Author Topic: dating a korean..  (Read 89307 times)

kuLeTGuRL

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #100 on: July 08, 2009, 05:13:16 pm »
kahit naman yung ibang pinoy ganyan din. kagaya ng bf ko. minsan parang tuod. take note, pinoy yun ahh. haha


hahahahaha ;D hindi lang sha siguro showy... ;)

ash17

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #101 on: July 10, 2009, 06:46:39 pm »
korek noh saka pag nag mahal naman talaga ay naku wala na silang mahihiling pa. lalu na yung ibang lahi gusto nila yung pinay kasi hygienic una sa lahat tapos maasikaso pa. yung mga rabic dito sa dxb gusto [textspeak!] lahi naten. though [textspeak!] iba masama ang iniisip bout sa ibng pinay pero hindi ko naman sila masisi kasi may kasalanan din naman sa part ng ibng kabayan naten bakit ganun ang pananaw nila. ang explanation ko na [textspeak!] minsan sa kanila bakit yung iba din naman sa inyo mataas ang libido ah. hehe ;D kayo ang unang nag offer shmpre grinab [textspeak!] nang ibang kalahi naten. eh di nanahimik din sila. hehe :)

naku gow sis! ganyan din ako kapag me naririnig ako na di maganda tungkol sa lahi natin, nagiiinit ulo ko sa totoo lang! pero di ko din sila masisisi kc kaya siguro sila nakakagsabi ng di maganda satin kc naka-experienced sila ng panget na ugali natin, e sino ba alang panget na ugali di ba? la naman perpekto sa mundo. kahit sila me masamang ugali din naman. sabi nong boyfriend ng cousin ko na korean din lahi, mga filipino daw genius sa kalokohan, magaling daw manloko lalo na daw pagdating sa pera,tsaka magaling daw sa extortion kahit pa daw pakitaan mo ng maganda ta-traydorin ka pa din daw. mejo nahiya ako sa comment na yon kasi alam ko me mga gumagawa talaga ng ganon sa kanila pero sabi ko sa kanila kung ayaw nyo na me nang ba-blackmail sa nyo magbayad kayo ng tamang buwis sa bansa namin at dapat legal lahat ng papers nyo para di kayo magka-problema.

Antigone

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #102 on: July 10, 2009, 06:56:06 pm »
My first kiss was Korean. :P

Joycy

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #103 on: July 10, 2009, 07:39:32 pm »
My first kiss was Korean. :P

Kwento naman sis.

ash17, thanks for the info. Natawa ako dun sa sa comment ng mga friends niya na para siyang teenager kung nag-i-i-love you sa you. But i agree na di talaga pwede maging friends ang mga babae at lalaki.  ;D

Antigone

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #104 on: July 10, 2009, 08:02:53 pm »
Haha. First kiss tas the next day umuwi ng Korea. :)

kuLeTGuRL

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #105 on: July 11, 2009, 05:07:02 am »
sis ash17, howell tama ka naman jan. ewan ko ba money is evil kasi. nakaka hiya nga naman pag may ganung mga scenario. hindi mo na kasi sila magawang ipag tanggol lalu na kung alam mo na tama naman sila sa coment nila about that. kaka sad lang naman... :-[

parisblues

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #106 on: July 11, 2009, 05:41:47 am »
During their dating relationship if the couple feels that the partner does not meet the requisite qualities of an ideal husband / wife, then the relationship is automatically terminated through mutual consent. On the other hand when parents come into the picture, it usually indicates that the dating stand approved by seniors and may result in marriage. In Korean society, dating between strangers is rare and strange. Generally friends, co-workers, boss or parents introduce dating couples. Public display of affection or holding hands between couples is frowned upon by the society. To counter act this, couples usually wear matching outfits to show their affection and closeness to each other. Dating in this country depends on individual people but the average Korean starts dating around end-of high school age.

