Author Topic: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?  (Read 162249 times)

junetwentythree

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #200 on: April 25, 2010, 04:40:47 am »
-tamad. tulog ng tulog
-palaging nakaasa sa parents nya.
-hindi tumutulong sa pag-aalaga ng 3 niyang anak.
-palaging nawawala ang susi ng motor/kotse everytime na gagamitin hahanapin sa kin.
-oo ng oo pag may pinagagawa ako pero di naman kumikilos tapos pag nasigawan ko na sa sobrang inis siya pa galit

Yikes naman yan, sis. Does he any qualities that make him a good husband/partner?

mommytaf

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #201 on: April 25, 2010, 01:24:58 pm »
Yikes naman yan, sis. Does he any qualities that make him a good husband/partner?

Well, he's trying to change for good.  Dati super grabe, ngayon moderate na lang at natututo naman.  di naman nananakit at mahaba haba na ang pasensya sakin.
 
hindi naman ako naalila sa trabahong bahay dahil may
 katulong.  pero kapag wala, napapa nag ako dahil walang kusa.... 

Pero yung susi na palaging nawawala, walang pagbabago... 

 


swt_fem

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #202 on: April 26, 2010, 09:15:08 am »
Where should I start?

Hmmm...

1. Super ikli ng pasensya nya. Andaling mainis/mairita.
2. Burara.
3. Tamad!


runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #203 on: April 26, 2010, 05:27:17 pm »
hilig magpuyat kakapanood ng tv! yun lang yung iba napagpapasensyahan ko naman

meron pa, di marunong tumanggi sa mga nangungutang sa kanya! kaya inaabuso na siya ng mga boossettt niyang kamag anak at kapitbahay na mga mukhang pera!!!

mae18

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #204 on: April 29, 2010, 09:24:41 am »
Ano ba?

1. Sa halip na magpahinga laro ng laro ng computer/dota/ or kun anong online games, yun pinagpupuytan pa, ako ayaw pagpuyatan!

2. sobrang bait niya, ewan, sa sobrang bait niya lahat ng mga may utang sa amin di na kami nababayaran. ako pa uutusan maningil samantalang sya tong nagpautang.

3. maingay pag lasing!

4. bulag- pag di niya nakita hinahanap niya ako pahahanapin malay ko kun ano hitsura nun mga electrical chuva niya!

5. walang pasensya magturo sa akin magdrive! samantalang pag iba ang tyaga tyaga niya! siguro ayaw niya ko [textspeak!] matuto para di ko siya layasan at paglakwastsahan!

6. laging sunog magsaing,


7. at last, hilig umako ng responsibilidad without thinking kun may masasakripisyo. eh ang nangyayari lage ako yun nasasakripisyo.. though in-laws ko naman yun kaya lang siempre dapat may consideration pa din di ba? hay...

nasasanay nako pero ewan, minsan nakakabwisit, minsan nadadakdak ko sa knya minsan naman dahil paulit ulit- ako na nag give up.

cherie.carri

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #205 on: April 29, 2010, 06:02:52 pm »
Ano ba?

1. Sa halip na magpahinga laro ng laro ng computer/dota/ or kun anong online games, yun pinagpupuytan pa, ako ayaw pagpuyatan!


Ano ba?

1. Sa halip na magpahinga laro ng laro ng computer/dota/ or kun anong online games, yun pinagpupuytan pa, ako ayaw pagpuyatan!

2. sobrang bait niya, ewan, sa sobrang bait niya lahat ng mga may utang sa amin di na kami nababayaran. ako pa uutusan maningil samantalang sya tong nagpautang.

5. walang pasensya magturo sa akin magdrive! samantalang pag iba ang tyaga tyaga niya! siguro ayaw niya ko [textspeak!] matuto para di ko siya layasan at paglakwastsahan!


Medyo nakaka-relate ako sa 'yo, Sis dun sa #1. 

#1 Addict sa DOTA si hubbie.  I try to understand 'cause stressful yung job nya.  Lahat silang guys sa office, DOTA ang pinagkakaabalahan after office hours (hehe).  He appreciates it "daw" pag pinapagsabihan ko s'ya 'cause he admits na there are times na nauubos oras nya sa DOTA.  Kaya what I do, sometimes I remind him.  Other times, I don't.  Kaya lang, whenever I see that he could've spent his time by doing another stuff more important than playing DOTA, that's when I feel sad...  Kaya, aside from reminding him at a perfect timing, I do pray for him -- to realize the value of time.  I must admit, he's not the only one who wastes time.  Ako rin naman minsan, gano'n, sa ibang paraan nga lang.

But honestly, it really frustrates me whenever I see how often he plays DOTA, not only after office hours but also during weekends. 

chrlxmyot

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #206 on: April 30, 2010, 12:58:13 pm »
- yung hindi makatanggi sa nag-aaya ng inuman reason niya is paminsan-minsan lang naman daw and nakakahiya naman
- yung pagka-mama's boy and papa's boy niya (even nung bagong kasal kami his bro will go to our house as early as 6am and would knock our bedroom door saying: "kuya tawag ka ni nanay pumunta ka daw sa bahay ngayon na!!" )grrr >:(
- yung hirap na hirap sa pagsabi ng sorry kahit siya yung mali gusto niya ako pa din aamo sa kanya! buti nalang natanggap ko na ang ganung set-up..kung ayaw eh di wag!

mae18

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #207 on: April 30, 2010, 04:17:53 pm »
tama ka duon! naku! ewan ko ba, nakakainis lang kasi, pwede naman ipagpaliban sandali yun online games niya dahil nakakapghintay yun..

