Hedonista, sis, 3 weeks akong di naligo, actually, kanina lang ang first bath ko mula nung manganak lol. Binasa ko na din ang sugat, okay naman, tuyong tuyo na stitches ko, nagtatanggal na nga ang langib. for 3 weeks, punas punas lang talaga ako, saka alcohol, tiniis ko talaga. Okay na yun, wala naman nawala sa akin lol.
BB, sis, pwede, 8.10 lbs ang panganay kong babae, CS din ako sa kanya, binuhat ko naman siya, yun lang, nandito mommy ko noon, siya kaagapay ko pagaalaga kay baby.
Ngayon sa baby boy namin, hands on din ako, 5.4 lbs. lang naman siya at birth, now, 5.8 lbs. na, pero kumuha pa din kami ng relative na makakatulong ko pag aalaga kahit 1 month lang, ayaw kasi ni hubby, ma strain masyado ang tahi ko, saka para daw makapahinga ako ng full pag araw, kasi napupuyat ako sa gabi kay baby.
Nagpapasalamat naman ako, kasi hindi ako stressed pagaalaga kay baby, wala akong baby blues.