watch now

Author Topic: MANILA  (Read 82360 times)

pinkychel

  • Guest
MANILA
« on: July 06, 2009, 02:10:31 pm »
Hi mga sissses,

Meron na po bang ganitong thread dito? Wala kasi akong makita eh kaya I made a new one. If meron na po, pakidelete na lang po ha?  :)

Ano po bang magandang puntahan ng never been to Manila people like me? Pagkakaalam ko lang po kasi eh Ocean Park and Enchanted Kingdom. Share naman po kayo.  Thanks! ;)


ficklemind

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #1 on: July 06, 2009, 02:32:28 pm »
im also not sure kung may existing thread like this.

Actually, enchanted kingdom is not in Manila Its in Laguna but pwede na din kasi it is better than StarCity.

ive never been to Manila OceanPark.

Nightlife in Manila is one of the best, masaya mag bar and restaurant hopping  :)

badmonkey

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #2 on: July 06, 2009, 02:35:16 pm »
Enchanted Kingdom is not in Manila. Sa Laguna sya.

Pasyalan?

Mall of Asia
Trinoma
Eastwood, Libis - May shows pag weekends and may Merry Go Round for kids.
Gateway

Mall rat ako kaya mga malls ang suggestion ko.  ;D

Kids ba ang kasama? Ano ba mga trip nyo? Isip pa ko.

pinkychel

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #3 on: July 06, 2009, 02:53:22 pm »
mga young adults po. or maybe adults na. hehe. siguro anything na must-see for first-timers in manila..

shegothim

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #4 on: July 06, 2009, 03:21:27 pm »
city of manila lang ba? o kahit qc pwede?

fort santiago sa manila
luneta sa manila
manila zoo sa manila
ocean park sa manila
sunset sa manila bay
ccp or picc grounds sa pasay at manila
moa sa pasay
star city sa pasay (if open)
glorietta at greenbelt sa makati, isama mo na rin ang landmark at sm
malabon zoo sa malabon
trinoma, sm north sa qc
ecopark sa qc
« Last Edit: July 06, 2009, 04:09:18 pm by shegothim »

badmonkey

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #5 on: July 06, 2009, 03:24:46 pm »
^gala ka talaga kapatid!  ;D ;D ;D

shegothim

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #6 on: July 06, 2009, 03:26:16 pm »
hehe... oo nga.

badmonkey

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #7 on: July 06, 2009, 03:34:11 pm »
Sa Marikina din pala madaming pasyalan.

Yung friend ko me pinost sa blog nya, namasyal sila sa Marikina, mga shoes factory at kung ano ano pa.

If you are into shopping, go to 168 or Divisoria. Be careful lang sa mga mandurukot. Always remember that saan man part ng Manila.

shegothim

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #8 on: July 06, 2009, 03:54:56 pm »
tama.. gusto ko rin sanang ipost ang quiapo church, baclaran church pero super madaming ingat sa mga mandurukot at snatchers. ingatan mabuti ang bag.

manila cathedral at san agustin church. malapit lang sila sa fort santiago
« Last Edit: July 06, 2009, 04:08:33 pm by shegothim »

numonorean

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #9 on: July 06, 2009, 04:01:12 pm »
^yep.  masaya sa Quiapo and Binondo area.  pero inggat nga sa mga mandurukot.  yung ilalim ng tulay sa Quiapo, madaming good finds.  sa Binondo, madaming masarap kainan.  sa Intramuros, Manila trip talaga yun. :)

Greater Manila Area, sa shopping - choose your own mall. :P  mula SM North Edsa hanggang SM Southmall. ;D  bagtasin mo lang ang EDSA e magsasawa ka na sa dami ng malls na pagpipilian mo. :)

melmedrano

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #10 on: July 06, 2009, 04:06:50 pm »
i suggest you go to intramuros... para may reflection of the old manila. you can see the famous churches dun (kung catholic kayo) like manila cathedral at san agustin church. May museum din sa loob ng san agustin, its a nice way to spend the day... im not sure lang if there's kalesa pa in intramuros... you can also try it while strolling. ingat lang sa pag park ng car nyo sa intramuros kasi mabilis mag-tow ng sasakyan dun.

prish

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #11 on: July 06, 2009, 04:12:02 pm »
kung teenagers or mid 20's like me:

-serendra
-bonifacio high street
-greenbelt and all the malls connecting there :)
-greenhills tiangge
-trinoma
-comedy bars
-mall of asia

last but not the least 168!! :)

pinkychel

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #12 on: July 06, 2009, 04:14:30 pm »
wow. andami naman pala.  :o ang saya.  ;D

suggestion naman ng isang friend ko dito, pwede din daw yung manood ng wowowee, asap or the buzz. hindi nga lang daw nya alam kung papano. LOL.  ;D
« Last Edit: July 06, 2009, 04:18:52 pm by pinkychel »

rocky

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #13 on: July 06, 2009, 04:22:15 pm »
pwede rin kayong mag-cruise sa manila bay pagdating ng gabi, bandang CCP yong sakayan malapit sa floating restaurant, 100 lang per head 1 hour na yon.  ;D kay rommel padilla yong yacht.  ;)

pinkychel

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #14 on: July 07, 2009, 08:32:43 am »
^wow. talaga? need pa bang magpareserve or pagdating na dun kukuha? and then ano po ang cover ng 100 na yan?

how about po sa malacañang? open po ba cya sa public?

shegothim

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #15 on: July 07, 2009, 09:25:44 am »
marami nang nakapark na mga boat dun sa may ccp. baka marami na ring nagooffer ng cruise doon. meron din dati sa may baywalk pero di ako sure kung meron pa rin ngayon dahil park na lang ang baywalk at di na tulad noon na maraming business establishments.

purpleish

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #16 on: July 07, 2009, 09:49:05 am »
waaa...totoo yan mga sis madame mag durukot sa Quiapo, naisahan na ako niyan..yan ang top secret ko kay hubby kasi talagang magagalit saken yun :D

hwak 2x ko talga promise yung sling na wallet ko talaga, eh tumitingin ako sa mga bags kasi bbili nga ako ng sling na bag na nauso na yan,a nalingat lang ata ako ng hawak...ayun na tangay na ang pera ko, kasama talaga ng luob hindi ko na lang mention kung magkano...bsta nasa 3k-5K yun....kaya simula nun hindi na ako namimili sa Quiapo...

mas panatag pa ako sa Greenhills...

lcp

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #17 on: July 07, 2009, 10:51:10 am »
ace water spa
eastwood mall
tiendesitas
divisoria (divisoria mall, 168, etc)

sky_doll

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #18 on: July 07, 2009, 10:58:35 am »
yup! doble ingat talaga pag nasa quiapo, divisoria, basta pag nasa manila kayo... if nasa divisoria kayo better na sa pocket ng pants nyo yung money nyo! and dapat aware kayo sa paligid nyo! madame dyan yung didikit dikit sa inyo...

shegothim

  • Guest
Re: MANILA
« Reply #19 on: July 07, 2009, 11:09:02 am »
minsan nakakatakot din sis pag nasa pocket lalo na pag nasa jeep ka kasi minsan pag nakikita ng mandurukot tututukan ka ng patalim tapos ibibigay mo na lang sa kanya cp mo. ganyan kasi nangyari sa kaibigan ko.

ok ding bumisita sa mga museum like national museum, museong pambata, ayala museum though di ko lang alam kung may bayad at kailangang magpasched para sa pagvisit.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close