watch now

Author Topic: manas  (Read 197139 times)

katrinac

  • Guest
Re: manas
« Reply #200 on: March 25, 2014, 01:30:27 am »
GMGravity  i see - tingin ko sis di pa naman ata manas ito, pero ang laki laki talaga nya. kapag pinisil ko bumabalik naman sya agad. hehe! pero ang taba taba nya talaga. though ang sakit lagi ng talampakan ko sa bigat ko. ganun din ba sayo?

GMGravity

  • Guest
Re: manas
« Reply #201 on: March 25, 2014, 09:47:59 am »
^masakit din sis and tuhod and singit ko, dahil nga siguro sa bigat natin hehe. Mas iniinda ko right foot ko kasi nagkafracture ako dito before so may times mas matindi ang kirot niya. Sa manas na naman, lumiit ng manas ko pero lumobo na naman kahapon ang kintab na naman niya. Baka sa super tagal na nakaupo ito and sa kinakain narin.

dropdeaad

  • Guest
Re: manas
« Reply #202 on: May 09, 2014, 08:17:17 pm »
At 21 weeks manas na paa ko kahapon kasi sobrang lakad ako tapos biglang lumobo ng onti paa ko pati kamay ko kanina eh. Parang too early ko pa sa manas siguro kakalakad ko to sabay nagbabasa

outandaboutph

  • Guest
Re: manas
« Reply #203 on: May 10, 2014, 07:43:44 pm »
^parang ang aga mo nga minanas sis, ako kasi nagstart 7 months na ako and feeling ko that time ang aga parin kasi lahat ng makakita sa akin iyon ang sinasabi, ask nila if kabuwanan ko na. Since then hindi na nawala ang pamamanas ko kapag nagmove na ako, medyo nagsubside kapag galing akong higaan at tulog pero once nagkikilos na ako iyon lumolobo na ulit siya. Not really sure if anong cause kasi dami ko health problems since mapreggy ako.

dropdeaad

  • Guest
Re: manas
« Reply #204 on: May 11, 2014, 03:58:26 am »
^ sabi naman ng mom ko mataba daw kasi ako tsaka sobrang lakad ako a day before kaya nagtataka ako after kong magbasa parang medyo nalobo yung paa ko. So far nawala naman siya ngayon siguro depende din talaga.

+arte20+

  • Guest
Re: manas
« Reply #205 on: May 11, 2014, 09:16:41 am »
^sis same case tayo, last week napansin ko namaga din paa ko sa pagod kakalakad. Nagtaka din ako ang aga ko mamanas eh 22 weeks pa lang ako. Tapos dinner namin ginisang monggo kaya pala kinabukasan nawala ok pala sya for manas. Hehe. Anyways, napansin ko lang pag sobrang layo ng nilalakad talaga namamaga kasi umulit sya kagabi medyo lumobo pero ngayon paggising ko normal naman na. I guess hindi pa naman totally pamamaga yun kasi nawawala wala pa eh.. Iwas na lang tayo sa long walks sis. Hehe

dropdeaad

  • Guest
Re: manas
« Reply #206 on: May 11, 2014, 10:36:07 am »
^siguro sis dahil sa pagod din buti nga nawala wala. Hindi na nga ako makalakad ng matagal napapagod agad ako unlike dati sobrang lakad akoxwala akong kapagod pagod. Hahaha siguro sa weight nadin sis lumalaki na si baby eh hehe.

outandaboutph

  • Guest
Re: manas
« Reply #207 on: May 16, 2014, 07:42:11 pm »
Noong 7 months pa lang ako ganyan din sa akin, over night nawawala din basta maipahinga but then noong 8 months na hindi na nawala. Lahat ng stretchmarks nasa paa ko na,

Crazylabel

  • Guest
Re: manas
« Reply #208 on: May 18, 2014, 04:27:42 pm »
Going 38th wk. na kami ni baby so far wala pa namang manas kasi hindi din naman ako masyado naglalalakad.

lady_chinggay

  • Guest
Re: manas
« Reply #209 on: May 18, 2014, 07:20:15 pm »
Share ko lang mga sis... 2days after ng cs ko dun ako nagmanas sa paa ng sobra. Una nagworry ako kasi parang paa talaga ng obese itsura nya pero sabi ni ob expected daw yun kasi bumababa yung mga liquid sa tummy after ng delivery

goddessjem

  • Guest
Re: manas
« Reply #210 on: May 20, 2014, 03:38:38 pm »
hi..ako po, minsan tingin ko din manas, minsan hindi..sabi ng friend ko, suggestion ng friend ko, malakad daw ng naka paa sa mainit na sahig/semento..parang effective siya..sabi naman ni nanay, kumain ng monngo, mas effective nga daw kung magpakulo ng monggo, walang kahalong ibang sangkap tapos kainin..d ko pa na try yun...

