watch now

Author Topic: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)  (Read 165761 times)

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #200 on: September 09, 2009, 12:42:55 pm »
Perfect Sense ang Headset na gamit namin dito, worth 150 lang, bought through TPC  ;D  May discount pa pag maramihan ang bili.  More than a year na naming gamit ito, ayos pa rin. ;)

Yung mic niya, nasa cord na mismo, kasama ng volume.  Mas okay yung ganun, kaysa yung parang sa callcenter, napaglalaruan kasi pag ganun.

May Heroes of Newerth (HON) ba kayo?  Feedback?

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #201 on: September 11, 2009, 12:20:01 pm »
sis ria ano yang Heroes of Newerth? free to play? LAN game rin ba? sensiya daming tanong, mukhang kailangan ko na mag download ng lan games na walang license dito sa shop. at 2 days kaming nawalan ng net dahil umuulan.

madhel

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #202 on: September 12, 2009, 04:39:20 pm »
mga sis, ask ang mga customers ko kung di daw ba ako nagbebenta ng ecoins for sf
info naman mga sis, di kasi ako naglalaro nun
may supplier ba nun?
may kita ba ako pag nagbenta ako nun??
card un di ba?
thanks!

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #203 on: September 12, 2009, 05:02:57 pm »
sis you can inquire naman sa gaming companies about their rates for cafe owners regarding e-coins/e-points. just send them an email (contact details are usually provided in their official websites). and yes, they give 10% discount naman so may kita ka pa rin.

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #204 on: September 22, 2009, 03:35:14 pm »
Sisters, sino ba  sa inyo ang gumagamit ng PLDT as their ISP?

I'm planning to switch to PLDT SmallBiz Lite kasi 4k lang per month. But when I inquired, sabi ng CSR 3-4 pcs lang ang kaya non.

Anyone using the same business plan pero maraming computers sa shop? Any feedback? Hirap na kasi ako sa Tycoon Plan ng Globe which sets me back 7k/month. Parang sa globe na lang napunta yung sales ko.

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #205 on: September 23, 2009, 07:43:08 pm »
mga sis, ask ang mga customers ko kung di daw ba ako nagbebenta ng ecoins for sf
info naman mga sis, di kasi ako naglalaro nun
may supplier ba nun?
\
may kita ba ako pag nagbenta ako nun??
card un di ba?
thanks!
mag pa register ka sa enegosyo.ph  mas malaki ang kita 11%
may kita ka dyan sis kahit anong games online meron sila.

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #206 on: September 29, 2009, 04:14:13 pm »
o sisters, additional income para sa atin ngayong kakatapos lang ng bagyo. since super lapit lang namin sa ortigas extension (actually the shop is IN ortigas extension, pero doon sa mas mataas na lugar), and wala pang kuryente dito, inooffer ko na ang cellphone charging. :D

wastedchiq

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #207 on: September 30, 2009, 11:38:04 am »
ilang PC ba kaya sa 500k? tsaka san po kaya magandang magtayo?
matagal ba kumuha ng business permit?

im going home to pinas soon, and i'm planning to set up an internet cafe. i have no idea where to start talaga

antipatika070407

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #208 on: September 30, 2009, 11:52:40 am »
share ko lang mga sis yung shop ng ate ko.
200k ang starting capital nya.
nakabili sya ng 10units, pero hindi pa lcd ang monitor.
bukod pa yung server nya.
ang internet naman nya ay digitel.
nagrent pala sya ng space,  dun na rin sila tumira, nagpagawa na lang sya ng maliit na kusina, may cr naman un saka room.
kaya [textspeak!] sila kahit gang 3am ng umaga, nagoopen sila around 9 or 10am.
sa kwento nya sken, naka-50k sya last month.
magaling, magaling.. :o

