Author Topic: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?  (Read 162027 times)

wifeynikawin

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #580 on: December 10, 2012, 06:15:46 pm »
Yung laging kontra. Panay din reklamo. Nakakaasar. Tapos parang ayaw na nakokontra. E ako naman hindi nagpapatalo, edi lagi siya talo sakin kaya lalo siya nagagalit. Hahaha!

hay naku, so true ito. halos everyday na mga kami nag-aaway becuase of pagkontra, kesyo masyado daw akong nega...

preciosa

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #581 on: December 10, 2012, 06:23:50 pm »
Hahaha napansin ko lang halos lahat ng mga hubby natin may pagkakapareha... Lalo na yung part na madaling mauto at madaling utangan at walang reklamo... Ang cute naman... Ganyan din kasi hubby ko ako tuloy madalas magmukhang kontra bida... Siya itong palaging mukhang anghel sa paningin ng iba... Hehe

Coffee_lover

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #582 on: December 12, 2012, 09:02:20 pm »
Anti-social - yung tipong gusto nya gumala kaming dalawa lang.. yung ayaw may kasama sa out-of-town. Ayaw sumama sa mga get together ng friends nya, kaya nahihiya tuloy ako pag ako gustong lumabas, kasi sya maiiwan sa bahay mag-isa.

Hindi expressive - ewan ko nahihiya o ganun lang talaga. Di cia PDA, ayaw nya nagkikiss kahit smack lang sa public. Hanggang holding hands lang talaga. :(

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #583 on: December 18, 2012, 12:35:07 pm »
ang sama ko ba?kagabi kasi di man lang sinabi sakin ng hubby ko  na isasama pala niya dito sa unit namin yung officemate niya pati asawa non.ang usapan namin sa chat,sa lobby na lang maghintay kasi gabi na,total iaabot lang naman yung pinatagong Ham sa ref namin..naiinis ako kasi gabi na yon,mga 10PM na.syempre wala akong maid,ang gulo ng bahay kahit anong ligpit dahil yung anak namin 2 yrs.old makalat.wala naman kami maid dahil masikip yung 2 br condo na inuupahan namin.ang ayoko kasi tuwing may konting bagay, isasama pa dito sa loob yung mga kakilala niya.parang lahat na ng sulok ng bahay namin na-invade na ng kung sino-sino. >:( ayoko ng ganun eh.sakto basang-basa yung damit ko kasi nagsampay ako ng damit sa terrace,bigla kumatok sila,may naka handa na maruming damit sa kusina dahil lalabhan ko na naman ulit.sabi ko wag muna sila pumasok kasi itatago ko muna. ;D dun ako nainis.kasi naiistorbo pa ko.ano ba ko katulong dito sa bahay.magdadala siya ng bisita di ako sasabihan tapos kakatok sila,magmamadali ako magligpit dito.pinagsabhan ko siya nung naka alis na yung bisita niyang mag asawa..

sabi ko sa kanya lagi siyang ganyan,konting may diskusyon dala-dala niya dito sa bahay yung mga tao.kukuha lang ng pinatagong Ham,aakyat pa dito.pwede naman sa kotse na lang or sa lobby ng condo  mag hintay.yun nga di na raw niya napigilan kasi pagkagaling niya sa parking,natanaw niya pa akyat na ng elevator yung mag asawa. 8) --eh paano sanay na sanay na mga kakilala niya na feel at home.sana man lang nagtanong rin sa kanya yung officemate niya.di yung dire-diretso sila dito.ano ba  Open House ba itong bahay na lahat welcome.yun yung ayoko.kahit maliit o malaking bagay pa yan,magkaroon naman siya ng privacy dito sa lugar namin.tapos di ako lumabas ng bedroom kasi nga nahiya rin ako basang basa yung damit ko,hinanap ako,ang sagot niya eh nakaupo lang raw ako sa upuan sabay tawa..siraulo rin eh..

