watch now

Author Topic: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)  (Read 165398 times)

madhel

  • Guest
All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« on: March 22, 2009, 05:10:32 pm »
thread 6 po..

hanging question ko sa thread 5...

mga sis, magkano average monthly kuryente niyo?
im in my first month, natatakot ako baka magulantang ako sa meralco bill ko
8 PC ako
no AC
2 industrial fan

TIA!


naka LCD naman lahat ng monitors ko
sana di ganun kataas meralco bill ko
9am - 12am shop namin :D

madhel

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #1 on: March 22, 2009, 05:12:06 pm »
another question,

umiinit ba talaga ng sobra ang LCD monitor??
viewsonic 17W ang gamit namin, ang init agad with 3 hrs continuous use
natural ba yun>??
what should i do to prevent it?

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #2 on: March 22, 2009, 09:19:03 pm »
^ sis wala lang! ako naman mga LCD ko ang binababad ko wala pang AC ang shop ko magdamag electric fan ni hindi pa umaabot sa LCD ang hangin. pati sa server. natapatan pa ng araw. pag LCD ang gamit mas mura bill mo sa kuryente sigurado yan kasi 35-40 wats lang ang LCD 17 inch din ako sis may 19 inch pa nga ako eh. ako nga 4 lang LCD ko 5 ang flat screen CRT un. 2 industrial fan. pareho din tayo ng oras ang open at sara kunsumo ko lang 3-3500 a month.

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #3 on: March 23, 2009, 06:09:14 pm »
Thanks sis madhel for creating a new thread  ;D

Reposted from my the last thread
Some useful links:

Games:
SPECIAL FORCE: www.mygame.ph
www.e-games.com.ph
www.levelupgames.ph
www.mobiusonline.net
www.warrock.ph (may naglalaro pa ba nito? hehe)
http://highstreet5.com.ph

Various needs (pc parts, support, etc.):
www.tipidpc.com
www.ulop.net

Internet Cafe Timer recommended by sis bhabycj825:
http://www.handycafe.com/en/

Filtering software recommended by sis aoshi:
http://www1.k9webprotection.com/

PLDT DSL biz:
http://www.pldtdsl.com/smes.asp

Continuous Ink System (this is the one I'm using):
http://www.continuousink.com.ph/

Back to the question:
Ang kuryente namin usually around 3500 (during cold weather) to 5500 (summer na ito, AC maghapon!).

Samsung T220 (22") ang gamit ko dito, di naman madaling mag-init kung walang AC.

madhel

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #4 on: March 23, 2009, 07:30:53 pm »
got my bill
for 9 days, around 1200
mukhang tama nga kayo :D
sana roughly 3500 lang para pasok sa budget :D

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #5 on: March 25, 2009, 04:49:28 pm »
sagutin ko lang yung question ni sis ktintin sa previous thread

RE: PORN VIEWERS

Try installing Bluecoat K9 Web Protection. Freeware siya and you can filter out contents. Yan ginagamit ko sa shop for quite some time na, so pati mga attempts to download torrents/programs/mp3s/videos lahat naka-block. And most important, porn sites naka block.

Although yung iba sa youtube nakakalusot...so I still monitor the customer PCs every now and then.

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #6 on: March 27, 2009, 12:12:31 pm »
May E-Games Domination ek ek event na naman ah.... May balak ba kayong pumunta? ;D

madhel

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #7 on: March 27, 2009, 12:22:43 pm »
May E-Games Domination ek ek event na naman ah.... May balak ba kayong pumunta? ;D

^ ito po ba yung sa smx sa april 4?

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #8 on: March 27, 2009, 12:29:52 pm »
http://www.e-games.com.ph/content/portal/Home4.aspx

^yupz sis...  Last year andun kami sa MOA pero di kami nagpunta ni hubby, daming tao hehe.. ;D

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #9 on: March 27, 2009, 12:46:12 pm »
nope di ako aattend. may cosplay event and aattend yung model ng ZX so expect na jampacked ng fanboys ang event. no tenks.