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #209 on: September 30, 2009, 01:07:58 pm »
lam nyo mga sis ako lang sa lugar namin ang may internet dahil puro bayantel dito at ako lang may PLDT. hindi kasi sila nawalan. nag pa pay phone ako added income dahil ako lang may phone dito.
grabe nangyari sa ibang lugar sa amin dito as in yung mga computer shop lubog. haay buti na lang hindi ko naranasan kundi nawalan lang kuryente ng 2 days. ok lang at least bumalik din. sabi nga nila swerte ang buntis lagi tuloy kami puno. pila balde pa!  :D

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #210 on: September 30, 2009, 02:21:01 pm »
^ha ha my gaz abelgas kafatid, pareho tayo. in my case naman naka-Globe kami. and yes, super pila balde ang mga customers.

madhel

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #211 on: September 30, 2009, 02:24:41 pm »
dito naman samin, di masyado affected ng bagyo kaya dati pa rin :)
nagbrownout saglit lang
di rin naman kami nawalan ng kuryente


^ kami we started sa 7 units
then after a month additional 3 units uli
ngayon 10 units na kami, 11 plus the server

naka LCD na lahat yun
we buy our units sa RSun sa Mandaluyong

moody_sassygirl

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #212 on: October 01, 2009, 04:32:23 am »
1day lang kame nawalan ng kuryente.

H02 gamit kong headset, sa TPC ko rin nabili, 180 free delivery kase same place kame sa caloocan. ok naman siya kase matibay, yung mic nya nasa volume controler.

nag start ako ng 6PC tapos naging 10 PC, now 13PC na plus 1 server. 7PC ko LCD na. kuryente ko 13k pinakamalaki, 10k pinakamaliit, open hours ko 8am to 3am.

wala parin akong gamit na timer. ok ba ang handycafe? hnd ba masyadong mabigat yung file baka mag hang [textspeak!] PC ko? ano po gamit ng ibang timer? magkano po and madali lang ba isetup?

moody_sassygirl

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #213 on: October 01, 2009, 04:44:42 am »
@sis riarz, san po nakakabili nito? Security Alarm/Camera, ano pong gamit nyong security camera?

share ko lang po yung nangyari sa shop namin, 3 weeks ago, may 3 guys na pumasok samin may mga baril, habang busy yung mga tao sa shop pati bantay dahil sa mga nagpaparint, sinarado nila yung gate namin na naka open pati yung glass door namin. tapos kinuwa nila yung CP ng player kong babae, at nung isa pang player kong lalake, yung bantay ko hindi binigay CP nya nung kinukuwa ng mga holdaper hinagis nya sa ilalim ng table kaya hindi nakuwa pero nasikmuraan siya buti nalang ganon lang ginwa saknya kase armado yung mga holdaper, yung perang nakuwa sa drawer namin mga 200 lang kase yung ibang mga buo nakatabi kaya hindi nakita. ingat kayo mga sis kahit gaano kaaga kayo magsara wala na talagang pinipili mga holdaper ngayon, kase 9PM nangyari yun samin, tapos natyempo pa na walang tao sa labas ng shop at naka motor yung 3 holdaper mga matatanda na sila.. mapapayat.. walang nagawa yung mga tao sa shop kase may mga armas takot silang sumunod para sumigaw baka kase may masaktan pa...sayang wala kaming security camera..

r4whore

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #214 on: October 07, 2009, 10:34:10 am »
Legit po ba mga Microsoft niyo?

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #215 on: October 07, 2009, 09:46:53 pm »
^what do you mean orig? oo naman kasi nag expire ang pirated.

r4whore

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #216 on: October 09, 2009, 08:18:34 am »
^ Yung genuine from Microsoft. How much bili niyo ang ilang pc pwede install-an?

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #217 on: October 09, 2009, 09:40:47 pm »
sa bro ko kasi yung para sa maramihan yun eh! hindi ko alam sya ang humahawak ng installer kasi tech ko sya.

r4whore

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #218 on: October 10, 2009, 08:05:39 am »
^ ahh, thanks po

m_lim

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #219 on: October 12, 2009, 09:32:42 am »
yung friend ko magbubukas ng internet shop pero ayaw niya lagyan ng games para daw di mabilis masira mga computers.

kikita kaya yon? alam ko kasi, mga games ang malakas sa mga tao eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close