Mga sis,
I wonder kelan nagawa ng babies nyo ang mga milestones nya for these developments?
1) kelan natuto si baby makipag palitan ng ngiti, bungisngis
2) kelan sya nakadapa with his/her head up
3) kelan sya nagsimulang mag-abot, humawak ng mga gamit
4) kelan sya natutong gumapang on his/her own
5) kelan sya natutong mag- close/open, or mag-appear, or mag-align
6) and other development milestones (can say "mama/ mommy", can stand on her feet, can walk, etc).
Although each baby has his/her own pace, it would b worth while to share here when you're baby had the milestones.
For my baby:
1) before she reached 2months old, pala ngiti na si baby! as in, nakukuhanan ko na syang pictures na naka-ngiti! she also loves yung kinakausap sya!
2) baby has strong head/ neck, at 2months kaya na nyang i-angat ang leeg nya at dumapa na naka angat ang leeg. medyo nagwi-wiggle ngalang kaya minsan lang namin sya ipa angat pa ang leeg kasi baka naman ma-Arroyo, hehe
3) 3months old, umaabot abot na sya ng mga gamit. Dati ang book nya, tinititigan lang nya ang mga pictures kapag nilagay sa harap nya. Pero nung months old na sya, inaabot na nya at gusto nang isubo!

4) hindi pa sya nakaka gapang on her own at 4months old. pero kung pipigilin ko feet nya, makakagapang sya.
5) not yet at 4months old... so gusto ko malaman mga kelan kaya magagawa eto ni baby?
6) as early as 3months old, tumatayo na si baby on her legs, inaalalayan syempre... pero nabasa ko sa isang thread na this is dangerous as it can cause baby to be sakang! kasi soft pa daw ang bones nya. kaya bihirang bihira nalang namin sya patayuin on her own, now...
