watch now

Author Topic: all about SINIGANG  (Read 99395 times)

stormy

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #180 on: September 13, 2009, 06:55:13 pm »
^kami rin patis pantimpla sa patis pero nung tumanda na hindi na kasi mas conscious na sa kalusugan :)

misteryosako

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #181 on: September 13, 2009, 09:57:58 pm »
ulam namin kanina is sinigang na bangus sa miso.. yummy! kasi maasim pagkaluto nya.  :D

silverlilac

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #182 on: September 13, 2009, 10:34:44 pm »
sarap talaga pag maasim yung timpla ng sinigang - mas mapapadami ng kain tuloy! ;D

purpleish

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #183 on: September 13, 2009, 10:55:45 pm »
ako naman may na experience kame ni hub na kakaibang Sinigang nung ng punta kame sa Palawan :D talagang kakaiba dahil made of Buko hehe....incase mga sis mag punta kayo ng Palawan, check niyo ito: Ka Lui's - Sinigang na Buko

pero sympre mas love ko pa den na maasim..something new lang talaga to try hehe...nasa bandang baba yung entry ko ng Ka Lui's
« Last Edit: September 13, 2009, 10:58:35 pm by purpleish »

cherry*coke

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #184 on: September 14, 2009, 12:21:25 am »
what do you use? the real sampaloc broth or the ready-made mix?

purpleish

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #185 on: September 14, 2009, 12:25:47 am »
^ dati nun sampaloc talaga, tandang tanda ko yan nung bata pa ako kasi ako taga piga hehe...pero ngayon ready made na ang gamit ko...

taka lang ako mga sis bakit ganun sa foodcourt ng SM, parang malalasa talaga yung mga Sinigang nila ???

silverlilac

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #186 on: September 14, 2009, 12:31:03 am »
^sis feeling ko nilalagyan pa nila ng extra MSG yung sa food courts e, kaya mas malasa. i also use the ready-made sinigang mix. minsan i put a small piece of a chicken cube, para lang lumabas yung lasa. and kanina nung nagluto ako ng sinigang, i used the hugas-bigas - mas hearty/malapot yung sabaw...sarap as in!  ;)

purpleish

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #187 on: September 14, 2009, 12:48:48 am »
^ tama nga sis...yan den pala sabi ng mommy ko yung iba daw mas madame ang nilalagay na betsin para mas malasa yung pagkain..bad for our health...

teka yung bang mga Magic Sarap etc, macoconsider den ba siya as betsin?ano ang mas matapang sa dalawa yung betsin yung mga granules granules na yan ???

ayan nagmamadali ako sumagot nito sis at baka mabasa ni Dencio sa likod ko LOL, di bale past nanaman ito ;D oo nga tama ka sis...dati nun si X pag nagluluto ng Sinigang ang gamit niyang pang sabaw yung pinaghugasan na bigas, yung pangalawang hugas nga ata...

kasi one time ginawa niya yan nung ng luto ng Sinigang nag taka talaga ako, sabi niya mas malasa daw talaga pag ganun, maski sa Tinola, ganyan den... ang galing, ganun pala yun, mas masarap ang lasa... ;)
« Last Edit: September 14, 2009, 12:51:26 am by purpleish »

mkasj_rn

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #188 on: September 14, 2009, 12:51:27 am »
masarap sa sinigang kapag maasim then my sili na green tapos mainit na mainit yung sabaw then kumpleto sa sahog kahit d ako gaanong mahilig sa pork napapakain tuloy ako bigla. Tapos my patis and kalamansi na sawsawan, haha sira nag diet ko.

kutingpie

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #189 on: September 17, 2009, 06:18:30 pm »
had sinigang na buto buto and fried fish nung may bagyo..sarap, mainit na sabaw! :)

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #190 on: September 18, 2009, 10:59:28 am »
I dunno why pero i like yung sinigang na puro laman than if they use buto-buto. :P

lemonade

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #191 on: September 18, 2009, 11:03:20 am »
sinigang na baboy uli ang ulam namin for lunch today. napapadalas ang sinigang namin kasi favorite ng daughter ko yung labanos. kaya tuwang-tuwa sya pag sinigang ang ulam.  :D

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #192 on: September 18, 2009, 11:06:39 am »
^ sarap naman Joy :P kung nasa house lang ako, papaluto din ako nyan!

lemonade

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #193 on: September 18, 2009, 11:27:16 am »
^oo nga eh, masarap kasi yung mainit talaga yung sabaw. di bale, long weekend na simula bukas. pwedeng-pwedeng mag-sinigang.  :)

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #194 on: September 18, 2009, 02:21:35 pm »
^ request ko nga yan! hehe parang gusto ko sinigang na hipon ah! :P

purpleish

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #195 on: September 18, 2009, 03:10:06 pm »
mga sis ayos yan ah..nakakaamis naman ng dila ang maasim ng Sinigang hehe :D

lovelylove

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #196 on: September 18, 2009, 03:27:01 pm »
awww....

nangangasim tuloy ako habang binabasa tong thread na to... grabe ang sarap naiisip ko pa lang....

mamaya dadaan ako ng supermarket after office, sinigang ng baboy ang lulutuin ko for our dinner mamaya.... favorite din ng mga anak ko sinigang, dami nila nakakain...

princesse_sophie

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #197 on: September 20, 2009, 05:24:16 pm »
When in a rush with literally no time to defrost and slice the pork/meat, we cook corned beef sinigang, using any regular canned corned beef. I like the texture and how it crumbles in the soup so every subo ng sabaw may konting corned beef. Must try for the overly busy cooks!

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #198 on: September 20, 2009, 09:46:45 pm »
mga sis, try nyo rin the Sinigang na Tadyang na Baka (from Kanin Club) and Sinigang na Lechon (from Kabisera ng Dencio's). My faves! :D

I saw a reviews sa clickthecity about C2 Classic Cuisine. Parang ang yummy nung crispy ribs sinigang nila! May naka-try na ba? How was it?

purpleish

  • Guest
Re: all about SINIGANG
« Reply #199 on: September 20, 2009, 11:27:58 pm »
^ kanina sis galing ako summit, nakita ko na may C2 Retau pala dun, and mostly ng mga sineserve pala nila na food mga filipino foods...sabi nung babae isa sa mga specialty nila is Kare 2x..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close