Lia, si hubby nagustuhan ang corolle. Type niya yung calin din pero isipin daw niya ulit si tidoo. Pero sabi niya sa september na lang namin bilhin papauwi sa brother in law ng brother ko kasi nga yung accessories na gusto ko wala pa sa amazon. Sana by then meron na.
Pia, di ko maintinidhan bakit may mahal na headphones, yung sa husband ko grado na 17k! Dito niya binili kasi 2k lang naman daw diff sa price kung sa amazon niya bilhin. Yung amplifier niya musical fidelity na modified capacitors, tubes ek na mahigit 10k yung basic pa lang yata yon eh modified capacitors and tubes pa nga. Binili niya don sa friend niya na may-ari ng car audio shop, sila mismo nag-modify. at yung digital to analog converter ay 10k din, nasa amazon cart ito ngayon! Jusme. Akalain mo ba naman headphones lang eh ang dami pa palang arte. Tapos kanina sabi niya naninibago daw siya makinig ng music na nasa ulo niya, sanay daw kasi sa kotse na may soundstage ek so nasa front center ang boses. Blah di blah di blah... Buti na lang nakinig sa whining kong gusto ko ng doll! Pero ganyan naman talaga. Kanya-kanyang trip lang.
Kanina usapang bahay kami pauwi. Excited siya. Naiimagine na daw niya ang house automation.

lahat controlled ng ipad - ilaw, aircon, whatever. Sa ngayon, HTPC pa lang namin ang controlled ng ipad. Nakakabit sa plasma tv at home theater. Di ko maintindihan paano gamitin.
Jen, ayoko simulan nanaman ang debate about tv time in babies/small kids pero don sa kabilang thread, nag-post si DV ng link na nagsasabi na ok naman ang moderated tv time. May shows na nakakatulong din naman daw. And snagot yung mga myths na early tv may cause obesity, adhd etc. So ako di na worried sa konting tv time ni b sa morning. Pero ngayong wala mom ko dito, first day namin today na naiwan si b sa bahay with yaya and maid lang. Ngayon ako worried sa tv time kasi alam mo naman ang househelp, mahilig sa telenobela. At sana wag naman nila ipanood si b non, at ng willing willie. Jusme.
Grayce, malakas yata sa milk si J eh. Pero yes, tama ka. Small batches ka magstore ng milk and small batches din to warm the milk so baka di mo kailanganin big bottles. Ako kasi konti lang milk ko, b takes more formula and ngayon 5oz na siya so i really need big bottles. Sorry di nasagot ang tanong mo. Pero alam ko gusto mo ng avent na blue so ib-BI na din kita. Bili ka!!! Haha. RL shoes pabili mo, o kaya cap.

Gusto ko ng shades na kasya kay b. Yung bigay ng sister in law ko malaki pa super. Pinost ko sa fb yung pic. Nagtingin ako sa rustands kahapon yung mga dinsey princess, papatulan ko na sana pero malaki din!
Pia, kung mapadpad ka naman sa outlet na may RL... Wag na lang kakahiya. Haha.
Edited to add:
HAPPY BIRTHDAY, VAN!!!