Author Topic: Do you ever regret marrying your Husband?  (Read 191101 times)

complicated_liz

  • Guest
Do you ever regret marrying your Husband?
« on: February 24, 2009, 05:49:19 pm »
I'm not sure if I'm posting it sa right thread.. But do you ever regret getting married to your Husband? Have you ever thought na sana hindi na lang kami kinasal?

Lately, I've been thinking that. Na sana hindi na lang kami kinasal, siguro mas happy ako ngayon.

Kayo?

kaiz

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #1 on: February 25, 2009, 12:08:57 am »
even nung magpapakasal pa lang kami, i wasn't sure kung tama ba papasukan ko. had second thoughts. sa day mismo na kinasal kami, hindi ako masaya. pero hindi ko alam bat tinuloy ko pa. inisip ko kasi yata na baka 'cold feet' ek ek lang ang nararamdaman.. hindi pala. i knew i'd regret that day. and yes i did.

raspberryglace04

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #2 on: February 25, 2009, 12:24:00 am »
^ naku ako din! ganyang-ganyan ang feeling ko!  ;D

clueless

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #3 on: February 25, 2009, 12:26:44 am »
i don't regret marrying him. i've become a better person in some ways because of him.

but sometimes when we argue, or when i get pissed, some of my what ifs in life come to mind, like sometimes i think what if i ended up with x instead of y, would i be in this same situation now? but at the end of it all, i realize na i chose well so no regrets.

but i think all these thoughts of mine are just so petty or childish. lumalabas ang pagka-brat ko minsan. baka siya pa ang may regrets.
« Last Edit: February 25, 2009, 12:56:45 am by clueless »

kaiz

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #4 on: February 25, 2009, 01:24:37 am »
^sis at least you bacame a better person because of him. eh sa akin naman, he brings out the worst in me, promise. i do not like what i've become dahil sa kanya. nakakahawa kasi yung pagiging violent paggalit, diba?

clueless

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #5 on: February 25, 2009, 01:32:20 am »
^ domestic violence is something i will not tolerate. pag ginawa sakin ng husband ko yan, isosoli ko siya sa mommy niya at babalik ako sa daddy ko.

mahirap yan sis, lalo na you have a baby. are you both doing something about whatever problems you have?

raspberryglace04

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #6 on: February 25, 2009, 01:36:51 am »
^^ naku sis ganyan-ganyan din ako! sa sobrang frustration ko, exasperation, desparation,at iba-iba pang me "tion" eh nagiging violent na ako! ilang away na namin na gusto kong paliparin lahat ng plato, kaldero, sofa at kung ano-ano pa sa direksyon nya.

nung mag-asawa na kami dun ko lang na-feel what adrenaline felt like. i swear! sa sobrang galit ko nabuhat at naitapon ko labas yung 2 mabibigat na sofa galing sa nanay nya na akala mo ordinary chairs lang yung tinapon ko. ay, as in! eh yung isa eh three-seater na mahaba at 2-seater yung isa pa. naku binuhat ko lang ng akala mo papel. eh nung ipinapasok sa bahay namin yun hirap na hirap yung asawa ko at yung driver ng truck.

he really brought out the worst in me. lalo pag ipon na ipon ang galit ko sa kanya at sa impaktong pamilya nya, feeling ko nag-aapoy ang buong mukha ko at gusto kong pumatay ng tao.

NightBelle

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #7 on: February 25, 2009, 02:10:48 am »
No. I'm so much happier now. :)

joey

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #8 on: February 25, 2009, 10:19:16 am »
^^ naku sis ganyan-ganyan din ako! sa sobrang frustration ko, exasperation, desparation,at iba-iba pang me "tion" eh nagiging violent na ako! ilang away na namin na gusto kong paliparin lahat ng plato, kaldero, sofa at kung ano-ano pa sa direksyon nya.

nung mag-asawa na kami dun ko lang na-feel what adrenaline felt like. i swear! sa sobrang galit ko nabuhat at naitapon ko labas yung 2 mabibigat na sofa galing sa nanay nya na akala mo ordinary chairs lang yung tinapon ko. ay, as in! eh yung isa eh three-seater na mahaba at 2-seater yung isa pa. naku binuhat ko lang ng akala mo papel. eh nung ipinapasok sa bahay namin yun hirap na hirap yung asawa ko at yung driver ng truck.

he really brought out the worst in me. lalo pag ipon na ipon ang galit ko sa kanya at sa impaktong pamilya nya, feeling ko nag-aapoy ang buong mukha ko at gusto kong pumatay ng tao.



natawa naman ako dito grabe ha ganun ba yun....

complicated_liz

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #9 on: February 25, 2009, 10:46:17 am »
@ raspberryglace04, sobrang adrenalin rush yan ha... wala pa naman ako sa puntong yan.. sana hindi ako umabot sa puntong yan..

@NightBelle, buti ka pa sis...