Rosa Mystica

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #10 on: March 27, 2009, 08:37:59 pm »
good evening mga sisses. thread 6 na pala tayo.

nagbabalak pa naman ako umatend doon sa smx kahit malayo sa lugar namin. eh mukhang di yata advisable base sa mga posts nyo so di na lang ako aatend. mahiluhin pa naman ako. hehe ;D

ang left for dead po ba ay dinadownload lang sa net? sabi po kasi noong ahente ng my game, LAN game daw sya. eh sensya na po, ano po ba ibig sabihin ng LAN games?

yung po  pating dekaron game. iniinstall po ba sya? saan po kayo nakakuha ng installer.

sa totoo lang po yung ahente pa lang sf ang nakakapunta sa amin. yung iba game distributors di pa naliligaw sa amin.

haay nafrufrustrate lang kasi ako kasi parang ang engot ko sa mga games. actually sa sis ko yung computer shop pero dahil sa buntis sya di nya maasikaso yung shop at pati ang kanyang hubby na technician namin, di rin maasikaso yung shop. eh attach na ako sa shop. eh feeling ko parang napapabayaan na  ang shop kasi masyado maselan magbuntis si sis. ang mga keyboards namin na iba sira yung  "a" na key. tapos sf, gg,dota, gta, battle realms, counterstrike, nba 2008 lang ang mga games namin. feeling ko rarating na yung time na baka mabore sila sa sf at dota. tapos kainis kasi masyado malag ang sf sa amin ngayon. eh dati naman mabilis. ala pa kasi pldt my dsl sa amin. smart at globe pa lang. haay. di ko tuloy alam kung magpapadagdag na kami ng bandwidth since me balak na dagdagan ang pc namin from 4 magiging atang 8.
tapos pinapahananap ako ng mga alaga kong pasaway ng left for dead, dekaron, at yung nba na latest.

sensya na at dito ko ata feel lagi magrant . :'( ;D sana magreply kayo agad. thanks in advance....

« Last Edit: March 27, 2009, 08:40:18 pm by Rosa Mystica »

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #11 on: March 27, 2009, 10:28:09 pm »
^Sis Naka-DUAL CORE ka na ba?  Pag mababang proc pa, hindi kakayanin yung Left For Dead.  Binibili yung installer nun sis, and LAN stands for Local Area Network. 

Offline Network games: tulad ng DOTA, CS, Battle Realms, L4D

Ang L4D, pwede rin paganahin sa GARENA (formerly known as GG Client).

Maganda ang graphics ng NBA 2K9 pero mataas din na specs (mem at video card) ang kailangan nito para di magreklamo ng lag ang mga gamers.

Ang DEKARON, under Mobius: http://dekaron.mobiusgames.net/

You may DL the game installer there.  I've already posted links to where certain games may be downloaded.  Yung sobrang laki, pwede naman irequest sa LU/E-Games etc.

Kaunting tiis pa sis, ganyan talaga sa biz na ito.. Ako rin dati, aminado, nung first months namin, daming boo boos, daming stupid moments.  Pero pagdadaanan talaga yun para matuto.  Wala nga akong masyadong alam sa computer nun at sa pagpapatakbo ng biz eh.  Wala pang nagturo. Hindi pa ako member ng GT nun.  Grabe pag naiisip ko nga yung panahon na nagstart kami nakakaiyak pramis.  Lalo na pag wala ka pa masyadong alam nun  sa games tapos may naencounter kang epal na feeling na mayabang na know-it-all na customer!  Ay naku, sarap ipakain sa kanya ng bente pesos niyang pang-one hour! Hehe.. ;D

Post ka lang sis pag may problem okay? ;)

aoshi_01

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #12 on: March 27, 2009, 10:45:34 pm »
^sis ang LAN games are those that don't require an internet connection for them to play it. DOTA and Counterstrike are a few examples....

Naiinis nanaman ako...pasensiya na kung mag-rarant ako saglit ha.

Nakakairita lang yung kapag andito ako sa counter dire-diretso lang ang customer sa workstation as if invisible ako. Pero pag si boyfriend ang nagbabantay, todo galang sila sa kanya. And madalas siya pa ang napapagkamalan na owner. And to the point na ito na ang dahilan ng mga away namin.

/end rant.

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #13 on: March 27, 2009, 11:18:21 pm »
^Hi sis... Nako dito baligtad naman tayo.  Si hubby ko ang madalas di pinapansin ng customers, akala gamer lang siya or tambay sa shop.  (or bouncer haha):P

Nababadtrip lang ako kasi madalas marami akong inaasikaso tapos laging AKO pa rin ang tinatawag o tinatanong or whatever eh pwede naman nila tawagin ang asawa ko.  Nakakarindi din kasi yung "ATE! ATE! ATE!" eh kaya madalas sinasabihan ko sila na "SI KUYA NAMAN TAWAGIN NYO OH".  Siyempre nakasmile pa rin kahit sa loob loob ko "please lang, tigilan ninyo na akooooo" ::)

