Marcia, per the website, 45 days yata but based on experience, the box arrives arrives earlier than scheduled naman.
Van, agree with you na sometimes mas mahal unless the items are on sale. yung kay kim swerte kasi sale. yung stride rite that i like, parang lalabas 200 lang yata price diff if i get here directly. pinasukat ko nga kay b kanina when we went to rustan's. yung size 2 medyo malaki pa pero yung size 1 hindi pumasok ang paa niya, matambok kasi.

pinasukat ko din siya ng havaianas. size 17 yata yung smallest pero super laki sa kanya. tapos sabi ng SA eh kasi ma'am pang mga 5 months po yang size na yan. eh 5 months nga ang anak ko no.

maliit talaga paa niya.
Lia, thanks! kelan ang meet-up? EB ulit? check mo na carts mo!

nakuha mo na messy bessy mo? san mo balak kunin? ako tuma-timing ng mercato. gusto ko kasi talaga pumunta eh ayaw ni hubby. hmp. based sa reviews pala, malaki daw size ng salt water. ganon din ba per your experience?
Tin, congrats sa party ni K!
Marose, ok naman yata ang samsung eh. our medyo new washing machine is a samsung. panasonic ang hate na hate namin kasi sirain at ang pangit ng customer service. but our electrolux/white westinghouse ref naman so far ok pa, we'vae had it for 3 years yata. our old white westinghouse din hindi nasira, i just replaced it with a bigger one and gave the old one to my mom.
Kim, added the items na to the amazon cart. Tine-tempt mo ako sa zappos. ayaw ko na sana orderin yung kay B doon. mukhang ako pa ang mapapabili. i'm looking for black pointy flats kasi pero may nakita akong kate spade na sale $91 lang pero round toe. isipin ko pa.
nag-enjoy din ako to take care of B the past 4 days lalo na kasi no lola and no yaya. nakakapagod lang though kasi pati hugas at sterilize ng bottles ako gumawa. yung maid kong ginawa kong yaya bukas ng umaga dadating. yung maid ko ngayon na hiniram ko sa mom ko mukhang gusto mag-stay dito kaso tatanong pa daw niya sa asawa niya. sinama namin siya kanina nung lumabas kami. di siya yaya material na pwede isama sa labas. nung sinakay namin ang stroller sa elevator ng rustan's, lahat halos ng paa don sinasagasaan niya.

matuturuan naman pero di kasi sanay dito sa manila kaya di alam ang mga ganon.
si B ayaw matulog pag daddy niya may karga sa kanya. na-associate talaga niya daddy niya sa play time. pero sa akin or sa maid or even sa sister ko ok naman siya matulog. sa daddy lang talaga ayaw. kagabi mga midnight na naglalaro pa sila. naglalaro din kasi ako sa FB at sabi ko mag-bonding muna sila. nung tapos na ako mag-FB kinuha ko. wala pang 5 minutes tulog na. sabi ng husband ko antok na daw yon pero pinipilit mag stay awake para laro sila.
OC ako sa recording ng kahit ano ni B - feedings (how many ml, breastmilk or formula), nappy changes (poop/wiwi), vitamans kahit everyday niya iniinom, sunbathe, bath time, doctor visits, firsts, etc. i use an app called baby connect. very helpful talaga ito lalo na to monitor time between feedings to know if we need to increase na the number of oz per feeding, we have growth charts, i also have pictures here, i can record if say i drop her off at my parents' tapos labas kami ni hubby, etc etc. bumili ako ng journal na book pero hanggang ngayon wala laman kasi lahat nasa ipad/iphone.