watch now

Author Topic: swimming party  (Read 71894 times)

xiansmom

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #100 on: January 09, 2012, 12:20:10 am »
ako rin parang swimming nalang siguro gagawin namin
taz papaCater nalang wala ng host at games,busy na naman
mga kids nyan kakalaro eh...saka di pa naman actual birthday ni baby
feb. 10 pa birthday nya,december uwe namin pasko at nuyir,so baka january kami magpaparty bago umalis ng pinas request lang ng lola magpabirthday daw kahit advance.haayy,double gastos pa tuloy..hehe
sissies may alam po ba kayo indoor na pool
bandang las pinas or loob ng bf yung mura lang naman
yung pasok lang sa 4k na budget  kasi malamang ubus na pera namin nyan dahil sa pasko at nuyir..tia

abby_08

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #101 on: January 16, 2012, 11:28:13 am »
I'm planning for a swimming party din for my Daughter's 3rd bday party...magpapacater din kami and then I'm planning to get foodcarts and a mobile bar...no programs or whatsoever, after ng kainan magblow na ng cake, mamigay ng party favors and then swimming na after :)

may nakapagparty na ba sa Shanghai Garden Resort sa Paranaque...mukhang ok yung place for 13,500 kasi you get the whole place na from 9a-9p.

xiansmom

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #102 on: January 17, 2012, 12:30:15 am »

^php13,500 sis...awww ganun pala kamahal rent...grabi pala kamahal naman!
parang mag mcdo nalang ako kung ganyan,dagdagan nalang kunti may pagkain kana may venue na lahat...haayyy...ako hanap pa baka may mura bandang bfrv kahit hindi whole day,ok na yun!

abby_08

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #103 on: January 17, 2012, 06:21:37 pm »
eh kaso sis swimming party talaga ang plano namin so out talaga ang Fastfood/Restaurant na venue kahit pa mas nakakamura kamin dun kung sakali

for me mura na kasi yung 13,500 sa number of guests ko na 100 tapos private pa yung venue and then yung timeslot na sakto lang talaga sa gusto namin na 9am to 9pm...madami na kasi akong napagtanungan na mga private resorts and most of them have day and night rates. yung day rate mostly ang timeslot nila is 9a-5p sa tingin ko mabibitin kami, they usually allow lang 1 hour extension pero kung more than that na nirerequire na nila na kunin pati ang night rate nila eh wala naman kaming balak magovernight...yung iba naman may entrance fee na 200-250 ang isa...so for me ok na sa akin ang 13,500  na rate ng Shanghai Garden Resort.

promises_bytes

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #104 on: January 17, 2012, 08:44:10 pm »
Gusto rin namin ng swimming party for our son's 1st birthday. Suggest naman kayo ng private pool sa Cavite. TIA mga sis!

SnowBall

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #105 on: January 18, 2012, 11:27:53 am »
sa Feb. 12 na ang swimming party ng anak ko sa Southwinds resort sa laguna, ayaw ni hubby ng private pool, kasi kawawa naman daw si daughter kung walang makakalarong ibang bata, siya lang kasi ang bata sa family =)

I checked the resort, and super linis, ganda ng place.

Magbabaon na lang kami ng foods:

-lechon
-adobo
-inihaw na fish and talong
-pork BBQ
-Buttered shrimp
-kaldereta
-bagoong
-ensaladang mangga

tapos yung cake niya oorderin ko sa Mernel's cake house sa may SM calamba, nagdedeliver daw sila eh, pati order ako ng spaghetti at fresh lumpia sa kanila.

Angry birds theme, 7th birthday kasi. No host and games din, masaya na ang anak ko sa swimming, love niya talaga ang water =)

Nakagawa na ako ng invitation, saka thank you cards, saka cupcakes topper.

Yung ipapamigay namin na souvenir, angry birds key chains, 100 each sa clipper sta lucia.

Tatawag pa ako sa southwinds for reservation lang nung 2 nilang gazebo, since 30 persons lang kaming lahat.

Computed ko na ang gastos, aabot sa 16,000 lahat lahat na, so okay na sa amin yun, atleast makakaraos na ang 7th birthday ni anakis =)

abby_08

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #106 on: January 18, 2012, 05:58:38 pm »
^ sis, unang plano namin Laguna din kaya lang no pwede sa number of guests, hindi naman kasi kami yearly nauwi sa Pinas kaya pag nagpaparty talagang daming imbitado parang reunion ang dating

will get PartyTime for my catering, Mel did a great Job nung 1st bday ng anak ko kaya sila ulit kukunin ko and ok yung food nila...will have table setup and balloon decor pa din pero minimal na lang

we will have...

