We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Im getting married on the 17th of August. Its going to be a Civil Wedding and I want it to be like a proper wedding... although our Church wedding is going to be in the Philippines. We have a wedding party of only 20- 25 guest. Should we still have cake cutting , toast and throwing of bouquets etc.??
Hi mga sis pa help naman kung ano ano mga step by step process para makapag civil wedding? ano ano requirements my guy is a spanish citizen any idea kung ano yong mga dapat naman unahin sana asap kasi next month na ang uwi nya. and ilan days normally ang pag file ng application? thanks in advance
hay salamat sis yan ang need ko step by step, so need pa namin ng affidavit ng legal capacity ni fiancee kahit merun na sya nakuha sa spain? cenomar na lang need ko the rest ok na. and need pa ba namin mag seminar after namin mag file ng marriage license? wihtin that day lang ba yong seminar ?after 10 working days ready na yong marriage license namin? may alam ka ba sis na legal na pwede magkasal reverend/pastor judge na pwede mag officiate ng wedding namin?and madali lang ba kumuha ng cenomar sa NSO? makukuha ko din ba agad? and sa pag file ng marriage license mabilis lang ba or mahaba ang pila? sensya na sis sa dami kong tanong clueless ako. ako lang kasi ang nag aayos sa lahat since si fiancee wala pa dito kaya ako lahat incharge sa preparation nakaka windang hay hirap pala hehe
Your welacome sis!yes need nyo po talaga ang affidavit na yan kasi yan ang required to obtain Marriage license not the one from the spain. dalhin mo na din pero yun kay hubby di naman hinanap.yes need nyo rin mag attend ng seminar kasi yun attendance nyo dun ay 1 din sa requirements para mabigyan kayo ng M.L. pagkatapos nyo magseminar dun pa lang magstart ang bilang ng 10days. kaya tawag ka muna sa munipyo mo kung san ka nakatira at tanung mo kung anung araw sila nagcoconduct ng seminar...half day lang yun sa amin ni hubby...(9am-12nn) after 10days OK na yun M.L nyo at pwede na kayo magpakasal kahit san man part ng pilipinas. sori po wala ako kilala judge,pastor etc. kasi mayor ang nagkasal sa amin sa cityhall.regarding with NSO cenomar madali lang..5 days ang release nun.kaya kuha kana. madali lang din mag apply ng M.L..nun kami ni hubby kami lang eh..hehe! LUCKY! ganyan din ako nun lahat ng research dito sa net ginawa ko..kaya nun umuwi si husband nakaskedule na kung [textspeak!] dapat namin gawin..kaya mo yan sis wag mawindang para mabyuti pa rin sa araw ng kasal.. eto binayaran namin.CENOMAR NSO 195pesosseminar fee 200pesossolemnation fee 100M.L 200pesos san ang reception mo sis? ako din kasi 30 pax din budget less than 50k lang lahat lahat na, pero gusto ko kasi garden wed sa mismong hotel na merun kaya nun. right now wala pa ako kasi nauumpisahan canvass pa lang nagagawa ko waaaaa
hay soo much thanks talaga sa help, so pagdating nya punta muna kami sa spanish embassy para sa affidavit ng legal capacity nya? correct ba sis? san ang reception mo sis? ako din kasi 30 pax din budget less than 50k lang lahat lahat na, pero gusto ko kasi garden wed sa mismong hotel na merun kaya nun. right now wala pa ako kasi nauumpisahan canvass pa lang nagagawa ko waaaaa
yes sis korek ka jan! sa max lang sis may mga package sila. di na kami nag effort ni hubby kasi magpapakasal kami uli sa church kaya dun na lang kami babawi. btw with your budget maganda na yan for 30 pax lang mag inquire ka din sa intramuros madami dun masarap at maganda pa at pasok sa buget mo...check mo lang to sis kung gusto mo..http://www.newhorizonhotel-manila.com/celebrations.php#weddinghttp://www.cherryblossomshotel.com.ph/banquets.phphttp://www.citystatetowerhotel.com.ph/functions.html
thanks sis. sa max ba pwede gawin dun reception at ceremony? ok sana yong mga hotel na binigay mo kaso gusto ko sana included na dun sa package ang gown photo/video etc. yun ang hanap ko. merun na kasi nabili ring si fiancee. para ang aasikasuhin na lang namin pagdating nya is yong pag file ng marriage license.
