I'm so glad to find out na marami pa rin palang nagko-cross stitch. Dami na kasing mga cross stitch stores sa mga malls na nagsara na like yung Stitches N' Things sa Megamall, tapos yung ibang branches ng Heavenly Stitchin Moment, sarado na rin. Ang natitira na lang yata yung sa MOA, SM Fairview at SM North. Today, I went to Tabora St. in Divisoria, iisa na lang ang nakita kong cross stitch store, yung GST something ang pangalan. Sabi ko nga sa friend ko, nalulungkot ako, parang unti-unti nang namamatay ang cross stitch craft. Sabi nung taga Heavenly Stitchin Moment sa MOA, karamihan daw ng bumibili ay mga foreigners kaysa locals. Ganun din ang sabi ng sa Dreams. Kaya mga sis, let's keep the cross stitching spirit alive

I seriously started cross stitching way back in 1998 (although I did some cross stitch projects in grade school), when I saw the finished and framed Memory Lane pattern in Dreams. Yun nga lang, more than 10 years na hindi ko pa tapos, pano, ang dami kong isinisingit na ibang patterns, hehe!
For those looking for cross stitch stores, here are some that I know of:
Mimosa - Quiapo, sa may palengke. Madami silang patterns dun. P11.25 ang DMC threads nila. Pwedeng tawaran na P11.00 na lang if 12 or more ang bibilhin.
Manila Lace - Quiapo, sa may palengke rin. P11.00 ang DMC nila.
New State Lace Center - sa Tutuban Mall, Cluster Bldg. II. P11.50 ang DMC pag less than 12 pcs. Pag 12 or more, P11.00. Marami silang pattern. Sabi rin nila, marami pa namang nagko-cross stitch.
Happy stitching to all of us!

Yun nga lang, pakiramdam ko, ang bilis lumabo ng mata ko. . . but the feeling of fulfillment pag nakatapos ka ng isang project, hay, walang katulad, hehe!