watch now

Author Topic: delayed talker?..  (Read 242953 times)

darna88

  • Guest
delayed talker?..
« on: July 14, 2009, 03:34:21 pm »
do u know someone na delayed talkers lang talaga? i mean without intervention ng speech theraphy pero nagsalita din sila in a certain age?....tenks 

zaza

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #1 on: July 14, 2009, 03:56:15 pm »
anak kong lalake... as in akala ko autistic sya, di sya nagsasalita, pero nakikipaglaro naman, tapos nung mag 2 1/2 yrs old na sya, sobrang daldal, sa bawat tanong nya laging me kasunod na tanong.... hanggang ngayon daldal parin kahit mag-7 yrs old na sya

mommynin8

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #2 on: July 14, 2009, 05:01:03 pm »
my son, hindi sya nagsasalita masyado before ang alam lang niya sabihin mga pangalan ng tren niya... then bigla na lang madami na syang words. meron na siya ngayon mga 'it's not fair', 'that's strange', etc... conversational na yung salita niya. 

kahit hindi sya masyado nagsasalita before we still talked to him; and we realilzed that even if he's not responding verbally he knew what we were talking about.  sabi ni pedia it's ok, magsasalita din sya eventually. so ayun, nagsalita naman.

he's 3 btw.

ebiko

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #3 on: July 14, 2009, 05:22:45 pm »
i  heard sa pedia ng boss ko sometime na ang mga boys, ay delayed talker daw talaga, mas mabilis magsalita ang mga girls compared sa mga boys.

kasi yung anak niya, boy, and at 2 yrs old, hindi mo talaga maririnig na nagsasalita, puro smile, sway lang ng head, point lang sa mga objects ... pero nung inenrol na nila sa school -- naging madaldal na siya.

dcccxxi

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #4 on: July 14, 2009, 05:38:22 pm »
daughter ko sis nung nag 5 lang sya talagang nkpagsalita.. ngayon sobrang daldal na

hailey06

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #5 on: July 14, 2009, 06:23:23 pm »
ito rin wino-worry ko sa baby ko at the moment. she's 1 year, 9 months na pero ilang words pa lang nasasabi and hindi pa ganon kalinaw. that's why I'm thinking of sending her to school na next year kahit medyo bata pa.

Pretty_ava

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #6 on: July 15, 2009, 06:18:43 am »
ilang mos ba dapat nagsasalita ang mga babies?  yung normal age?

mald1ta

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #7 on: July 15, 2009, 07:10:44 am »
hmm.. children learn the rudiments of language by age 3 and master it almost completely by age 10.

it begins with babbling of course and babies typically use single words by their 1st yr. they can usually speak in phrases using the number of words as their age, up to 5 y/o according to my son's pedia. example, a 2-year old child can typically use two word phases. and so on..

ideally, by 18mos-24mos, they could speak 2-word sentences like "go there" "want milk", etc.. by age 2 dapat mejo matanong na sila pero syemps bulol pa din...

it's a warning sign daw if your baby by age 2 still uses more gestures than words.. like for example instead of saying "i want that" he just goes "ahhh-ahhh *pointing to the object*"..

but then again, the environment has something to do with our babies speech dev't.. mas mabilis daw makapagsalita ang baby pag ang lagueng kasama ay adults instead of children.. and also it affects din if you baby talk to your babies.. like for "do you want mamam or am am ka na?"

i know cute makipag usap sa baby in those small phrases we create so mas maintindihan nila.. but it will affect your baby in the future... imagine when he turns 5 and he's already in kinder he tells his teacher he wants mamam instead of saying water...

yung anak kasi ng pinsan ko ganun.. mamam pa din.. hehe

also, wala daw sa gender kung boy or girl (i remember this one kasi mei anak na ko nung napagaralan ko milestones sa pedia namin).. kung sino mas mauuna magsasalita... kasi anak ko lalake pero by 18mos nakakapagsalita na sya.. bulol nga lang.. hehe.. yung pinsan nyang girl mag 2 na pero hindi paren nakakapagsalita kundi mommy and dada. (eh yan before mag 1 nasasabi na ng babies)

but as i always say, no babies are alike... iba-iba kasi growth and dev't ng each baby..
« Last Edit: July 15, 2009, 07:14:18 am by mald1ta »

avel

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #8 on: July 15, 2009, 08:20:57 am »
my son started to talk vividly nung 3 or 4 yata sya, ipapa-speech therapy pa dapat ng MIL ko.

angeleigh

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #9 on: July 15, 2009, 08:31:37 am »
My would-be pamangkins, both of them, delayed talker. Yung panganay mga magtotwo na siya bago nagsalita. Yung bunso naman, 1yr+ na, hindi pa rin nakakapagsalita. Puro mga baby talk lang, no words talaga.

