watch now

Author Topic: Nursing Dog & Newborn Puppies  (Read 317609 times)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #180 on: April 17, 2013, 01:45:57 pm »
^sis nanganak na sya kahapon, buti wala akong duty. 5 na matatabang puppies. Ang bilis nya manganak within 2-3 hours tapos na sya, dati tagal nya manganak. Siguro kasi nasa sariling bahay kaya kampante sya. Dati kasi dinadala kina bf pag nanganganak sya siguro naninibago sa area

eklea

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #181 on: April 17, 2013, 01:58:25 pm »
^ wow im happy for us all mga mommies... i remember the very 1st time nagpaanak ako ng dog ko..hayz naiisip nga namin ngayon if wala ako sa bahay non baka 3 lang nabuhay out of 8 pups...kasi san san napunta iyong babies nya di siya marunong...first kase kaya siguro confused pa...ang cute ng days na pag nililinis ko sila isa isa.. ang damiii! hahahaha tapos ang gawa lang ng mom nila non nakapatong lang baba niya sa hita ko while watching them habang nililinis ko babies niya.then i always do a group hug to them "GROM UP TOGETHER BABIES AH!! ALL COMPLETE! YEY"  at Thanks God lahat sila buhay.. hayz..hirap din pero worth it naman. :D

pink_charm3d

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #182 on: April 27, 2013, 05:10:26 pm »
Hi sisses! My shih tzu gave birth to 4 pups, unfortunately, 1 died. Mahina daw kasi yung isa. Dami namin gustong malaman ni bf ko about nursing dog and newborn pups. Good thing, marami akong nalaman dito sa GT as I've read the thread from page 1 - 10.

First time din kasi nung baby girl namin manganak. Katakot pero ang cute ng mga pups. Si bf nagaalaga kaya sobrang puyat siya. Kasi hindi niya hinahayaan na makatulog siya na nakatabi yung dog mommy sa pups niya kasi baka madaganan. Is that advisable ba talaga na kelangan bantayan yung mommy while nursing her pups? Ang liit naman kasi ng mga pups kaya feeling namin, madaganan lang ng kaunti, baka may masamang mangyari. Pag tapos naman na work ko, ako naman nagbabantay para makatulog siya kahit papano. Tama ba?

Another thing, kailan ba pwedeng paliguan yung dog mommy after giving birth? Kasi nung pregnant bawal daw paliguan, so, ang tagal na niya hindi na-feel yung water. :D

TIA!

abuanddiego

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #183 on: April 29, 2013, 08:55:23 am »
^congrats sis! Nangyayare talaga yung namamatayan, part na yan ng breeding. Kaya nga sabi nila, hindi lahat kayang maging breeder ;)

Kung first time mom, kailangan talaga bantayan to make sure na ligtas sila ng mga pups. Puyatan talaga kasi every 2 hours ang pagdede. Tapos you have to check kung lahat ba nakakadede, kung willing ba magpadede yung mom, kung nakakapoop sila, condition ng poop, kung nililinis sila ng mom, etc. in short para kayong nurse hehe. Meron kasing dogs na hindi marunong mag-alaga ng pups, yung iba mahina ang milk, ayaw magpadede, so as a breeder, kailangan mong malaman yung behavior ng dog, strengths and weaknesses nya para malaman kung suitable sya for breeding.

After 6-8weeks pwede na sila maligo, pero warm bath ang gamitin then iblower para di ginawin. Kung kaya mo syang kunin habang tulog ang pups, use dry shampoo, mixture of baking soda and cornstarch lang. Sprinkle mo sa coat nya then brush mo mabuti para makuha ang dirt ang oil. Lagi nyong palitan ang beddings para di sila bumaho

minnie99

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #184 on: April 29, 2013, 11:52:40 am »
^^Sis, correct lang kita, pwede paliguan ang dog pag pregnant, pero siguro mga 2 weeks before di na masyado. Natawa kasi yung vet namin nung pinacheckup namin yung dog namin na supposedly manganganak na (hindi nag-take) kasi sobrang dumi nya (to the point na umiitim kamay ko pag hinaplos ko siya). Pwede naman daw kasi paliguan. :)

Mas maganda kung mababantayan yung pups kapag nagnnurse sa mommy. Meron naman dogs na kaya nila on their own. Babantayan lang naman and if you think kailangan mag-intervene, then that's the time to do so. May dogs kasi na papatay ng puppy nya kung feel nya di na pwede magsurvive yung pup. For instance: My dog put her mouth around one of her pups' neck kasi iyak ng iyak (may mali sa breathing nya) to the point na nasasaktan na yung puppy, and it was either she wanted to take the pup to another place (and was inexperienced) or she wanted to end the suffering of the puppy. Take note golden retriever to.

