Abby_08:
sis, since taga Rizal kami, orginal plan namin eh sa antipolo lang, para pati mga kapitbahay namin at iba pang friends eh makapunta, kaso lang ang gusto ng mga relatives namin na close sa amin eh sa southwinds nga sa laguna, kasi masarap daw ang tubig, hindi mainit, hindi malamig, kaya makakapag babad daw sila, pati na ang daughter ko, eh nung makita ni daughter yung website ng southwinds, naku, gusto daw niya dun, kasi very kiddie friendly nung mga kiddie pools nila =)
Kaya yun, nasa 30 lang kami, kasi yung mga may sasakyan lang talaga makakapunta. Kung sa antipolo, baka umabot kami ng 50, not much difference naman. Hahaha
Maganda yung plano mo sis, ang dami mo kasing bisita, kapag ganun na malayo ang venue siyempre, mahihirapan lahat makapunta, kaya mabuti na yung malapit lang. I think 13,500 is okay naman na, since sa antipolo nag range din sa 10,000-12,000 ang private pools, sa laguna nga, may 5,000 eh, day swimming na din.
Yun lang ayaw nga ni hubby ng private pool, kasi si daughter lang ang bata sa pamilya, yung baby brother naman niya 4 mos. old pa lang hahaha.. Kaya yun, at least sa southwinds, madami siyang makakalarong bata.
May mga give aways nga ako, for the kids eh, kahit yung mga makakalaro lang niya dun hahahahah..
Goodluck sa atin mga sis, lahat naman ibibigay natin for our kids' happiness.