Pansit
Pork BBQ
Rellenong Bangus
Chicken Lollipop
Kare Kare
Chopseuy
Lechon

iniisip ko pa kung anong dessert namin and then will order cake kay Ms. Ve ng LeSucreries

sa kids...will get Jollibee meals for them na lang

after ng lunch swimming na yung mga kids, I will also be getting a mobile bar  and a spa party package for my adult guests, para relax relax na in the afternoon habang mga kids busy sa swimming

for the party favors hindi pa ako decided pero parang gusto ko ng beach towels and flipflops

Theme for the party will be DORA/DIEGO since yun naman ang bukambibig ng anak ko.

xiansmom

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #107 on: January 18, 2012, 10:35:08 pm »
^^sis magkano southwinds resort,at san sya banda sa laguna?
ayos na kung nasa 16k lang lahat gagastosin..kahit ako go go go na talaga...
san ka pala kukuha ng lechon sis?diba para nasa 5k din kung oorder ka ng buong litson. :)

flexusob

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #108 on: January 19, 2012, 10:55:41 am »
I'm planning for a swimming party din for my Daughter's 3rd bday party...magpapacater din kami and then I'm planning to get foodcarts and a mobile bar...no programs or whatsoever, after ng kainan magblow na ng cake, mamigay ng party favors and then swimming na after :)

may nakapagparty na ba sa Shanghai Garden Resort sa Paranaque...mukhang ok yung place for 13,500 kasi you get the whole place na from 9a-9p.

My kids had their party at Shanghai Garden last March 2010 pa.  I don't remember how much I paid for the place but it was around P7k for 6 hours.

Here are some pics:  http://multiply.com/m/item/flexusob:photos:47
« Last Edit: January 19, 2012, 11:06:17 am by flexusob »

SnowBall

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #109 on: January 19, 2012, 05:05:45 pm »
^^sis magkano southwinds resort,at san sya banda sa laguna?
ayos na kung nasa 16k lang lahat gagastosin..kahit ako go go go na talaga...
san ka pala kukuha ng lechon sis?diba para nasa 5k din kung oorder ka ng buong litson. :)

They have a facebook account sis, paki search mo na lang sa google, sa may pansol siya, nakapag swimming na mga tita ko doon, napakalinis daw, kakabukas lang kasi :)

Based sa pics nila, malinis nga yung place, love pa ni daughter yung mga kiddie pools nila, may animal slides.

Yung entrance nila 78.00 ang adult, 60 ata yung kid, di ko sure yung kid. Tapos yung Gazebo nila nasa 985, dalawa yung kukunin namin.

Sis aabot din pala ng mga 20,000 eto computation ko kagabi:

Entrance fee - (78x30)- mga 30 kami lahat eh - 2,340
Gazebo - 985x2 - dalawa kukunin namin para maluwag - 1,970
Cake - 4,000, sa Mernel's Place
Spaghetti - 1,500 - ioorder ko din from Mernel's
Fresh Lumpia - 1,200 - order din from Mernels
Lechon - 5,000
500 - thank you give aways (angry birds keychain)
3,500 - yung ibang baon na foods.

Yung ibang foods naman, regalo nung mga relatives namin.

Taga Rizal kami sis ha, so yung sa mernel's via online lang kami nag uusap, then yung sa lechon, kukunin namin sa kakilala naming lechonero. Masarap kasi sila mag lechon =)



SnowBall

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #110 on: January 19, 2012, 05:24:33 pm »
Abby_08:

sis, since taga Rizal kami, orginal plan namin eh sa antipolo lang, para pati mga kapitbahay namin at iba pang friends eh makapunta, kaso lang ang gusto ng mga relatives namin na close sa amin eh sa southwinds nga sa laguna, kasi masarap daw ang tubig, hindi mainit, hindi malamig, kaya makakapag babad daw sila, pati na ang daughter ko, eh nung makita ni daughter yung website ng southwinds, naku, gusto daw niya dun, kasi very kiddie friendly nung mga kiddie pools nila =)

Kaya yun,  nasa 30 lang kami, kasi yung mga may sasakyan lang talaga makakapunta. Kung sa antipolo, baka umabot kami ng 50, not much difference naman. Hahaha


Maganda yung plano mo sis, ang dami mo kasing bisita, kapag ganun na malayo ang venue siyempre, mahihirapan lahat makapunta, kaya mabuti na yung malapit lang. I think 13,500 is okay naman na, since sa antipolo nag range din sa 10,000-12,000 ang private pools, sa laguna nga, may 5,000 eh, day swimming na din.

Yun lang ayaw nga ni hubby ng private pool, kasi si daughter lang ang bata sa pamilya, yung baby brother naman niya 4 mos. old pa lang hahaha.. Kaya yun, at least sa southwinds, madami siyang makakalarong bata.

May mga give aways nga ako, for the kids eh, kahit yung mga makakalaro lang niya dun hahahahah..


Goodluck sa atin mga sis, lahat naman ibibigay natin for our kids' happiness. :)


MommyPia

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #111 on: January 21, 2012, 09:19:45 pm »
Sis try mo sa Ace water spa. Para ibang swimming party naman. Good for the health pa.  ;D

SnowBall

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #112 on: February 04, 2012, 12:43:12 pm »
Excited na kami, sa Feb. 12 na ang swimming party ni panganay, hindi na makatulog ang ate :D

Kamusta mga sis, sa preps?

