Author Topic: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?  (Read 162218 times)

ayami

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #480 on: August 01, 2012, 11:23:12 am »
Naaadik sa Diablo III, dahil don wasak ang sexytime sa gabi after ng work ko. Tapos pag ako naman pagod nagpupumilit magsexytime. Pag sya naman naglaro kesyo napagod ayaw nya di ko kukulitin. Lahat ng gawin nya mali tapos nakukuha nyanang gusto nya nang walang kahirap hirap. Nanay nya bigay lang nang bigay ng pera feeling ko di matututo yung kumayod. Tamad sa bahay pano sanay na may katulong sila. Di marunong mag maintain ng kotse ko sabagay di naman kanya so ibangga lang nya dyan wala syang pakialam. Ang dumi ng kotse sya madalas gumamit ni hindi man lang vacuumin. Nagtitipid pag kasama ako kesyo magastos pero ako pinapagbayad. Nung bf ko pa lang lahat ng gastos kanya ngayon kahit parking fee naaasar na sya magbayad. Pag sya mag isa todo gastos naman sa kinakain sabay hijirit pag ako kasama. E kung mag order naman sya ang mahal mahal sa Chowking ako noodle lang kanya dapat Lauriat upsized pa drinks. Kailangan doble palagi halaga ng kinakain nyan sa akin. Ako nagwowork kahit nagaaral sya nakakauno kahit Diablo lang inaatupag palibhasa bagsak sa DLSU pero sa GCIC super dali pumasa pinapamudmod lang ang uno. Di naman sya katalinuhan. Walang effort tapos swerte ano sya. Sana makaranas din ng hirap. Magpapabuntis nga ko ulit sa kanya nang alilain ko sya this time. Pero sa pera di pa rin yan maghihirap nakakaasar ang yaman kasi ng magulang spoiled bwiset.

peenitokss

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #481 on: August 03, 2012, 09:46:47 am »
hindi naman pinagtatalunan, pero naiinis talaga ako sa kanya pag hindi sya makatanggi mapakaibigan man yan, family, tindera, taxi driver, etc. lahat na lang.  >:(


Mommy•Shey

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #482 on: August 03, 2012, 07:19:17 pm »
Ang lagi naming pinagtatalunan ni hubby eh yung pagiging makakalimutin niya. Pag may inutos ako sa kanya, sasabihin niya "sige" until hindi na niya nagawa. Bwisit ako lalo na pag ang dami kong ginagawa tapos yung simpleng pinapagawa mo sakanya eh hindi niya nagawa kasi nakalimutan, ay nako, tumataas blood pressure ko

maiandra

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #483 on: August 04, 2012, 12:58:55 am »
^haha. ganyan din saken. Kelangan ata nakarecord sa papel. Or otherwise itext mo para may reminder

trulyme

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #484 on: August 04, 2012, 10:45:09 am »
sobrang workoholic si mr that my prob.. pero lhat naman ng gusto ko nabibigay nya..

axlrocksmyworld

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #485 on: August 04, 2012, 11:10:15 am »
laging galit
mabarkada at laging nagpapa-uto sa barkada
hindi marunong makipag usap ng maayos saken, yun pa man din ang pinaka importante sa isang relasyon yung communication, yun ang wala samen dahil ganun ang ugali niya

Mommy•Shey

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #486 on: August 04, 2012, 06:08:30 pm »
^haha. ganyan din saken. Kelangan ata nakarecord sa papel. Or otherwise itext mo para may reminder

Hahahah, at dahil lagi akong inis sa kanya pag lagi niyang nakakalimutan mga inuutos ko sa kanya, at ayaw niyang hindi ko siya pinapansin, si hubby nag install ng App sa phone nya. "Life Reminders"  ;D

katie_gorgeous

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #487 on: August 06, 2012, 02:26:25 am »
haay ang demonyito kong asawa mas mahal pa ata niya yung tuta na hiningi niya sa kapitbahay namin.. grr buti pa tuta kinakausap samantala ako dinadaanan lang parang walang nakikita! grrr

maiandra

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #488 on: August 09, 2012, 07:43:29 am »
lemme try to download that app as well Mommyshey.

