watch now

Author Topic: SINGAPORE THREAD Part 3  (Read 142882 times)

yapeegurl

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #80 on: June 07, 2009, 09:10:19 pm »
about sa car sis, super mahal kasi bumili dito.. ang toyota altis example is around 70K.. plus tax... tapos mahal ang parking, petrol, at ERP (toll gate satin)... plus maintenance pa.. sa tingin ko kung pinoy ka dito at for personal use mo ang kotse (meaning hindi provided ng company), icoconsider mo bumili kung family of 5 or more kayo or kung yung trabaho mo requires a lot of travelling around the country..

sa tingin ko lang po yan  ;D si mami violy may sasakyan.. ano masasabi mo mami viols?

blooming

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #81 on: June 08, 2009, 08:05:35 am »
sobrang mahal ano?  dito ang altis mga P1M lang d b?  So sa SG pala twice! I did not bother asking, basta alam ko kasi mahal hehe   ;D

Sa Pinas kasi, necessity ang kotse.  Sa SG, ito e sa tingin ko lang ha, ang pagka necessity nya e case to case.  Parang mas kailangan sya kung may mga kids/stroller ka.  Pero kaya parin naman pagtyagaan.  May mga kakilala kasi ako na may kotse pero hindi nila dinadala yun all the time. Kasi sometimes hassle pa nga kasi gusto mo na minsan bumaba, kaso hindi mo alam pano magpunta sa parking in the area.

mami violy

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #82 on: June 08, 2009, 09:40:15 am »
korek mga sis super mahal ang sasakyan dito maintenance pa lang daig mo pa ang may anak pero yung ibang pinoy na sarili nila talaga yung sasakyan every 3yrs they trade in para nga naman bago ng bago saka kasi habang tumatagal yung sasakyan lalong lumalaki yung babayaran mong COE

parking lang super mahal na kasi wala naman libre minsan nga kahit sunday may bayad pa din sa mga HDB, sabayan pa ng ERP (toll fee) kaya nga si hubby minsan nagpapalipas ng 8pm para wala ng bayarang ERP.

advantage ng may sasakyan kapag mamasyal kayo sa malayo tulad ng singapore zoo, jurong bird park, wild,wild wet or sentosa lalo na kung may kasamang kids pero kung wala din naman ok lang kasi convenient ang transpo ng SG minsan nga lumalabas kami na 2 stroller ang bitbit walang sasakyan carry ng beauty namin  :D ;D ;)

saka kapag malayo yung work tulad ni hubby sa jurong island ang work nya tapos kami nakatira sa city kahit papano di nya kailangan gumising ng sobrang aga para lang di ma-late ;D

pinkpotato

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #83 on: June 08, 2009, 09:45:18 am »
pangarap talaga ni hubs may kotse, mamu viols. haha. pinagpepray! nyek!

mahal pala talaga noh. kala ko parking libre jan sa baba ng bahay namin.

mami violy

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #84 on: June 08, 2009, 09:57:02 am »
hapee may bayad yun season parking ang tawag dun sa mga monthly nagbabayad kasi malapit lang ang bahay dun si hubby nagbabayad S$160/month tapos ang pinakamahal na parking area na napasukan namin dito sa SG ay yung nasa esplanade saka sa KK yung nanganak ako kasi whole day nakapark yung sasakyan dun nabawas sa cash card ni hubby S$36++ grabe ang parking dito samantalang sa pinas ang mura ng parking

take note kahit san puede pang magpark dito hindi puede kasi may multa agad kapag nahuli ka :)

alexme

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #85 on: June 08, 2009, 01:40:28 pm »
mami violy,
super mahal talaga ng car. kame ni hubby ang pangarap namin is bahay...hopefully condo kung di kaya then hdb. patulong naman sis. san bang website makikita yung mga for sale na bahay? akin ok lang na hindi brand new basta maganda ang location ;D

btw masmaganda ang underwater world ng KL. kung nagmrt kyo just alight KLCC. so may malaking mall dun and nandito narin yung petronas. yung underwater nasa loob lang sya nung mall sa may basement yata.