May time naman na nadadaganan nung golden ko yung pups nya, at suspetya namin namatay yung isang pup dahil nadaganan siya (may something sa neck nya which caused pain).

For us, inadvise kami ng vet (after mamatay nung isang puppy) na ihiwalay na sa dam yung pups dahil nga medyo hindi marunong yung dam. So nun, at around 2 weeks, nakahiwalay na sila and kami na nagnnurse (our kasambahay would sleep near the kitchen para maririnig nya pag umiyak na). Good thing wala akong work nung time na yun. :)

Also tama si sis abu, you have to make sure nakaka poopoo yang mga yan and you have to check the poop, may dugo ba? Mga ganun. If di nagpoopoo, you have to use a wet cotton ball para i-mimic yung pag lick ng dam para mag poop sila. We had a puppy naman na kinabag yata--lol, kahit ano gawin, nauutot lang siya. Imagine, dinala pa namin sa vet para ipa-poop!

As for the dam's bath, naku nakalimutan ko na kailan namin siya pinaliguan after, siguro nung time na hiniwalay na namin siya. Siguro wet cloth lang muna sa pwet area kung saan madumi. :)

pink_charm3d

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #185 on: April 29, 2013, 01:35:15 pm »
Thanks mga sisses. Normal naman yung pups - poop, breathing and yung pagdede nila. Minsan lang ang ingay nila, di kaya naiinitan lang? Kasi napansin namin na hinihingal din sila pag mainit. Lagi din sila nililick nung dam. Every 30mins - 1 hr sila dumedede, hindi every 2 hrs. hehe.

Hindi lang namin maiwan pag nakatabi yung dam kasi nadadaganan ng dam, nakakaawa. First time kasi kaya hindi marunong yung dam. One time natapakan nung dam yung paa nung isang pup, umiyak yung pup. Kawawa naman.  :(

As with the dam's diet naman, lagi ko siya pinapainom ng Cosi milk. Makakatulong kaya to para dumami yung milk niya? Yung appetite niya ngayon mahina talaga. Kaya marami pinapainom namin na milk.

minnie99

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #186 on: April 29, 2013, 02:39:27 pm »
^Di ko sure sis, pero ang alam ko malunggay ang makakatulong sa dam. :) Merong Papi OB na vitamins na pwede mo ibigay sa kanya. Ang alam ko naman re: diet, dapat switch to high protein diet (or puppy food) ang dam kapag nanganak para ma-gain back nya yung weight nya.

Lagyan mo na lang electric fan sis para di masyado mainit. :) Nung time kasi nanganak dog ko, super ulan ng ulan naman kaya problema namin is baka giniginaw sila, lol.

Di kaya masyado maliit yung whelping box nya? Saan ba siya nakalagay? Dapat yung dam may option to leave the pups in the "whelping box". :)

abuanddiego

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #187 on: April 29, 2013, 03:07:00 pm »
^^super init ba sa place nila? pag newborns dapat warmer than the usual ang temp. pero wala pa akong nakitang hinihingal na newborns, its either dede lang sila ng dede or umiiyak hehe.

Mukhang matakaw ang mga pups mo, make sure na enough nga yung area nila para di madaganan.
ano ang food ng dam? yung malunggay makakatulong din pero the better the diet, the more milk she can produce. Bigay ka ng quality food para di sya manghina sa pagpapadede. kung mahina kumain bigay kayo ng vitamins for pregnant/lactating dogs. alam ko di naman needed ng added calcium as long healthy ang dam, okay ang food, at kaya magsupply ng enough milk.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #188 on: May 03, 2013, 02:29:43 pm »
yung mga dogs namin kahit buntis every 3 days ko pa rin nililiguan, sanay naman katawan nila. pag malapit na due date nililiguan ko pa rin para malinis sila, tapos after manganak kasi amoy amniotic fluid sila at medyo basa yung sa may ilalim nililiguan ko pa rin pero luke warm water gamit ko.

