watch now

Author Topic: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)  (Read 165561 times)

mademoiselle

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #100 on: April 23, 2009, 10:08:02 pm »
Sorry but i dont have time to backread sobrang layo na kasi ng tinakbo ng thread na to and our connection is acting up :) Anyways im interested to open up an Internet Cafe could someone give me an idea how much ba starting capital lets say for 10 pc, And gano katagal ang Return of Investment? Lastly on a daily basis how much yung average na kita? Thanks ;)

SunsetDream

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #101 on: April 24, 2009, 04:36:43 pm »
hello mga sis, long time no see :D
na-adik kasi ako ng konti sa facebook haha! and nag-train pa ako ng bagong attendant so ayun.. then hindi ko namalayan na may new thread na pala ang Internet Cafe thread..

@sis mademoiselle: Starting capital for 10 PC is mga P250,000.00 siguro.. or pwede pa mas lower ang budget for as long as hindi ma-jeopardize yung quality ng mga PC's, syempre kasi dapat mabilis ang mga PC for games..
Yung Return of Investment naman actually depends kung gano kalakas yung shop.. usually yan pag bagong open malakas kasi curious yung mga customers at syempre dahil bago yung mga PC eh pupuntahan ka ng mga tao.. pero sa tingin ko makukuha yun in 1 year or less..

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #102 on: April 24, 2009, 04:52:08 pm »
^^Sis backreading helps a lot especially if you're interested in opening any kind of business...research to the max muna dapat para hindi magsisi sa huli.  Check mo kung buhay pa yung old thread for that question have been answered numerous times na rin. ;)

Umulan, umaraw, may pasok o wala, wala pa rin paawat ang mga gamers ko...ako ang sumusuko eh  :P

SunsetDream

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #103 on: April 24, 2009, 05:11:50 pm »
weee gusto ko lang mag-bigay pugay kay sis aoshi *clap clap* *standing ovation* pa :D for sharing here yung Blue Coat K9 Web Protection Program.. mukhang malaki magiging tulong nito sa shop lalo na dun sa mga pasaway na laging nag-lilimewire (susko bumabagal ang net namin pag may ganun!) o.0 tapos kung ano anong virus pa ang na-dodownload minsan..

So anyway dagdag yun sa protection ng mga PC dito sa shop which currently has the ff. security protections:
1. Cafe Manila Cafetimer
2. Avast anti-virus
3. Deepfreeze
4. and now, Blue Coat K9 web protection :D

thanks again sis aoshi!

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #104 on: April 25, 2009, 08:18:49 pm »
^walang anuman. pang-award yang program na yan anetch? dami ko nabubuko diyan na mga nag-a-attempt mag-porn dito sa shop. pero yung mga websites like y8.com minsan na-block rin, allow that website na lang ang drama ko kasi kawawa naman ang mga bagets na naglalaro doon.

kingcelio

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #105 on: April 28, 2009, 10:48:18 pm »
hi sis! help naman po , ask ko lang kung san po pwede ma-download yung exteel, saka ano po ba latest games ngaun ????
thanks po!   ;) :)

madhel

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #106 on: April 28, 2009, 11:08:29 pm »
wala pa rin kaming dsl :(
hay,..
sa kabubukas lang na shop gaya ko, nakakahina ng loob :(
ang hina ng shop :(

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #107 on: April 29, 2009, 12:25:28 pm »
^sis have faith. magkakaroon rin ng customers yan. tsaka bakasyon kasi ngayon, walang pera ang mga bagets pang-laro.

suggestion: magpa-promo ka. nung nag open ako ng shop, for every 2 hours na internet or games, may freebie sila (like poster, coin purse, whatever... 168 mall lang ang katapat niyan marami kang makikitang pwedeng giveaways doon).

hi sis! help naman po , ask ko lang kung san po pwede ma-download yung exteel, saka ano po ba latest games ngaun ????thanks po!   ;) :)

sis try mo dito: http://exteel.iam-interactive.com/

Rosa Mystica

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #108 on: April 30, 2009, 03:31:57 am »
wala pa rin kaming dsl :(
hay,..
sa kabubukas lang na shop gaya ko, nakakahina ng loob :(
ang hina ng shop :(

eto siguro yung sabi ng mga sisses natin na me lean at peak season ang computer shop. tama si sis aoshi. magpapromo ka. ako naman ang promo ko eh tournament sa sf. excited na ang mga bata.