Bhabes_hots

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #584 on: December 19, 2012, 07:50:18 pm »
Our usual discussion would be my things in our room.  He says im makalat.  I say, Im a woman and I have a lot of things.  Thats a given already.  Then we will talk about equality and who is in charge at home.  I say, ok you win! hahaha

macblush

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #585 on: December 20, 2012, 02:14:45 pm »
Pride and controlling :(

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #586 on: December 23, 2012, 03:48:33 pm »
nag attend ng binyag ng anak ng kapatid niya,susme hapon na di pa bumalik dito.sabi ko naman bumalik na at babalik naman kami sa kanila bukas--dun pa nga kami matutulog.mamaya na daw uuwi.ako  ang punong abala mag ligpit dito sa bahay,ako pa tiga balot ng regalo niya sa kanila-tapos siya nandun sa kanila di umuwi dito para tumulong.laging ganyan,pag nasa kanila,hindi halos mahagilap.pagod na pagod kami kahapon namili ng pang regalo niya sa kanila--tapos nalaman laman ko yung nanay niyang matapobre na mukhang pera--nag reklamo pala last year dun sa regalo namin na set ng baso--wag raw siya bibigyan ng baso- :o kahapon ko lang nalaman,aba halos 1 taon na saka sinabi nitong asawa ko sakin.kaya lalo kami napagod mag ikot.wala kami maid,may dala kami malaking stroller,mga pinamili,tapos nag iiyak iyak pa anak namin,napagod na kaka ikot.napaka hirap  regalohan ng nanay niya.diba nga pag matatanda na mas madali na dapat magbigay kasi sila yung di na maarte sa katawan--pero yung nanay niya baliktad.nag rereklamo pag di naibigay gusto. >:( di man lang pinalagpas yung Pasko saka nagreklamo.nung pumasok silang mag ina dun sa kwarto-saka nagsabi na ganon pala.ito naman hubby ko di man lang nangatwiran.sa isip ko nga eh sabhin niya uli yang ganyan-mag reklamo siya,makakarinig siya sa akin mismo >:(
 
ito naman hubby ko laging Bow sa kanila-minsan pikon na pikon ako kasi sakin nakaka ganyan siya-asal mayabang-sa kanila di siya maka laban,di siya maka reklamo.palaging YES agad.kaya ngayon Pasko kahit alam ko Pasko,di rin ako tuwa umuwi sa family niya,mas gusto ko samin kaso di ako napapagbigyan 4 na taon na halos ako di nag Pasko sa amin.kasi raw may exchange gifts raw lagi sa kanila--so what?sabik ba ko sa regalo--saka kailan lang eh,nag birthday ako last month,kahit isa sa kanila walang naka alala sa akin.samantala yung pamangkin ni hubby nakatira kila MIL,isang araw lang pagitan sa Birthday ko,so maalala nila yon.pero wala.sabi ko sa sarili ko magiging Wais ako ngayon-magsasalita lang ako depende sa usapan kung kinausap o tinanong ako,maliban dun hindi na.ayoko na maki Chummy-chummy sa kanila.basta.plastik silang lahat.napaka T@ng@ ko na pumayag akong ganyanin nila noon.

yoshina

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #587 on: December 23, 2012, 10:07:15 pm »
kanina lang nag away kami, birthday ko ni hindi man lang ako binati kakainis na  >:(

j_in_tokyo

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #588 on: December 26, 2012, 01:20:42 pm »
kanina lang nag away kami, birthday ko ni hindi man lang ako binati kakainis na  >:(

ay sis..kainis nga yan.!
as in di nya naalala the whole day?

miminibebe

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #589 on: December 26, 2012, 02:24:02 pm »
^^Ay, nakakainis nga yan sis.  Anong sabi niya?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #590 on: December 27, 2012, 05:14:09 am »
Driving style nya. We dont trust each other behind the wheel.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #591 on: January 05, 2013, 02:53:51 pm »
Yung pag may gagawin sa pc dito sa kwarto-na related sa work,pati yung ka officemate niya naka tambay sa kwarto namin.ok lang naman kung sandali lang.kaso 2 hours na sila don.naiistorbo ako.hindi pa ko tapos maglinis dun,inaantok yung anak ko,di ko mapatulog ng tanghali.sabi ko naman kasi ilabas na yung pc sa kwarto kung matagal gagamitin lalo na kung may ibang tao na pupunta sa bahay at gagamit ng pc.nagagalit pa.ayoko ng ganon eh.lahat na lang ng tao pinapa pasok dito sa bahay pati sa kwarto.ang dali naman ilabas ng computer kasi may gulong yung stand nun.

chedz.03

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #592 on: January 05, 2013, 04:06:38 pm »
Ang bilis mainis ngayon. Daig pa may PMS. Tapos pag ako nagsabi na "ikaw na bahala" sa pagdexide on small things eh naiinis sakin.pero sya eversince.i met him puro "ikaw" din ang sagot. Nakaka GRRR talaga!!!!