It is not uncommon for Korean youngsters to go to movies, game rooms, PC rooms or video rooms for dating. To display that the dating partners are a couple, they purchase couple rings. With the progress in relationship, the boys are brought to the girl’s house to meet her parents. Usually Korean kids do not enter the girl’s home until they intend to get married. After parental approval of their choice, an inexpensive engagement ring is offered as a ritual followed by a formal engagement party. Unlike in the Western culture, Koreans display no ostentation when presenting engagement ring to their partners but the wedding ring is much more expensive. They strongly believe in sanctity and fidelity of marriage. The Korean men folk are the protector of the household which extends beyond families to regional relationships.




This is true, my korean guy friend (hayy crush ko talaga sya, love ko na ata! ;D) told me that he will only meet the parents of the girl if magmarry na sya... that's the korean culture daw.

Now I understand, when I was seeing a korean before, kasama ang guy bestfriend nya when we go out to eat for the first time. (too bad hindi naging kami kasi he has to go back to korea).

Yes, it's true.. mahilig talaga sila sa karaoke! ;D ("noraebang" in korean)
« Last Edit: July 11, 2009, 05:48:25 am by parisblues »

Joycy

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #107 on: July 11, 2009, 10:12:49 pm »
Yes, it's true.. mahilig talaga sila sa karaoke! ;D ("noraebang" in korean)

Maganda ba mga boses? Akala ko, mga Filipino ang number 1 sa pagka-karaoke.  ;D

ash17

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #108 on: July 12, 2009, 02:35:35 am »
^ok naman boses nila pero tingin nila sa mga pinoy "thick-face" daw kc kahit di daw kagandahan boses go pa din sa pagkanta hehe kahit daw san dako sya tumingin me mga pinoy na nagkakaraoke kahit daw sa kalye haha di sya sanay! nakakatawa sila magkaraoke me matching tambourine talaga haha at obligado ka pumalakpak at mambola after nila kumanta, may gulay! pero in fairness pag kumanta sila ng korean song, nagme-melt talaga ako sa kilig feel na feel nila yong song with matching pisil sa hands mo haha, naku in love lang siguro ako kya ako kinikilig hehe :D

ash17

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #109 on: July 12, 2009, 02:43:31 am »
sa society nila kung hinde nila papakasalan yong girl hinde nila pinapakilala sa parents nila. kahit sa workplace nila hinde sila basta-basta nanliligaw ng co-worker kung di sila sigurado na magiging wife nila yong girl, according to hubby di daw sila tulad ng pinoy na makapal ang muka kahit sa working place lumalandi tapos magbre-break din naman daw, pinakita daw sa buong working place yong love relationship nila tapos di naman pla magkakatuluyan at pinaka-worst daw eh kahit married na me fling pa din hays ala daw kahihiyan pagdating sa ganyan especially sa working place, which i find it so true, based on my experience hehe

ash17

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #110 on: July 12, 2009, 03:26:26 am »
konting tawag ko lang sa kanya feeling nya i track him 24/7.tapos dumagdag pa yung mom nya..he wants to invite me to korea for her sister wedding.but the mom found out about it and talagang tumutol yung mom nya.ayaw daw kasi ng mom nya ng foreigner na daughther in law.tapos he said pa kung pupunta ako ng korea sa sister lang daw nya ako maipakikila.hindi daw talaga pwede sa parents nya.wala pa daw kasi sya magagawa kasi nga he's still in control by his parents..kaya ayun.tapos lagi na kami nag aaway.and we finally call it quits...sad lang talaga kasi akala ko he's the one na...

