^Sis iapila mo kaya? Kung may iba pang establishment na malapit sayo, tanong mo kung ganun din ang ginawa sa kanila. Unfair naman yan. Hirap hirap kumita ng pera eh tapos dami nilang imaginary fees.
MGA SIS, DOBLE INGAT TAYO.Andito yung suki ko na mejo matagal kong di nakita kasi naging busy sa GF.. Hehe.. Solo flight na naman ako ngayong araw kaya good thing na andito siya, may civillian guard ako.

Kwento niya sa akin, yung insan ng barkada niya na may shop,
NALIMAS KAHAPON LANG. 
14 PC, kasama server, excellent specs for gaming, LCD lahat. HINAKOT lahat, keyboards lang ang tinira. Pagbukas nung may-ari, ayun, keyboards na lang ang nadatnan niya. Mejo malapit sa village namin yung shop na yun kaya nakikita ko, mejo sosyal ang itsura nung shop hehe... Pagdaan ko kanina, nakita ko nakaclose...Yun pala....
Ang suspect: YUNG BANTAY.Kasi nabuksan ng walang hirap yung shop, at concerned pa kasi sinara ulit pagkatapos hakutin. Customer ng shop dati yung nag-apply na bantay na yun. Masyadong trusting yung may-ari...
If I'm not mistaken, wala pa atang 3 months na nag-ooperate yung shop na yun.
Scary. Shocked talaga ako.
Never kasi kami kumuha ng bantay, HANDS ON talaga. Hindi kasi ako sanay ng may katulong. Lumaki ako ng di nakaranas ng maid sa bahay kaya gusto ko, ako lang ang gumagawa ng lahat, maski dito sa sarili kong business.
Marami nag-apply dati, pero sorry, hindi pa naman ako disabled, kaya ko pa.
Ingat kayo mga sis sa pagkuha nyo na bantay. Kung pwedeng relative nyo na lang sana, though minsan, di rin daw talaga maiiwasan ang 'matempt'. Okay lang kung matempt lang sa pera eh, wag lang yung ganun.
PRAY A LOT TOO.