17 days old na yung mga puppies ni Nigella (shih tzu), sobrang tataba nila mukhang mga sumo wrestler. :-) tinatapatan ko ng electric fan kasi nag iiyak sa init ng panahon tapos pawisan ang ilong nila. tapos kahit may e-fan tapos iyak iyak pa din, binabasa ko yung kamay ko tapos pinupunas ko sa katawan, kilikili, leeg at ilalim ng tenga nila, ayun ginhawa ng tulog nila. naghahanap nga ako ng ice pack yung gel ang loob para ilagay ko sa ilalaim ng isang sulok ng whelping box nila para higa sila doon pag mainit, sobrang init dito sa amin.
sa sobrang init nag labor yung isang dog nina bf, exhausted na yung dog kaya na-cs sya kaso hindi pa sya due, ayun namatay mga puppies.

pink_charm3d

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #189 on: May 04, 2013, 11:23:25 pm »
Nadala na namin sa vet si Shamcey (dam). Niresetahan siya ng Appebon w/ Iron, Amox and Caltrate. Di ko alam kung para saan yung Amox, wala naman sakit yung dam. Pinapainom pa din namin ng malunggay at Cosi milk tapos dog food at favorite niyang liver.

Pag sa gabi, sa cage sila natutulog para makatulog din yung bf ko na nagbabantay sa kanila. hehe. Pag gising na, nilalagay na sila sa lapag kasi naiinitan, umiiyak sila kasi eh.

abuanddiego

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #190 on: May 06, 2013, 12:48:30 am »
^ang sabi sakin kaya daw binibigyan ng antibiotics yung dam after manganak is to prevent infection from the process of giving birth. kumbaga para makasigurado lang daw

guamzintrusion19

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #191 on: January 25, 2014, 03:54:58 am »
Hello po! My baby shih tzu gave birth last saturday to 6 healthy puppies. Okay naman both mother and puppies. Napansin ko lang na parang pumapayat na yung mom sa kakadede nung 6 na bilog  ;D
She's eating three times and we're giving her calcium supplement but I'm thinking of also giving her milk (puppy love) base sa nabasa ko dito sa forum. Is this okay for her diet?

meal (kibbles, meat, and soup) -> milk -> meal (lunch) -> milk -> meal (dinner)

I'm planning to give her enmalac too to aid in milk production. Okay lang ba ito or may isa akong hindi dapat isabay? Thank you po in advance for your help.

abuanddiego

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #192 on: January 26, 2014, 02:58:56 pm »
^congrats! ang sabi sakin ni Doc, ang kaya lang ng dams is around 3-4 pups, pag sumobra need na ng milk replacement.

i'm not keen on giving milk to adult dogs kasi most of them do not need milk na once they reach 1mo or pag pwede na sa solid food. Sa pups mo na lang ibigay yung milk replacer para direct na. Ang advice na ibibigay ko is to add alot of meat sa kibbles and malunggay and give ob supplements. yan ang sure na magpapalakas sa kanya. Let her eat for as long as she wants para makabawi ;)

guamzintrusion19

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #193 on: January 28, 2014, 01:14:28 am »
Ohhh ganun ba? oo malakas nga sya kumain ngayon and maya't maya. we let the mommy naman and in between meals we also give her meat treats. Yung kapag sumusunod na sya we know na gusto na nyang kumain.
I bought enmalac. mukhang okay naman yung milk nya at parang mas nagkagana sya. I also bought puppy love pero hindi nya type  :P
Iobserve ko muna siguro, if mukhang kailangan na nya ng tulong pagpapadede i'll give milk dun sa puppy. Naaawa kc ako i milk replacement baka mawala yung bonding nila ng mommy. Thank you po sa suggestion. Will keep everyone updated  :)

twelve5

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #194 on: January 28, 2014, 10:08:01 am »
^ kaya pala yung dog namin PG ngayon. Dati kasi 4 pups lang pag nanganganak sya. This time 6!

