watch now

Author Topic: Bataan Resorts  (Read 194339 times)

shegothim

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #40 on: March 30, 2009, 10:43:32 am »
Sis try mo sa GOLD coast in morong... kasi ive inquired with them for april 4-5 at meron daw sila eh.. 1500 lang ang rate nila.. pero non ac ito.. baka like nyo dun.. Di na kasi kami mag morong eh since tuloy na kami sa zambales kasi may accommodation na kami don.. Mabait naman kausap ang owner ng gold coast..

sis, may website ba ang gold coast? balak kasi namin magswimming this summer. mura din kaya doon? ang dami kasi namin eh. atsaka pwedeng pa-pm ng number. thanks in advance sis.  :)
« Last Edit: March 30, 2009, 10:47:27 am by shegothim »

gorgeous_mommie

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #41 on: March 30, 2009, 11:12:46 am »
ay wala sila website sis..naku sorry naman.. di ko po na save ang number..u can try to search naman sa net sis..dito ko lang din nakuha number eh.. 100/hd ang entrance yata tapos 1500 ang cottage yon ang offer samin eh..

shegothim

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #42 on: March 30, 2009, 11:19:39 am »
room na iyon diba sis?

sige sis. search ko na lang. thanks din sa info. kailangan ko kasi ng murang resort lang. dami kasi namin. thanks again.

gorgeous_mommie

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #43 on: March 30, 2009, 01:32:46 pm »
yup is.. nipa hut daw ito... welcome po..

batang bantot

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #44 on: March 30, 2009, 02:14:45 am »
try niyo itong site sis:

http://www.beachresortfinder.com/gold-coast-beach-resort/

nakakahiya na naman ako, tiga bataan nga ako pero di ko alam yan.... sadness  :(

BAISANAN

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #45 on: March 30, 2009, 03:37:07 am »
kagagaling lang namin sa sunsetcove maganda sya, semi white beach, hindi mabato kasi puro sand lang...so dissappointed kasi sa umaga a lot of jellyfish talaga...may malalaki pa. the owner is accomodating pero di ko gusto yung pati sila even the staff ay labas pasok sa accomodation namin na family bungalow and very limited ang gamit ng electricity from time to time sinisilip ng may ari kung ano ang ilaw na nakabukas sa amin....for me kasi since rented naman namin yung place at hindi biro ang rate nila ha..tapos minomonitor ang paggamit ng kuryente....gas pag ginamit kahit saglit 500 ang singil.huh...i dont think na babalik pako dito.

bump

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #46 on: March 30, 2009, 03:48:05 am »
sorry ngayon lang nadaan ulit. white coral beach resort is very nice! worth it un 4,800 na room namin. it has 2 queen size beds plus free breakfast for 4. un food nila masarap.

enjoy kami sa beach lalo na nun nag low tide kasi we were able to go sa coral island. lalakarin mo lang. hanggang thigh lang un taas ng tubig. saka un mga tao hindi ganun kadami. the sunset was fab. dami namin nice pics. un shoreline nila parang bohol beach club un dating.

since dami nagswim sa fresh water saka mababa lang we chose un salt water pool. enjoy sobra kaming family. ok pa un staffs nila. mabilis silang sumagot sa kailangan mo.

we went to pawikan island to see the endangered species. grabe ang laki nun isa. aliw un baby turtles. dapat punta din kami sa white sand island kaya lang kulang na sa oras. we paid 120 para dun sa boat trip. kung pati sa white sand island pumunta kami 170. walang bayad un bata.

as for the waters of morong kumakain ng tao....masasabi ko lang lahat ng body of water kayang gawin un kahit saan pang lugar. kailangan mag-ingat ka lang. saka un boat ride may life vest ka. unfair kasi naman na ganun un sasabihin. kung oras mo na kahit ano pa or saan ka talagang go un na un.

may alam kayo private resorts in bataan?

sis, un tabi ng bataan white corals private sya. coral view ata un name

malayaako

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #47 on: March 30, 2009, 09:11:37 pm »
sis punta kami ng family ko sa bataan holy week excited na ako. san ba masarap kumain duon sis?  :)

bump

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #48 on: March 31, 2009, 11:39:40 am »
^sis, sa may morong kasi kami. walang mga resto when we asked un staff. puro carinderia.

san ba kayo sa bataan?

gorgeous_mommie

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #49 on: March 31, 2009, 12:55:22 pm »
Ask ko lang po baka may taga morong dito.. from morong gate ba in subic... pwd ba dumaan don papasok papunta ng ocean adventure at zoobic? kasi diba sa map parang ang lapit ng morong gate sa theme parks na ito? if pwede.. so pwd pala na ang way is after olongapo, ride a bus nalang going to morong then get down sa morong subic gate? then walk? tama ba po? pls paki clarify..tia

wkt

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #50 on: March 31, 2009, 01:00:45 pm »
sis, baby friendly ba yung white coral beach resort? fine ba ang buhangin or hindi masakit sa paa? how about yung water, ok ba na pang-swim?

hushbaby

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #51 on: March 31, 2009, 01:05:39 pm »
ui miss ko na beaches ng morong. 2 months ako nagbabad nung highschool sa beach sa morong. taga balanga kasi kami :)

joy2 okay yang white coral ah. mura na . pasilip ng pix!  ;D

bump

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #52 on: March 31, 2009, 01:12:13 pm »
gorgeous_mommie: from subic talaga sis ang daan. mas mabilis kung SCTEX daan compared mag San Fernando kayo.