^sis i feel for you, nong nag-decide kami na mag-settle dito sa pinas ang laki ng adjustment namin sa isat isa, workaholic kc sya, masyadong dedicated sa trabaho, he's working in a company where they sell some TOEFL tests, ako naman i'm working in a publishing house as a researcher, dami namin problems, di nya maintindihan na need ko malaman yong whereabouts nya lalo na kapag-nago-overtime sya para di naman ako mag-worry, feeling nya im tracking him down 24/7, pero wag ka pag ako nag-oovertime nkakailang tawag yan sakin hays, pag di ko nasagot yong celfone ko galit na yan agad sakin. ang kinaiinis ko pa pagdating sa mga korean employees ang mga korean companies di sila nagbibigay ng overtime pay sa kalahi nila kahit kayod kalabaw pa mga yan, di daw uso sa kanila ang overtime pay. nauwi yeobo ko ng 11pm lagi kaya ginagawa ko nag-oovertime na din ako tapos dadaanan ko sya sa office nya para sabay kami umuwi lagi. pero pagdating naman sa filipino employees nila me overtime pay naman kami.

pagdating naman sa parents nya nagka-problema ako sa dad nya, mabait MIL ko sabi nya sakin kc naranasan daw nya na di sya magustuhan ng parents ng napangasawa nya kc yong mom nya namatay ng 3yrs old pa lang sya tapos yong dad nya namatay naman during the war against the japanese kaya di daw sya nagustuhan kc ulilang lubos daw sya, kaya pagdating sakin kahit kelan di nya pinaramdam na ayaw nya sakin dahil sa rason na di ko sila kalahi. pero yong dad nya grabe di talaga ako kinikibo, sabi pa sa yeobo ko mamamatay daw sya pag pinakasalan ako, sabi naman ng yeobo ko mas mauuna pa daw sya mamatay kapag di nya ako napangasawa, aww sweet di ba grabe! nang nadinig ko yon naiyak ako huhu kaya sabi ko sa sarili ko eto ang lalake para sakin kc ipaglalaban ako kahit kanino pa :) hehe parang koreanovela love story namin, hanggang ngayon di pa din ako kinikibo ng dad nya pero ala ako paks no! di naman sya pakikisamahan ko eh, tsaka mabait sakin yong MIL ko kya ok lang sakin.

ash17

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #111 on: July 12, 2009, 04:01:24 am »
koreans are galante and sweet. yung iba naman feeling talaga at rude. while i was in the philippines, i saw this two korean guys. i was paying tapos dami kong binili so i had to secure all my stuff first before i leave the counter. eh etong two na korean guys nagmamadali and they just bump into me. sumali.ot.ot talaga sila sa akin without saying excuse me. hayy ang cute cute sana nila. hehe

yong iba sobra galante talaga, as in lahat ng friends mo ililibre, tapos pag dumalaw sa house nyo dami pasalubong.  yong iba naman napaka-stingy, my gulay! yong tipong ang kapal na ng muka sasabihan pa yong girl na ikaw manglibre sakin ha! kahit pabiro lang di ba, kaasar pa din! tapos minsan magti-trip pa lalo na kapag kasama nila yong best friend nila magpapa-deliver ng food tapos magugulat ka na lang sasabihan ka na bayaran mo, libre mo "kami," so thick-face! tapos tatawanan ka nila kc alam nila na bad trip ka hehe, ganyan nangyari sa pinsan ko, naawa ako sa pinsan ko kya sabi ko share na lang tayo kc ang mahal ng babayaran nya, tapos sabi ng bf nya na wag daw hayaan ko daw pinsan ko ang gumastos kc napaka-kuripot daw!

