Hi sis koline...am so grateful for meeting you here...lahat ng thread pag ikaw nababasa ko all eye opned talaga ako hehe.. avid fan mo na sa mga business strategies..
and one more thing...thank you so much sa lahat ng inspiring advises mo sa amin ha....godbless
go go go sis! kaya mo yan!
location: coron- i suggest na i-survey mo muna yung place. in case marami ng agencies dun, wag ka matakot, puwede ka din magtayo ng travel agency pero focus ka sa tour packages. puwede kaming maki-tie up sa yo hehe. madami kase kaming clients na gusto puntang coron...then pag dito bandang north of luzon naman ang clients mo puwede mo ibato sa amin haha.
sa umpisa siguro kelangan mong bantayan ang agency. lalo na kung baguhan din ang tao mo. better if meron kang mapipirata na empleyado ng ibang agencies in coron. hindi ka na mahihirapan magtrain ng tao.
advantage na pauwi uwi ka ng Makati, kase puwede ka tie up sa mga IATA sa Manila. makakausap mo sila in person. ganitong negosyo puro online naman ang transactions e.
with regards to NSO authentication, DFA Red Ribbon, Passporting etc, i suggest puntahan mo yung mga offices na pinakamalapit sa Coron. I mean, dun sa NSO office na pinakamalapit sa pagtatayuan mo ng agency. Itanong mo dun kung puwede ka tie up, and I am pretty sure na maraming lalapit sa yo, racket na din nila yan hahaha.
sa passporting, since mag uumpisa ka palang, tie up ka muna sa mga agencies na malalapit sa lugar mo, sigurado bibigyan ka nila ng slots. After 4 years puwede ka na diretso sa DFA.
madali lang mag establish ng ganitong business. basta mag open ka lang ng office, iregister mo sa city hall for business permit, maglagay ka ng mga streamers, magpamigay ng pamphlets, at sigurado pupuntahan ka ng mga IATA.
at first, 1 IATA lang contact namin, sa katagalan at sa dami ng nagpupunta sa office e nasa 3-5 IATA na ang contacts namin. bakit madami? minsan kase iba iba rates nila na ibibigay sa yo, sympre kelangan mo magcanvass ng lowest tikets to impress your clients hehe.
sa mga tickets naman puwede kang online muna, basta may CC ka tatakbo na yang agency mo sis.
Goodluck!