Parating syang gutom maski 4 big meals ang binibigay, kaya ngayon 6x na sya eat.

4 weeks na yung pups and i give them softened kibbles at breakfast. Dumedede pa rin naman sila... Next week siguro pwede ng 2x? Then work up ko to 4x until mag 8 weeks na sila.


suhyrie

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #195 on: June 16, 2014, 01:04:19 pm »
hello mga sis BTW this is my first time to used this site and meron lang po akong gustong malaman my dam got 5 puppies and 1 week na po cla and my vet gave me a milk for puppies pero nung pinapadede ko cla gamit yung milk na yun parang ayaw po nila niluluwa po nila. ask ko lang po pwede po ba [textspeak!] bear brand milk for replacement? kasi [textspeak!] dam ko po minsan ayaw nya mag pa dede kaya nagugutuman po [textspeak!] mga puppies nya please help me thanks..

twelve5

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #196 on: June 16, 2014, 02:21:09 pm »
^ i wouldnt recommend bear brand, although i know some people give it to their pets. Iba kasi yung milk for dogs. milk for human can cause them LBM. Since very young yung pups mo, madali silang ma dehydrate pag mag LBM sila. And that can cause death in very young pups.

Try to tweak yung timpla ng milk. Ako kasi try ko munang mejo bland yung timpla para di mabigla yung tummy nila. Use syringe kundi nila type yung rubber dede. Iba kasi feeling ng rubber vs real dede ng mother dog. Tsaka make sure also na maliit yung dede. Minsan kasi super laki kaya nalulunod or nire reject.

paopaosheila

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #197 on: June 27, 2014, 04:32:04 pm »
hi guys ask ko lang madedetermine ba ng vet doc kung buntis talaga yung dog ko. or sa UP ko nlang dalhin dahil may xray cla dun? kc 58 days na yung dog ko pero parang wala akong makapa na baby sa kanya pero minsan parang meron [textspeak!] isa lang. eh i want to make sure kung preggy nga sya. kc bext week due na nya eh. help naman guys thanks.

twelve5

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #198 on: July 01, 2014, 03:57:28 am »
^ sis, vets use ultrasound to detect a dog's pregnancy. Xray would be bad kasi may radiation.

Mas alam din nila kumapa. Kasi ako di ko makapa pero positive na buntis yung dog namin dati. Hehe

You will also notice swelling of the breasts pag malapit na manganak. And of course, thickening of the waist.

The vets may prescribe additional vitamins sa dog mo kaya mas ok ma-check up.



gleek

  • Guest
Re: Nursing Dog & Newborn Puppies
« Reply #199 on: April 16, 2016, 04:17:49 am »
Last April 14, nanganak Labrador namin, 11 puppies. pero 8 lang nabuhay. akala namin 10 lang, yung last 2, patay na nung lumabas. tapos mga 12 hours after nung last puppy, may lumabas pa uli and patay na din. :(

yun panganay na puppy, hirap dumede kasi parang nabubulunan sya sa milk. sya tuloy pinaka payat. but at least, nakadede na sya nung gabi ng April 15. I was thinking nga of bottle feeding na sya.

nag prescribe yung vet namin ng vit para milk enhancer din. i forgot the brands, pero meron  for calcium (tablets) and syrup.

we're advised to give puppy food to   Stacey (mother Lab). sana lang maging comfortable na si Stacey,1st time niya kasi. in fairness maingat naman sya s pagkilos around the pups pero minsan mega lick sya s pups and gusto bitbitin (kinakagat niya s leeg yung pup) so need pa din bantayan.

yesterday, i tried the milk replacement recipe (evap milk+egg yolk+syrup-no yogurt kasi wala ako mabilhan) hinalo ko sa food ni Stacey para ganahan kumain. kaso parang mahal i maintain yung ganitong recipe..  :(

ano pa ba pwede ipakain kay Stacey para ma maintain yung weight and milk production?
or mag stick na lang ba kami sa puppy food and the vitamins?

i've read about malunggay tabs. pwede din ba yung nilagaan ng dahon ng malunggay?

sorry for the long post

i'm so thankful for this thread btw

 

Latest Stories

Load More Stories
Close