dami ko na din experiences sa pagiging rude ng mga koreans, lalo na nong kumuha parents ko ng condo unit sa makati for me and my sibling para malapit sa work ko at sa school naman ng kapatid ko, mostly ng nakatira dun koreans, chinese, filipino, at indians. pero ang pinaka di ko matiis na ugali yong sa koreans at chinese. one time sinundo ko yong friend ko sa lobby pag pasok namin ng elevator bigla may nagpa-importante na 2 korean girls at sa dami ng elevator nakuha tlaga nila na pagantayin kami ng 30sec pra lang antayin nila yong isa pang korean girl na makapasok dun sa elevator na yon. pag pasok nong isang korean girl binangga nya ako ng bonggang-bongga ang luwag naman ng elevator at nasa gilid na nga ako to give way para sa kanila e binangga pa din nya ako, di pa nag-sorry, pinag-antay na nga kami sa elevator, nakabangga na nga tapos nagkorean sila tapos nagtawanan pa, nag-init ulo ko pati friend ko, sinabihan ko talaga sila ng "shibaloma" hehe it's korean version of cursing someone kaso nong kinuwento ko ke hubby, bf ko pa lang sya nong mga panahon na yon mali pala yon kc panglalake daw yon at wag ko na daw uulitin yon papaluin daw nya ng tsinelas bibig ko. the 3 koreans girls were so shocked to hear me saying that word and they apologized right away. akala nila nsa korea pa din sila di nila na-realized agad na kayang kaya ko sila hambalusin lalo na nasa teritoryo ko sila! hay dami pa ako experience sa rudeness nila kaso haba na nito eh, post na lang ulit ako.
« Last Edit: July 12, 2009, 04:11:59 am by ash17 »

lesters_gal

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #112 on: July 12, 2009, 07:29:38 am »
^buti ka pa sis your so lucky kasi tanggap ka ng MIL mo.ang alam ko bihira talaga yung natatangap lalo na kapag out of their race.

sis like mo ba foods nila?kasi ako yung iba hindi ko talaga carry.bumabaliktad sikmura ko,soorry lalo na yung kimchi,pag kumakain kami ng ex ko sa korean resto sya ang nammili ng kakainin ko yung alam nya na pwede sa akin.

ang fave ko is yung yang yeum chicken nila..chaka yung pork na gnigrilled sa mesa,i forgot the name..

yung ex bf ko pag sobrang daming kinakain na kimchi and other appetizer hindi talaga ako nagpapa kiss unless nag toothbrush sya ng 10x.LOL exagg no. ;D

bona_shell

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #113 on: July 12, 2009, 05:59:24 pm »
ako naman sa pagkakatanda ko, koreans are "kuripot". nung HS kc during vacation pumapasok ako sa mga resto samin sa galera ng summer job.e yung resto me mga cottages din.nun kasi parang me season talagang puro korean ang dumadating na tourist o karamihan e koreans,naku pag tumawad sila sa rent ng cottage, as in mega tawad.kung minsan sobra pa sa kalahati ang tawad nila sa price ng cottage.  ::)

kaya pag makakita kami ng bumababa sa bangka na korean sabihin ng me ari ng cottage na ayan na naman ang mga barat na koreano. ;D

at pag magbakasyon pa sila me mga dala dala na silang pagkain, as in pati mga kaldero dala nila.:P

kahit yung mga nagtitinda ng shirt binabarat, 100 na price ng shirt gusto pa tawaran sa 50 or 30 ::)

kaya ang alam ko sa kanila kuripot sila ;D

anyway, me napansin lang ako...parang me similarity ang indian custom sa mga korean.di ko lang sure kung pina-practice pa to 'til now, meron kasi akong napanuod na koreanovela or movie ata yun na ang babaeng korean ang nagbibigay ng dowry sa mapapangasawa nila?
« Last Edit: July 12, 2009, 06:04:32 pm by bona_shell »

ash17

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #114 on: July 13, 2009, 02:33:10 pm »
^^you're right sis lesters_gal, im so lucky to have such a loving and understanding MIL, naka-experienced sya kc ng panget sa in-laws nya kya ayaw nya maranasan ng mga loved ones ng mga anak nya. she explained it to me why korean parents don't like to have their children to marry a non korean husband or wife, she said it's because they want to maintain their customs and tradition. mahalaga daw ang role ng babae pagdating sa pamamalakad ng pamilya, kung ang napangasawa daw ng anak nila di nila kalahi  natatakot sila na di maturo yong customs, traditions, at values nila. lalo na daw pagdating sa pagkain, mga pinoy daw kc lagi gumagamit ng cooking oil kahit gulay lang daw need pa din ng oil lagi din daw tayo nakain ng meat, sila daw kimchi, soup, at rice lang everyday or vegetable side dishes lang w/ rice, tapos once or twice a week lang ang meat, pinahahalagahan nila yong health ng pamilya.

