watch now

Author Topic: Working in Government Agencies?  (Read 234171 times)

huit

  • Guest
Working in Government Agencies?
« on: July 22, 2009, 10:47:15 am »
who among here works for any Government agencies? how's the work and pay?

I applied sa NEDA, bibigay ko nalang requirements for them to schedule me for an exam. Mahirap ba technical exam sa NEDA? whole day daw eh...help...


Share din kayo experiences nyo in working sa Gobyerno. Ano pinaka OK na agency? Thanks!  :D

like_bree

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #1 on: July 22, 2009, 06:34:58 pm »
compared to other government agency mas financially rewarding if you'll work in a financial institution: bsp, lbp, dbp, bir, gsis, sss


huit

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #2 on: July 24, 2009, 11:39:54 am »
ano ba usually mga positions available sa mga financial institution na yan? writer kase ako eh...=/

like_bree

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #3 on: July 24, 2009, 12:38:42 pm »
apply ka sa public relations dept or sa corporate affairs..pero hindi ka kasi business course so medyo kaunti lang ang slots..

huit

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #4 on: July 24, 2009, 01:45:14 pm »
yun nga eh, naiisip ko rin yun. baka kelngan eh business course.=/

baby_maryen

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #5 on: July 25, 2009, 01:16:16 pm »
ako din gusto ko sa govt agencies. Parang wala naman ako nakikitang hiring e. San ba nila pino-post yun?

shegothim

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #6 on: July 26, 2009, 01:47:21 am »
^tingin ka sa site ng csc sis. alam ko may mga link din sila ng mga govt agency na may job opening.

taga govt agency din ako. ok naman sa work ko, actually iyon ang first job ko at di na ako lumipat eversince i started to work. may nag-alok dati sa akin na lumipat (ex boss namin na lilipat sa isang private firm) pero di ko tinanggap kasi ok na sa akin ang work ko. ok lang mag-umabsent as long as may leave ka at syempre magsabi rin dapat sa mga boss mo. if may sakit oks na ang text lang sa immediate superior or kasama sa work (base ito sa aking experience), then file na ng leave pag pasok. di na kailangan ng medical certificate if di maka 5 consecutive absences.

tingin kong ok ang benefits na govt agency: gsis, pag-ibig, bsp.

baby_maryen

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #7 on: July 26, 2009, 12:53:11 pm »
ok thanks sis! ;D

like_bree

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #8 on: July 27, 2009, 01:19:42 pm »
yung vacancies nila usually filled up na from the ranks, except for some specialized fields na walang available from current staff..and ask anyone you know who work with the agency you want to apply kasi though required sila mag-post ng vacancies usually late na napo-post.. stable job kasi sa government, mag-take ka lang ng csc exam.

shegothim

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #9 on: July 27, 2009, 03:07:10 pm »
base sa office namin, hindi ganun ang nangyayari. kasi sa amin inaapplyan din ng mga taga loob iyong open na position. kailangang makasunod ka sa requirements para makuha mo iyong position. parang mas mahirap pa nga kasi kailangang magpasa ka pa ng performance rating mo at kailangan very satisfactory ang grade para makapag-apply.

baby_maryen

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #10 on: July 27, 2009, 04:00:49 pm »
kasi licensed nurse ako so CS eligible na din ako under R.A 1080. Hirap kasi maghanap ng work sa hospital nowadays.

shegothim

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #11 on: July 27, 2009, 10:49:15 pm »
oo nga sis atsaka ang baba ng bayad sa mga nurse dito sa atin. may mga govt offices na kumukuha ng office nurse kaya lang isa lang. try mo rin sa dbp sa buendia sis baka may makita ka. iyon nga lang contractual muna then pag nagustuhan ka pwede kang ma-regular.

huit

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #12 on: July 28, 2009, 12:22:36 pm »
ha snayone taken the NEDA exam, madugo daw eh. pati ba mga clerk sa Govt. eh nag take ng CSC?

shegothim

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #13 on: July 28, 2009, 01:46:47 pm »
yup, nagsimula ako sis as clerk. alam ko kailangan ng cs sub professional exam or tesda exam pag clerical positions. pag technical na dapat nakapasa sa professional exam.

huit

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #14 on: July 28, 2009, 01:55:22 pm »
yup, nagsimula ako sis as clerk. alam ko kailangan ng cs sub professional exam or tesda exam pag clerical positions. pag technical na dapat nakapasa sa professional exam.

sang Government Agency ka ngwowork sis? technical exam ng NEDA itetake ko kase eh. hindi ako ng exam ng CSC kase automatic eligible na ako so I have no idea. Alam ko professional na yun. natatakot lang ako sa tech exam ng NEDA, lahat kase ata ng nag exam dun sabi madugo daw eh. =/

shegothim

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #15 on: July 28, 2009, 02:22:40 pm »
attached agency ng DTI sis. wala akong idea sa exam sa NEDA. pero technical exam ang tawag pag higher position ang inaaspire (passed professional exam or cum laude grumaduate). clerical exam naman pag pumasa sa subpro or tesda, pwede rin iyong mas mababang position na hindi kailangan ng eligibility.

ang alam ko maganda sa NEDA. madalas kasi sila ang ka-compete ng office namin pag may mga seminars abroad.

tingin ko kaya mo naman iyong exam sis. wag kang kabahan. 

huit

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #16 on: July 28, 2009, 02:47:24 pm »
^

iyong kinuha mobang exam sis eh whole day? mahirap ba?

shegothim

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #17 on: July 28, 2009, 02:57:37 pm »
sa amin sis iyong exam hindi naman whole day. halos half day lang.

may inapplyan akong position dati di ko nakuha. isa sa mga reason kasi di ako ok nung nagexam ako. puyat atsaka gulo iyong utak ko nun. nung may na-open ulit na mga positions nag-apply ulit ako, this time ok na ako at di puyat at tuliro. nakuha ko naman iyong inapplyan ko.

may mga position din sis na merong interview sa division chief, director or even sa mancom namin. tingin ko meron ding interview sa neda lalo na kung maganda iyong position na inaapplyan mo.

nicolai

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #18 on: July 28, 2009, 03:00:07 pm »
if gusto nyo mg-apply sa govt. mas ok if ang applayan nyo e gfi or gocc. mas ok ang benefits :)

huit

  • Guest
Re: Working in Government Agencies?
« Reply #19 on: July 28, 2009, 03:02:56 pm »
sabi skin may technical exam daw na whole day, tapos pag nakapasa may DIS exam pa, tapos may panel interview pa sa mga officials ng DIS sa NEDA. Economic Developement Specialist inaaplyan ko sis. parang multimedia division ata yun ng NEDA eh. mahigpit daw talaga...=/ scary...

so DTI ka parin, i mean division ng DTI?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close