aquacharly

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #593 on: January 07, 2013, 09:17:06 pm »
When he gets pissed with something or someone, parang litanya or rosary he must complete. So every small thing pupunahin, or naghahanap ng panggigigilan. 
So there are mornings that start bad, and I try to go home very very late parang zzzzzz na, and I cross my fingers the next morning tapos na "rosary"  nya. Hahaha
Eto  daw, per a top psychiatrist -- a symptom of OC behavior.  Hindi yung OC-OC na kaartehan natin, but yung genuine OC behavior.  Susko. Haaayyyyy booohay


mayje6

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #594 on: January 15, 2013, 07:53:41 pm »
Sobrang close niya sa mga sisters niya, nakaka selos! Christmas at new year, una pa niya naka skype. Di ba dapat ako muna? The whole holiday season, kung pwede lang araw araw sila mag skype! Nung ako nagsasabi gawa siya fb ayaw, nung sinabi ng sister niya umu-oo tapos di man lang niya sinabi sa kanila na ipapagawa niya saken. Kaya ayun, ang bwiset na sister niya inutusan ang pamangkin nila na igawa ng fb ang hubby ko. Kainis pa lalo kasi yung sister dumaan sa harap ko tapos isang metro lang bumulong sa pamangkin nila na igawa ng fb si hubby! Sinabi ko naramdaman ko kay hubby, ending away.  :(

miminibebe

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #595 on: January 16, 2013, 09:16:12 am »
Ang hilig niya makipagaway sa 3 yr. old namin, inaasar niya lagi, pag naiinis sa kanya ang bata at lumalaban pinapagalitan niya.  Pinoprovoke niya na mainis sa kanya pero pag lumaban naman pinapalo niya or sinisinghalan niya.  Madalas wala siyang kalambing lambing makipagusap sa anak niya, ayaw tuloy sa kanya nung bata.  Minsan parang 2 bata ang inaalagaan ko, naiinis siya pag sinasaway ko sya.  Feeling niya ini-spoil ko yung bata.  Ang akin lang wag niya bigyan ng dahilan para matutong maging sutil yung bata.  Tamang disiplinahin pag may ginawang mali, pero wag iprovoke.  Parang lokohan eh, nanahimik, aasarin, pag napikon siya tong galit. 

eilegna

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #596 on: January 16, 2013, 09:28:42 am »
He's insecure with my ex..  :(

Ayun, naging over possessive sya..

I just hope na hindi sya gumawa ng mali because of his weird and
untruthful thinking'

potpotpo

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #597 on: January 19, 2013, 10:06:16 pm »

Hubby works morning and evening...Yung morning job nya minsan matatapos ng 2pm or mga 4pm..so ang gusto ko lang naman sana umuwi na siya at magpahing...pero hinde dadalawin pa nya yung kaibigan nya...ewan ko mga sis mix na rin siguro ng selos kasi working din ako at wala kaming gaanong time together, pakiramdam ko minsan mas mahaba pa yung time nila na magusap ng mga kaibigan nya :(

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #598 on: January 21, 2013, 08:45:42 pm »
Nakaka badtrip >:( lagi sinasabi pag ang cellphone lobat,hayaan mag charge maigi.para kung nasa labas siya,maco-contact ko siya kahit medyo matagal siya bago maka uwi.para kong may kausap na bingi! kaka asar! tuwing lobat,yung c.p niya naka charge nga,pero nag ga-games naman siya.useless >:( mag c-c.r,mag ga-games pa,naka charge sa banyo yung c.p

ngayon gabi na wala pa.kanina bago siya umalis lobat na halos yon.30% na lang.kaya ngayon di siya mahagilap.nagpagawa lang ng kotse kung saan lupalop na nakarating.ni hindi tuloy alam kung ok lang ba siya.o baka kami ng anak ko dito sa bahay may emergency.sabi ko sa kanya yang kako s3 niya minsan mag s-swimming yan pag di ako nakatiis.kakapikon talaga.kaya pag uwi niya icha-charge ko sa kabilang kwarto yun.ikakandado ko.kakainis eh.madalas ganyan.ang dahilan lobat siya.

^kaye^

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #599 on: January 22, 2013, 10:04:23 pm »
Matampuhin. And he holds on to his tampo.  >:(

And he easily gets annoyed.  :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close