watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes?  (Read 291606 times)

jiffy

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #40 on: August 10, 2009, 10:22:12 pm »
nagsisisi din kame ng asawa ko..
first, delayed ang turnover.. promise promise sila pero delayed naman by almost 1 year! maski na bayad na ako sa DP! second, dami palpak and kita talagang substandard ang gamit ng contractor na materials.. example.. yung door ng banyo.. puro scratches.. parang 2nd hand na plastic.. yung lababo.. nangingitim na ang metal.. mukhang peke! mga shower valves kadiri.. pinapalitan ko lahat yun.. even tile floorings at vinyl.. bumili na lang kame ng iba.. Third.. until now, wala pa din daw titulo ng subdivided lot sa bangko! bale 2nd year na namen ito.. 1 year to pay ang DP tapos naka 1 year na kame sa loan amortization sa bangko! ang masama pa.. wala na kame choice kundi ituloy ang loan sa RCBC na katie up nila kase wala pa din titulo.. pag meron eh di pull out ko na sana at ipasok sa ibang bank na mas mababa ang interest! imagine first year 9% lang pero this time daw 11% na! napaka unfair! sabi nga ng asawa ko, yung nabili daw namen na house di pwedeng ipagmalaki .. and to think malaking investment din yun.. P3m bili namen.. plus extension na p1m! haaay! di talaga worth it! 4th Ang primewater sister company.. nagulat ako bill namen almost 3k! wtf! presyo ng tubig ginto! nireklamo ko kaya bumaba naman the ff month pero di nako nakarefund! ang rate is 36per cubic meter.. samantalang sa makati at high end na condo.. 18/cu. mtr lang! 5th - Association Dues- kapal ng face.. 1k pero month... samantalang pagliapt namen wala pang ilaw sa street.. minsan minsan lang basura collection.. 2 lang yata guard.. nakakainit ng ulo.. buti nireklamo ng ibang homeowners at nagbanta din pamedia kaya naging 600 per month..

lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #41 on: August 12, 2009, 07:01:55 pm »
^^korek ka jan sis, at nalaman ko dito sa 4man yung mga pinalitan nilang doorknob dito, kinabit nila sa ibang bahay na hindi pa accept. Tapos yung mga pintura na ginamit nila ilang months pa lang yung katabi ko naku faded na mukha ng luma. sa akin nga my mga spotted na kaya pinapinturahan ko agad. Sabi nga ng katabi ko siguro daw my halong kalburo? ...nakakapagsisi talaga sana nga bumili na lang kami ng lote at kami na lang nagpagawa ng bahay.

applec16

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #42 on: August 13, 2009, 09:07:51 am »
^grabe yan ah!!!  grrrr..  nagtitipid siguro.. grabe! taga naman maningil..  >:(

izabelle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #43 on: August 14, 2009, 01:04:42 pm »
grabe naman yan mga problems na yan. diba kay manny villar 'to?

malapit na election, mag ayos ayos sila dapat.

emery

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #44 on: August 14, 2009, 02:00:20 pm »
xempre c villar

sever_lee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #45 on: August 14, 2009, 07:04:57 pm »
^^^^sis jiffy di ko nagets, panu na-approve ang loan mo sa RCBC ng walang title, ang lam ko kahit joint venture nila ang developer hindi magrerelease ng loan hangga't walang title. matanong ko lang po, saan po ang subdivision nyo?

rain

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #46 on: August 19, 2009, 07:05:10 pm »
sis lukaretchi tanong ko lang kung ano model ng bahay ang nakuha mo?  meron kasing ino- offer na drina model  dito, pre- selling pa lang worth P3.5m sa may daang- hari.



lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #47 on: August 20, 2009, 11:31:13 am »
^Dito kami sa may Siena Villas, 350 units lang ito at lahat sold out na. Marami-rami na din nakatira, [textspeak!] ibang bahay for finishing na lang at retouching. Ewan lang kapag tumira na yung ibang homeowners kung hindi sumakit din ang ulo nila mga ilang buwan.

arielle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #48 on: August 20, 2009, 11:48:36 am »
^reading previous posts made me decide not to vote for Villar!

rain

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #49 on: August 20, 2009, 03:54:44 pm »
sis luka, sa north pala kau sis.
naayos na ba ang mga inireklamo nyo?

dapat ayusin ni villar ang trabaho nila, eleksyon pa naman.

