watch now

Author Topic: All About C-Section Part 4  (Read 344035 times)

babiebrat26

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #480 on: September 27, 2011, 06:34:38 pm »
kung anung sabi ng OB pwede mo sundin kasi nasa new generation na tayo... :) ako 5 days palang pwede na eh??? basta protected ang cs part. pero pag sinabi na ok na basain follow nyo lang advice nila.

SnowBall

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #481 on: October 02, 2011, 05:25:46 pm »
Hedonista, sis, 3 weeks akong di naligo, actually, kanina lang ang first bath ko mula nung manganak lol. Binasa ko na din ang sugat, okay naman, tuyong tuyo na stitches ko, nagtatanggal na nga ang langib. for 3 weeks, punas punas lang talaga ako, saka alcohol, tiniis ko talaga. Okay na yun, wala naman nawala sa akin lol.


BB, sis, pwede, 8.10 lbs ang panganay kong babae, CS din ako sa kanya, binuhat ko naman siya, yun lang, nandito mommy ko noon, siya kaagapay ko pagaalaga kay baby.

Ngayon sa baby boy namin, hands on din ako, 5.4 lbs. lang naman siya at birth, now, 5.8 lbs. na, pero kumuha pa din kami ng relative na makakatulong ko pag aalaga kahit 1 month lang, ayaw kasi ni hubby, ma strain masyado ang tahi ko, saka para daw makapahinga ako ng full pag araw, kasi napupuyat ako sa gabi kay baby.

Nagpapasalamat naman ako, kasi hindi ako stressed pagaalaga kay baby, wala akong baby blues.

SnowBall

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #482 on: October 02, 2011, 05:38:15 pm »
Mga sis, ilang weeks kayo post op bago nag mall ulit? Mag one month pa lang ako sa oct. 11, gusto ko na mag mall, kasi gusto ko manoood ng no other woman hahaha

ishko

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #483 on: October 02, 2011, 05:46:28 pm »
^sis, ako wala pang 3 weeks na na-cs nagmall na ako nung friday.. need kasi na bumili ng replacement ng nipple ng bottles ni baby.. wala naman ibang pwede.. dahan dahan na lang ako lumakad.. hopefully walang problema sa tahi ko

SnowBall

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #484 on: October 02, 2011, 08:53:09 pm »
Ishko:

thank you sis, sana nga maabutan ko pa yung movie sa SM lol. super dami ko ng napalagpas na movies, hay. Di bale, ang kapalit naman eh healthy baby boy. =)

hedonista

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #485 on: October 03, 2011, 10:48:39 am »
Mga sis, ilang weeks kayo post op bago nag mall ulit? Mag one month pa lang ako sa oct. 11, gusto ko na mag mall, kasi gusto ko manoood ng no other woman LOL

sis One week nagmall na ko pero very alalay lang ni hubby. and di ako masyado naglakad, we watched a movie lang. Then after 3 weeks lang naulit, makulit kasi ako I wanna watch no other woman so kagabi nagmall ulit but nakalakad na ko ng mas mahaba with grocery shopping pa before the movie. :)

ang masama pa sa panganganak ko nagkaubo ako right after and till now di pa fully nawawala. imagine na lang yung takot ko everytime uubo ko di ba. hello tahi! :) sabi naman ng doctor just put unan sa chan everytime uubo. mahigpit rin yung stomach binder ko.

SnowBall

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #486 on: October 03, 2011, 01:27:31 pm »
^ay yehey sis, eh di pwede na ako manood ng no other woman sa sunday hahahaha, thank you sis, feeling ko nga kaya ko naman na, mahigpit din binder ko, suot ko palagi pwera lang pag maliligo.

Yan kinakatakot ko sis, ang magka ubo, ang tibay mo sis, tama nga yun, inii splint mo ng unan yung tiyan mo pag cough para support. Thank you sis ha =)

hedonista

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #487 on: October 04, 2011, 08:17:16 am »
^YW sis SnowBall. nagreply pa ko sayo sa isang thread lol. anyway basta jacket, totoo pala un sinasabi nila pag malamig parang kumikirot un sa part na may tahi.

medyo ok na ubo ko di tulad nun nasa hospital ako parang lalabas baga ko. pinagnebulize rin ako ng doctor kasi para makahinga ko ng maayos, badtrip nga kasi di ko masyado maalagaan si baby from the time na nanganak ako. kasi ubo ko ng ubo baka mahawa, nag mamask naman ako kaso takot pa rin ako. less time lang pag bubuhatin ko or lalaruin. :( sana gumaling na ko tuluyan. haist.

anyway go sis. mall na to. hehe ako parang lumakas nun nakapasok ulit sa mall haha. and nagpunta ko department store, grabe sarap mamili ng baby clothes saka mga medyas [textspeak!] may mga design mukhang shoes. :)

ezonme

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #488 on: September 02, 2012, 04:04:57 am »
Question about binders, pag bikini cut yung incision, how do you wear it? I have a belly bandit kai and i read from one post sa ibang forum na the edge of the binder was sitting on top of the incision kya nasasaktan siya

agatha19

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #489 on: September 02, 2012, 12:47:57 pm »
i'm preparing myself for this, sobrang scared talaga ako. ayoko din nung scar sa tyan. sa mga na-cs na, halata pa din ba yung mga tahi nyo? can you still wear 2piece swim suits?

mysterious_me

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #490 on: September 05, 2012, 12:48:16 am »
@ezonme simula sa pwet hanggang sa tummy ang binder ko kaya hindi natataman ang tahi but it's still depends on you kung saan ka komportable.