wkt: oo sis. ok sya lalo na un kiddie pool. fine un buhangin hindi sya mabato.

chelle: oks talaga kasi hindi sya un very commercialized na beach. convert ko pa mare. lalaki ng files eh. post ko agad sa multi para makita nyo.

gorgeous_mommie

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #53 on: March 31, 2009, 02:50:26 pm »
i mean sis.. kung papunta ng zoobic etc,.. di ba pwede na sa morong gate mag enter? kasi based sa map eh malapit na sya?

bump

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #54 on: March 31, 2009, 04:05:44 pm »
^dun nga sis. as in sa forest ng subic. madaanan mo un way to zoobic safari.

b3ach3d

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #55 on: April 02, 2009, 07:35:31 am »
kagagaling lang namin sa sunsetcove maganda sya, semi white beach, hindi mabato kasi puro sand lang...so dissappointed kasi sa umaga a lot of jellyfish talaga...may malalaki pa. the owner is accomodating pero di ko gusto yung pati sila even the staff ay labas pasok sa accomodation namin na family bungalow and very limited ang gamit ng electricity from time to time sinisilip ng may ari kung ano ang ilaw na nakabukas sa amin....for me kasi since rented naman namin yung place at hindi biro ang rate nila ha..tapos minomonitor ang paggamit ng kuryente....gas pag ginamit kahit saglit 500 ang singil.huh...i dont think na babalik pako dito.

hindi mo maiiwasan yan, kung panahon ng jellyfish, may jellyfish talaga. sa resort din kung saan kami galing may jellyfish at wala rin kaming magawa.  :) sa may morong, bataan rin kami na resort pumunta last weekend. baka uso ang mga jellies ngayon.

sunset cove? yan ba yung malapit sa subic? i've been there before! paanong limited ang usage ng lights? we've been there before and we didn't encounter those problems naman.

maganda nga beach nila dun eh, malinis atsaka safe for the kids. di na malalim, di pa mabato.

but this time, we decided to try another resort lang para maiba naman.

BAISANAN

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #56 on: April 03, 2009, 10:08:18 pm »
yeah sis near in subic din,ok naman ang beach pero T.O. lang kasi yung owner dahil labas pasok din sa room namin.saka yung gas stove halos saglit lang namin nagamit naubusan pa ng gas pero we pay 500 parin.

stitz

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #57 on: April 04, 2009, 01:18:39 am »
i mean sis.. kung papunta ng zoobic etc,.. di ba pwede na sa morong gate mag enter? kasi based sa map eh malapit na sya?

map is deceiving(unless my km na nakalagay)...malayo siya lakarin from the gate i think. better ask the guards then if malayo nga take a cab. by car kasi from the main road to zoobic (left turn) medyo malayo din lalo na sa maglalakad. to ocean adventure naman derecho pa pababa...

baleleng

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #58 on: April 08, 2009, 07:45:49 am »
baka naman meron pa kayong alam na contact nos. (pa-PM na lang po) or websites ng mga bataan beach resorts yung medyo budget friendly sana... tnx in advance!

tinapay

  • Guest
Re: Bataan Resorts
« Reply #59 on: April 12, 2009, 12:10:27 am »
na-lurkey ako sa bataan trip namin last holy thursday, napaka-traffic! worse, sinara nila yung subic exit sa SCTEX! dinalupihan tuloy ang exit namin, ayun, halos nalibot namin buong city ng bataan bago namin narating ang morong!

we stayed at bataan white corals.  the place is huge.  parang ang daming accommodation na available.  the beach is medyo mabato nung hapon at maraming jellyfish and underwater plants (di ko alam kung ano tawag dito). come morning, maganda na yung beach. di na sya masyadong mabato.  yung bato naman nya is mostly corals na nadurog.  its not white sand, not din so fine pero pwede na.  i love their salt water pool, para ka na ring nasa beach.  di ko ata nakita or napansin yung jacuzzi nila.  i saw lang yung 2 fresh water pool, one for kids and one for adult.  wala naman syang katabing jacuzzi.

i'm not sure if its just holy week, pero walang toiletries and towels sa room namin.  sabi ni paolo (hotel staff), wala na raw talaga kasi inuuwi raw ng ibang guests.  may bayad pag naghingi ka but paolo gave it to us for free :)

i paid P12,250 for overnight stay with room of 2 queen size bed and 1 king size bed. Nag add kami 2 extra mattress, na kasya pa sa room. Price is inclusive of breakfast for 10 and 1k consumable.  our room is good for 6 lang at 10k+, may mga plus plus kaya umabot kami ng 12k+.  nga pala, yung food medyo mahal tapos ang konti ng serving.  sabi nila good for 3-4 daw yun pero mukhang good for 2 lang.  ang softdrinks nila na 1.5L P100 ang price tapos ang rice P20.  i think pwede kang mgdala ng food pero yung luto na.  may ref yung room namin.  yung ibang rooms i think may kitchen pa.

our experience there overall is average lang.  aside from the traffic, madalas pang mag brown out. brown out daw talaga nung araw na yun so naka-generator lang. e mukhang di kinaya ng generator yung dami ng tao.  mga waiters and waitress sa resto nila, medyo mabagal ang service.  yung iba at lost, nalimutan yung order namin or di sila familiar sa own food na sine-serve nila.  but i like their hotel staff, very accommodating. contact nyo si paolo, sya nag-asikaso samin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close