hi sis may nakita na akong wedding package 50k na all in na included na reception,ceremony,foods, gowns,photo,video ,hmup, etc. simple vanity event taga dito din sya sa GT, pero wala pang kasamang prenup kaya hanap pa ng prenup package. isip ko mas ok na package para wala ng stress by the way sis gusto ko malaman kung magkano lahat nagastos mo sa pag file ng marriage license magkano binayaran mo lahat lahat at pati sa nakuha mong nag officiate ng wedding mo? kasi ako may nag offer naluka ako ang mahal sabi ko ako na alng mag aayos kung madali lang ba ang proseso like how much step by step ang wala lang sa akin cenomar, brgy clearance,cedula, postal id yn lang may nag offer sa akin sya na daw bahala kumuha ng brgy clearance postal id, cedula, ang sinisingil sa akin 4k? reasonable ba eto parang ang mahal magkano lang ba ang kumuha nun diba mura lang?kakabadtrip lang kasi pag nalaman nilang foreigner h2b mo, tatagain ka sa presyo masyado sila nananamantala e ayaw namin naman masyado gumastos ng malaki kasi may church wedding pa naman next year kaya for now civil na muna.
Wow sis good! maganda yan para stress free kana..Btw yung nagastos ko sa pagkuha ng Marriage license;seminar fee=200.00Marriage license =200.00 Munisipal hall...mayor nagkasal sa amin 100.00CENOMAR 195.00Yun B.C ko meron na ako dati kaya yun na lang ginamit ko.yan lang sis nagastos ko..ganito thursday kumuha kami ni hubby ng legal capacity nya sa canadian embassy ,then friday pumunta kami munisipyo para mag aaply ng M.L. kinuha sa akin CENOMAR at B.C lang photocopy pero tiningnan din yung original, kay hubby naman yun legal capacity, photo copy ng passport, canadian citizen card, divorced certificate if divorced. bayad kami ng 200 pesos at pinabalik kami ng tuesday dahil yun lang yun sched nila ng seminar. balik kami ng tuesday 9am-12nn for seminar then bayad kami 200 pesos..after that wait kami ng 10 working days for releasing of M.L. after 10working days balik uli kami at nakuha agad namin ang M.L at the same day nag pa schedule na kami ng kasal kay Mayor and pay 100 pesos..after 2 days agad ang kasal namin...sa max resto po ang reception... so ganun lang po..sana po di ka naguluhan..hehe! oh kung below 25 yrs old pala may additional requirements pa nakalimutan ko lang kasi di naman applicable for me. GOODLUCK!
hi sis thanks sa lahat ng info na binigay mo . ako din dina applicable sa akin ang 25 yrs old below hehe so iba pala sayo ang reception at venue mo mura naman ng binayad mo sa mayor na nagkasal sa inyo 100 lang hehe gusto ko na din sana gawin yong ganun sa office na mismo mag officiate din saka punta ng reception kaso yong mga guest baka mapagod at sa mga sasakyan pa. kaya sa akin iisang venue na lang. ang need ko ngayon e maghanap ng pastor, priest, judge na pwede mag officiate ng wedding namin outside at willing namin sya dalhin. hay kaka stress
oo nga sis yun din ang problem ko, kasi kahapon galing me ng caloocan city hall kumuha ng form ng marriage license, sabi nila dapat daw mas ok pag mismong ang venue is caloocan na din para directly ma ipasok agad nila sa civil registry yong marriage license namin kasi daw baka sa qc ma file yong marriage certificate namin at dapat daw ang magkasal yong taga mismong caloocan mismotapos advice nila sa akin dun mismo sa caloocan city hall na matagal daw bago marelease ang nso na marriage certificate e plan ni h2b na makuha ako before christmas, kaya nag oofer sila na sila na lang mag arrange lahat ng papers namin para mapabilis para 1 month daw makuha na namin ang marriage certificate na galing mismo sa nso kasi yun ang need sa embassy teka ot na sis mag pm na lang tayo hehe.
kami sis kasi ganun ginawa namin pagkakuha namin ng M.C apply agad namin para sa sked ng kasal city hall. kaya after 2 days naikasal na agad kami. at regarding dun sa NSO M.C mabilis lang yan yung sa amin ni hubby August 17 kami kinasal Sept.23 nakuha ko na agad sa nso ang M.C namin at ako lang nag ayos nagastos ko 200 pesos sa advance indorsement at 140 pesos sa NSO M.C.yun lang..wag ka padala sa mga nagsasabi ng matagal especially alam nila foriegner si hubby mo..hala ot na to..sige pm me lang pag may tanong ka..
may nacontact na ko na judge mga sis im so happy. sya yung nagkasal sa anak ng friend ng mom ko and kahit sang place pala sya pwede dalhin kaya matutupad na ang dream program ko hehe