Pag may bagong pasok, I always, always greet them like "YUP?" or "MUSTA?" or "HALU" or "LONG TIME NO SEE!" or kahit anong banat.  It works naman kaya pagbalik nila lagi akong may "HI ATE!!!!!!!!!!!" ;D

Pati nga yung ibang may-ari ng mga shop dito na malapit, ATE tawag sa akin. ;D 

madhel

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #14 on: March 28, 2009, 11:57:58 am »
hahaha!
i can relate to all of you!
syempre kailangan may greetings ka rin
hello kuya! kumusta? 5 hrs ka uli?? :D

sa ngayon, LAN games lang muna kami
10/hr
wala pa kasing dsl
all i have i smart bro
mga hanggang 3 users lang muna ang allowed magnet
15/hr (yun kasi rate dito sa amin)

wala rin akong alam sa mga games :D
mabuti na lang summer, andito si bunso
siya bahala sa techies :D

aeon_flux_sulla

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #15 on: March 28, 2009, 12:08:29 pm »
Do you have to have knowledge with pc, techies etc to be able to start an internet cafe business?

btw, magkano puhunan for a starters?

madhel

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #16 on: March 28, 2009, 12:16:08 pm »
^ much better kung may alam ka
kasi malulugi ka kung everytime na may konting problem, tatawag ka ng technician
mahal sila maningil
ako, si hubby ang technician ko
siya na rin naginstall lahat
kami namili ng pc, siya nagassemble

9 PC kmi, excluding the server which is our old pc sa bahay

more or less 200k

-riarz-

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #17 on: March 28, 2009, 12:39:20 pm »
^^Sa panahon ngayon sis, talagang plus points kung techie ka pag may shop ka kasi malaki ang magagastos mo sa technician. 

Hindi ako makapagbigay ng estimate na puhunan, depende kasi sa inyo yan.  Kung may budget naman, taasan na ang specs ng mga PC para at least walang angal ang customers.  Kung umangal pa rin, may karapatan kayo magtaray hehe...

Ano bang karaniwang gastos?

* Of course, COMPUTERS. 
Kung may budget ka pang QUAD CORE, go!  ;D Kaya lang lugi ka naman dun sobra kung 20 per hour lang hehe... Siguro kung 70 o 80 per hour at nasa mall ka, pwede pa.  Dito sa shop, si hubby ang nagdedecide ng tungkol diyan.  Pero siyempre sa akin pa rin ang huling approval dahil sa budget hehe...  Dual Core or Core 2 Duo pwede na yun para sa latest games ngayon. ;)

* BUSINESS PERMITS.
Allow me Curse*** (haha sa mga shop owners, alam ko gets nyo ko haha)

* FURNITURE/OTHER EQUIPMENT
Yung computer tables, sana naman wag masyadong masikip, be considerate to your HEALTHY  ;D customers at baka magkapalit na sila ng mukha pag sobrang dikit.
Yung chairs, baka naman kaunting sandal lang, tumba agad.  Invest in sturdy ones, kung trip nyo yung monobloc, yung orig at matibay.
AIRCON.  Importante ito para di magreklamo ang customers at COMPUTERS.

teka, to be continued ha...

cyelo1

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #18 on: March 29, 2009, 12:02:18 am »
got my bill
for 9 days, around 1200
mukhang tama nga kayo :D
sana roughly 3500 lang para pasok sa budget :D

SIs, ang mura naman if more of less P3500 bill nyo,
electric bill naman namin sis is P5300

9 LCD units, cpu
1 laptop
3 industrial fan (no AC)
1 exhaust fan
opens 8am-12mdnight
***matutulog yung bantay sa shop overnight.

Grabe, magkano pa kaya aabutin nyan pag nag-AC na kami next month.

Anybody here who uses Mini SunPower Saver? Effective ba talaga yun? Kasi may nag-aalok samin, around P6000 each.

dezz

  • Guest
Re: All About INTERNET CAFE (Thread 6!)
« Reply #19 on: March 29, 2009, 12:08:50 pm »
^ ay ang mahal ng power saver mo sa akin ang kuha ko ay 5500, test mo na lang pero palagay ko its ok eh, kunin ko pa lang sya next month.
baka naman ang bantay mo nagbabad sa computer pag gabi! at fan pa! kasi ako bantay ko na eh! dahil dito na rin me natira sa shop ko may malaki kasing kwarto ako dito! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close