adabelles_26

  • Guest
Re: manas
« Reply #211 on: May 22, 2014, 09:30:56 am »
I started having pamamanas on my 32nd week. I thought normal lang kasi malaki talaga legs ko, kaso iba yung paglaki ng feet ko. Alam mong namaga at ang dami na din nakapansin. Even sa slippers ko halos hindi na kumasya yung paa ko. Grabe! My OB told me its normal at that stage. Tinataas ko na lang lagi yung feet ko pag natutulog. It helps pero sa umaga bumabalik. Totoo din yung sa monggo na nakaka-lessen ng pamamanas. Mommies, curious lang ako. May nakaramdam ba dito na pati yung fingers nyo parang namamaga din tsaka parang naninigas? Nangyayari kasi sakin to ngayon. Although yung ring fingers (both hands) lang naman. Hindi ko na suot e-ring and wedding ring ko kasi hindi na kasya pero parang naninigas sila. Though tolerable naman.

ana0416

  • Guest
Re: manas
« Reply #212 on: May 23, 2014, 03:58:05 pm »
oh nabasa ko lahat dito na nagkamans eh dahil buntis.. ako din nman nung malapit ng manganak noon, nagmanas din sa feet pero slight lang.. normal lang daw un sa buntis, ingatan lang ang pagkain at exercise everyday kahit walking lang.

but my real concern kaya ako nag post dito eh yung mom ko bigla nalang nagmanas ang paa eh 73 yrs old na sya, gusto ko sana malaman what causes manas??  :( kawawa kasi sya.. tsaka natatakot ako kasi galing sya mamild stroke ta may thyroid pa.. sa iba kasing matatanda kapag nagmamanas na sabi nila bad sign yun  :( help naman po..


badsign talaga yun kasi mama ko nagmamanas dati then punta kami family doctor namin that time naman pinainum lang ng mga gamot pampa-ihi then a week lumala mama ko sobrang sinikmura siya then tipong hindi mawala agad dinala na namin sa hospital emergency dialysis na pala siya kaya ipatingin niyo na agad ang kidney niya dahil sa mama ko dalawa agad ang nasira eh...

bluish_mommy

  • Guest
Re: manas
« Reply #213 on: May 23, 2014, 05:17:30 pm »
with me naman, during my pregnancy never ako minanas... lumabas ang manas a week after kong manganak... winarningan naman ako ng OB ako about it eh, na possible nga daw magmanas ako after manganak which is normal naman daw yun.

sixteen_16

  • Guest
Re: manas
« Reply #214 on: May 26, 2014, 05:14:17 pm »
Kakastart ko lang mamanas this week..31st week ko..nahirapan nako laruin wedding and e ring ko kaya tinanggal ko na talaga siya bago pako mahirapan..at first kala ko pasmado lang ako kasi parang may gumuguhit parati sa daliri ko na para namamanhid na nakukuryente..un na pala yung start nun.. :(

youareaschizoe

  • Guest
Re: manas
« Reply #215 on: June 21, 2014, 09:16:03 pm »
With my 1st pregnancy, never ako minanas. Now that I'm on my 32nd week of my 2nd pregnancy, wala pa naman so far.. I'm praying na hindi naman sana magmanas. :)

goddessjem

  • Guest
Re: manas
« Reply #216 on: June 22, 2014, 05:24:14 pm »
I already gave birth. nung mga 1 ako  week pa lang ako nakakapanganak, napansin kong manas ako. tinaas ko lang paa ko sa mga 3 unan na magkakapatong..effective din siya..

aquarius

  • Guest
Re: manas
« Reply #217 on: June 23, 2014, 06:45:26 am »
sobrang manas ng paa ko after CS delivery. i didn't experience this on my first. caused daw ito ng tubig na umiikot sa katawan.

madaming inom at madaming ihi, stretching legs and feet while elevated on pillows, and small frequent walks helped. :)

morrigan-erinyes

  • Guest
Re: manas
« Reply #218 on: June 23, 2014, 06:37:59 pm »
Napansin ko yung manas ko around 6 months. Napansin ko lang sya nung sinuot ko yung slippers ko na matagal ko nang hindi nasuot tapos masikip. Aside from that, my wedding ring is masikip na din so I had to remove it for now.

jamila_19

  • Guest
Re: manas
« Reply #219 on: June 29, 2014, 05:46:05 am »
Im on my 30 weeks and nag sstart n din pamamanas ko.. Haaaist

 

Latest Stories

Load More Stories
Close