watch now

Author Topic: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)  (Read 165605 times)

she051501

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #340 on: October 30, 2010, 03:08:58 pm »
^ yap sis shery meron ..pwede mo makita binobrowse ng mga nakaonline tas if ever viewing siya ng hindi maganda ...ng  you can also send them a message na ...bawal yun or kahit anong gusto mong iparating sa customer mo ..... :D

dati nung nag start pa lang  ako  4 pa lang PC ko manual time lang din ang  kaso ang hirap eh minsan lumalagpas ..pati need talaga nakastay ka sa server unlike pag may timer kahit iwan mo ...khit may ginagawa k ..automatic ..lock n PC nila .. :)

gummy bear

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #341 on: November 01, 2010, 05:37:28 pm »
anong dating plan mo sis? ibig sabihin ba ngayon wala kang connection dahil walang port for the upgraded plan?

Hay, until now wala pa rin yung upgrade ko..Plan 4k ang internet ko. Pero mag-a-upgrade daw ang PLDT, same plan pa rin pero babaguhin yung account tapos papalitan yung modem ko with wifi na kasama tapos may free PC.. Itong PLDT, nangongolekta lang yata ng subscribers. Kahit wala pang new port, pinapabayad ang mga tao. Tapos pag galit ka na kakafollow-up sasabihin sa yo, i-refund mo na lang.

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #342 on: November 05, 2010, 04:34:34 pm »
^hay sis ganyan pldt ako nga yung we roam ko after 1 year nag lumpsum sila ng bill ang laki nagulat kami walang bill last year tapos bigla ngayon. ganun din ako ng nag simula din walang dumadating na bill eh nag province ako pag balik ko putulan na kami hinahabol ko naka computerized n daw sa kanila at hindi ko na mahabol kahit nakabayad pa ako, ayun pag pay ko bukod pa pay ng putol may pa sa reinstall. at ang laki kasi pati phone and internet.
sa computer shop bussiness kelangan may services ka kasi pag puro rent out naku mahina talaga kasi dami na ngaun na 10 lang ang rent kakainis nga yung ganun eh! hindi tama! kasi mahal mahal na kaya kuryente tapos yung pag DSL ka kelang mataas mbps mo para mabilis para pasukan ka lalo na ngayon mga customer ang dami daming application pag nag rent, may youtube, FB play pa bukod chat, tapos may play pa! reklamo pa yan pag hang sila!

she051501

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #343 on: November 05, 2010, 09:27:31 pm »
^hay naku sis ..sinabi mo pa pag talaga mabagal iwan ka  ng mga customer .. samantalang wayback 90's yata yun 60 per hour pa tas sobrang bagal ng net ..parang dial up lang .. :)

khrisang

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #344 on: November 24, 2010, 04:23:02 pm »
hi mga sis, may computer shop din ako. nareceive ko na yung computer bill ko. 9k a month. parang namamahalan ako. kasi... ang mga gamit dito sa shop... AC 1.5hp tas 10computer na lcd monitor. tas dalawang fan lang... modem router switch... pero 9k... naiisip kong magpower saver yung isinasaksak na may ilaw... gumagana kaya un? 3k kasi yung nakita kong presyo non, baka di naman effective... any advice? thanks!
« Last Edit: November 24, 2010, 05:00:47 pm by khrisang »

jellyace

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #345 on: December 12, 2010, 08:55:47 pm »
I'm planning to put up my own cafe this dec. tinatamad na kasi ko magtrabaho gusto ko ako naman ang boss,lol. May mabibili kaya akong ok na unit for 9k sa gilmore? may mairerecommend ba kayo store na willing mag deliver ng units kahit sa terminal lang ng bus kasi sa province pa yun gagamitin e.