RM40 lang ang panalo namin ;D masmalaki pa ang nataya hehe pero ok lang atleast hindi kame na over budget. di kame big winner sa casino pero big winner kame sa stuffs toys...dami namin na uwe coz ang dali lang manalo sa genting outdoor theme hehe... :D

within this week i'll create a new topic sa mga taong gustong pumuntang genting na commute lang. so dinaanan namin KL and genting na.

bubbles_sandy

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #86 on: June 08, 2009, 01:44:04 pm »
when po great singapore sale?

pinkpotato

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #87 on: June 08, 2009, 01:50:00 pm »
^ starts this month yata sis. parang lagi naman may sale dito sa Sg.

bubbles_sandy

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #88 on: June 08, 2009, 04:12:50 pm »
^ay ang saya, kailangan ipon muna ;D

empress

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #89 on: June 08, 2009, 04:46:59 pm »
meaning to say, may kaya o mayaman ang nakaka-afford ng mga sasakyan jan, tama ba 'ko? be it a SGporean or Pinoy. tapos meron pang sariling flat & yung parking lot is accross the street -- multi-purpose parking lot.

"rich" na bang matatawag yun o may kaya pa rin?

mami violy

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #90 on: June 08, 2009, 06:24:10 pm »
sis empress kung sa HDB ka nakatira may mga parking area sila pero may bayad po yun kung sa condo naman free na yung parking space mo kasi kasama yun sa bayad mo nung binili mo yung unit or yung iba naman included  na dun sa conserva achu-chu.

kung landed ang bahay mo for sure yun may sarili kang parking area at super rich ka na nun kapag landed ka nakatira

normally yung mga pinoy ng matagal ng PR at may ipon na sila sa CPF bumibili sila ng bahay (HDB) tapos yung 80-90% it loan sa bank pero wala ng cash out kasi deducted na dun sa CPF nila kaya di mo ramdam yung burden ng monthly expenses mo.

sis dito kasi di mo masasabi kung may kaya or wala ang isang tao lalo na kung local kasi may sarili silang bahay at sasakyan pero lahat yun utang naman meron naman iba na wise HDB sila nakatira at may sariling sasakyan pero wag ka rich pala talaga kasi may sariling business.

alexme puede po bang malaman kung anong name ng mall or yung website mismo kasi try ko search sa google yung sa langkawi ang nakikita ko. abangan ko sis yung topic mo na yun balak ko kasi by end of this month or July ang punta namin. ;)

sis about sa bahay kung may extra cash kayo go for condo kasi medyo mababa ang market ngayon kaya lang you have to be prepared sa dami ng babayaran saka mas mataas ang rate nyo sa pagbabayad sa utilities, waste mgt etc.etc. :)

kung may question ka pa post mo lang or pm mo ko I 'll try my best to answer you.

yapeegurl

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #91 on: June 08, 2009, 11:02:07 pm »
mami viols, bat di mo nicoconsider na bumili ng flat ngayon? baba ng market ah.. chaka dami ko nakikita sa Today.. bagsak presyo.. mga officemates ko nagsisipagbilihan eh.. ako kasi hindi pa pwede.. single kasi status ko and may age requirement pag single.. kung eligible ako, ibebenta ko na condo sa pinas para mababa ng konti ang balance ng mortgage dito.. nanghihinayang talaga ako sa upa.. haay..

iamasinger

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #92 on: June 08, 2009, 11:11:05 pm »
yaman siguro ni mami violy :D

mga mommies, saan po makakabili ng double electric breast pumps dyan sa SG. yung husband ko kasi walang masyadong idea kung nasaan ang mga baby stores dahil hindi naman gala yun. takashimaya lang ang alam puntahan nun na may mga baby items. atsaka mura ba or mas mahal pa kesa sa kapag binili mo ito thru online? ang hinahanap po naming brand ay either ameda, lansinoh, or medela.

empress

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #93 on: June 08, 2009, 11:20:04 pm »
^ OT: my sis is selling her medela double elec breast pump.

