samin talagang may security of tenure lalo na kung permanent na status ng appointment mo. pati pagtransfer may process.kaya malakas din loob ng iba sa government dahil di basta basta matatanggal. may due process talaga di katulad sa private companies na mas madali magtanggal. kaya madami na din tumatanda sa government.

shegothim

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #84 on: April 07, 2011, 10:24:28 am »
baka contractual lang si inday kaya madaling natanggal. tama, kung regular employee ka na mahirap magtanggal ng basta basta sa isang empleyado.

meron naman iyong may mga issues, kakausapin na lang ng boss at kesa kasuhan eh magreresign na lang.

babymom20

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #85 on: April 07, 2011, 10:26:31 am »
meron naman iyong may mga issues, kakausapin na lang ng boss at kesa kasuhan eh magreresign na lang.
especially kung kasabwat si boss sa issue hehe

ysa.belle

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #86 on: April 07, 2011, 10:39:48 am »
@babymom20

Meron din naman iilan na nakakapasok sa government dahil sa qualifications nila. Pero konti lang talaga sila. Mabibilang mo dahil umiiral talaga sa gov't is "per backer".

Contractual status lang ni Inday. Kaya lang kase sis, sa government agency na pinsukan ni Inday, kahit na mag-absent ng bonggang bongga ang isang empleyado eh hindi naman siya tatanggalin. Hindi sila ganun kahigpit. Meron pa nga mas malaki pa sa pag absent ang issue pero hindi natatanggal at take note po, contractual status lang iyon... Pero may backer... Sinasalo sila ng backer nila.

Si Inday, malakas talaga ang backer kase yung si Ka-Close eh madami ng naipasok sa company na iyon. Yung isa ngang naipasok ni Ka-Close eh nest in line na maging isang Influential Head sa department niya. Ganun kalakas si Ka-Close sa government agency na iyon.

Ang contractual 6 months di ba? Nakapagreenew na si Inday ng contract tapos a month after nga hindi na siya pinapasok.

babymom20

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #87 on: April 07, 2011, 10:57:13 am »
^ yeah. i agree. konti lang talaga pero meron. so dont totally lose hope. tumatagal mas nagiging professional na rin mga heads. hindi na mga trapo.

contractual, wala akong masyadong alam. but by the sound of it, mukhang legal at justifiable yung hindi na sya pinapasok. moral issues. kahit sa permanent status, pwedeng grounds for termination rin yun but may due process nga lang, mas mahaba-habang process yun hindi yung basta-basta na lang "banned" na sa premises.
« Last Edit: April 07, 2011, 11:28:24 am by babymom20 »

ysa.belle

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #88 on: April 07, 2011, 11:04:03 am »
It was never confirmed. The issue was never confirmed by Ka-Close, basta tinawagan lang si Influential Head. Umiiyak na nagmamakaawa si Inday pero wala. Nung kinuwento nila sa akin yung story, naawa talaga ako. Siguro sa office niyo wala ng trapo, pero sa Office na sinabi ko sa inyo, Trapo silang lahat...

Yung mga ibang kinuwento ko, Permanent lahat ang status ng mga Girls na Kabit. Napropromote pa nga eh...

babymom20

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #89 on: April 07, 2011, 11:26:09 am »
It was never confirmed. The issue was never confirmed by Ka-Close, basta tinawagan lang si Influential Head. Umiiyak na nagmamakaawa si Inday pero wala. Nung kinuwento nila sa akin yung story, naawa talaga ako. Siguro sa office niyo wala ng trapo, pero sa Office na sinabi ko sa inyo, Trapo silang lahat...

Yung mga ibang kinuwento ko, Permanent lahat ang status ng mga Girls na Kabit. Napropromote pa nga eh...
ganun kasi talaga sis pag hindi permanent status. anytime pwede silang tanggalin. kaya nga yung iba talagang pinipilit na maging permanent.

regarding sa kabit, yeah narinig ko na yan.sabi ni lolo, hindi uubra ang puro talino lang. kung gusto mong umangat, kumabit ka sa mas mataas. hehe.. but of course not all. not all nasa taas e kumabit. kanya-kanyang diskarte. i believe kahit sa corporate meron ding ganyan.

ysa.belle

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #90 on: April 07, 2011, 01:42:53 pm »
^kahit sa corporate may ganun sis...

yung isang kabit sa office na iyon, dati mababa lang ang position. 3 silang sabay sabay na-hire. nagtataka yung 2 bat ang bilis ng promotion nung isa, kase kakapromote lang e napromote ulit... tapos nalaman nila na kabit pala siya ng isang Influential Head... hay...

akoyan

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #91 on: April 15, 2011, 03:16:28 pm »
sad to say, priority talaga sa gov't agencies ang may MBA para makakuha ng position. as in "May Backer Ako".  :(

purpledheaven

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #92 on: July 22, 2011, 12:40:09 pm »
to those interested magwork sa government... bale samin judiciary... regional trial court manila may opening pa kami. pls check out hiring center...

 http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,248006.0.html

already hired one sis from here sa GT na walang backer  ;)

17arci

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #93 on: July 22, 2011, 01:44:01 pm »
ayoko lang sa govt may kabagalan sila kumilos.

pret_ty68

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #94 on: July 22, 2011, 04:00:19 pm »
sad to say, priority talaga sa gov't agencies ang may MBA para makakuha ng position. as in "May Backer Ako".  :(

Ha ha. Kadalasan nga ganyan ang nangyayari pero pag board passer ka naman malaki ang cahnce na makapasok kahit walang backer.

sweet_cherry

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #95 on: July 22, 2011, 11:29:07 pm »
Ako without a backer, I waited for six months..pero nakapasok din..

sweetraich

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #96 on: July 29, 2011, 05:51:57 pm »
Alam ninyo po ba ang recruitment process sa landbank? kailangan din ba ng matinding backer doon?

mgeoffrey_88

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #97 on: September 10, 2011, 11:29:27 pm »
will take an exam for a gov't position next week. ano ba type of exam nila?like IQ or more on personality test?katakot naman, wala ako backer eh..lakas loob lang to apply for that position

green-aholic

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #98 on: September 11, 2011, 09:46:13 am »
^sa BIR ka ba magtake? ako kakatapos lang dun. sa naexperience ko, basic exams parang gaya sa NSAT dati. me math, logical reasoning, english comprehension, etc. :)

mgeoffrey_88

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #99 on: September 11, 2011, 12:30:11 pm »
^hindi sis..DILG ako..[textspeak!] same lang din type of exam nila..more on IQ/aptitude.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close