kami ala din pldt dsl. smart broken lang. yung lang kasi ang meron sa amin at globe. kaya super lag ng online games. nagagalit ng nga ang mga alaga ko eh kasi nagfrefreeze yung laro nila kaya ayun natatalo sila. pero me narinig ako na news na me pldt na daw sa amin. yun ang sabi ng my game staff na lumilibot sa amin. kaya iinquire ako. sana totoo. kaya lang kailangan siguro magpadagdag na din kami ng pc kasi magastos din ata yon. sana madagdagan ng 4...

good mrning sa lahat.

grabe ang mga alaga ko din nga pala addicted sa pet society at my brute hahaha. ;D

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #109 on: May 01, 2009, 11:25:50 am »
NAHOLDAP NA NAMAN nung isang gabi yung malapit dito na shop.....  with same M.O.: pinasok ng madaling araw, me baril at pinaghubad lahat at kinulong sa CR para makatakas ang mga salarin.  Naholdap na sila last November. Di na sila natuto.  Ayun, me suki na silang holdaper. ::) >:(

Sabi nung isang suki ko, buti daw yun, holdap lang (?) kinuha lang yung kinita nung araw na yun at ilang valuables, hindi tinangay ang mga PC. But still....

Todo ingat din kayo. So hindi pala porke naholdap na, di na mahoholdap ulit. :P

ktintin

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #110 on: May 01, 2009, 05:07:15 pm »
sis help!!!!

problem:
ayaw gumana ng ayos ang printer ko... wlang red ink na lumabas.. ive tried head cleaning for nth time na wala pa rin..

hmmmnnn, [textspeak!] kaya gagawin ko mga sis?? grabe eto na lang ang printer ko na gumagana nagkaganito pa..
brother dcp150c ang gamit ko, help naman jan...
TIA

moody_sassygirl

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #111 on: May 05, 2009, 04:44:38 pm »
ok po pa ang widescreen lcd? kase yung dati kong lcd na AOC binenta ko at pinalitan ko ng samsung na standard lcd. dati kase bago palang ang widescreen marami pang games na hindi compatible sa widescreen. ngayon po kaya? balak ko na kase palitan yung 6 crt namin. 7 na yung naka LCD namin puro samsung, pero sirain pala ang samsung. may nakita mo ako sa openpinoy eto po yung url nya.
http://openpinoy.com/shop/step1.php?number=1750
tingin nyo mga sis ok kaya? o mas ok kung sa pc option nalang ako bumili? kase alam ko mga 5,600 ang LG 17" nila. ok parin po ba ang 17" na lcd or mas ok na kung mas malaki para hindi na mapgiwanan?

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #112 on: May 05, 2009, 05:30:01 pm »
Ingat tayo sa mga customer na sobra sa pagka-dishonest.

Yesterday, since mag-isa ako sa shop and ang daming ginagawa sa main pc (print, scan, scan ng flash drive) and sakto mag-out itong isang customer ko. Inayos niya yung mga laman ng bag niya sa counter and I even told her "Ate, yung cellphone mo baka maiwan mo.". Then lumabas ako ng counter to assist another customer.

Pag balik ko ng counter, andoon ang cellphone niya. I even asked the customers if the phone belongs to any of them. All of them said na hindi sa kanila ang phone. So ang i-a-assume mo agad was that the woman left the phone, diba?

Nahabol ko pa siya kasi pababa pa lang siya ng building, telling her "Ate, naiwan mo phone mo." she said thanks and kinuha na ang phone.

Siguro wala pang 3 minutes nung umalis yung girl, may dumating na customer and dumeretso siya agad sa workstation na pinang-galingan niya and was asking if may nakita akong mobile phone. I was like "S***t!".

I offered na tawagan pa yung phone, nag-riring naman then on the third call pinatay na.