i love their food sis dami masarap sa pagkain nila at di lahat ng pagkain nila spicy. pareho tayo sis nong una sya din pumipili ng food ko na alam nya na makakain ko, pero kc sis adventurous kc ako,  tina-try ko hanggat kaya ko, ayaw ko din kc sya tanggihan eh kc ayaw nila ng napapahiya hehe, wag lang talaga exotic food, di ko carry, tulad nung food nila para syang octopus naka-chopped na sya pero nagalaw pa din, di talaga ako nag-try nun kahit pinilit nya ako.

natawa naman ako sayo sis dun sa kimchi di ka talaga nagpapa-kiss LOL, yong hubby ko naman lagi nagto-toothbrush after eating lalo na kapag kimchi alam nya mabaho amoy nun eh. nong una ayaw ko din nun e, pero ngaun ok na lalo kapag meat yong main dish pangtanggal ng greasy taste. kaso naiinis ako sa kanya kapag nakain ako ng burger tapos gusto nya isabay ko yong kimchi sa burger at fries, hinde kc bagay e, minsan na nga lang ako makakain ng junk food nangingialam pa kung pano ko kakainin  :(

sis hands down ako sa japanese the way they handle sea food pero when it comes to chicken bow ako sa koreans, sarap nila magluto ng chicken dishes, kahit simpleng fried chicken lang, ang daming variations. masarap nga yong yang yeum sis, sweet and spicy, minsan sobra anghang nun buti nakakain mo yon? samgeupsal yon sis masarap nga yon, pinaka popular food nila na nagugustuhan ng mga foreigner.

parisblues

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #115 on: July 13, 2009, 03:21:06 pm »
Maganda ba mga boses? Akala ko, mga Filipino ang number 1 sa pagka-karaoke.  ;D


madaming karaoke bars here sa US sis.. mahilig talaga sila kumanta. korean songs nga lang ;D

ash17

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #116 on: July 13, 2009, 03:22:11 pm »
ako naman sa pagkakatanda ko, koreans are "kuripot". nung HS kc during vacation pumapasok ako sa mga resto samin sa galera ng summer job.e yung resto me mga cottages din.nun kasi parang me season talagang puro korean ang dumadating na tourist o karamihan e koreans,naku pag tumawad sila sa rent ng cottage, as in mega tawad.kung minsan sobra pa sa kalahati ang tawad nila sa price ng cottage.  ::)

kaya pag makakita kami ng bumababa sa bangka na korean sabihin ng me ari ng cottage na ayan na naman ang mga barat na koreano. ;D

at pag magbakasyon pa sila me mga dala dala na silang pagkain, as in pati mga kaldero dala nila.:P

kahit yung mga nagtitinda ng shirt binabarat, 100 na price ng shirt gusto pa tawaran sa 50 or 30 ::)

kaya ang alam ko sa kanila kuripot sila ;D

anyway, me napansin lang ako...parang me similarity ang indian custom sa mga korean.di ko lang sure kung pina-practice pa to 'til now, meron kasi akong napanuod na koreanovela or movie ata yun na ang babaeng korean ang nagbibigay ng dowry sa mapapangasawa nila?