Sa province namin plan mag set-up and luckily since bundok  ;D yung lugar namin ngayon palang siya narating ng pldt. E sabik ang mga tao dun sa internet pinagtatyagaan nila smartbro dun sa superbagal kasi wala naman 3g connection dun. Sabi ng mama ko nasa P50 daw ang singilan duon. E dalawa lang naman meron internet cafe dun (na smartbro din gamit habang wala pa pldt) at lagi daw puno. Sana madali namin mabawi ang capital para makapag expand pa.

Yung cafe suite free lang ba yun?

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #346 on: January 13, 2011, 12:39:10 am »
hi mga sis, may computer shop din ako. nareceive ko na yung computer bill ko. 9k a month. parang namamahalan ako. kasi... ang mga gamit dito sa shop... AC 1.5hp tas 10computer na lcd monitor. tas dalawang fan lang... modem router switch... pero 9k... naiisip kong magpower saver yung isinasaksak na may ilaw... gumagana kaya un? 3k kasi yung nakita kong presyo non, baka di naman effective... any advice? thanks!
mura na yan kasi ako may powersaver na 9k pareho lang tayo ng gamit! tapos 1 server ako. tapos may 32 inc lcd ako sa kwarto kasama kasi ang shop sa bahay namin pero ang tao lang sa shop 9am to 11pm lang ang tao sa shop. kung mag power saver ka may less na rin meron ako nun malaki rin ang na less. mga 3-4 ngayon

khrisang

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #347 on: January 26, 2011, 10:08:02 am »
mura na yan kasi ako may powersaver na 9k pareho lang tayo ng gamit! tapos 1 server ako. tapos may 32 inc lcd ako sa kwarto kasama kasi ang shop sa bahay namin pero ang tao lang sa shop 9am to 11pm lang ang tao sa shop. kung mag power saver ka may less na rin meron ako nun malaki rin ang na less. mga 3-4 ngayon

thanks sa reply sis dezz... naku... yung bill ko umaabot na siya ng 11-12k nung nakaraan kaya todo tipid kami sa aircon. gaano mo na katagal ginagamit yung power saver? kahit paano narelieve ako kasi may gumagamit at effective pala. kaya lang kasi sabi nila sa simula lang maganda e... titingin ako sa ace hardware baka may makita akong mura don :) thanks again :D

khrisang

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #348 on: January 26, 2011, 10:15:41 am »
im also planning to put up a computer shop.. and like you jellyace, tinatamad na rin akong magwork at gusto ko ako rin ang boss, lol! :)

can anyone tell me how much ang capital if i'd be having less than 10 PC's? pasuggest na rin po kung saan mura magbenta ng PC. tia! :D

hi.. [textspeak!] sakin pumapatak ng 17k per unit. ayaw ko kasi magbaba ng specs ng pc ko e. 10 units meron ako, 11th [textspeak!] server ko. may mga mura pa dun kaya lang kasi yun nga, ayaw ko magsuffer yung specs... kasi malamang in the next year di na maganda yung specs ng pc na meron ako ngayon. ang naging starting capital ko is 300k. kasama na [textspeak!] mga papers sa bir, rent ng place, tas yung lalagyan ng mga computer, chairs, tas [textspeak!] mga kailangan pa sa net, aircon at fans. i started from scratch talaga kaya lahat bago. including the printer pa. pero less 300k. pero almost 300k na rin umabot. pc pa lang kasi 220k na e. tas [textspeak!] mga cable pa.. installations, programs... technician.. kaya umabot ng malaki e.

SunsetDream

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #349 on: February 03, 2011, 01:09:06 pm »
hello mga sis may alam kayo san pwede ibenta mga 2nd hand monitors & computer parts? Nag-upgrade kasi kami so need to sell them sana.. thanks!:)

and how much pala Business Permit nyo this year? nagtaas kasi samin haay

khrisang

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #350 on: February 08, 2011, 11:20:48 am »
i see, thanks sis! :) medyo malaki pala talaga ang capital. comsci grad kasi ako at adik ako sa computer kaya naisip ko na bakit hindi nalang yun ang gawin kong business tutal hilig ko naman siya. kamusta sis ang business? iniisip ko rin kung saan kasi maganda magtayo, ang dami na kasing shop dito s amay amin, matindi kumpitensya, hihi..