@clueless , buti ka pa, it brings out the best in you.. ako hindi ko na alam.. i'm totally lost... un mga what ifs then naiisip ko... same thing what if i ended up with x and not y. will i ever go through this situation or worst? mga ganung factor.. but what brings me back to my sanity is my son.. he's the only reason why i'm hanging on...

maristela

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #10 on: February 25, 2009, 01:30:58 pm »
hindi  ko pa  masagot 'tong  tanong  na to  sa ngayun...

billy

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #11 on: February 25, 2009, 01:41:25 pm »
my husband and i are married for almost 16 years now. we got married quite young, 22 lang kami pareho nun.

while i don't regret getting married to him, siguro sana hindi kami maaga nagpakasal. kasi there came a time (although probably not at the same time) na may mga gusto kaming gawin dahil hindi namin nagawa pareho, parang hindi pa sawa sa pagiging single, may temptations, may 3rd party/ies, nag-iba ang mga interests, pwedeng nagbago or nabawasan ang feelings sa isa't isa, as in nagsarili ng mga mundo.

madami kaming pinagdaanan to get to where we are now. i'd like to believe though that we've come full circle. we've accepted our faults and failures sa isa't isa, and believe me, sa pinagdaanan namin as a couple, kung mahina-hina kami, we could have gone separate ways a long time ago. and you know what, i just realized that pwede ninyo pa palang mas mahalin lalo ang isa't isa. i believe in love now than i do before.

sorry for a serious reply.

complicated_liz

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #12 on: February 25, 2009, 01:51:27 pm »
nice naman billy.. i hope in time :) i can also say that. :)

sweety_paige

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #13 on: February 25, 2009, 01:52:26 pm »
My husband brought out the worst in me, I swear, dati hindi ako nag iipon ng sama ng loob, hindi ako marunong mag compare and I don't know paano magmura, ngayon dahil sa kanya natuto na ako. Bad no?

There are times that I regret getting married, wished that I have married someone else instead, lalo na pag galit, sino ba ang hindi? Pero God gave me this person, I know he has his purpose. So, pag hindi na galit, okay na ulit. ;D

NightBelle

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #14 on: February 25, 2009, 03:32:19 pm »
Sis complicated_liz, thank you but to me, I really think that I don't deserve my husband. I'm not saying that he is perfect at hindi sa pagbubuhat ng bangko pero me hitsura asawa ko (maybe because he is of spanish and chinese descent din), matalino, matangkad at marami pa pero higit sa lahat - sobrang bait. Lagi ko siyang tinatanong kung bakit ako ang napili niya at lagi rin naman niyang sagot ay dahil mahal daw niya ako. Aaminin ko na parang kulang yung sagot niya na yun kaya pag wala na kaming mapag-usapan sa gabi eh yun na naman ang topic namin. Don't get me wrong, hindi naman sa wala akong bilib sa sarili ko pero sobrang swerte ko sa kanya na hindi ko tuloy maiwasan itanong sa kanya yun lagi. Aaminin ko na noong first year naming magsama sobrang selosa ako at pagni-nag ko na siya ang lagi niyang sinasabi ay: "hindi ko gagawin ang mali dahil ito ay mali at isa pa mahirap makarma." Ngayon, selosa pa rin ako pero hindi na sobrang selosa. Me mga ayaw din ako sa asawa ko pero tuldok lang ito kumpara sa magagandang qualities niya. Yung mga ugaling ayaw niyang mag-ahit araw araw - ganun lang kasimple. Minsan nga pag inis ako sa asawa ko at nagsumbong ako sa mama ko, ako pa ang pinagsasabihan na huwag maging palalo at palampasin na lang kasi nga simple lang ang mga ito at higit sa lahat walang taong perpekto.

Nasubukan ko na rin kung hanggang saan ang itatagal ng pasensya niya. Nagalit din siya at ng pinu-push ko pa na lalong magalit ay napaiyak na lang siya sabay sabi na ano daw ba ang nagawa niya at biglang ganoon ako sa kanya. Minsan, nasabi ko pa na ang bait niya parang hindi siya lalake. Sabi niya, hindi daw mga bisyo ang batayan at hindi ang pagiging mabait na lalake ang mga rason para ang isang lalake ay masabing bading.

Hay naku, out-of-the-topic na at ang haba pa ng kwento ko. Pasensiya na.

kaiz

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #15 on: February 25, 2009, 07:48:07 pm »
My husband brought out the worst in me, I swear, dati hindi ako nag iipon ng sama ng loob, hindi ako marunong mag compare and I don't know paano magmura, ngayon dahil sa kanya natuto na ako. Bad no?


aside sa mga na enumerate mo na sis, i stopped din going to church because of him. lagi niya kasi akong sinasabihan before na "simba ka ng simba, wala namang naitutulong yan!"

raspberryglace04

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #16 on: February 25, 2009, 09:06:15 pm »

natawa naman ako dito grabe ha ganun ba yun....



mas matatawa ka sis nung after umalis ng asawa ko just to avoid yung away namin... hindi ko na mabuhat kahit yung 2-seater na sofa!

umaambon na kasi (wala pang bubong yung garahe namin that time) and i thought mas malaking problema kung ma-basa yung sofa so tina-try kong itabi sa part na me bubong pa. sus ni hindi ko ma-lift yung one end!  ;D

kaya nga dun ko nalaman na it was pure adrenaline dahil sa sobrang galit!

me_boo

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #17 on: February 26, 2009, 07:36:05 pm »
uhmm hindi ko masabi may times na ganun..haaayy

girlracer41

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #18 on: February 26, 2009, 07:48:57 pm »
Sometimes..

RonaWeasley

  • Guest
Re: Do you ever regret marrying your Husband?
« Reply #19 on: February 27, 2009, 03:00:02 am »
minsan pag nagkakaasaran kami, gusto ko sya isoli sa nanay nya hahaha pero pag nahimasmasan na ko, ang babaw lang naman ng reason. in the end, maiisip ko pa rin na kung ano ako, kahit ano pa mga flaw ko, tinanggap nya ko. kaya dapat lang din ganun ang gawin ko :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close