Lesson learned talaga sa akin yun na if may maka-iwan ng valuable, i-lost and found ko na lang...hay. :( Buti na lang the customer assured me that she won't hold me liable for what happened.


dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #113 on: May 05, 2009, 06:13:06 pm »
^^ok un sis sa open pinoy dun me kumukuha ng LCd meron nga sila IBm black 17 inch pero di wide screen un ha 4900 lang mura na un at maganda yun dati kasi dun me kumuha angel na wide screen. 19 inch mahal nga 6900 no choice lang kasi that time nangailangan ako wala sila LCD available kundi un lang. hindi maganda rin kasi malaki ayaw ng customer hindi sanay dami umaangal pag pinapasok ko sa pwesto ng widescreen ko na 19 inch dun malaki daw! pero mas ok na ang 17 inch.

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #114 on: May 05, 2009, 07:16:00 pm »
Sa amin naman widescreen lahat, mas maganda sa paningin ko at sa mga alaga ko dito.  Lula sila kasi 22" hehe  ;D

Samsung ang brand na gamit namin ever since, never naman kami nagkaproblema.  Kahit yung dating CRT namin, Samsung. ;D  Kahit TV namin sa bahay, Samsung din...haha...loyal..at wide screen din.  Tnry nga ni hubby na gawing monitor yung TV sa bahay (32" LCD), haha ang kulet, sobrang laki! ;D

Sis Aoshi, badtrip naman yan...  :-[

moody_sassygirl

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #115 on: May 05, 2009, 07:43:25 pm »
thanks sis dezz..

sis riarz wala po bang problem sa gaming yung widescreen?

yung first lcd ko na 15" samsung super tibay nya yun yung nasa server. kaya yon narin binili ko sa 7 ko na unit kaya lang 3 na yung na pa repair ko.

may gamit po b kayong protection sa lcd nyo?

cyelo1

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #116 on: May 05, 2009, 07:59:33 pm »
sis help!!!!

problem:
ayaw gumana ng ayos ang printer ko... wlang red ink na lumabas.. ive tried head cleaning for nth time na wala pa rin..

hmmmnnn, [textspeak!] kaya gagawin ko mga sis?? grabe eto na lang ang printer ko na gumagana nagkaganito pa..
brother dcp150c ang gamit ko, help naman jan...
TIA


hay naku sis, Brother rin brand ng printer ko, dcp-165c naman akin.
2 weeks palang printer ko non, nasa service center kagad. That time nagka-problem yung purge nya. Then, after a week, nagkaprob nanaman, di lumalabas yung black ink. So I called Brother hotline, as in nagreklamo talaga ako to the max. As in, i wanna return or exchange nalang to the other item nalang yung printer na yun. Kasi taga-Valenzuela pa ako and malayo pa sa amin yung service center nila kung pupunta pa ako. Sayang pa gas and effort. Kaya nag-todo reklamo talaga ako sa kanila. Kaya ang nangyari, pipick-up nalang nila yung printer here sa shop ko & idedeliver din nila pag ok na. As of now, ok na uli tong printer na to.
Very sensitive kasi ang brother e, sana hp nalang or Canon binili ko.

I advice you nalang sis that you call their hotline, they can also assist you or teach you on what to do over the phone.

brother phils - 5819800.

hope it helps.

moody_sassygirl

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #117 on: May 05, 2009, 08:04:52 pm »
ganyan din po nangyari sa brother printer ko mfc naman sakin. pero pina ciss ko kase yun kaya inisip ko baka dahil sa ciss. yun sayo rin ba sis cyelo1 naka ciss?

snove_12

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #118 on: May 06, 2009, 12:42:29 pm »
^same tayo sis siguro dahil sa ciss..pinatingnan ko na yung printer ko ang sabe need na daw palitan yung printer head ba yun..kaya lang mahirap maghanap ng parts ng brother printer kya scanner na lang ang silbi ng brother dp150c ko..hay!!

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #119 on: May 06, 2009, 01:29:57 pm »
Yup may acrylic LCD protector lahat ng gamit dito.  Maarte kasi asawa ko, ayaw ng may fingerprints sa screen hehe.. ;D  Saka masisira daw pag nadudutdot nga mga bata.

Sis moody, yupz, never pa naman nagkaroon ng problem ang games sa widescreen.  Lufet nga pati NBA 2K9  ;D  May auto adjustment naman per game so ayos lang.  Dapat din maganda ang videocard para di sayang ang graphics. ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close