watch now

Author Topic: Home Party Menu  (Read 193026 times)

em_malong

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #60 on: January 15, 2010, 08:59:57 am »
Rush house party ang request ng baby k0.

Supposedly Jollibee school party sana, padeliver ng food and mascots tap0s hire ng party host sa kanila with additional 400-500 daw. Yun ang original plan bigla a month before her bday, nagrequest siya ng Spongebob theme house party, hayun ngarag ak0 sa preparation, dito sa GT k0 kinuha yung mga ideas ko. Fud hindi maraming classifications per0 marami per menu, like yung
10K spaghetti ,
2k pancit Bihon,
b]20K chicken Teriyaki[/b],
10K chopsuey,
3K carbonara(pero di na nailuto, kasi nandyan na mga guest,
ice cream 6 gallons(200/gallon),
at yung cake, red ribbon yung 6 inches lang binili namin dulce de leche and then we just added spongebob sa taas ng cake at nagprepare kami ng cupcake tower, bumili ng cupcakes at nilagyan ng cupcake spongebob topper, 4 layers yun pero P700-750, lang ang nagastos namin.

http://emmalong.multiply.com/photos/album/27/JEOSH_BIRTHDAY#photo=12

At yung clown namin ang aga, 4pm ang call time namin for the party 1pm-130pm nandyan na siya. At super dami nang bisita. super dami ng napakain namin.

24-25K ang nagastos ko.

http://emmalong.multiply.com/photos/album/27#photo=26

Rush preparations ko. pEro promise super enjoy ng birthday celebrant at ng mga guest. Dami lahat ng bata may naiuwing toys ant lootbags.

bluekaren780

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #61 on: January 15, 2010, 09:14:19 am »
congratulations!!!!

mommy_vicky

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #62 on: January 15, 2010, 01:38:51 pm »

@ em_malong, sis ang galing mo naman. P24-25k lang ang gastos mo. Sis, I am just curious, how much did you spend just for the food? Thanks!!

jefsie10

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #63 on: January 15, 2010, 04:04:41 pm »
spag
pansit
hotdog on stick
fried chicken
pork asado
beef caldereta
chopsuey/ fresh lumpia
lechon
salad
cupcake
ice cream
puto??

ok na ba ito for home party?

bluekaren780

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #64 on: January 15, 2010, 04:46:53 pm »
^ puwedeng-puwede na... busog na ako diyan... este, ang mga bisita mo pala... ha-ha... makisali ba ako?

jean0415

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #65 on: January 18, 2010, 11:01:15 am »
sis jefsie..tama si sis emie, busog na rin ako jan. hehe.

actually i was planning a jollibee party for kiera on her 2nd birthday kaya lang umattend kami ng party ng pinsan nya, naisip ko..iba pa rin pag party sa bahay..panalo ka sa matitipid talo ka lang talaga sa pagod pero at least pag sa bahay eh walang time limit..so since 2 naman na sha at mahirap ang buhay ngyon, we decided to have a house party instead..so far eto plang naiisip ko

adults :

beef caldereta
chicken pastel
lumpiang shanghai
lumpia sariwa
baked mac/spag
buko pandan/ buko salad

sa kids nman, the usual spag and chicken lang naisip ko since eto nman ang gusto nilang kainin + yung hotdog on stick with marshmallow na tradisyon na ata nating mga pinoy.  ;)

mabu2sog na rin kaya sila dito?  :)

bluekaren780

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #66 on: January 18, 2010, 11:18:33 am »
^ ay, oo... busog na rin ako diyan... este sila... hanube? ha-ha...

with us, kung hindi naman din mga major event, hilig din naming mag house party lang... hindi nga house party talaga... street party.. ha-ha.. kasi maliliit lang ang mga bakuran namin para pagdausan ng party... ayaw naman namin sa loob ng bahay kasi nga hanggang sa kuwarto, sa ayaw at sa gusto mo, magagamit din... makakatanggi ka pa ba sa mga relatives at super close friends mo? di ba, hindi?

sa compound namin, bukod sa aming mag-anak, kadikit ng bahay namin ang MIL ko... 3 houses away sa right side namin is family ng Tita ko... 1 house away sa left ko naman is house namin ng family ko... wherein, meron ding space of their own ang kapatid ko na sumunod sa akin with his family at yung isa pang kapatid ng Mama ko or my another Tita.

kaya pag may handaan, automatic na yan, toka-toka kami ng iluluto... kanya-kanyang pamamalengke, kanya-kanyang pagpi-prepare, kanya-kanyang pagluluto sa kanya-kanyang kusina... kaya tigi-isang putahe lang... hindi masyadong nakakapagod...; hindi rin laspag ang kusina mo...

then tayo lang kami ng tent with sidings sa harap ng house namin... set up ng buffet table, tables and chairs and all... then gamit kami ng mga disposable na dining wares... may nakahanda na ring garbage bag sa isang sulok ng party area... para after kumain ng bisita, diretso na dun yung pinagkainan

after the party, isi-seal na lang namin lahat ng garbage bag... ang huhugasan lang namin is yung mga food warmers or chaffing dishes, dish pan at serving spoons.

promise, walang kapagod-pagod... he-he

jefsie10

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #67 on: January 18, 2010, 11:31:11 am »
thanks sa reply mga sis...

actually hindi pa confirm if sa clubhouse sa subdivison namin gagawin yun party or sa house, kung magpapacater or kami na lang magluluto ng food, but if kami magluluto yun menu na post ko yun iluluto namin
« Last Edit: January 18, 2010, 11:37:50 am by jefsie10 »

virgogirl98

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #68 on: January 19, 2010, 06:16:42 pm »
tingin nyo kasya kaya ang 10k para sa 50-60 adult guests and 30 kids sa menu ko(i dont know how much kilos for each eh):

pork barbeque(balak ko lang magpagawa dito sa kapitbahay namin na nagtitinda ng bbq na masarap)
beef caldereta
fried chicken
chopsuey
spag

kids
spag
hotdog with mallows
chicken
tetra juice

then add na lang ako ng ice cream sa cup and cupcakes or brownies for the dessert. what do you think kasya kaya?

prettysummer

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #69 on: January 19, 2010, 07:24:15 pm »
Sis, sa tingin ko kasya naman ang 10K na budget mo para sa menu mo.