Natawa naman ako sis katie_gorgeous. I'm sure love ka din ng hubby mo. Why not try to show some interest in the puppy as well? Maiintriga ang hubby mo at it's a good way to bond with him while playing with the puppy :)

jenie0519

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #489 on: August 09, 2012, 11:15:07 am »
Ay madami! hahaha!

1.  Pinapatulan niya mga sumpong ko, so nauuwi sa away.
2.  Feeling niya lagi ko siya inaapi, pag nagaaway kami, kasi dapat lagi siya tama.
3.  Gusto niya sya lang ang tama.
4.  Di marunong magsorry, ako dapat lagi, buti pa nung bf gf pa lang kami.
5.  Di niya naappreciate ang efforts ko na matuto magluto, kahit masarap, sasabihin niya hindi, mas masarap luto ng mommy niya.
6.  Pag officemates niya ang nagyaya gumimik, gora siya, pag ako ang nagyaya laging walang pera.
7.  Feeling niya sya lang ang matalino, tingin niya sa kin engot ako.

Madami pa! Tinitiis ko lang at di ko naman na siya pwedeng isoli sa nanay niya... And madami din naman siyang traits na OK so carry lang...At i'm sure madami din siyang ayaw sa kin hahaha! Ganyan talaga ang buhay magasawa...

phatgirl

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #490 on: August 09, 2012, 02:52:43 pm »
naiinis ako sa hubby ko. accept ng accept ng friend request sa facebook.porki may something in common lang sila ng tao,at na-add siya,accept agad yung request..

mahilig kasi siya sa toys,nagpo-post rin siya sa mga page..ang di ko gusto kasi,may mga mag me-message na babae sa kanya tapos ia-add siya,tapos porki sa fanpage niya nakita yung tao,sasabhin na okay lang i-accept kasi raw wala lang sa kanya yon..sa kanya wala yon,sakin issue na yon..syempre kilala ba niya yung babae na yon,ang picture pa naka higa naka 2 piece.kahit ba panget eh,pakialam ko,mahalay yung picture..saka kahit anong picture nun,di tama yung basta ka accept ng accept ng request,di mo naman kilala personally yung tao.nabasa ko kasi sabi nung babae i-accept raw ni hubby yun request niya para makita mga toy collections niya.aba kung gusto mo ipakita,bakit di mo na lang i public yung setting ng album di ba..dapat ba add agad?tapos nung na accept na ni hubby,syempre nakita ko..so nung una dedma ako.tapos di alam ni hubby na nakita ko yung profile nun babae ang sagwa pa ng mga pictures..may comment pa yung isa na ang sabi "nice boobs" .kung matino ka tama ba yung may mag comment ng ganun sayo?kasi ang sasagwa ng picture.

tapos sasabhin pa ni hubby sakin na kahit sino naman raw babae mag add sa kanya,iba-base niya ang pag accept sa akin..lalo ako nagalit..so nagtaas tuloy ako ng boses,sabi ko sa kanya na ang lagay pala kahit di mo kilala okay lang maging friend mo,.so kung di ko pala naapansin facebook mo kung busy ako,sangkatutak na babae na ang friend mo..di mo kasi magawa dahil naka bantay ako sayo..bakit pa dapat ide-depende pa niya sakin kung magagalit ako o hindi?di ba dapat may asawa ka ng tao,yang facebook simpleng simple lang di na dapat kasama sa pinag aawayan yan,.dapat ba accept lang ng accept ng request?talaga naman di maganda na mag add ka ng kung sino lalo na babae pa at di mo rin naman kilala.sa isang pamilyadong tao,di magandang tignan yung ganun..


jhenpretty

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #491 on: August 09, 2012, 03:26:08 pm »
Pinagtatalunan namin minsan kapag weekends mahirap siya gisingin. Ako naman kapag may lakad kami mahirap din ako gisingin paminsan. Paminsan nagtatamoo siya kapag hindi napagbibigyan sa ganun.. Ako naman nagtatampo kapag hindi ako nabibili ng something at naiinis ako kapag kailangan pa ako magexplain kapag magpoapabili ako e pareho lang naman kami nagwowork. Paminsan din masyado siya mahigpit sakin. Daig pa ang tatay ko. Pero ok lang naman. I eventually accept our differences.. ^_^

panda_princess

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #492 on: August 21, 2012, 08:53:20 am »
whats the word ::) ....makalat???madumi???