@agatha19 hindi na halata ang tahi since natatakpan naman sya ng panty and YES! Nakapag 2 piece pa ako dati nung seksi pa ako after 1 year of giving birth. :)
« Last Edit: September 05, 2012, 12:54:52 am by mysterious_me »

bibibuy

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #491 on: September 05, 2012, 01:31:07 am »
kung magaling ang ob mo hindi mahahalata yung scar and may inaapply naman na cream para mag lighten yung scar. yung akin hindi mahanap ni hubby, sabi nya baka daw ang totoo ng normal delivery ako. hehe.

k_heart

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #492 on: September 05, 2012, 01:42:16 am »
^^Yung sa akin sis, sobrang baba ng cut, kaya pwedeng pwede ako mag 2 pc. di nga lang bagay sa  akin ang 2 pc. ha!ha!
It's really super duper below my stomach kaya kahit teeny weeny bikini, di sya kita. I have 3 kids, via CS lahat.

domestic diva

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #493 on: September 05, 2012, 07:11:20 am »
Hindi din ako nag-full bath for 3 weeks. But with my 2 previous CS, nag-full bath ako the next day. Naisip ko na wala din mawawala sa akin if I don't do a full bath. Sponge bath and dry shampoo. Ala-gelai ang ginawa ko. Madami kasi akong lamig sa katawan and I had complications with my last CS.

k_heart

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #494 on: September 05, 2012, 11:01:10 am »
ako, 1 week after, full bath na. Nag ok naman yung doctor ko. Iningatan ko lang yung cut.Although yung 3rd ko, ang sakit talaga after. As in i have to take pain reliever just tO get up.

jenie0519

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #495 on: September 05, 2012, 03:33:01 pm »
Hay naku, ako hindi ako tinanong ng OB ko kung gusto ko ba eh traditional cut or bikini cut, nawala din sa isip ko yan kasi emergency CS ako... Pagkagising ko after, ayun, classical ang ginawa sa kin, dun sa may linea negra ko..  Kaya ayan, bukod sa mga nagmumurang stretch marks, may hati ako sa tyan, di ko na ata maeexperience ang mag 2pc hehe...

Ako after a week naligo na, pero sobrang ingat kasi baka mabasa yung sugat...

design21

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #496 on: September 07, 2012, 09:35:58 am »
meron ba sa inyo nagkaproblem sa epidural? kasi sabi ni ob last month dalawa case niya na super overweight yung moms hindi gaano tinablan epidural:( nakakatakot naman

marssie

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #497 on: September 10, 2012, 07:04:19 pm »
For 2nd time or more CS moms, naalala niyo pa ba mga procedure nung na CS kayo? not the paghiwa thing sa tummy, yung preparation? Sobra kasi ako natakot at nasaktan nung nanganak ako via CS dati, gusto ko lang mahanda ang sarili ko.. As far as i can remember parang ganito:

1. Labatiba/Enema - pag CS ba kailangan pa rin?
2. Paulit ulit na IE, :'( then after 10hours mula ng pumutok ang water bag ko/and 4hours na labor, CS daw ako
3. Catheter - Super ouch dito ako halos magtitili sa iyak
4. Then dinala ako sa delivery room, pinabend ang body nilagyan ng anesthesia sa likod, parang may tumusok lang sa akin ng maliit na karayom,pero mula sa item no. 1 eto na yata ang pinaka HINDI masakit na ginawa sa akin, so gentle ng anesthesiologist at ang bait pa..
5. Then namanhid na ang halfpart ng body ko, and maya maya lumabas na ang baby ko  :)

Actually isa sa pinakaconcern ko, yung catheter, diba pwedeng pag may anesthesia na tsaka icatheter! super hate ko kasi ang sakit!  Parang may nabasa din ako dati na nasaktan at nahirapan nung tinarakan ng anesthesia.. kasi sa experience ko nga, eto nga lang magaan na ginawa sa akin, or maybe dahil sobrang nabugbog na katawan ko sa sakit sa item 1 & 2 :D

jaja_0310

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #498 on: September 10, 2012, 07:26:41 pm »
Mga sis ilan weeks bago ng stop bleeding nyo after ng cs operation? Ako kc mag 1 month n sa 15. Need ko na ba mag worry?

chinilachika

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #499 on: September 10, 2012, 07:35:41 pm »
^^yung catheter ko i remember after na ng delivery nilagay.  iniimagine ko yung nangyari syo, parang kahit ako mato-trauma umulit :(

^not exactly a cause for worry pero i think you have to raise it to your ob na.  from what i know even surgery wound don't take that long to heal, yung sa labas ng skin ha.  if i'm not mistaken nga either 2nd or 3rd tinanggal na yung parang plaster sa tahi ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close