Last January 1, nagreunion ang family namin (50 persons)
nagkasya naman ang budget namin na 10k.

- Pancit Canton
- Menudo
- Pork Lengua
- Beef Caldereta
- Fish Steak w/ Tofu
- Vegetable Side Dish
- Pork Barbecue (100pcs.)
- 150 pcs. Mini Cupcakes
- Kakanin
- Softdrinks

sobra sobra yung food and until the next day madami pa... 
some have take home pa...


bluekaren780

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #70 on: January 19, 2010, 08:22:48 pm »
basta for every kilo, 10 pax ang possible na kumain... unless, mga basketball players ito na kagagaling pa lang sa game, huh?

em_malong

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #71 on: January 21, 2010, 08:05:02 am »
Thanks sis  bluekaren780

@ em_malong, sis ang galing mo naman. P24-25k lang ang gastos mo. Sis, I am just curious, how much did you spend just for the food? Thanks!!

20K sa fud sis, cousin ko yung chef(free service, i just gave her daughters na pang-allowance for a week).

5K sa balloons, giveaways, etc... lahat from Divi.

dyann***

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #72 on: March 24, 2010, 07:47:53 pm »
tingin nyo kasya kaya ang 10k para sa 50-60 adult guests and 30 kids sa menu ko(i dont know how much kilos for each eh):

pork barbeque(balak ko lang magpagawa dito sa kapitbahay namin na nagtitinda ng bbq na masarap)
beef caldereta
fried chicken
chopsuey
spag

kids
spag
hotdog with mallows
chicken
tetra juice

then add na lang ako ng ice cream sa cup and cupcakes or brownies for the dessert. what do you think kasya kaya?


Nung binyag ng anak ko 2 years ago 8 kilos per ulam for 100 persons, hindi naman nagkulang basta may nag-seserve para walang lamangan, hehe!

Ang menu namin nun:
Rice
Paksiw na lechon kawali
Pork w/ mushrooms
Chicken caldereta
Pancit canton
Maja blanca
« Last Edit: July 03, 2010, 04:56:07 pm by dyann*** »

YaZiLove

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #73 on: April 05, 2010, 08:31:59 pm »
My Naz's 1st Birthday was held at my hubby's house in Pangasinan.
Here's for the kids buffet table: we plan talaga na mga easy-to eat food para hindi messy para sa mga bata.
hotdogs and mallows
macaroni spag
ham on toothpicks - bite size
rainbow loaf
special kakanin - sliced into bite size
french fries
cheese sticks an hindi ko natikman waaaahh
juice packs

booth: cotton candy

on the adult table:
lechon
pansit
kaldereta
egado
pantran - local ulam
2 more ulams that i dnt know the name
my parents also prepared laing and ginataang langka (sobrang pinagkaguluhan heheh)
kakanin
iced tea

mayums

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #74 on: April 06, 2010, 10:26:59 am »
^ sis, click ba sa kiddos ang kakanin? di pa namin nasubukan for kids kasi.

stormy

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #75 on: April 06, 2010, 05:54:23 pm »
^pag sa province sis ni hubby oo :) gusto nila ang puto pero anak ko ayaw nasasamid kasi sa mga kakanin

sa mayo mag bbq party kami :) lahat ng pwedeng i-bbq na meat :) pati corn, pineapple, bell peppers and onions

marose17

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #76 on: April 06, 2010, 05:56:10 pm »
^ Nice naman ang bbq party, sis!  Bagay pa kasi summer. :)

lilstar

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #77 on: April 07, 2010, 08:48:36 am »
Next week na ang 4th Birthday ng bebe ko. Ito ang menu, tentative pa lang.

Mechado
Fried chiken
chop suey
Inihaw na liempo
Inihaw na tilapia / bangus
Shanghai
Pancit
Spaghetti
Hotdog with mallows

Fruit platter
buco pandan

Ok na kaya yan mga sis? how much kaya? konti lang naman guests namin. TIA

stormy

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #78 on: April 07, 2010, 05:26:11 pm »
@marose, yes sis summer na summer :) gusto ko sana ensaladang mangga at talong kaso iwas sa bagoong kaya wag na muna :)

^sis sarap naman ng menu mo :) mag add ka kaya ng mixed seafoods w/ gata para sa mga d mahilig sa meat. Isip ko rin shrimp okoy hehe sensya ka na naisip ko lang parang masarap :) kaso d pang kiddie party

lilstar

  • Guest
Re: Home Party Menu
« Reply #79 on: April 08, 2010, 07:26:44 am »
^ thanks sis. Oo nga parang may kulang. nilabos kaya na hipon ano? yum yum yum.. sa wed na yun.. ang bilis ng panahon...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close