Yung cake ng anak ko sa Edron's Bakeshop ko na order, dito sa Taytay, kasi sa Mernel's ang hirap nilang kausap, siyempre malayo kasi, so i opted na lang dito sa amin, masarap naman sila gumawa ng cake, may yema filling.

Kumpleto na kami, foods na lang bibilhin, gumawa pa ako ng do it yourself na cupcake tower, using lang plates at bottles hahaha. :D

abby_08

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #113 on: February 17, 2012, 06:01:26 pm »
Congrats Sis Snowball, success ang swimming party....we changed our mind na kasi July-August ang uwi namin sa pinas eh tagulan na yun sa atin, kaya we're thinking of something indoor na lang like Activefun or FunRanch since yun naman din ang hilig ng daughter ko :)

sarap naman ng handa niyo, ang daming food..congrats ulit sis!

SnowBall

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #114 on: February 19, 2012, 10:53:37 am »
Thank you sis Abby, food talaga ang naging priority namin, haha :D

Goodluck sis on your party for your kiddo, kahit anong makakapagpasaya sa kanila diba :)

redpill

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #115 on: June 13, 2012, 11:14:09 am »
ano magandang food para sa swim party? 3yo na yung daughter ko. TIA!

Dhendhendhen

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #116 on: June 18, 2012, 10:57:26 am »
My son is celebrating his 7th bday, july 7... buti sumaktong saturday sya... :P
Mas pinili ng anak ko swimming party, kasi mas enjoy sya.. i asked him kung gusto niya pang mag clowns, pero he decide na huwag na lang.. basta swimming is fine.. Good decision anak!!

Sheryberry sweets ang gagawa ng cake ng anak ko with cupcakes.. Angy bird Rio Themed cake
I'll buy some give aways sa divisoria.. planning to buy it from Anding's toy store
And I decide na maglagay ng simple kiddie corner with lots of candies... para enjoy pa rin ang kids kasi no more games and program...
I am still looking for an ice cream cart in Malabon.. baka may alam kayo mga sis?
And for the foods, kami na lang magluluto.. all time favorite is Pork Adobo, Menudo, fried chicken, hotdogs, for spag and palabok order na lang..

Sa venue naman sa M&A resort malabon, per head ang bayad.. P100 ang entrance.. so nagbudget kami for 50 persons.. kasi mas mahal ang private function P15k eh.. So its better na per head na lang....
Invitations, I made it myself... and via fb ko na lang sya sinend... para makatipid kahit konti.. :) :) :)

kareni

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #117 on: June 24, 2012, 07:48:56 pm »
My son is celebrating his 7th bday, july 7... buti sumaktong saturday sya... :P
Mas pinili ng anak ko swimming party, kasi mas enjoy sya.. i asked him kung gusto niya pang mag clowns, pero he decide na huwag na lang.. basta swimming is fine.. Good decision anak!!

Sheryberry sweets ang gagawa ng cake ng anak ko with cupcakes.. Angy bird Rio Themed cake
I'll buy some give aways sa divisoria.. planning to buy it from Anding's toy store
And I decide na maglagay ng simple kiddie corner with lots of candies... para enjoy pa rin ang kids kasi no more games and program...
I am still looking for an ice cream cart in Malabon.. baka may alam kayo mga sis?
And for the foods, kami na lang magluluto.. all time favorite is Pork Adobo, Menudo, fried chicken, hotdogs, for spag and palabok order na lang..

Sa venue naman sa M&A resort malabon, per head ang bayad.. P100 ang entrance.. so nagbudget kami for 50 persons.. kasi mas mahal ang private function P15k eh.. So its better na per head na lang....
Invitations, I made it myself... and via fb ko na lang sya sinend... para makatipid kahit konti.. :) :) :)


sis, very good idea.  wala ka pa kausap na mga party vendors na puro sakit lang sa ulo at sa dibdib ang ibibgay sa yo.  tanong ko lang pag swimming party hindi ba mali-limit ang possible kiddie guests mo since not everybody can swim?




Dhendhendhen

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #118 on: June 25, 2012, 12:47:45 am »

sis, very good idea.  wala ka pa kausap na mga party vendors na puro sakit lang sa ulo at sa dibdib ang ibibgay sa yo.  tanong ko lang pag swimming party hindi ba mali-limit ang possible kiddie guests mo since not everybody can swim?





hindi naman sis, kasi karamihan ng pupunta malalaki na... :) ang pinaka batang nasa bday ng anak ko eh yung isa kong anak na 2 yrs. old na mahilig din sa tubig.. hehe..

starchild

  • Guest
Re: swimming party
« Reply #119 on: August 15, 2012, 12:07:39 am »
Hi sisses, I've been backreading on the venues thread and here pero wala pa din akong makita na indoor pool, my baby's 1st birthday is on Oct 10 and we're planning to celebrate on the 14th, but since the weather is so unpredictable at parang puro bagyo na tayo, naghahanap na lang ako ng indoor pool. My nahanap na kasi kami na place sa Antipolo kaya lang nga, pag umulan, baka naman magkasakit [textspeak!] mga bata  :( My budget is 10k lang. Hope someone can suggest some places. Thanks.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close