pinagahirapan ng mga tao ang binabayad dito kaya dapat maging patas sila.

lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #50 on: August 20, 2009, 07:43:34 pm »
^inayos naman nila kaya lang nga low quality pa din tulad nung hagdan pina repaint ko, ngayon nababakbak na naman, kaya hindi na lang sa kakilala ko na lang ako magpapagawa kahit gumastos na ako, nagsawa na din kasi ako. aayusin ilang weeks lang babalik pa din sa dati. Kapag bumisita ka nga dito sa subdivision namin yung mga almost two years pa lang nakatira o a year pa lang. Pangit na look ng bahay sa labas faded na, mga namumuti na kulay pa naman is yellow(sienna) and blue. Iyong model house nga sira na yung pinto. Madaling masira iyong pintuan nila, kaya karamihan dito my screendoor.

sweetbabycakes

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #51 on: August 27, 2009, 12:56:27 pm »
jusko, nagpaplano pa naman kameng kumuha ng bahay sa camella... may tripping kame sa sabado.... icancel ko na lang kaya, baka magsasayang lang kame ng panahon..... :-(

lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #52 on: August 27, 2009, 01:52:06 pm »
^^correct sis, suggestions lang ha..hanap na lang kayo ng lot at kayo na lang magpatayo ng bahay kasi mas maganda yun dahil masusunud ang gusto mo at yung mga materyales na gagamitin alam mong my quality. O kaya sa mga maliliit na developer muna kayo tumingin kasi balita ko mas maganda daw gumawa iyun dahil nagsisimula pa lang sila at talaga naman pinag-iigihan nila.

sweetbabycakes

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #53 on: August 27, 2009, 03:26:07 pm »
^^^ hmmmnn... malamang maging OT ito, pero may alam ka bang maliit na developer who might do well? I am really disappointed with what Ive been reading about camella and profriends sa kabilang thread..... si villar pa naman iboboto ko sana, kaso malamang maging substandard ang serbisyo nya, parang materials ng mga bahay nya...

Masyado atang mahal pag kami nagpaconstruct ng bahay.... :-(

Thanks sa pagsagot nga pala, sis lukaretch... :-)

nadialicious16

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #54 on: August 28, 2009, 01:02:45 pm »
lahat ba ng CAMELLA HOMES nagkakaproblema ? ang cute pa naman ng commercial nila,tapos substandard pala ang bahay. =(

lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #55 on: August 28, 2009, 07:43:40 pm »
^cute talaga sis, yung mga house model nga nila kapag first time mo syang makita, ang ganda talaga kya nga na enganyo kami ni hubby na kumuha eh.2 years past pa lang ha,  nadadaanan ko itong house model ngayon, hindi na matatwag na house model kasi pintuan palang sira na. my butas na iyung ilalim at gilid.
^sweetbabycakes..hanap n lang you dyan kasi hindi ko na makontak iyung friends ko na my kilalang developer..try mong mag google. Mas mahal talaga kung kayo magppapaconstruct pero satisfied ka naman kasi alam mo yung mga ginamit  my quality talaga. Kesa kukuha ka at magpapaayos pa ulit di doble gastos.

KB

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #56 on: August 31, 2009, 11:17:14 am »
Tumutulo ngayun ang ceiling ng banyo namin binaklas nila kasi hinahanap ang tulo until now naka buyangyang parin, its been 3mos. na. Ka inis talaga.

nadialicious16

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #57 on: September 01, 2009, 08:43:17 am »
nagtripping kami yesterday sa may caloocan,NOVA ROMANIA subd. under camella homes pa rin at kay villar.napansin ko doon sa isang bahay na naitayo na,biyak biyak yung flooring.

super bratinella

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #58 on: October 03, 2009, 07:11:43 am »
In fairness sa Camella, in Cavite walang baha sa loob ng subdivision, when typhoon Ondoy came, everything was fine, depende sa location.

KB

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #59 on: October 03, 2009, 09:21:39 am »
^^ 'yun din lang ang konsuelo sa camella kahit kami walang baha pati sa inlaws ko wala rin. Kaya dapat tayong mga taga camella alagaan ang drainage natin 'wag mag tatapon ng mga basura sa labas lalo na ang plastik kahit 'yung sa candy 'wag natin itapon dun. FYI ang plastic pala 100 years hinde mabubulok.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close