jelly

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #10 on: July 15, 2009, 08:26:17 pm »
my daughter gaby she's 2y9months now pero nung 1.5yo siya iilan salita lang sinasabi niya. Her gymboree teacher recommended that i had her check kasi delayed na daw...so ako naman natakot pina dev't pedia ko...yon normal naman daw although sabi niya medyo may kalikutan kasi 1hr kame sa clinic niya non stop ang galaw....sabi niya ibalik ko pag ganun pa rin...
Hehe going back...
Sabi nya wait lang daw ako mag 2 siya...hay naku ngayon non stop daldal niya...as in ang ingay ang daldal...ibabalik ko nga para patigilin naman sa kaingayan hehe joke lang...

ushushbie

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #11 on: July 15, 2009, 10:13:54 pm »
yung anak ko din nagsasalita na pero piling piling words lang ang malinaw, like car, ko, nay, tay, shoes, coke. yung mam (water) minsan lang niya sabihin. nag woworry na din ako kasi tamad magsalita pero naman sobrang active

he's 1 yr. and 7 mos. na

twelvth_goddess

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #12 on: July 16, 2009, 08:25:03 pm »
Yung 2 nephews ko started talking at an early age. Yung isa na malapit na mag-3 as in super conversational parang matanda na. Yung 2 nephews naman ni hubby same age sila near 3 na din pero yung isa mama and papa lang ang sinasabe tapos the rest puro baby noise lang. Naco-compare tuloy sila sa nephews ko and don sa isang ka-age nya.

mald1ta

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #13 on: July 17, 2009, 01:34:59 am »
^ganun talaga kung mei mga ka-age sila sa family.. nacocompare talaga... pero dapat ipacheck na yung mag 3.. kasi dapat hindi lang mama and papa nasasabi nya at his age... yung iba nga nasa school na that age..

yabyu

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #14 on: July 18, 2009, 01:00:13 am »
worry ko rin to sa anak ko. she's turning 1.5 this month pero wala pa rin sya masyadong words na nasasabi  :( ang daldal pero di naman maintindihan, parang may sariling language. di ko naman binibabytalk, lagi ko rin kinakausap. samin pa naman ang paniwala ng mga oldies pag madaling nakapagsalita mas matalino daw compared sa delayed talker. totoo ba yun? :'(

mald1ta

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #15 on: July 18, 2009, 01:52:19 am »
hindi... alam mo naman matatanda sis... hehe

nakakapagsalita na anak mo sis.. kaso gibberish talk nga lang..

twelvth_goddess

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #16 on: July 18, 2009, 04:21:07 am »
^ganun talaga kung mei mga ka-age sila sa family.. nacocompare talaga... pero dapat ipacheck na yung mag 3.. kasi dapat hindi lang mama and papa nasasabi nya at his age... yung iba nga nasa school na that age..

Oo yon din naisip ko sis dapat ipa-check na siguro kase gibberish talk pa lang talaga nasasabe nya but parang gustong-gusto na talaga magsalita. Naaalangan naman ako magsabe kase nurse yung mommy nya na sister in law ko so diba dapat alam nya yung mga ganon. I just feel bad for the kid and for her pag nacocompare sa mga pamangkin ko and sa pinsan nya.

mald1ta

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #17 on: July 18, 2009, 07:11:28 am »
naku nurse pala mommy nya.. dapat lang alam nga ng mom nya yan.. tingin ko sis in-denial lang din ang mom nya kaya ayaw nya ipacheck.. deep inside she's really hoping din na hindi na nya kailangan ipatingin sa specialist.

maddie

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #18 on: July 19, 2009, 12:40:21 am »
My daughter would be two next month and she's not yet talking also. Alam mo yun she's very active and noisy and she sounds like she's communicating because nagsasalita sya na hindi ko maiintindihan pero iba ibang sound. Hindi naman din kami nagbaby talk sa kanya pero most of the time kaming 2 lang talaga sa bahay naiiwan. She'd sound like she's singing kasi may tunog yun sounds nya pero parang wala talaga akong maintindihan sa sinasabi nya parang chinese/japanese/korean yun sinasabi loko ng mom ko.

dyann***

  • Guest
Re: delayed talker?..
« Reply #19 on: July 19, 2009, 01:26:15 am »
^ Ganyan din son ko, hindi maintindihan ang sinasabi pero madaldal, yan din sabi ng mom ko parang chinese, minsan parang german daw kasi may accent yung ibang sinasabi nya na german sounding daldal. Most of the time Little Einsteins ang pinapanood nya kaya yung mga tono ng sinasabi dun ginagaya nya, yung easy words nasasabi nya ng medyo malinaw pero yung words na mahaba & mahirap hindi na maintindihan pag sinabi nya, malalaman mo lang na yun yung sinasabi nya kasi nagagaya nya yung tono and accent.  :)

By the way's my son's 1 year & 9 months.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close