katulad na lang etong panahon na to na rotational ang tubig namin, meaning may oras, eh 11pm nagkakaruon at 7am nawawalan ng tubig, instead na makapagipon kami at matpos within an hour ang nangyayari more than 2 hours kami nagiipon sa iilang drum panu, sumasideline pa sa onlne games.. di man lang niya naisip na preggy ako at siya dapat tong nagiisip nun mga aasikasuhin dito sa bahay.. nakakainis lang kasi..

mcenyll

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #208 on: May 06, 2010, 03:49:07 pm »
yung hubby ko mabait masyado, i think sa aming dalawa ako ang mas may problema.

pero yung ugali nya na ayaw ko:
1. pag may hinahanap, bibig ang naghahanap hindi mata..kahit nasa harapan na nya, pag hindi nya mahanap ako ang me kasalanan-ginagawa ko lalo pa't sa kanya yung hinahanap nya, sinasabi ko sa kanya na pag ako ang nakahanap, makikita nya kung papano ko sisirain...lol
2. yung attitude nya na short-fused masyado, may nangutang sa amin, pag hindi nagbabayad sa oras, aawayin..sa akin naman palagi ko sinasabi na there are ways na ma-achieve mo yung pakay mo but in a nice way at hindi ka mag-iipon ng mga kaaway.

yun lang. ;D

anna82

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #209 on: May 07, 2010, 01:18:57 pm »
experience ko din lahat yan mga sis. i just dont want to put into details na kasi it just making me sad lang.... were having misunderstanding nga nagyon eh.... akala ko before love is enough to get married, dapat consider din yung compatibility... hope yung mga husband natin marunong mag adjust and mag analyze, one side lang kasi plagi yung nakikita nila... yung side lang nila... huhuhu... insensitive,inconsiderate, papanlait, di marunong mag appreciate, di marunong mag sorry at lagi nlng syang tama... wwwwwwaaaahhhh :'(

jefsie10

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #210 on: May 07, 2010, 01:25:57 pm »
yun pag inom inom nya sabi nya part daw kasi ng work nya yun  >:(

mcenyll

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #211 on: May 07, 2010, 02:00:49 pm »
^hubby ko madalang lang talaga kung uminom tapos hindi nagyoyosi...isa sa mga likes ko sa kanya. Sana hindi magbago. ;)

pretinnes

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #212 on: May 08, 2010, 11:12:34 am »
sobrang gastos! nakakairita na! di man lang nag iisip na kailangan mag tipid. paano ba ma convince ang mga lalaki mag tipid? eto palagi pinag aawayan namin talaga. sabi ko nga sa kanya, ayoko sumunod sa kanya at ayoko siya ang mag rule kasi wala akong tiwala sa kanya talaga. HB ako ngayon.

che2008

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #213 on: May 09, 2010, 03:31:46 pm »
ganyan din asawa ko gastos ng gastos :(

hannah_9438

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #214 on: May 12, 2010, 11:41:26 am »
may pagka-insensitive ang mister ko at naiinis din ako na pag inaaway ko sya (di naman ako maingay at magulo makipag-away) , ayaw nyang sumagot. hindi lang sya iimik.

jovhelle

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #215 on: May 12, 2010, 11:50:07 am »
Masyadong ma-pride minsan. Pa-cute magtext sa mga girls. Moody. Insensitive. Sarcastic. Suplado. Pero tanggap ko naman lahat e ayoko lang yung pa-cute siya magtext. Buti ngayon tinigil na niya, kung hindi ko pa inaaway hindi ititigil.

lea06

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #216 on: May 12, 2010, 12:51:07 pm »
Naiinis ako sa hubby ko na
- super bagal kumilos ako kasi yung tipong kayang magmulti-tasking
- oo ng oo, hindi marunong tumanggi
- ayaw magcanvass pag may bibilhin
- over reacting pag dating sa mga anak hehe

rianne_mallows

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #217 on: May 12, 2010, 02:14:05 pm »
isa lang ang ayaw ko sa h2b ko.. MABAGAL KUMILOS!!!


liyapot

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #218 on: May 12, 2010, 04:05:56 pm »
hinde makuntento sa tech stuff nya..he bought his mac book pro 13" early last year and now barely 2 years old pa lang yung laptop he wants to sell it and buy a new and upgraded one. kasi may lumabas daw na bago.. lumabas nga yung ipad he wanted to buy one na agad parang ang daming kuarta!!
anyway, he tried to sell it on ebay + facebook marketplace.. somebody fm the US tried to buy it to send to nigeria (yun p lang alam ko bogus na eh)..sent money "daw" on paypal..kanina he received an email fm paypal..upon checking the email bogus email pala yun..manufactured email kunyari fm paypal!!! grrr sabi ko kanina sa kanya..please stop na!! ayun buti sabi nya oo daw..he took down the for sale sa facebook na..haaaayyyy

kwinchesters

  • Guest
Re: Ugali ni husband na lagi nyo pinagtatalunan?
« Reply #219 on: May 12, 2010, 05:54:03 pm »
Madalas tumingin sa sexy. Hindi selos nararamdaman ko eh, pagka pikon dahil di na nya ako binibigyan ng kahihiyan. Kumbaga sa lalaki (nakakalalake), nakakababae na sya. Natural pag nakita nung girl na panay tingin sa kanya ng asawa ko eh di mas lalo ng bumilib sa sarili nya yung babae,eh tapos makikita pa nung girl na kasama ako ng asawa ko pero sya ang tinitignan. Kaya isang beses na nasa SM North kami, yung girl na kita cleavage inabutan sya ng leaflet, sinulyapan pa talaga ng asawa ko yung girl pag talikod namin, ginawa ko sinampal ko ng leaflet yung mukha ng asawa ko sa pikon ko, ayun natauhan sya, sabi ko next time pag inulit nya yan,sapatos na lilipad sa mukha nya..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close