pinamumunas nya un maduming damit sa kamay pagkatapos maghugas...iniiwan ang socks sa taas ng table... until now di pa rin nya nababago un habbit nya na un.... :(

lagi kami nagtatalo sa kitchen hehe...never pa ata kami nagsama sa kitchen na hindi nagtalo...hehe...

megansmomma

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #493 on: August 21, 2012, 10:43:00 am »
-- ang bagal kumilos "late" kami ng bongga pag monday :(
-- very demanding as in!
-- ang mood ako talaga ang nag-aadjust
-- dense
-- pag me gusto sya bilhin oks lang pero pag ako kahit food ansama na 'gad reactions nia.

-- at madami pa, kaso ayoko na isa-isahin at ayoko ng pagawayan pa namin kase nakakapagod. iniisip ko nalang anak ko, ang asawa madaling palitan ang anak mahirap buuin.. imo

Amphitrite

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #494 on: August 22, 2012, 03:35:55 pm »
Yung masyado syang makulet na may halong lambing sa officemate nya, ok lang sana kung sa karamihan ng girls pero sa isa lang eh. Dati super bothered ako kasi 1am na magka-text pa sila eh samantalang kapag gusto ko pa siya ka-kwentuhan 11pm magyayaya na siya matulog kasi antok na daw. Minsan pagkagising niya eh mag-text sya ng good morning, or kahit nasa office sila (magkalayo yung area nila) eh kulitan pa rin sila sa text. Alam naman ni girl na married na si hubby, may anak at preggy pa ako. Nababasa ko rin naman lahat ng texts nila kasi di naman naka-lock phone ni hubby at hindi siya nagbubura ng messages.

Pero nakaka-bother pa rin yung attention.

jhenpretty

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #495 on: August 22, 2012, 03:47:58 pm »
^ Nakainis nga yun sis. Pero huwag mo na siya masyado intindihin, dapat lagi ka lang nakasmile and iwas ka muna sa stress para maging happy and healthy din si baby.

ayami

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #496 on: August 22, 2012, 08:19:52 pm »
^^ sis, ganyan din hubby ko with our first baby. kakabadtrip. todo akong na-stress. iyak iyak gabi-gabi. may isang buong journal (notebook diary) nga ako na nagawa tungkol sa hatred ko for him during that time na intensified ng hormones. di rin ako nakakatulog agad, Plants VS Zombies ang nilalaro ko 4am na ko makakatulog. hmn, okay naman si baby kahit bonggang stress ang inabot ko. cute at energetic pa rin haha :D

wowry

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #497 on: August 22, 2012, 08:29:38 pm »
makulit at paulit ulit tapos minsan hindi nakikinig

cess

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #498 on: August 22, 2012, 10:08:42 pm »
-masyadong magaling, ayaw patalo kahit mali na sya.. minsan lang toh umamin ng pagkakamali.
-pag stress or overworked, masungit.. which I do understand pero madalas nakakagigil
-kung saan saan iniiwan mga maruruming damit like socks, shirt etc..

pero kahit ganun yun, love na love ko padin yun.. I'm sure if member sya dito, madami din syang sasabihin na ugali kong lagi namin pinagtatalunan


kiz_me1109

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #499 on: August 23, 2012, 03:09:25 am »
Not in the sense naman na pinagtatalunan namin. Pero lagi ko lang siyang pinagsasabihan. =)

Ang bilis kasi niya makatulog. Ok lang sana kung wala siyang ginagawa. Kaso most of the time, nakakatulog siyang bukas ang laptop. One time pa, nag init siya ng water pampaligo. Naku, nakatulog. Buti nalang madaling araw nagigising yung father in law ko. Wala nang water yung takore nung nakita niya. =( Hirap pa naman niyang gisingin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close