Author Topic: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?  (Read 161971 times)

FieryAngel027

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #560 on: November 20, 2012, 07:48:16 pm »
1. Ilokano sya kaya sobrang mag manage ng pera. Oks lang naman ako nag bebenefit. Pero minsan kasi pag sweldo ko tapos may binili ako gamit or gadget sa running, ang daming satsat. Kaya hindi ko na sinasabi pag may bago ako bili for my hobby.

2. Ang bilis kumilos masyado, kakainis. Ako tuloy nagmamadali minsan lalo pag magbibihis hindi na ko makapag blower ng buhok ko kasi matatagalan. Kaya ginagawa ko ako na lang nauuna maligo pag may lakad kami para habang sya naman naliligo may time pa ko sa mga abubot at ritual ko. Haha

3. Conservative sa pananamit ko. Haha, lumabas lang cleavage ko lalagyan nya ng pardible! Palagi sya may pardible, sobrang boy scout! May extra sya palagi sa wallet nya!

4. Masyadong mabusisi! Pati ako naiinis, makakita lang ng alikabok allergic. Haha.


cristyles

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #561 on: November 20, 2012, 08:09:16 pm »
-Umuutot siya lagi pag magkasama kami ::) , minsan nakakainis na kasi may amoy LOL. Anyways, for better or for worse :P .

-Very OC ako sa comfort room, hate na hate ko yung ginagawa ni hubby na hindi niya tinataas yung toilet seat pag nagjijingle siya :-\ .

-May pagkain na siya sa plate niya pero gusto niya kumukuha ng pagkain sa plate ko (kaya hindi ako nabubusog LOL).

tingkiingkie1

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #562 on: November 20, 2012, 08:59:28 pm »
Pag galit siya, talagang galit.
May nasasabi siyang words na nakakasakit. Pero pag masaya naman siya, parang happy talaga. I'm confused..  :(

jenie0519

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #563 on: November 21, 2012, 11:22:31 am »
Hindi marunong maningil ng pautang... Eh hindi naman kami mayaman!  Naiinis siya pag sinasabi ko na maningil at wag parang namimigay na ng pera dahil hindi naman kami sobra sobra.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #564 on: November 26, 2012, 10:10:09 pm »
ang bilis mautangan.lalo na ng kakilala kahit di ka-close basta nagpapa utang.ito naman officemate niya na ito,ang galing rin naman.dami ng nahiram sa asawa ko.una 700-maliit lang naman,pero di sila close as in never.babae siya eh,saka di sila magkausap ni hubby sa office.tapos nung isang araw 1k naman,kasi wala na naman pera..ito naman asawa ko ang reply agad sa conversation nila eh " sure" agad..sabi ko sa asawa ko akala ko ba kakasabi mo lang sa akin na naka commission ng 50k yung girl na yon sa sales,wala pa 1 week wala na pera?sayo pa humiram porque alam na magkasama kayo sa bagong project?maliit lang naman wala naman sa akin,ang ayoko yung napaka dali mauto ng asawa ko..totoo lang mabait siya,kaso pag sobra na,iba na tawag dun,di na mabait yon..parang inuuto siya kasi syempre yung babae na yon ang taga bigay sa kanya ng mga " under the table" projects nila,sasamantalahin utangan ng utangan..

rumplehuey

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #565 on: November 29, 2012, 01:17:37 am »
My husband's seems to be grumpy most of the time. Minsan napapagod na ko magpa sensya at hindi ko na din maintindihan kung baket sya ganun sa akin. Should I be worried?

miminibebe

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #566 on: November 29, 2012, 12:24:01 pm »
^kung hindi naman siya dating ganyan sis siguro dapat isipin mo kung may nagbago din ba sa ugali mo or kung may pinagdadaanan ba siya ngayon para maging rason ng pagiging grumpy niya.

Asawa ko kasi normal na yan, pasinghal lagi lalo pag napapahiya at di kasi sya marunong umintindi.
Di pa din ako nasasanay at kagaya ngayon buwiset na buwiset pa din ako..  >:(

aiden

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #567 on: December 01, 2012, 11:56:55 pm »
Madaling ayain sa inom. Or rather, hindi tumatanggi kapag inaya mag-inom. Simula noong mag-jowa pa lang kami hanngang ngayon, ito lang talaga ang paulit-ulit naming pinag-aawayan.

peenitokss

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #568 on: December 03, 2012, 10:07:25 am »
^ sis yan din madalas naming pag awayin lately ng husband ko. At ang rason pa nya, wala naman daw masama kung mag inom sya. Hindi naman daw sya nanggugulo pag nakainom.

france0220325143

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #569 on: December 03, 2012, 06:45:41 pm »
*tamad*

nakita ng kakain na, nakatapos ka na nagluto, nagbabantay ka pa ng bata, magse-set ka ng table, sya naman nakahiga sa sofa, nakafocus sa tv. and oh, manhid din pala.

abbina

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #570 on: December 04, 2012, 05:13:16 am »
Minsan deadma pag dumadaing ako, di ko tuloy alam kung narinig ba niya ako or deadma lang talaga siya  >:(

miminibebe

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #571 on: December 04, 2012, 10:16:39 am »
^nakakarelate ako dyan, ganyan din si hubby.  Kailangan ko pang tanungin kung narinig ba ako kasi parang wala lang.  Kaya mas madalas hindi na lang ako naglalabas ng hinaing sa kanya.

abbina

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #572 on: December 05, 2012, 08:43:07 am »
^ tee hee! ganyang ganyan din ako sis. Pag tinanong ko kung narinig niya ako, sasabihin niya "Ano akala mo sa kin bingi?". Hay naku! Hehe.

