Grayce, may RA Laque ako, Mandarin (red orange) at Ming (a rosy nude). Actually, yung Ming kay Mother pero inangkin ko mwahaha. Ang ganda ng finish! Pigmented pero parang lipgloss ang pag-apply. Gusto ko ang wand/brush niya. Mas type ko ito sa RA.
May RA extrait de gloss din ako, Confidence (pink) and Genie (peach). Pang everyday ko iyan. I am more of a gloss girl than a lipstick girl.

Gusto ko i-try ang Spanx pero namamahalan ako.

Grace, I did not make fish sticks. Bale, fish fillet siya that I seasoned with salt, pepper and rosemary tapos I fried it in butter and olive oil. Siya ang main course sa pasta. Ayos!

Marcia, gusto ko rin ng roka salata!!! At si Marty potpot, favorite ang pasta na may prawns and feta cheese. Si Marty ayaw ng kiddie spaghetti pero yung pasta ng grown-ups, type na type niya.

Tin, next time na lang ang Shoppersville trip ninyo. Sa gas pa lang talo na kayo.
Ang sarap maglakwatsa today. From our house to Rockwell, 25 minutes lang ang saya!
May masamang balak kaming mag-asawa. May gusto akong fridge na bilhin. Originally, gusto ko stainless na two-door. Pero ngayon, nakita ko ang side-by-side door type ng Samsung. Parang gusto ko.
Sawang-sawa na kong mag-grocery every week kasi maliit lang ang fridge namin. I could just imagine the things I could do with my time if I do not have to do the groceries weekly. I could work out sa gym! Magkaka-Golds gym kasi dito sa Katipunan. Or, I could bike with hubby. Pero kailangan niya muna akong turuan.
Maganda ba ang mga fridge ng Samsung? I really like the storage system. The SA said energy efficient ang fridges ng Samsung. I will check out reviews. What we have now is a Kelvinator na two-door. Prior to that, a GE na single-door.
Yan ang trip kong i-shopping ngayon LOL. Gusto ko rin palang bilihan ng beds ang kids kaya isasabay na namin ipa-renovate ang room nila. Itutuloy ko na ang mural sa room nila.
Kaya wala akong K bumili ng clothes, shoes and bags (I SO want the D Bag of Tod's, the leather looks so soft and buttery).
Lisa, exciting maghanap ng lote. May lenders ka na pala. Go, go, go! Masarap ang may maliit na yard for a toddler. Saka kailangan ng space ni Bianca para mag-walk walk. Isa iyang factor why naglakas ng loob kami bumili ng house. Ang limited kasi ng space sa condo.