para di OT: i'll be going back to SG on the 23rd =) (take note, kakauwi ko lang last wed.) i love SG a lot, i always feel safe there.

gt76

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #94 on: June 08, 2009, 11:47:44 pm »
Hi mga sis! May idea ba kayo kung magkano ang cheapest hotel room rates dyan sa SG for 3nights only? Thanks!

alexme

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #95 on: June 09, 2009, 12:27:06 am »
sa tingin ko sis ang cheapest rates are SGD50 and above coz (GSS) great sg sale ngayon ;D

mami violy,
sa langkawi parang bora yun diba? need ko pa yun iresearch  ;D yung underwater world nila sa KL is called "aquaria" here's the link:
http://www.suriaklcc.com.my/index.php?module=OtherAttract

sa loob lang sya ng suria klcc mall ;)

amnesia

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #96 on: June 09, 2009, 12:41:10 am »
Ayan, my partner and I have decided June 29th nasa SG na kami. Mag ba bus kami from KL. It takes 3.5 hours apparently.

Pinapupunta ako sa office ng 30th to meet the bosses. Excited na ko.

Kaasar online ha. Dami ko na message para makapag arrange ng viewing sa 29th and 30th. Ni isa walang nagrereply.

We are planning to stay at a Hotel or Guest house for a couple of days and hopefully after a few days makahanap na agad kami ng marerentahan.

Pa suggest naman po. Yung sa Central sana at di kamahalan. TIA

pinkpotato

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #97 on: June 09, 2009, 11:40:29 am »
^ sis 5 hours from KL to Sg. as per experience thourgh Aeroline bus.

may own house na sila mamu viols. bongga yan noh! hehe. sipsip ;0)

mami violy

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #98 on: June 09, 2009, 01:09:18 pm »
ay grabe naman po kayo, yung sasakyan namin sa company yun ng hubby ko at yung bahay siempre amin yun hehe

reason namin kaya kami bumili ng bahay kasi super taas ng rental at para di every year 0r 2 years naghahanap ng bahay lastly part of investment.

mga sis take note ang dami na ding pong mga pinoy na sarili nila yung mga bahay at sarili nila yung kotse.

pia actually you can buy naman for HDB sa open market di ka allowed bumili ng bahay directly sa govt kasi di tayo local dito. kahit anong age ka as long as may pera kang pambili ng unit you can buy sa open market.

iamsinger mayaman ako sa utang kasi yung bahay namin loan yun sa bank tapos binigyan din ako ng loan dito sa office (kaya nakasangla na ang kaluluwa ko dito) para dun sa cash out namin tapos yung monthly na bayad namin sa bank loan deducted na lang sa CPF namin mag-asawa kaya di namin ramdam yung monthly payment.

buying a flat/unit dapat may cash ka kasi you need to pay 1% agent fee, stamp fee, lawyers fee, insurances, bank charge for bank draft at cash out para dun sa asking price ng owner.

alexme check ka sa website ng HDB kasi meron din silang ads dun para sa re-sale flat.

amnesia normally di sila nag-sched on line mas gusto nila yung tawag at andito ka na. example tumawag ka sa agent na ito for viewing ng room by saturday on the same day you have to confirmed kung gusto or ayaw mo yung room kasi madaming nakapila na naghahanap ng room. unlike sa pinas view mo today kahit next week mo pa sya confirmed ok lang.

iamasinger

  • Guest
Re: SINGAPORE THREAD Part 3
« Reply #99 on: June 09, 2009, 10:44:41 pm »
sabi nga ng asawa ko, kung plano nyo na talagang magstay for good sa SG, mas makakamura ka kung may sarili kang hdb flat kesa sa magrerent ka. yung asawa ko nga hindi din nya balak na magtagal sa pagtatrabaho sa SG. papagtapusin lang daw nya yung anak namin ng college. tapos tinanong sya ng officemate nya kung ilang taon na anak namin that time, sagot nya, "2 yrs. old." ;D ;D ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close