most koreans are really stingy, lalo na kapag feeling nila nag-o-overprice yong mga seller. kahit sa mga korean restaurants they always ask for free food lalo na kapag regular guests na sila dun, kya pag kumain kayo sa korean restos mapapansin nyo na lahat ng side dishes are free. they are fastidious when it comes to spending their money, kc hardworking sila, kya gusto nila lahat ng binibili nila are worthy of their money, minsan nga lang sobra talaga sila tumawad. nangyari samin yan when we went to taal lake, we rented a boat, nagkabayaran na tapos nong pauwi na kami me siningil na extra charge, ayaw nila ng ganun gusto nila kapag me babayaran sila sabihan mo na sila agad kung me babayaran pa sila na extra sa start pa lang ng transaction nyo. hinde daw dahil sa nagkukuripot sila ang explanation nya sakin kc ayaw nya daw ng me mga hidden charges para daw silang niloloko, kahit malaking halaga pa daw yan kung sa start pa lang daw ng transaction nasabi agad ala daw problema sa kanya, kaya ayon di nya binayaran dapat ako na lang magbabayad kaso pinagalitan ako eh kya sumunod na lang ako sabi nya sakin wag daw ako papaloko.

sis tungkol sa dowry, ala naman ganun pero depende yon sa mapapag-usapan ng parents nong lalake. most korean parents, they preferred their son to marry someone who comes from a wealthy family lalo kapag yong son nila ay doctor or lawyer ang profession. sa case ko, hiningan ako ng 3keys, sa isip ko nga naku susi lang pala madaling magpa-duplicate no hehe kaso need ko i-respect yong gusto ng parents nya eh, actually yong dad nya lang me pauso nun hays ::) kaya ayon nagdala ako ng 1key of  my car, 1 key sa appartment or condo or anything na real properties, 1 key of business establishment that i have or to other cases kung doctor ka key sa clinic mo, dapat lahat nakapangalan sayo. maswerte ako kc pagka-graduate ko ng college regalo sakin ng parents ko car, tapos nung college pa ako binigyan ako ng negosyo ng dad ko grocery store, tapos yong real property naman bigay din sakin ng parents ko yon. hay mejo imbierna ako nun kc iniisip ko nun feeling naman nito ang guwapo sobra ng anak nya, tsaka para naman atat na atat ako sa anak nya eh yong anak naman nila yong makulet na magpakasal kami, kaso kinausap ako ng hubby ko sabi nya dapat daw respect na lang namin gusto ng parents nya kc di daw madali sa kanila yong desisyon nya na mag-asawa ng di korean, kya ayon naawa ako sa hubby ko pumayag na lang ako.

bona_shell

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #117 on: July 13, 2009, 07:40:43 pm »
^hirap pala sis pag korean ang mapapangasawa mo...

dapat me pera ka rin no...

good for you sis at mabait pala ang MIL mo. :)



provenance1800

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #118 on: August 16, 2009, 05:04:52 am »
Sa aking nakita...karamihan smells funny.  Mukhang tamad maligo at talagang kakaiba ang amoy at kadalasan di ko gusto ang pananamit. 

Ang ibang korean girls dito sa village grabe sa ikli manamit sabay makikita mo sasakay ng tricycle!! hosme...kaya maraming nakakaisip ng di maganda!

May friend married a korean.  Yes, naging issue nga na Pinay siya.  Pero si Korean Boy e ipinaglaban ang aking friend.  Hayiun parang preacher kasi ata ang guy so they are based in Mnidanao.  Ang friend ko imbes na mag US nag asawa! At ang tagal ng seremonyas ng wedding ng mga koreanong yan!  Dalawa pa nag officiate sa wedding me pinoy na me koreano pa! At gutom na kami pati mga waiter di mo na mai drawing ang mukha.  At bago magpakain sa reception pinalabas kaming lahat at isa isang pinapasok para sa picture taking! Kabaaallliiiwww!!! Nananig ang aking mga anaconda sa tiyan. So sabi ng aking better half...niyaya ang anim sa mga kaklase ko at ayun bale walo kaming nag dinner na lang sa labas at si better half ang nag bayad!!! hahahahahaa

lesters_gal

  • Guest
Re: dating a korean..
« Reply #119 on: September 13, 2009, 05:12:40 pm »
^LOL funny naman yun sis.anong suot ng friend mo?typical wedding gown or like yung napapanood sa korean movie?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close