yung business... so far ok naman, nakakabawi, tas konting profit lang. talaga mabagal ROI dito. di ka talaga kikita ng sa rent lang ng pc e. dapat mattrack mo rin yung kita mo a month, akala ko dati palugi na talaga, pero hindi naman pala, nakakabawi din kahit pano. dapat may mga add-ons, minsan sa printing ko pa ako nakakaquota e.

oo, maganda yan kasi grad ka pala comsci. ako nag-aaral pa rin kaya di ko na rin nababantayan. mahirap din kasi yung sa monthly bills e. sa kuryente pa lang ang hirap na. tas shmpre di naman mwawala yung mga kakumpetensya... malapit lang sa bahay yung pinili kong place kasi di na ko mahihirapan magmaintain. lalo na at nag-aaral pa din ako. dun sa amin, nagpromo sila ng 25 pag 2 hours ka. kaya syempre tatapatan din namin yun. ang mahirap pa pala, yung laging masisira yung mga mouse, keyboard at headset, dapat lagi kang may spare. ultimo ethernet cable. pero siguro alam mo naman icrimp na yon kaya wala ka ng problema sa technician. ako kasi masscom, kaya limited lang yung alam ko. may mga times na pag nagbabaklas ako ng cpu, nahihirapan ako dun sa power supply pag nagooverheat. di mo rin kasi matatangal na may mga parts talagang may factory default. pero shmpre, na sayo pa din un kung gusto mo. ako kasi, ewan ko. wala lang kasi ako maisip kaya eto ginawa kong business, chaka kaya ko naman wag lang hardware. at least kung gusto mo talaga, edi magiging happy ka :) sana na lang, makakuha ka ng magandang pwesto.

spoiledbaby

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #351 on: March 05, 2011, 10:25:00 am »
Gusto ko tong business na to since computer techie kami ng bf ko, we plan for this kaso walang place and magbabantay parehas kasi kaming busy. Now tinutulungan nalang namin yung friend namin sa computer shop nya.

sheng_kah

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #352 on: March 06, 2011, 01:47:01 pm »
since mga computer owners kayo baka gusto nyo po mag load ng e-games and online games upto 25% off po


pm me for details

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #353 on: September 12, 2011, 06:55:08 pm »
^^as of now matagal na ang ROI ng computer shop kaya dapat may services talaga!! kaya tyaga na lang at ako na mismo may ari at bantay ng shop ko! ang tech ko bro ko kaya wala me bayad pero kung wala talaga nag maintain ang bayad service nila 500 per computer ang pag aayos lang!! sis meron na din me online loading system katulad din netopia!!

chofontanilla

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #354 on: September 29, 2011, 06:13:23 pm »
ano kaya magandang promo for internet shops? suggest namankayo. thank you!

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #355 on: October 02, 2011, 09:24:01 pm »
^giveaways like if naka-consume na sila ng 3 hours. Lugi ka kasi if you give extra hours. Consider your Meralco bill rin.

removed the "solicitation" happy? :)
« Last Edit: October 16, 2011, 11:37:08 pm by aoshi_01 »

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #356 on: October 11, 2011, 12:12:08 am »
ako ang promo ko 4 hrs. 50.00 pero yung mga katabi ko 2hrs 25. patok sila kasi sila puro gaming ako kasi wala!!

she051501

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #357 on: October 12, 2011, 06:04:14 pm »
sino dito naka piso net ..:) gusto ko sana itry :)

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #358 on: October 15, 2011, 10:09:24 pm »
^ anong piso net> [textspeak!] maglaglag ng coins or print?

she051501

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #359 on: October 15, 2011, 10:11:58 pm »
^piso net sis yung maghuhulog ka ng one peso coin  para makapagnet ka hehe  ..parang videoke hehe ..:) gusto ko sana magtry non kahit 2 PC lang ..wl ba ditong nakapiso net  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close