miminibebe

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #573 on: December 05, 2012, 09:49:49 am »
^hahaha! may one time nga sis ginantihan ko eh, nagkukuwento siya then text ako ng text, sabi sa kin, nakikinig ka ba? sabi ko "oo, gusto mo ulitin ko lahat ng sinabi mo?" simula nun medyo nakikinig na, after a while, wala na ulit. Deadma galore! Parang walang pakialam sa mga sinasabi ko.

abbina

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #574 on: December 05, 2012, 10:21:40 am »
^ Haha nagawa ko din yan dati, sis! Napikon sa akin  ;D

Isa pa palang ugali ng asawa ko eh magside comments sa balita tapos wrong timing kasi may sinasabi pa yung newscasters. Lagi ko siya nasisimangutan pag ganun kasi namiss ko na yung important part ng news.   >:(

sachagirl

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #575 on: December 05, 2012, 10:29:19 am »
- mabagal kumilos kaya i need to time our travel always one hour ahead.

- always wants to please everybody! hindi marunong tumanggi! lagi na lang iniisip sasabihin ng ibang tao! asar!

- often accepts things as they are. hindi siya nagdedemand ng good service. naiinis siya s akin pag hindi ako kontento how restaurants provide customer service. one time ng may buhok pa un lechon kawali sa Aracama sabi ba naman normal lang daw yon?! haller! ang mahal ng food nila tapos ipapakain sa akin un baboy n may balahibo?! tapos isa p may nahulog n buhok s kainin ng tapa king. inalis n raw niya bakit p raw ako nagdemand n palitan?! duh?! seyempre i deserve the right service kasi nagbabayad ako. hindi naman un libre di ba?

- ang bagal magdecide s mga bagay-bagay. mahilig sa delaying tactics hanggang nawawala na yung opportunity

- mahina ang loob. panay reklamo sa work kesyo napapagod pero hindi naman nagaapply sa iba

- adik s trabaho kahit nakaleave trabaho pa rin ang iniisip. takot din gamitin yung sick leave nya!

- masyadong mapili sa pagkain. ultimo corned beef hinihimay maalis lang yung litid.

OT: i hope sa mga may hubby na nananakit (physically or verbally), you'd be able to find professional help or at least someone to confide to that can help you. babae po tayo at tao rin na may karapatan na mabuhay ng matiwasay at masaya. sabi nga di ba, we are fearfully and wonderfully made. we are special because God loves us.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #576 on: December 05, 2012, 01:26:45 pm »
mga lalaki talaga..yun pa isa kinakainis ko sa asawa ko pag nasa restaurant,di rin nagrereklamo..puro "okay" kakainis..nung nag grocery kami,nagpabili ako ng hotdog sandwich sa Rockets,ang tagal nung babae,nasa c.r yata,gutom na gutom na ako,sabi ko sa kanya iwanan na yung stall,iba na lang kakainin ko,parang bingi.mga 10mins.kami nandun,tapos umalis na ako,bigla bumalik yung tindera,sabi ko ayoko na bumili don kasi nawalan na ko ng gana.ako pa pinagalitan,pinaghintay ko pa raw siya di naman pala ko kakain,wala naman ako sinabi maghintay siya dun eh,kaya nga sabi ko sa iba na lang,eh mukhang may selective hearing siya kaya pili lang yung naintindihan sa sinasabi ko..>:( tapos yung sandwich na binigay sama-sama yung sibuyas na buo-buo pa,nakaka init ng ulo,ang yabang lang ng hubby ko nung time na yon porki siya nagbabayad lagi siya masusunod.sarap ihagis nung sandwich >:( di man lang sinabihan yung babae..tapos pag ako parang nagsermon sa bata..

ganyan rin,may sasabhin ka,tinawag mo na kasi nasa kusina ka,siya nasa kwarto..tinawag mo na di pa lumalapit..nainis ako kasi gusto pa yata ako pa lalapit sa kanya eh ako may ginagawa,,kasi raw di ko sabhin sa kanya..ano yon sisigaw ako sa kusina para marinig niya..kaya nga siya tinawag kasi pinapalapit siya..pwede ba naman nasa kusina ako at nasa kwarto siya sisigaw ko pangalan niya ng walang dahilan >:( pag sa amin ayaw kumain ng gulay,pag nasa kanila akala mo kung sinong vegetarian kung maka-kain ng pagkain na may gulay sa kanila..pasikat masyado..kakainis.kaya minsan naku di na ko nagluluto,paki ko kung sa labas siya mag lunch,pagod ako eh.masyado siya pihikan pag ako kaharap niya.

miminibebe

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #577 on: December 05, 2012, 04:21:39 pm »
Makwenta - tipong kumain lang ako sa jollibee sisitahin na ko, kesyo magastos ako.  Pero pag siya ang gumastos ke para sa sarili niya or para sa mga kaofficemates niya, hindi ako pwedeng magtanong.

bubblepop

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #578 on: December 06, 2012, 06:54:50 pm »
.,madaling mauto pag may nanghihiram o humingi sa kanya,tapos hindi sasabihin sakin, naka warning na siya sakin sabi ko last na lang pag inulit pa niy nag mumukha akong t**** malalaman ko pa sa ibang tao.

MaraAlmighty

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #579 on: December 06, 2012, 07:52:59 pm »
Yung laging kontra. Panay din reklamo. Nakakaasar. Tapos parang ayaw na nakokontra. E ako naman hindi nagpapatalo, edi lagi siya talo sakin kaya lalo siya nagagalit. Hahaha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close